CHAPTER THREE
Nag-init ang pisngi ko nang magtama ang paningin namin ng bagong dating na hunk. Hindi tuloy ako naka-react sa ginawa ng hayop na Nathan. The guy looked like Nathan's older version. Kuya kaya niya ito? Pinanuyuan ako ng laway sa klase ng tingin niya. Naku, mukha pa naman siyang conservative! Baka iniisip niyang ang cheap-cheap ko na!
"What's going on here?" tanong ng lalaki sa mahinang tinig, kay Nathan na nakatingin. Bumalik sa sala ang mom ni Nathan at magiliw nitong sinalubong ang bagong dating. They kissed on the lips. At no'n ko napagtanto na dad pala niya ang guwapo ring blonde. Hmn, good looks run in the blood.
"Did Nathan already tell you? He's engaged, babe!" excited na balita agad ng mom niya sa kanyang dad. Nakita kong naningkit nang bahagya ang mga mata ng lalaki. Napasulyap ito sa akin and he scowled at Nathan. Kinabahan tuloy ako. I have a feeling na hindi niya ako gusto.
"Mom," saway agad ni Nathan sa ina. May sinabi ito sa kanya sa lenggwahe na hindi ako pamilyar. Lalo tuloy sumama ang tingin sa kanya ng tatay niya. Nagsalita rin ang ama sa ganoon din sigurong lenggwahe at mukhang nagtalo silang dalaawa. I've never felt so uncomfortable. Buti na lang nandoon ang mom niya at sinaway sila.
"I'm sorry about that Aalia. Nabigla lang ang asawa ko sa balita. You see, we never thought our son would ever get married, much more to a Filipina!"
"Hindi nga ako mag-aasawa, Mom! Sinabi ko na sa inyo iyon!"
Nag-excuse ang dad ni Nathan at tumungo ito sa kusina. Tinawag niya ang anak na sundan siya nito. Naiwan kaming dalawa ng mom niya sa sala. Pagkaalis nilang dalawa, mega-explain na ako ng tunay na dahilan kung bakit ako nandoon. Tila na-disappoint ito nang matapos akong magkuwento.
**********
"She's not even my girlfriend, Dad!"
"Then why did you do what you did to her?" Nakahalukipkip na si Dad at ang sama-sama na ng tingin sa akin. "I know you're already an adult and I shouldn't meddle in your affairs, but it seemed like you are not going anywhere where relationships are concerned. And now this---"
"Nagawa ko lang naman iyon dahil pinagpipilitan niyang bading ako at may relasyon daw kami ni Tom. Ang gunggong kasi na iyon!" sabi ko sa Japanese at napakuyom ang mga palad ko.
"Are you still friends with that guy?" Nag-iba na ang ekspresyon sa mga mata ni Dad. He looked more worried now than angry.
"May mga business commitments pa kami together. I couldn't just shake him off my life for good. I still need him. At least for the time being."
"You better settle whatever that is and stop hanging out with him!"
Tumango na lang ako kay Dad para hindi na hahaba pa ang usapan. Naiintindihan ko naman kung bakit nag-aalala siya para sa akin. Muntik na kasing ma-convict minsan si Tom dahil sa online scam. Nagtayo ito ng business at nag-solicit ng capital online. Dahil magaling itong maghabi ng kuwento, guwapo pa, at maganda ang boses sa telepono marami siyang nalokong matrona. Ang isa sa kanila ay naghabla nang mapatunayang hindi existing ang naturang negosyo. Mabuti na lang kamo at kilala sa komunidad namin sa Addiscombe ang dad niya. Nagawan ng paraan na ma-settle ang kaso. Pumayag naman ang mga complainants na bayaran lang sila ng danyos.
Alam kong sira-ulo talaga si Tom, pero hindi ko lubusang matalikuran ang bwisit dahil ang galing naman niya talaga. He was the one who introduced me to bitcoin trading at siya rin ang nagturo sa akin ng in and out of selling houses for a profit. Dati-rati I could barely survive with what I earned as an auto-mechanic pero ngayo'y nakapagpatayo na ako ng sarili kong bahay at townhouses na pinaparentahan sa mga Japanese expats sa London. Aminado akong malaking kawalan kung paalisin ko siya sa real estate company ko. Hindi pa namin kaya ni Jin, ang bayaw ko, na mamahala no'n on our own. Bukod pa riyan, chef pa namin siya sa katatayo lang na restawran sa downton London. Iyon nga lang, I have to deal with the bastard's mess. Tulad nitong nangyayari sa babaeng ito.
**********
Umuwi na naman akong luhaan, pero nangako ang mga magulang ni Nathan na tutulungan akong makuha ang luggages at jewelries ko kay Tom. Nayanig pa ako sa balitang certified scammer pala ang gunggong na iyon. Pinanlamigan tuloy ako at nahiya na rin. Heto ako, edukada at naturingang matalino pero nagpauto sa isang lalaking nakilala ko lang online. Dapat kinabahan na pala ako noong nagawan niya ng paraan na makapagpakita ng proof na nag-meet na kami in person kahit na hindi pa. Iyon kasi ang isa sa mga requirements sa application ng fiancee visa to the UK. Hay, ba't naman kasi nagpadala ako sa matatamis na salita niya! Ang shunga-shunga ko!
