CHAPTER FOUR
A/N: Dedicated to the first commenter.
**********
Walang imik na binuhat ni Nathan ang mga gamit ko papasok sa loob ng isang townhouse sa isang suburb ng London. Tatlong units ito na magkakadikit at bawat isa'y may dalawang palapag. Kanya ang nasa gitna. Doon daw talaga ang lungga niya dahil ang bahay na pinuntahan ko no'ng isang araw ay ginagawang tirahan ng pamilya niya sa tuwing lumuluwas sila ng London.
"You don't have to do this, you know," sabi ko sa kanya nang nasa loob na kami. Sumulyap lang siya sa akin at tahimik na binaba ang mga gamit ko sa living room.
"Wait here. I'll just check the rooms upstairs." At pumanhik na siya sa second floor. Napasalampak ako sa carpeted floor at niyakap ang kapiranggot kong gamit. Nahabag na naman ako sa sarili. Naupo lang ako nang matuwid nang maramdaman ko ang mga yapak pababa.
"Come upstairs," tawag niya sa akin. Hindi na siya tuluyang bumaba. Sa halip, bumalik siya sa itaas.
Isa-isa kong dinampot ang dalawang maliliit na luggage na halos pumuputok na sa dami ng hand-me-down clothes courtesy of the Filipino community na kinabibilangan nila Linette. Pagdating ko sa itaas, binuksan niya ang isang pinto at sinabihan akong doon daw muna ako pansamantala while we figure out kung ano ang maaari kong gawin about my situation. May humaplos na kung ano sa puso ko nang marinig ang sinabi niyang "we". Ibig sabihin ay tutulungan niya ako!
Pagkakita ko sa magarang silid, napalingon ako sa kanya. Totoo nga bang doon niya ako patitirahin? Ang laki ng kama at ang exotic pa ng headboard! Parang kasing gara ng higaan ng mga prinsesa!
"I can't sleep here. This is way too much," pa-humble kong tanggi.
Nagtaas siya ng kilay and he looked at me lazily. A hint of laughter was in his eyes.
"If you want, you can sleep in the garage," sabi niya.
Napasimangot ako. Ayaw ko kaya do'n. Baka may daga pa ro'n, 'no? Nakita ko kaninang medyo dusty ang garahe niya at maraming nakatambak na kung anu-anong boxes doon. Sinabi ko iyon sa kanya.
"This is not the Philippines. We don't have rats in our houses," supalpal niya agad sa akin.
Aba, ang damuho! Ininsulto pa ang bayan ko. Sasagutin ko sana siya na huwag siya kamong mag-Claire Danes dahil Pinoy din siya, pero hindi ko na itinuloy. Baka mainis siya sa akin at palayasin din ako sa bahay niya, mahirap na. Ayaw kong matulog sa kalye.
Binaba ko na lang ang mga gamit sa carpeted floor at sinundan siya sa loob. Una niyang pinakita ang dambuhalang closet. Susme! Walk-in! Nahiya tuloy ako dahil kakapiranggot nga lang ang dala kong damit na halos puro basahan na. Parang nakakahiya ngang isabit sa eleganteng wardrobe. Ang sumunod niyang pinakita ay ang maluwang na bathroom na nasa dulo ng silid. Mayroong mga toiletries do'n na pambabae pero mukhang hindi pa nagamit ever. At ang bathtub, fit for a queen! Ang laki at may jacuzzi pa. Teka. Kung nag-iisa lang siya rito palagi, how come pambabae ang toiletries dito? Napasulyap ako sa kanya at nangahas magtanong.
"It's because this is really meant for a woman," ang simple lang niyang sagot. So ibig sabihin ay may dinadala nga siya roong babae. Hindi ko alam kung bakit, pero I didn't like the idea. Parang ikinainis ko iyon.
"All right. I'll leave you here now. I presume my things are safe with you?"
Napamulagat ako sa narinig. Was he implying...?
"Ano'ng palagay mo sa akin? Iyong kaibigan mong scammer ang magnanakaw! Hindi ako!"
Ngumiti siya bago tumalikod kaya nalusaw din agad ang galit ko sa dibdib. Nagbibiro lang pala ang damuho.
