Chapter 2

[MCBB2]

"Nakakainis talaga yung lalaking yun." Inis na sabi ko habang nag lalakad ako pabalik sa room.

Kumukulo talaga dugo ko sa kan'ya! Pinag mukha na nga akong stalker tinawag pa akong crazy girl? ang sarap niyang iuntog sa pader talaga! Kala niya naman gwapo siya? huh gwapo nga siya pandak naman mag kasing laki nga lang yata kame! tapos gosh ah? ilang gluta ba tinurok niya at sobrang puti niya? Muka tuloy siyang multo. Ang yabang yabang pa, ako? sinusundan siya? Duh never mang yayari yun 'no!

Nasa tapat na ako ng room namin at rinig na rinig ko ang ingay ng mga kaklase ko, teka wala ba kaming teacher at ang ingay ingay nila? Mga 'to talaga alam ba nilang ang sakit nila sa tenga. Daredaretso akong pumasok sa room namin at saka umupo sa upuan ko, Habang yung mga kaklase ko nag iingay , yung iba nga nag lalabasan na?

"Dito ka lang ba KC? Wala tayong next class." Sabi ni Kellight saakin. katabi ko siya sa upuan, 'yan lang yata ang kumakausap sakin dito , kase yung iba kong kaklase kinakausap lang ako niyan pag tungkol sa Kuya ko.

Tumango lang ako kay Kellight. Pero hindi pa rin s'ya umaalis at mukhang nag-iisip pa ng sasabihin n'ya.

"Ay Kc, tara sama ka sakin. Punta na lang tayo sa cafeteria libre ko!" Sabi niya at hinila na ako patayo kahit hindi pa ako pumapayag. Pero sige na nga libre naman, at bawal tumanggi sa grasya!

Hila hila ako nitong si Kellight hanggang sa maka dating kame sa cafeteria, madami ding students dito, labasan kase ng mga Junior.

"Dito ka lang muna KC ah! bibili lang ako." Masiglang sabi niya at iniwan akong naka upo dito sa isang table.

Tumingin tingin naman ako sa paligid puro junior Ang nandito, pero may mga senior high din naman. Napa hikab ako dahil sa antok, sana may klase na lang kay Mrs. Cruz, fav. Subj. Ko pa naman 'yon.

Dapat pala hindi na lang ako sumama dito, Dapat sa library na lang ako dumaretso o kaya natulog na lang ako sa room, kaso lang sayang naman yung libreng pagkain diba? Masamang tumanggi sa grasiya! Pero nakakaantok talaga dito,
Sinubsob ko muna dito sa lamesa yung ulo ko, Antagal naman ni Kellight.

"Miss?"

May nadinig akong nag salita sa gilid ko kaya tinaas ko ng kauunti ang ulo ko para makita ko siya. Naka tayo ang isang lalaki sa gilid ko na may hawak na tray ng pag kain habang naka ngiti at naka tingin sakin, Kilala koba 'to?

"May kasama kaba?"
Tanong niya kaya tumingin ako sa harap ko at sa gilid ko, mukha bang may kasama ako dito? Wala pa naman si Kellight. May nakikita ba s'yang hind ko nakikita? hindi ko siya sinagot at tumingin lang ako sa kaniya.
"Ahh.. pwede bang umupo?" Tanong niya ulit, tumango lang ako tapos yumuko ulit.

Umupo naman siya sa tapat ko at ramdam ko ang paninitig niya sa'kin, Ano naman ang trip nito? nakiupo na nga tapos tititigan pa ako? umayos na ako ng upo at tinignan s'ya. Tama nga ako, ,aka titig siya sakin, habang naka ngiti? rugby boy yata to, sayang gwapo pa naman siya.

"Gusto mo?" Alok n'ya, hindi naman ako kumibo.

Binigay niya sakin yung isang burger at juice. napatingin ako dun, ang bait naman netong lalaki 'to. Tinignan ko lang muna yung burger na nilapag niya sa harap ko, tapos tumingin ako sa kanya. Ayokong tanggihan yung grasya pero, hindi ko siya kilala tapos bibigyan niya ako ng pagkain? Trip neto? Baka kase may lason 'to nako wag na lang.

"Wag kang mag-alala walang lason yan haha."
Tawang sabi niya, Kumunot naman ang noo ko. Pano niya nalaman yung nasa isip ko? may lahing alien yata 'to .