"Tumawag pala kanina ang papa mo. Kinukumusta ka," balita ni Linette sa akin pagdating ko sa inuupahan naming apartment. Pagkarinig sa sinabi niya, ninerbyos ako. Naramdaman kaya ni papa na hindi ako nagtagumpay dito sa UK? Ang sabi kasi nila, parents do feel it if their children make it or not in life kahit malayo pa sila sa isa't isa. Shit! Wala na akong maipapakitang mukha sa amin. Kung bakit kasi sinuway ko pa sila ni Mama. Tama nga silang dalawa!
"Ano'ng sinabi mo?" kabado kong tanong.
"Wala. Ano pa ba ang puwede kong sabihin bukod sa hindi ka pa nakakauwi? Pero nakakainis sila ng mama mo, ha?"
Napamulagat ako. Bakit naman?
"Napagkamalan nila akong atsay mo! Ang tanong nila agad nasaan daw ang mga amo ko!"
Kahit may mga agam-agam pang iniiintindi napangiti ako sa sinabi ni Linette. "Huwag kang ngingiti-ngiti riyan dahil baka natunugan na nilang someone's lying."
Naalarma na naman ako.
"Ano ba naman kasi ang pinagsasabi mo sa pamilya mo?"
"Hindi ako, si Tom. Noong nililigawan pa lang niya ako online, panay kasi padala niya ng kung anu-ano sa mga magulang ko. Tapos, sinabi niya sa kanila na he owns a huge real estate company in London and in York. Naniwala naman kami."
"Sus! May pinagmanahan ka rin pala ng pagiging gullible mo."
"Who wouldn't believe him? He sent my parents money from time to time."
Nangunot na ang ulo ni Linette. "Kung gano'n binabawi niya lang ang pinuhunan niya sa iyo. Kahit pala hindi mo na kunin ang jewelries at luggage mo parang bayad na rin sa iyo ang scammer mong fiance."
"Hindi no! Some of those jewelries were from my grandmother! May sentimental value iyon sa akin bukod sa ang mahal na siguro no'n ngayon. Ang singsing at kuwintas ay regalo pa ng great-great grandfather ko sa great-great grandmother ko at nagkakahalaga iyon ng around five hundred thousand pesos no'ng pina-appraise ko sa atin. Ang limang set naman ng hikaw ko ay binili ko at pinaghirapang bayaran ng three gives. Each one cost at least a hundred thousand pesos. Hindi pupwedeng basta na lang niya kunin ang mga iyon, ano! At iyong nasama doong relo ko, rolex watch iyon. I also brought it with me kasi naisip ko na bilang maybahay ng isang katulad niya, kakailanganin ko ring magsuot ng mamahaling alahas at relo."
Napahinga nang malalim si Linette.
"I don't know what to say anymore. Sana maibalik na nga sa iyo iyon at nang mabayaran mo na rin ang balance mo sa upa sa apartment. Oo nga pala, speaking of which, nag-abono na naman ako sa iyo. Nagalit na kasi si Perla dahil delayed na naman ang contribution mo."
Si Perla ay kasama rin naming Pinay sa apartment. Katulad ni Linette, divorced na rin si Perla sa asawa niyang Briton. Ang kainaman lang ng sitwasyon niya wala silang anak ng ex niya kung kaya kahit magtrabaho lang siya bilang waitress sa gabi at house cleaner sa umaga ay nakakaraos naman siya. Nakakapagpadala pa sa Pilipinas.
Napasalampak ako sa carpet at napasandal sa sofa. I watched Linette's two kids ran around the house absent-mindedly. Kinuwenta ko sa isipan ang naabono na sa akin ng kaibigan ko. Halos one thousand pounds na! Sumakit ang ulo ko kung paano ko siya mabayaran at siyempre pa kung paano ako maka-survive sa London sa susunod na mga araw. Saan kaya ako makakahanap ng sugar Daddy? I'm so desperate na!
**********
Dederetso na sana ako sa parking lot para kunin ang kotse nang mahagip ng paningin ko ang isang babae na tila kinakaladkad ng isang lalaking itim. Hindi naman ako likas na pa-hero effect dahil alam kong delikado rin, pero something tells me na kailangan ko nang makialam this time.
"Oh no! You wouldn't want to interfere, man! This is none of your business. We're just having a domestic issue here," sabi agad ng lalaki nang lumapit ako. Basi sa accent ng English niya napag-alaman ko agad na hindi siya British. Tatalikod na sana ako nang mailawan ng nagdaang sasakyan ang mukha ng babae. At gulat na gulat ako nang makita ko si Aalia! Kaya pala...