**********
Nagising ako sa ingay ng parang bubuyog. Pagdilat ko ng mata, narinig ko ang ugong ng vacuum cleaner. Galit akong napabalikwas. Wala pa kasi akong gaanong tulog! Hahayaan ko na lang sana iyon dahil inisip kong baka titigil din agad, pero lalo lamang lumalapit ang tunog. Galit akong bumaba ng kama at marahas kong binuksan ang pintuan. Hayun ang culprit! Kumakanta pa habang nagba-vacuum ng hagdan. Naka dalawang steps na siya pababa.
"What the hell do you think you're doing?!"
Napanganga lang siya sa akin. Lalo akong nainis.
"Turn that fuck off!" galit ko pang sigaw.
Nakita ko siyang parang nataranta at pinatay nga niya agad ang vacuum cleaner.
"I was just trying to repay your kindness," pangangatwiran pa niya.
"By piercing my eardrums?"
Iniwas niya ang tingin. Nangunot ang noo ko nang makita ang pamumula ng kanyang leeg at umakyat ito sa buo niyang pisngi. Is she blushing? O dahil lang takot siya? Pero knowing her feisty nature, she's not the type to succumb to any threats. Ba't mukha siyang takot? O takot nga ba ang ibig sabihin ng pamumula niya?
"I thought---I mean, I t-thought your room was soundproofed."
"Now, you know it wasn't!" asik ko pa sa kanya. "And will you look at me when you talk to me? Not looking at the person you're talking to is rude in Britain!"
Tumingin nga siya sa akin, pero mayamaya'y umiwas uli ng tingin.
"Kung gusto mong tingnan kita, make yourself decent!" naiinis niyang sagot,
Nangunot uli ang noo ko, pero napababa ang tingin ko sa hitsura at no'n ko lang napansin na naka-boxer briefs lang ako. At dahil kulay puti iyon, it didn't leave much to the imagination. Awtomatiko akong napahawak sa harapan ko na ngayo'y naka-good morning salute pala. No wonder, hindi makatingin nang deretso sa akin si Aalia.
Imbes na sagutin ko ang sinabi niya, tumalikod na lang ako. Pabalibag kong sinara ang pintuan.
**********
Napahawak ako sa dibdib nang wala na siya sa paningin ko. Dali-dali akong umakyat sa itaas at tinago sa loob ng built-in cabinet malapit sa pintuan ko ang vacuum cleaner. Hindi ko na hinintay na bumalik siya. Pumasok na rin ako sa silid at napasandal sa pintuan habang nakahawak sa dibdib.
I heard about guys waking up with a morning wood but since I've never seen it in person until today, I didn't give it much thought. Nakatatakot pala! Pero lihim din akong napangiti. Susko, wasak talaga ang babaeng makakaano ng Nathan na iyon. Linteks! Siguradong titili lahat ng bading sa Pilipinas kapag nakita siya kanina. Nahiya na tuloy akong lumabas dahil baka nandoon siya. Hindi ko alam kung paano na siya pakikiharapan ngayon.
Wala na sana akong balak matulog, pero nahiga ako uli. Nagising na lang ako nang sunud-sunod na nag-ring ang alarm clock ko at ang cell phone. Napasambit ako ng Dios mio nang makit kong alas siyete y medya na pala. Dapat nasa salon na ako at this time! Peste!
Pumasok sana ako ng kitchen para uminom ng tubig bago pumunta sa trabaho nang bigla akong natigilan sa bungad nito. Nandoon kasi si Nathan na kumakain ng toasted bread at sunny side up egg habang nagbabasa ng morning news. Nakakulay asul na siyang bathrobe ngayon na halos bukas sa bandang itaas. Nag-init na naman ang mukha ko nang makita ang makinis niyang dibdib.
"All right," sabi ni Nathan sa akin nang makita niya ako sa doorway.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Ano raw? Inisip ko na lang na baka tinatanong niya ako kung everything's all right kaya sinagot ko siya na okay naman ako. Napasulyap na naman siya sa akin while taking a piece of toast.
"I just said hello," paliwanag niya sa parang tinatamad na boses. "There's coffee in the percolator in case you need one," sabi pa nito.
Hindi pa rin ako naka-move on sa all right. Hello na pala ang lagay na iyon? Ngayon ko lang yata napag-alaman iyon, a.