Pero kinuha konadin yung burger at kumagat, sayang naman. gutom na ako eh kahit kaka-kain ko lang, bigay naman niya at walang lason? saka ang tagal ni Kellight. 'di naman siguro masamang kainin 'to diba?

"Hindi kaba nag lunch kanina?" Natatawang Tanong niya, kaya tumingin muna ako sa kaniya

"Nag lunch."
Tipid na sagot ko sa kaniya, tapos kumagat ulit ako sa burger ko habang siya nakatitig lang sakin. Ano ba talagang problema niya?

"Ahm.. By the way I'm Brixs, Brixs Villamiel,"
Sabi niya at nilahad yung kamay niya sa harap ko, kumagat lang ako sa burger saka tumango sa kaniya.
"... and you are?"

"KC!" Sabay kaming napa lingon sa nag salitang si Kellight nandito na pala 'to, bakit ang tagal niya?

"Hello Kellight." Bati naman nung Brixs, kay Kellight. mag ka kilala yata silang dalawa?

"Uy, Brixs anong ginagawa mo dito?"

"Hmm.. wala lang. "
Sagot naman ni Brixs. umupo naman na sa tabi ko si Kellight , at nilapag yung tray na may lamang mga pagkain!

"Sus... Ay KC sorry ngayon lang ako ah? kase naman ang daming students." Tumango lang ako kay Kellight, tapos uminom ng juice.

Andami ko ng kinain kanina pero bakit parang gutom padin ako? Apaka patay gutom talaga ng tyan ko.

"Yow guys!/Hello ladys."

Sabay sabay naman kaming napa lingon sa mga bagong dating. Napa kunot naman ang noo ko. Sino naman 'tong dalawang 'to? Napatingin naman ako sa nasa likod nila at nanlaki ang mata ko, Wtf?! si Kuya Nath?! Anong ginagawa nito dito? teka nga bakit ba andami yatang nag dadatingan?

"Oh? Bakit nandito kayo Insan? Baka pag kaguluhan kayo dito?" Sabi ni Kellight, napa kunot lalo ang noo ko.

Pinsan yata ni Kellight yung lalaking medyo chinito? Napa iwas ako ng tingin dahil and'yan na si Kuya. Bakit ba kase andito s'ya?!

"Anong gusto mo Insan? mag kulong lang kame sa room? tao din kame kailangan ng kalayaan."
Madramang sabi nung pinsan daw ni Kellight.

Nag si upuan naman sila bigla. Ba't ba dito pa sila? tumabi yung dalawa dun kay Brixsy, tapos tumabi naman sakin si Kuya Nath na naka kunot ang noo sakin. Kainis.

"Ano 'yan Nath? ng chi-chix ka agad ah! Ahm, hi Miss? Edward Pwentes nga pala ang mag papatibok ng puso mo." Sabi nung Edward at kumindat pa. Napa ngiwi naman ako. bumabanat pa 'tong isang 'to siya kaya banatan ko.

"Ehem.. ehem .. Jhon De Guzman, Miss beautiful."
Pag papakilala naman ng pinsan daw ni Kellight.

Tinignan ko lang silang dalawang naka lahad ang kamay sakin, bago ako lumingon kay Kuya Nath, naka tingin na siya dun sa dalawa.

"She's Kelrish Coreen Delos Reyes, my little sister." Pag papakilala sakin ni Kuya Nath. Na saglit na nag patahimik sa kanila.

"ANO?!"
Sabay na tanong nung dalawa.

hindi ba nila alam? Si Kellight naman tahimik lang sa tabi ko anong nangyare dito? Ngayon lang 'to hindi nag daldal ah? alam din pala ni Kellight na Kuya ko si Nath. tinignan ko naman si Brixsy, naka tingin sakin na halatang nagulat din, yeah as ussual .

"Why? Got a problem with that?" Tanong ni Kuya Nath sa dalawa.

bakit lahat na lang ganyan ang reaction pag nalalaman nila na kapatid ko si Nath Patrick Delos Reyes? Problema ba nila? purque ba napaka gwapo ng Kuya ko? At ako hindi maganda? Grabe ah!

"Woah! Bro, bakit hindi mo sinabi na may kapatid ka palang maganda?"
Sabi nung Edwardo, napa kunot naman ang noo ko.

