CHAPTER ONE
Nagkandadapa ako sa kakatakbo para maabutan ko si Mrs. Lewis. Umaabante na ang sasakyan niya nang makalapit ako.
"Mrs. Lewis!" At kinatok ko ang bintana sa tabi ng driver's seat. Binaba naman nito agad iyon.
"Yes, dear?" tanong niya sa akin in her regular, seemingly polite British accent.
"You forgot to pay me," sabi kong hinihingal. Nagtaas ng kilay ang donya.
"I didn't?"
Naku, hwag na kayong magmaang-maangan pa! Matandain kaya ito. I was not hired by ABC Bank as their financial manager kung makakalimutin ako.
As soon as I remembered my previous job, an inexplainable sadness engulfed my entire being. Parang kailan lang nasa Pilipinas ako at nagmamando sa mga tauhan ko sa bangko. Ngayo'y nasa UK na at isang---utusan.
Bumalik sa kasalukuyan ang isipan ko nang bigla na lang naghagis ng tatlong perang papel si Mrs. Lewis. Parang may sariling pag-iisip na biglang tumakbo na naman ang mga paa ko para habulin ang mga iyon na nilipad na ng hangin. Mabuti't nahuli ko pa. Nang makita kong thirty pounds lang ang mga iyon, nilingon ko ang kotse ng matanda. Pero palabas na ang la traidora sa compound niya. Sinigawan ko na lamang ito.
"Mrs. Lewis, these are not enough! You owe me a week's wages!"
Ni hindi huminto ang bruha. Napabutonghininga ako. Napatingin uli ako sa perang papel na hawak-hawak at malungkot na nilisan ang bakurang iyon. Alas siyete na nang umaga. Kailangan ko nang magmadali para makahabol sa next job ko bilang tagalinis ng isang beauty salon sa kanto. Susko, thirty minutes na lang at late na ako. Bwisit talaga ang matandang iyon! Kung alam ko lang na kulang naman pala ang ipambayad sa akin ngayon, disin sana'y hindi na ako nagising nang maaga kanina para maglinis ng bahay niya. Nakakaimbiyerna!
Habang naglalakad, kinukuwenta ko na sa isipan kung paano pagkasyahin ang natanggap na sahod nang linggong iyon. Kailangan ko pa namang magbayad ng three hundred fifty pounds na share ko sa renta sa bahay. What to do, Lord?
"Ay palaka!" bigla na lang ay naisigaw ko.
"Watch your step, honey," sarkastikong asik ng mamang bumangga sa akin.
"Anong watch your step ka riyan? Ikaw nga ang bumangga sa akin e!" sigaw ko sa kanya. Nilingon niya ako at binigyan ng dirty finger. Nang tumambad ang pagmumukha niya, nagulat ako. Bigla akong napasigaw ng, "Tom? Tom!"
Napamulagat siya. Nang ma-realize niya kung sino ako bigla siyang tumawid kahit hindi pa dapat tatawid ang pedestrian. Nahagip siya ng rumaragasang sasakyan. Nagsigawan ang mga tao. Pero wala nang mas lalakas pa sa sigaw ko.
Mabilis pa sa alas kuwatrong may dumating na mga paramedics at sinakay sa ambulance si Tom. Ang perang natanggap ko kay Mrs. Lewis ay pinangtaksi ko pa para masundan ang hayop na lalaking dahilan ng pagkakasadlak ko sa kahirapan sa London. Kahit na galit na galit ako sa hinayupak, hindi ko pa rin maiwasang kabahan sa nangyari sa kanya. Na-guilty pa ako dahil ako ang dahilan kung bakit siya nabangga.