Tumunog sa gutom ang sikmura ko pero wala na akong oras. Uminom na lang ako ng dalawang basong tubig at nagpaalam na sa kanya.
"Where to?"
"I'm off to work."
Naibaba niya ang newspaper sa dining table nang marinig iyon. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Nag-init nang bahagya ang pisngi ko. Alam ko na ang iniisip niya. Hindi dapat ako nagtatrabaho dahil fiancee visa lang ang hawak ko. Pero ano'ng magagawa ko? Kailangan ko ring mabuhay.
Akala ko'y magkokomento pa siya tungkol doon. Hindi naman pala. Hinagis niya lang sa dulo ng mesa ang susi ng bahay. In case daw na mauna ako sa kanyang makauwi later. Huwag na huwag ko raw iwala iyon dahil wala siyang balak na sunduin ako somewhere.
"Hindi naman ako magpapasundo," sabi ko sa kanya at tuluy-tuloy na akong lumabas ng bahay.
Ni hindi man lang nag-offer na ihatid ako sa trabaho ko ngayon. Paano na ako? Ang layo yata ng bahay niya sa salon. Tiyak ang laki ng pamasahe ko nito. Choosy? Ikaw na nga ang piantira, magrereklamo ka pa riyan?
May napatingin sa aking mag-asawang Briton nang lumabas ako ng front door. Siguro'y nasa sitenta anyos na sila pareho. Ngumiti sila sa akin at bumati.
"I didn't know that our Nathan got married," narinig kong sabi ng matandang babae sa asawa niya.
"Neither do I," sagot naman ng lalaki. Nang magtama ang paningin namin, kumaway sila uli.
Our Nathan? Wife? Ano'ng pinagsasabi ng dalawang iyon?
Hindi lang sila ang napatingin sa akin. Ang kalalabas lang na middle aged man sa kabilang pinto ay bumati rin. Mukhang close yata si Nathan sa neighbors niya, a. Kumaway lang din ako sa kanya.
Pagdating ko sa trabaho, halos dalawang oras akong late. Nakahalukipkip na tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng manager ng salon pagkapasok ko. Hindi siya nagsalita pero nararamdaman ko ang talim ng bawat titig niya. Nag-sorry agad ako sa kanya at inesplika kung bakit ako nahuli. Tinalikuran lang ako. Napakuyom ang mga palad ko. Dumeretso na lang ako sa pinaglalagyan ng floor mop at sinimulan ko na ang trabaho.
Nang bandang ala una ng hapon, pumasok ang mommy ni Nathan. Huli na para makapagkubli ako. Nagkagulatan kami roon.
"D'you know each other?" tanong ng bruha naming manager. Tila nagulat din.
"Yes. She's my son's special friend," nakangiting sagot ni Tita Alex. Bahagyang nag-init ang mukha ko. Lalo akong pinamulahan nang mapatingin sa akin na parang hindi makapaniwala ang maldita kong boss. Kilala niya yata si Nathan. Hindi nga ako nagkamali.
"Nathan's special friend?" ulit pa nito sa paraang parang imposible ngang maging espesyal akong kaibigan ni Nathan. Nakakainsulto! Hindi naman iyon pinansin ni Tita Alex. Sa halip, nilapitan niya ako at kinumusta sa Tagalog.
"Okay naman po."
"Hindi ko alam na dito ka nagtatrabaho. Sana man lang ay nasabihan ko si Elise na ipasok ka sa boutique nila. Mayroon silang malaking store sa downtown London."
Elise? Sino naman iyon?
"Elise is my daughter. She's Nathan's twin sister," nakangiting paliwanag ni Tita Alex. Nakita siguro ang pangungunot ng noo ko. "Ang mabuti pa, ibigay mo sa akin ang contact details mo nang matawagan kita't maipakilala sa unica hija ko."
Nakupo! Hindi yata ako pupwede roon. Kung nasa downtown London ang boutique baka maraming napupunta roong immigration officers o di kaya'y pulis o anupaman. Hindi ako pupwedeng lumantad. Pili lang dapat ang pinapasukan ko. Iyong hindi na naghahanap ng working visa.
"Ah, hindi ko po kasi dala ang phone ko ngayon. Nasa locker ko po at hindi ko po kabisado ang numero," sabi ko na lang.