"Oo nga bro, reto mo naman kame."
Dugtong pa ni Jhoney.

"Wanna die? Pwentes and De Guzman?"
Madiin na banta ni Kuya at tinignan ng masama yung dalawa.

Napa ngisi naman ako, si Brixsy naman nag pipigil ng tawa, habang si Kellight hindi na yata humihinga dito sa tabi ko. Joke.

"Woahhh! Labas ako dyan Nath, petengene mo talaga Edward pati ako nadadamay sayo."

"Ulol ! ako na naman sinisi mo."
Sagot naman ni Edwardo.

Nag simula ng mag talo yung dalawa.

"Enough" Awat ni Kuya sa dalawa.

Napa baling ako sa paligid ng mag simula ng dumugin ang mesa namin, anong meron?

"Ang ingay niyo kaseng dalawa ei, Tignan niyo."
Iiling iling na sabi ni Brixsy.

Napa tigil ako sa pag linga linga, ng may sumagi sa isip ko. Kung kaibigan sila ni Kuya, ibig sabihin-- wala namang ibang kaibigan si Kuya bukod sa apat na bad boys ng school? So-- bakit hindi ko agad naisip yon?!

"Ibig sabihin kayong tatlo kasama kayo sa limang badboy princes ng university?" Tanong ko, tumango naman si Brixsy, yung dalawa naman mukang nagulat pero ngumisi.

"Don't tell me ngayon mo lang nalaman?" Hindi maka paniwalang tanong ni Jhoney.

"Mag tatanong ba ako kung alam ko?"

Ang pag kakaalam ko kase, gwapo daw yung badboy prince ng school? pero sa mga itsura nila.. well, pwede na. Pero bakit apat lang ata sila kasama si Kuya? Asan na 'yung isa? Ang alam ko kase lima ang babdboy princes ng university?

"Ahh, wala yung isa naming member kaya apat lang kame."
Paliwanag ni Brixsy. tinitigan ko naman siya. onti na lang talaga maniniwala na talaga akong alien siya, pano n'ya nalalaman yung iniisip ko? Masyado bang halata sa mukha ko?

"Badboy princes huh? Para saan naman ba ang titulong 'yon?" Tanong ko sa kanilang apat.

Ang corny naman kase, may pa boygroup pa sila? Ano sila boyband?

"Ewan? Yun na ang tawag samin simula palang Hahahahaha." Sagot ni Edwardo.

"Natutuwa ako sa kapait mo Nath." Ngising sabi naman ni Jhoney. Kita kong siniko s'ya ni Brixsy.

"Fuck off, De Guzman." Seryosong sabi ni Kuya Nath, napa taas naman ng dalawang kamay si Jhoney, na parang sumusuko saka tumawa.

"Hindi ko maintindihan kung bakit naging Badboy princes ang titulo n'yo." Kunot noo ko paring tanong.

"Dahil Badboy talaga sila dito sa school." Dinig kong sagot ni Kellight, na ngayon lang ata ulit nag salita.

Tinitigan ko ang tatlo sa harap ko ngayon. hindi ko talaga matanggap na badboy sila, sa mukha kasi ng tatlong 'to mas bagay ang Playboy Princes. Itsura kase nila hindi katulad ng bad boy na nakikipag basagan ng ulo, alam ko si Kuya bad boy talaga , isang tingin mo lang alam mona e' Pero 'tong tatlo? Ewan ko ba.

At sa unang pag kakataon nga naka kilala ako ng kaibigan ni Kuya, hindi kase s'ya yung tipo na makwento. Hindi ko rin alam kung eto ba ang unang beses na naka kilala ako ng kaibigan ni Kuya, dahil may mga alaala din akong hindi pa naalala. Ngayon ko lang din na kaharap ang Badboy Princes ng school, madalas kong marinig ang mga pangalan nila simula ng nag-aral ako dito nung third year pero ngayon ko lang sila talaga nakita at nakilala.

Bahagya akong napa ngiti habang naka tingin sa mga kaibigan ni Kuya Nath, natutuwa akong mukha namang matino at hindi rebelde ang mga kaibigan ni Kuya, at mukhang masaya naman silang kasama. Natutuwa akong makilala silang tatlo at sana makilala kona rin ang isa pa.

**********
(A/n: Thank you for reading lablabs♡
-mayyli)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top