Chapter 1

[MCBB1]

Kelrish Coreen Delos Reyes






Halos mapudpod na ang sapatos ko sa kakatakbo makaabot lang sa first subject ko. Nag kanda dapa-dapa ba ako sa pag mamadali. Sobrang late na ako at matutuluyan na yata talaga ako ng teacher ko dahil pang ilang late kona 'to! Nasa pangatlong building pa naman ang room ko at sa 3rd floor pa, yari na talaga ako nito!


Matapos ang mahabang takbuhan ay naka rating din ako sa floor namin. hingal na hingal ako ng madating sa room, naka tukod ang mag kabila kong kamay sa tuhod ko habang nag hahabol pa ng hininga. Nakakainis naman kase si Kuya Nath! late na naman tuloy ako. 2nd week palang lagi na akong late , babagsak talaga ako nito.

Ng maayos na ang pag hinga ko, napa pikit ako ng mariin at saka umayos nang tayo bago mag salita.


"Good Morning! sorry I'm late , hindi napo talaga mauulit, sorry po talaga!" Pikit kong sabi at saka yumuko, inaasahan kona agad na pag tatawanan na naman ako ng mga kaklase ko at sisigawan ng teacher ko.


Mariin akong napa pikit at hinintay ang sermon ng teacher ko pero dumaan ang ilang segundo na wala akong narinig na kahit ano.

Eh?

Dahan dahan akong napa angat nang tingin ng walang sumalubong sakin na tawanan o kahit sermon.

"W-Walang tao?"

Saglit na napa titig pa ako sa loob ng room namin hanggang sa napa sabunot na lang ako sa sarili ko ng may maalala. Ang tanga tanga ko talaga! P.E pala ngayon at nasa gym silang lahat! halos mamatay nako kakatakbo kanina para lang maka punta dito kase late nako tapos wala naman pala sila dito!

Inis na pumasok na lang ako sa room na walang kahit isang tao.

"Kainis, bakit ba hindi ko naisip na P.E pala ngayon?" Padabog na sabi ko habang patungo sa upuan ko.

Late na akong nakatulog kagabi dahil gumawa ako ng project na ipapasa ngayon. Inaasahan ko na gigisingin ako ni Kuya Nath dahil binilin ko kagabi na gisingin n'ya ako ng maaga ngayon! Pero ang walang hiya umalis lang mag-isa! grrr!

"Mamaya ka lang talaga sa'kin Kuya Nath." Gigil na bulong ko habang pa tungo sa upuan ko.

"Ang ingay mo."

"Pake mo--" natigil ako sa pag sagot ng mag realize ang nangyare.

May narinig akong boses!

Agad kong nilibot ang tingin ko sa loob ng room para hanapin kung kanino galing ang boses na narinig ko

"Ay kabuting kamote!" Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko kung sino ang nag salita.

May lalaking naka sandal sa upuan at naka pikit, akong nakita sa kabilang row ng mga upuan. S'ya ba 'yon? kaklase ko ba s'ya? Pinag masdan ko ang lalaki. Ngayon ko lang s'ya nakita sa klase namin. Pero bakit sobra naman atang... puti n'ya? mukha tuloy s'yang.. m-multo!


Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa naisip "Waaahhhh lumayo ka multo!" Sigaw ko at binato sa kanya ang hawak kong folder.


OMG! minumulto naba ako? nagalit na ba ang langit dahil lagi akong late? Waaaah! promise aagahan kona talaga pumasok! promise hindi na ako mag papalate ulit wag nyo lang akong multohin please parang awa nyo na! Ayoko sa mga multo!

Tumama sa mukha nung lalaking multo ang folder na binato ko, agad na napa dilat s'ya at napa lingon sakin.

"What the fvck?" Halos pagalit na sabi n'ya. N-Nag mura yung multo!


Tumayo s'ya habang hawak ang folder na binato ko. Akala ko ay ibabato n'ya 'yon pabalik sa'kin kaya inihanda ko ang sarili ko pero binato n'ya 'yon sa may  likuran bago nag lakad papalabas ng room. Habang naiwan naman ako na naka tanga lang habang sinusundan s'ya ng tingin.

Multo ba talaga s'ya?

Pinukpok ko naman ang ulo ko. "Ano ba Kc! Ano ba kaseng pinag iisip mo kelan kapa naka kita ng multong gwapo?"

Teka sinabi ko bang gwapo?