After like an eternity, napag-alaman ko sa isa sa mga nurses sa pinagdalhang ospital kay Tom na nakaligtas siya sa panganib. Kaso nga lang dahil nasa recovery room pa, walang sinuman ang pinayagang makasilip dito, pwera na lang sa mga malalapit na kamag-anak. Nakita ko ang mommy niyang dumating na humahagulgol. Napag-alaman kong mommy niya ang mestisahing Pinay na dumating dahil narinig ko ang pagpapakilala nito sa nurse na nasa information desk. May kung anong pait na lumukob sa akin nang makita ko na ang babaeng ginamit ni Tom na dahilan para bigla na lang akong iwan sa coffee shop. Sa tindig nito at lakad sigurado na akong kasinungalingan lang noon ang sinabi ng hinayupak tungkol sa aksidente. Naglahong parang bula ang guilt feeling ko at napalitan iyon ng matinding galit.
Mahigit pitong oras din ang pinaghintay ko sa pagpapalit ng shift ng mga nakatokang staff sa information desk. Ilang beses kasi akong lumapit sa unang shift, pero tinanggihan talaga ako. Pagkaupo ng panibagong tao sa likod ng computer screen, lumapit agad ako.
"Hi there!"
"Yeah?" parang tinatamad na tanong ng babae. Ni hindi man lang ito tumingin sa akin mula sa pagtitipa niya sa keyboard.
"I'd like to know if there's a Tom Fuentes admitted here."
"Tom Fuentes? Nah."
Mabilis na nag-isip ang utak ko. "Oh, sorry. That was his nickname. I mean, Thomas Fuentes. Yes, that's right. Thomas Fuentes."
Tumingala na sa akin ang staff at pinaningkitan ako ng mata. Nanuyo ang lalamunan ko lalo pa nang padausdusin nito sa kalagitnaan ng ilong ang eyeglasses at titigan ako na para bang duda sa akin. Nanlilisik pa ang asul niyang mga mata.
"Only relatives are allowed to visit the patient. Sorry." At bumalik na naman ito sa pagtitipa.
"I'm his fiancee."
Nagtaas siya ng kilay. Hinanapan niya ako ng singsing. Napakamot-kamot ako sa ulo. Uuwi na sana akong luhaan nang maalala ang marami naming photoshopped pictures na magkasama sa FB page ko. Dali-dali kong kinuha ang cell phone at pinakita sa kanya ang mga larawan namin ni Tom. Pinaliwanag ko sa kanya na hindi pa kami nakabili ng singsing dahil pinag-iipunan pa namin iyon. Akala ko hindi pa rin niya ako paniniwalaan pero nagulat na lang ako nang sabihin niya sa akin ang numero ng silid.
Nagulat ang mom ni Tom nang makita akong pumasok.
"Hello, Mrs. Fuentes," masigla kong bati.
Nakita kong namutla ang kagigising lang na si Tom.
"Do I know you?" tanong ng babae sa tonong aristokrata.
"No. I guess Tom here didn't tell you about me. I'm Aalia. Aalia Carlson, his fiancee," pagpapakilala ko pa at inunat ko ang kamay para makipagkumusta sa matanda. Nangunot ang noo nito at napatingin agad sa anak. Nagtatanong ang mga mata. Napalunok nang ilang beses si Tom. Hindi ito nakapagsalita. No'n naman may biglang pumasok. Isang matangkad na lalaking may blonde hair. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kung hindi ako magkakamali ay ito ang bwisit na guwapong blonde na nang-iwan din sa akin noon sa harap ng coffee shop sa York. Kung sinuswerte ka nga naman, oo! Mato-two birds with one stone ko na sila! Pareho ko silang masusumbatan ngayon!
"She's just kidding, Mom," parang namamaos na sagot ni Tom. Napalingon ako sa kanya at nakita kong napangiwi ito nang gumalaw-galaw. Aside from the bandage around his head and chest, mukhang wala namang malubhang nangyari sa hinayupak. May kaunting malat ang boses pero mukhang sing lakas pa ng kabayo. Gusto ko tuloy siyang sugurin at hambalusin ng kupasin kong shoulder bag.
"She's actually---N-Nathan's girl---I mean fiancee!"
"What?!" halos sabay naming naibulalas ng bagong dating na blonde. Napatitig sa akin ang tinawag na Nathan at nangunot ang kanyang noo.