"Domestic issue? Tell that to the marines!" At binigyan ko siya agad ng uppercut. Napasubsob siya sa sementadong daan. Pagbangon niya sinipa ko na. Mabilis siyang nakailag. Jacket niya lang ang natadyakan ko. Nang tinangka niyang hawakan ang paa ko, si Aalia na ang sumipa sa mukha niya. Napagulung-gulong siya sa sakit.
"Serves you right!" sabi ko. I immediately grabbed Aalia's hand and we ran to the parking lot. Hindi na naghabol pa ang lalaki. Narinig na lang namin siyang nagmura nang nagmura. I think he lost us in a crowd of indifferent passersby.
Nang makapasok na kami pareho sa kotse ko, saka lang parang nag-sink in kay Aalia ang nangyari. Iyak siya nang iyak. Nakanti naman ang puso ko. Sa lahat ng ayaw kong makita ay iyong babaeng umiiyak. It reminded me of Mom and Elise.
"What are you doing on the street at this time? Do'n ka pa naglakad? Alam mo bang delikado sa area na iyon after ten PM?" sabi ko. I avoided looking at her. Bukod sa hilam sa luha niyang mukha ayaw ko ring makita ang half-exposed niyang dibdib. Napunit kasi ang blusa niya sa bandang iyon. May galos nga rin ang isa niyang hita. Marahil dahil sa pagpupumiglas niya kanina.
"Wala akong perang pamasahe pauwi. I was saving money so I could pay rent."
Nakanti naman ang damdamin ko sa narinig. Pinigil ko ang sariling maawa. For all I know, she was just playing as a damsel in distress. Magaling daw ang mga Pinay sa ganoon ayon sa narinig ko nang usap-usapan sa community namin.
"No'ng malaman mong scammer pala ang nobyo mo, hindi ba dapat umuwi ka na? That's the most logical thing to do for any sane and honest Filipina. But you stayed."
"Alam mo kung bakit ako naririto pa! How many times do I have to tell you that?" Tumaas na ang boses niya. Ang pagtaas-baba ng dibdib niya dahil sa galit ay nakadagdag sa kaaya-ayang tanawin do'n. Before I knew it, nanikip ang harapan ng pantalon ko. Napamura ako nang mahina. Inakala niyang siya ang minura ko kung kaya dali-dali niyang tinanggal ang seatbelt at binuksan ang pinto. Pero bago siya makalabas ay pinigilan ko siya.
"I'll drive you home. That's the least I can do for you." At pinaandar ko na ang kotse. Akala ko magpo-protesta pa siya gaya no'ng nakaraan, but she remained in her seat. Quietly. Nag-usap na lang uli kami nang tinatanong ko siya ng address ng tinutuluyan niyang flat. When we got there, we were both shocked. Nasa labas lahat ng kakarampot niyang gamit. May lumabas na babae na tingin ko'y Pinay din.
"Aalia, sorry. I'm so sorry. Si Perla kasi, e," paghingi nito ng paumanhin nang paulit-ulit. Mayamaya pa, may lumabas ding isa pang babaeng Pinay. Nagtungayaw ito sa Tagalog. Pinamaywangan pa si Aalia. Imbes na aatras na sana ako para tuluy-tuloy nang umalis doon, napako ako sa kinauupuan. And I watched her knelt down and begged them to let her stay with them.
**********
"Noon, kaganda-ganda ng kuwento mo. Believable. Pero as the days passed by, napagtanto kong niloloko mo lang kami! Kung totoong fiancee ka nga ni Tom Fuentes, shit, ambisyosa, si Tom Fuentes pa," tila pangigigil na sabi ni Perla habang nakapamaywang sa harap ko. "Alam mo ba kung sino ang lalaking iyon? May-ari lang naman iyon ng isa sa pinakamalaking real estate company dito sa London! Tapos sasabihin mong ninakaw niya ang jewelries mo? Lokohin mong lelong mong panot! I'm pretty sure you jsut came here para mag-TNT! Sorry. Hindi kami kumukunsinti ng illegal aliens dito. Pasalamat ka nga at hindi na namin sisingilin sa iyo ang balanse mo sa upa. We just want you out of our lives! Tara, Linette!"
Nag-atubiling pumasok si Linette. I pleaded with her pero yumuko lang din ito at tumutulo ang luhang sumunod kay Perla papasok ng bahay. Napahagulgol ako.
Naramdaman ko na lang may humawak sa balikat ko at pilit akong tinatayo. Nang muntik na akong mabuwal, tinulungan niya akong mabalanse ko ang pagtayo. Dinampot niya ang mga gamit ko at isa-isang nilagay sa baggage compartment ng kotse niya at hinila ako pabalik sa kotse.
"You don't have to do this, Nathan! Bukas na bukas din ay tutungo na ako sa embassy namin at magpapatulong sa pagbalik ng Pilipinas."
Hindi ito kumibo. Sa halip binuksan lang nito ang sasakyan niya sa unahan at pinapasok akong muli. Nang naikabit ko na ang seatbelt, he looked at me and gave me a light kiss on the lips bago pinaandar ang sasakyan. Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakapagsalita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top