Bigla bumalik sa isip ko ang mukha nung lalaki kanina. Gwapo nga s'ya. Hindi s'ya gaanong katangkaran pero mas mataas s'ya sa'kin, black ang magulo n'yang buhok, bilugan ang mga mata, mapula ang labi, at makakapal ang kan'yang kilay. May nakasabit din na headphone sa leeg nya, muka syang cold at seryoso, tapos sobrang puti pa! Ano ba sabon n'ya? Kojic? Pero Ang gwapo nya talaga ._.

Pero tinawag nya akong maingay at nag mumura s'ya! kaya turn off agad, hindi na sya gwapo, pangit na sya! pangit! pangit !! tawagin ba naman daw akong baliw, at saka--

"Yung folder ko!"

Napa takbo ako sa likuran kung saan niya hinagis ang folder ko na buong gabi kong pinag hirapan. At halos pag bagsakan ako ng langit ng makita na sira sira na ang design non at natanggal pa ang iilang papel sa loob.



Nanlulumong bumalik ako sa upuan ko habang hawak hawak ang kawawa kong folder. Nang makaupo ako ay agad akong sumobsob sa desk ko at pumikit.

Wala na bang mangyaring maganda sa araw ko?


Nanatili na lang akong bigong nakasubsob sa desk ko, hinihintayin ko na lang bumalik ang mga kaklase ko. Next subj. Na ipapasa ang folder na 'to at siguradong yari ako sa teacher ko arggg!



******

"Class, dismiss."

Napa ngiti ako ng marinig ko 'yon. Lunch break na at talagang gutom na ako dahil hindi na ako nakapag breakfast dahil late na ako kanina.

Agad akong lumabas sa room at umaretso agad sa cafeteria para bumili ng makakain ko. 3 sandwich, 2 burger, at tubig ang binili ko. Nilibot ko ang tingin ko para mag hanap ng mauupuan pero wala ng bakante, kaya lumabas na lang rin ako, siguro ay sa rooftop na lang ako o sa garden kakain ng lunch ko.


Kumakain ako habang nag lalakad papunta sa rooftop ng building namin. Napag desisyonan ko na doon na lang dahil balita ko ay ngayon 'yon bubuksan. Marami akong nakaka salubong na mga estudyante na papunta sa cafeteria para mag lunch, ang karamihan sa kanila ay kasama ang mga kaibigan nila.


Dahan dahan kong napa nguya ng sumagi sa isip ko 'yon. Wala akong kahit na sinong kaibigan sa school na 'to simula ng mag senior ako. Ewan ko pero ilag silang lumapit sa'kin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ayaw ata sa loner? Pero may lumalapit naman sa'kin kapag ang Kuya kona ang usapan. Well, gan'to naman siguro talaga pag si Nath Patrick Delos Reyes ang Kuya mo.



Saktong nag tama ang tingin namin ni Kuya Nath na ngayon ay nag lalakad sa corridor kasama ang mga kaibigan n'ya ata? Seryoso s'yang naka tingin sa'kin kaya pinanliitan ko s'ya ng mata at nag patuloy na ulit sa pag akyat sa hagdanan papunta sa rooftop.




Agad akong napa pikit ng sinalubong ako ng sariwang hangin pag dating ko sa rooftop. Ngayon na lang ako ulit naka punta dito dahil nga 2nd week palang ng school year, at sa garden ako madalas kase naka sara 'to. Ngayon  lang ulit 'to binuksan kaya mukhang dito na naman ako tatambay. Masaya akong nilibot nag hanap ng pwesto ko. Ang sarap kase ng simoy ng hangin dito at kita mo lahat tapos ang tahimik pa ng paligid, grabe ang sarap tumira dito.



Tahimik na umupo ako sa may lilim at lumalamon. Gutom na gutom na talaga ako kanina pa kaya lamon talaga ang ginawa ko ngayon, kung may nakaka kita sakin ngayon baka bigyan na ako ng barya. Para akong patay gutom dito sa gilid na hindi kumain ng isang linggo, buti na lang talaga at ako lang ang tao dito ngayon.



Habang lumalamon ako, sumagi sa isip ko 'yung lalaki kanina, new classmate pala namin ang lalaking mukang multo na 'yon sa sobrang puti. Nag palipat daw ng section at sabi pa ng mga fan girls nya na kaklase din namin, Heartthrob daw siya sa school, isa daw siya sa mga Badboy Prince? Naririnig kona ang tungkol doon dahil kabilang din daw doon ang Kuya kong unggoy. Kanina nga halos mabingi ako sa kakatili ng mga baliw na mga kaklase ko dahil lang doon sa lalaking 'yon, ewan ko ba  pero mukhang sikat nga talaga s'ya. Ngayon ko lang siya nakita pero parang sobrang kilala na siya ng lahat? Edi sikat nga sya! Pero parang pamilyar din ang mukha n'ya sa'kin.