"You?!" ang sabi pa na tila gulat na gulat. At least naalala ako ng damuho kahit mahigit isang taon na ang nakalipas. In fairness, unforgettable ang beauty ko!
Unang nakabawi si Mrs. Fuentes. Kaagad na umaliwalas ang ekspresyon sa mukha ng ale. Napangiti pa siya nang todo at niyakap ako.
"Oh, my good friend Alex will be thrilled."
"What? Wait! My fiancee? Bloody hell, no!" galit namang sagot ni Nathan. Tumaas na ang boses. Nilapitan nito si Tom at pinakitaan ng kamao. "If you're not bloody hurt right now, I really wanna give you an uppercut!"
Napabungisngis si Tom.
"Ouch! Shit, man. I'm hurting," sabi pa nito at napangiwi na naman. Patuloy pa sana sa kakaratatat niya si Nathan nang bigla na lang may lumabas na dugo sa bunganga ni Tom. Nataranta agad si Mrs. Fuentes. Nagtatawag ito ng nurse. Si Nathan ang nakaalalang pumindot sa call button sa gilid ng kama ni Tom. A few seconds later, humahangos na dumating ang dalawang nurses na nakatoka kay Tom.
**********
Ayaw maniwala ni Mrs. Fuentes na hindi kami magkakilala ni Nathan. Kahit anong esplika namin na si Tom talaga ang fiancee ko, ngumiti-ngiti lang ang matanda.
"Huwag ka nang magkaila, iho. Alam kong nakapagsabi ka noon sa amin ng mommy mo na hinding-hindi ka iibig sa Filipina pagkatapos ng mga nangyari sa iyo, hindi naman namin iyon ipapamukha sa iyo," sabi pa nito sa tuwid na Tagalog. Hindi sana ako nagulat doon kasi alam ko namang Pinay siya kaya marunong siya managalog pero ang ikinagulat ko ay ang sagot ni Nathan na purong Tagalog din. Nakakaintindi at nakakapagsalita ang damuho ng Tagalog!
"Hindi ako nagsisinungaling, Mrs. Fuentes. Fiancee ito ng magaling ninyong anak!" At tinuru-turo pa ako ng damuho. Hinampas ko ang kamay niya.
"May pangalan ako! Aalia! Yes, that's right. A-a-l-i-a. Aalia."
Tinitigan niya ako nang matiim pero hindi na nagsalita pa.
"Bueno, now that Tom's okay, we can all go home and rest. Take care of your fiancee, hijo. Be good to her. I'm pretty sure your mom will be happy to hear that finally you've find the one," may himig panunudyo pang sabi ni Mrs. Fuentes bago nagpaalam sa amin.
"Mrs. Fuentes! Teka lang po!"
Hinarangan ko siya.
"Kaya po ako narito dahil gusto ko po sanang kunin ang maleta kong tinangay ni Tom nang araw na nagkita kami."
Napasulyap si Mrs. Fuentes kay Nathan. Parang nagtatanong kung ano ang pinagsasabi ko.
"She's Tom's online fiancee, Aunt Emily. He left her on the day they met in person because she didn't look like the girl in the photo she sent him," sabat ni Nathan. Lumapit din siya sa amin.
Napamulagat ako sa narinig. Napaawang pa ang mga labi ko. Kutob ko lang noon ang mga sinabi niya. Ngayong napatunayan kong totoo pala'y parang tinurok ng karayom ang puso ko. Ang ibig niyang sabihin napangetan sa akin si Tom in person? Shit, walang kasing hapdi! Magbe-break down na sana ako nang may parang munting boses akong narinig na nagsasabi ng, Huwag kang umiyak babae ka! Sinasabi ko sa iyo, hwag kang umiyak dahil kung sisige ka, kukurutin kita sa singit!
"Again?!" tila hindi makapaniwala si Mrs. Fuentes. Pero ang napansin ko sa reaksiyon niya ay ang sinabi niyang "again". Ano'ng ibig sabihin nito?