"Ay sayang naman. Bueno, here's my details para sakaling magkaluwag-luwag ka'y matawagan mo ako. I'll be leaving London soon kaya mas maiging magkita uli tayo before that."
"Leaving London po?"
Napangiti ang babae. "My husband and I still live in York. Ang mga bata lang ang nandito sa London."
Pagkarinig ko sa York, naalala ko na naman ang hinayupak na si Tom. Shit! Nakalimutan ko na. I was supposed to give him a call today dahil sabi niya magkikita kami nang hapong iyon para isoli niya sa akin ang luggage ko. Magalang akong nagpaalam sa kanya at sumaglit muna sa locker room. Tinawagan ko si Tom. After a few rings, sumagot naman ang damuho. Pero nagdahilan na hindi siya puwede that afternoon. Nagalit ako. Pero imbes na magpaliwanag, binabaan ako ng telepono.
**********
"When are you going to give her back her luggage and jewelries?" sita ko kay Tom nang pumasok ito sa upisina nang araw na iyon.
"It's in the car," tinatamad na sagot ng hudas. Initsa pa niya sa akin ang susi ng kotse niya, Ibig sabihin, ako na ang kumuha no'n kung gusto ko. Minura ko siya pero tumawa lang ang gunggong. Pagbalik niya sa upisina ko, gugulpihin ko na sana siya pero may dalang magandang balita ang mokong. Na-close niya ang pinakamalaking deal ng kompanya. He sold three of the most expensive mansions in Kensington and the company earned 73 million pounds in total! Nalusaw ang galit ko sa kanya. Kung sa bagay, Aalia is none of my business. I felt bad about what he did to her, but she is not my responsibility.
Nang mag-break time kami, bumaba ako sa garahe ng building namin at tiningnan ang kotse ni Tom. Nandoon nga sa luggage compartment ng kotse niya ang dalawang pink luggage. Napailing-iling ako nang makita ang hitsura ng bagahe. Pambihirang babae iyon. Ang tanda na'y mahilig pa sa Hello Kitty. Nilagay ko ang mga iyon sa sarili kong sasakyan at tinawagan agad si Aalia.
**********
Hindi maalis-alis ang ngiti ko nang makita ang pagdating ni Nathan. Daig ko pa ang isang Victorian wife sa pagsalubong sa lalaki. Kulang na lang ay yapusin ko siya sa tuwa. I even shrieked in sheer delight when I saw my luggages.
Pagkababa ni Nathan sa mga iyon sa living room, kaagad kong kinapa ang kandado ng carry on baggage kong Hello Kitty na naglalaman ng jewelries ko't mamahaling purse and shoulder bags. Pero nangunot ang noo ko nang madiskubreng tila hindi na gumagana ang number combination na siyang pambukas sa lock.
"Maybe you forgot the correct combination," sabi ni Nathan nang makita akong tila nahihirapan sa pagbukas ng bagahe.
"No. I'm pretty sure about this."
Nang tingnan kong maigi ang kandado, no'n ko lang napansin na although magkamukha sila ng dati hindi na iyon ang original! Bigla akong inatake ng nerbiyos. Inalog-alog ko na iyon in desperation habang galit na minumura si Tom.
"Are you sure?" tanong naman ni Nathan. "Why would he be interested to steal your jewelries? He's a rich man on his own!"
"Beats me!" galit kong pakli sa kanya.
Sinira na ni Nathan ang lock para matingnan ko ang loob. At gaya nga ng hinala ko, wala na roon ang minana ko pang set ng kuwintas at hikaw pati na ang rolex watch, bracelet, at dalawang pares kong hikaw na pinaghirapan kong hulug-hulogan sa alahera kong kaibigan. Ang naiwan na lang doon ay dalawang luma kong Secosana bags! Wala na ang LV handbag, Coach purse, at Prada bag ko. Nanlata ang buo kong katawan.
"Hey." Napaluhod sa tabi ko si Nathan at hinila ako palapit sa kanya. Sa gitna ng hinagpis, hindi ko namalayang niyayakap na pala niya ako. Napansin ko na lang iyon nang maramdaman ang bibig niya at mainit na hininga sa ulo ko habang paulit-ulit niyang sinasabing, "Shhh, don't cry."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top