Pero pano naman kaya naging sikat 'yon? Ano naman kaya ang nakita nila doon eh mukha ngang galit sa mundo ang isang 'yon. Hilig talaga nila ang mga ganong tipo ng lalaki 'no? Yung walang paki sa paligid nya at seryoso?nako nako turn off agad sakin yung mga ganon! gwapo lang sila at mukang mayaman 'no! panget naman ng mga ugali.



Pero atleast matalino s'ya. kakaiba din ang multong 'yon kase kahit tulog nang tulog aba ang talino nya pa rin. Ang cool nya tuloy kanina kase kahit naka yuko lang s'ya don sa upuan n'ya nasasagot n'ya lahat ng tanong ng teacher! Pero pag naalala ko yung ginawa n'ya sa folder ko at yung sinabi n'ya sakin na maingay daw ako, wala na tuturn off na ulit ako!

"Argg! nakakainis talaga yung lalaking multo na 'yun!" Wala sa sariling sabi ko habang naka tingin sa kawalan at ngumunguya "Teka? Bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon?" Inis na bulong ko sa sarili ko sabay iling.



"Crazy." Na tigilan ako sa pag nguya at nanlaki ang mata.

Sino na naman 'yon!!!

Agad na napa linga linga ako sa paligid.


"Tss. Crazy girl , are you following me?" Napa tigil ako ng mahagip ng tingin ko ang lalaking naka sandal sa kabilang banda ng pader.

Agad nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ang lalaking may naka sabit na headphone sa leeg nya.


"H-Hoy kanina kapa ba d'yan?" Utal kong tanong sa kan'ya. Pero ang multong kaklasw ko ay  hindi ako sinagot!
"Hoy tinatanong kita, kanina kapa dito?" Tanong ko ulit at tumayo.



Hindi n'ya ako pinansin at pumikit lang. Napaka isnabero naman ng lalaking multo na'to! Pasalamat s'ya at gwapo sya-- hindi! hindi! hindi s'ya gwapo! okay? KeLrish Coreen Delos Reyes umayos ka! galit ka sa kan'ya, kase sinira niya ang folder mo at mas lalong hindi sya gwapo 'no duh!

"I ask you first." Sabi nya lang habang naka pikit pa din. Aba't talaga naman.


"Ano ba 'yung tanong mo?" Inis kong tanong at lumapit sa kan'ya.

"Are you following me?" Daretsong tanong n'ya habang naka pikit padin. Napa kunot ako ng noo, aba ginawa pa akong stalker ng mokong na'to ah!

Namewang ako at tumigil sa harap n'ya "Hoy! Mr. Kung sino kaman, hindi kita sinusundan 'no! Ang kapal ng mukha, bakit sayo ba 'tong rooftop ha?" Ang kapal ng mukha aba! sabihan ba naman ako na sinusundan siya?! Eh hindi ko nga alam na nandyan siya!


"I'm not Mr. Kung sino ka man."
Naka pikit pading sabi nya pero naka kunot ang noo.

Ang layo ng sagot nya sa tanong ko, siraulo yata talaga 'to eh.


"Wala akong pake kung sino ka! nasagot kona ang tanong mo pwede yung tanong ko naman ang sagutin mo? Kanina kapa ba dito?"


"Yeah." Maikling sagot nya bago dumilat. Nag kasalubong naman ang tingin namin.


Nanlaki ang mata ko. Wag n'yang sabihing? Nakita nya akong parang patay gutom kumain dito?!


Agad na napaiwas ako ng tingin at natahimik. Nakakahiya ka talaga KC!


Napalingon ako sa kan'ya ng umalis s'ya sa pag kakasandal sa pader at aastang aalis na, buti naman!


"Don't follow me again, Crazy girl." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi n'ya at sinundan s'ya ng tingin ng mag simula s'yang mag lakad.

"Sabing hindi ko nga s'ya sinusundan! Ang kapal talaga ng mukha! At tinawag pa talaga akong crazy girl? Bwisit s'ya!" Sabi ko habang naka tingin sa likod ng lalaking multo na'yon na pababa na ng hagdan, napaka walang modo talaga ng lalaking 'yon!


Ng hindi kona s'ya maaninag ay inis na sinipa ko ang hangin kunyare ay s'ya 'yon. Panira talaga ang isang 'yon. Inis na bumalik ako sa kanina kong pwesto at kinain ang natira kong burger.


Sa susunod ichecheck kona talaga ang bawat sulok netong rooftop para wala ng panirang multo ang aabala sa pag kain ko!








*********
(A/n: Thank you for reading lablabs♡
-mayyli)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top