"That's right," kalmadong sagot ni Nathan. "Again," ulit niya pa sabay tingin sa akin.
"Please stop confusing me!" sabi ko sa kanila. Napataas na rin ang boses ko. Nailagay ko pa ang dalawang kamay sa ulo sa tindi ng dating ng samo't saring emosyon. Base kasi sa palitan nila ng salita, hindi lang ako ang pinangakuan ni Tom ng kasal.
"You need to know that the guy in there promised marriage to three other unsuspecting Filipinas from the Philippines! All three went home when they discovered he was not really into them. But you---I cannot believe you! I was thinking you were already back in your home country by now. Why are you still here?"
Gusto kong magwala sa natuklasan, pero pinilit kong magpakatatag.
"How could I just go back? I left my job, my friends, my family, and my entire life back home just to come here for him! And he still got my luggage and my jewelries!"
"Tom may be a ruthless pig when it comes to women but he's not a thief," sagot agad ni Mrs. Fuentes na ikinagalit ko lalo.
"That's what you thought! Your son is not only a goddamn liar, but a thief, too!"
Napakislot si Mrs. Fuentes. Hindi yata nagustuhan ang sinabi ko. Pero pake ko ba? Kailangan kong makuha ang mga gamit ko sa hinayupak niyang anak.
"Punyeta!" naibulalas ni Mrs. Fuentes. Parang sa sarili lang nagmumura. Nakatingin na ito ngayon sa entrance. Niluwa ng revolving door ang humahangos na matandang lalaki na sa tingin ko'y Pinoy din. Habang papalapit ito sa amin, mabilis na binulungan ni Mrs. Fuentes si Nathan na huwag daw nitong sabihin sa asawa ang tungkol sa akin.
"Why not?" sabat ko agad na binalewala lang niya.
Napasulyap sa akin ang bagong dating bago humalik sa pisngi ng asawa.
"I've heard about what happened to Tom. Where is he now?" nag-aalalang tanong ng lalaki.
"He's all right now," sagot ni Mrs. Fuentes.
"Are you sure? And why are you guys here in the lobby?"
"The doctor told us to let him be for a while. He needs to rest," sagot uli ni Mrs. Fuentes. Tumingin na naman sa akin ang asawa niya. Napansin din iyon ng ginang kung kaya napilitan itong ipakilala ako. "By the way, this is---"
"Aalia," sabi ko.
"Yeah, Aalia. Uhm, she's---Nathan's fiancee."
"What?!" halos sabay na naman naming sagot ni Nathan. Sinenyasan kami ng babae na huwag na raw kaming kumontra. Napatingin uli ang asawa niya sa amin at parang magtatanong pa sana, pero mabilis na siyang nailayo ni Mrs. Fuentes. Nauna na silang lumabas ng ospital. Tumalikod na rin sana si Nathan para iwanan ako, pero hinabol ko siya.
"Hep, hep. Not so fast, Mister. You need to give me your phone number so I can call you to contact your friend. I badly need those luggage!"
Tiningnan niya lang ako nang masama at dali-dali nang pumunta sa kotse niya. Sinundan ko siya. Pagpasok niya sa loob, binuksan ko rin ang passenger seat sa tabi niya at pumasok din sa loob. Inangilan niya ako.
"Unless you give me your phone number and address I will not get off."
"Why didn't you ask Tom about that when we were in his room a while ago?"
"You've seen what happened, right? C'mon! Give me your phone number!"
Tinitigan niya ako nang matagal. After a while, ngumiti siya sa akin at nagsabi ng, "I knew it. You want me to think you were just interested to get your luggage back but the truth is, you just want my number."
"Ano'ng pinagsasabi mo riyan?!"
Pinaandar na niya ang makina ng sasakyan at pinaharurot na ito sa kalye.
"Hoy, teka! Ibaba mo muna ako! Saan mo ako daldahin?"
Hindi na niya ako sinagot pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top