Chapter 23




MICHELLE

"Is she the reason why you want to leave me?" Nanlilisik ang mga mata ni Edward.

"Don't be stupid."

"Am I being stupid?" Hinagis niya ang telepono at bumagsak ito sa sahig.

"My god naman, Edward." Yumuko ako para pulutin ang phone.

"There has to be a reason kung bakit gusto mong makipaghiwalay sa akin."

"Bakit hindi mo matanggap na tayo ang dahilan at hindi ibang tao?"
Bigla siyang tumayo at humakbang papalapit sa akin.

Hindi ko gusto ang nakita ko sa mga mata niya.

Light brown ang kulay ng mata niya pero ngayon parang itim ito dahil sa galit.

Napaurong ako pero wala naman akong ibang mapupuntahan kundi ang kusina.

"Bakit hindi mo aminin sa akin ang totoo?"

"Dahil wala akong aaminin sa'yo." Pagmamatigas ko.

Humakbang siya ulit hanggang sa magkatapat kami.

Matangkad si Edward.

Halos six feet ang height nito at malaki ang pangangatawan.

Kung meron siyang balak gawin sa akin, wala akong kalaban-laban.

Nanlilisik ang mga mata niya at naalala ko ang mga leon na napapanood ko sa National Geo channel bago nila lapain ang target nila.

Napaatras ako ulit pero mabilis na umangat ang kamay niya sa leeg ko.

"You fucking bitch!" Humigpit ang pagkakahawak niya sa leeg ko.

"Ed..." Hindi ako makapagsalita dahil diniin niya ang mga daliri sa lalamunan ko.

"You ruined my life once. I'm going to kill you before you end up with someone else." Kinaladkad niya ako papunta sa kusina.

Pilit kong tinaas ang kamay ko para itulak siya pero mas malakas siya sa akin.

Nakabuka ang bibig ko pero wala na akong boses.

Nahihilo na ako dahil kinakapos na ng oxygen.

"Diyos ko." Naisip ko.

"Ito na ba ang katapusan ko?"
Naaninag ko ang ref at naramdaman na kinakaladkad niya ako papalapit sa lababo.

Ano ang hinahanap niya?
Kutsilyo?

Pumipikit na ang mga mata ko dahil malapit na akong mawalan ng malay.

"Lord..." Nagdasal ako.

"Kung anuman ang balak ni Edward, huwag niyo sanang hayaang matuloy."

Bago ako tuluyang himatayin, narinig ko ang pagbukas ng gate.

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa leeg ko.

Binitawan ako ni Edward at humugot ako ng napakalalim na hininga.

Napasalampak ako sa sahig.

Si Edward naman, tumakbo palabas ng bahay.

"Daddy..." Tinawag siya ni Zac.

Pagpasok ni Yaya Imelda, ang pagsigaw niya sa pangalan ko ang huli kong narinig.

Naramdaman ko ang lamig sa likuran ko at bigla akong dumilat.

"Mommy," Umiiyak na niyakap ako ni Zac.

"Ate." Nasa tabi niya si Yaya Imelda.

Hinimatay pala ako at nakahiga sa sahig.

"Unghhh..." Umungol ako sabay hinawakan ang leeg na masakit pa din dahil sa pagkakasal sa akin ni Edward.

Tinukod ko ang kamay sa sahig at pilit na tumayo.

Inalalayan ako ni Yaya at tinulungang umupo.

Mahigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Ikukuha kita ng tubig." Lumapit siya sa ref at nanginginig ang kamay na kinuha ang pitsel.

Inabot niya sa akin ang baso at halos hindi ko ito maiangat sa labi ko.

Tinulungan ako ni Zac na ilapit ang baso sa bibig ko at dahan-dahan akong uminom.

Natapon ang tubig sa dibdib ko dahil hindi ko mapigil ang kamay ko sa pag-alog.

"Michelle, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Yaya.

Nilapag ko ang baso sa ibabaw ng lamesa.

"Punta tayo sa barangay." Sagot ko.

Habang nasa tricycle, tinawagan ko sina Tatay.

"Ano kamo?" Gulat na tanong niya.

"Tay..." Di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong umiyak.

Narinig ko na sinabi niya na pupunta sila sa bahay.

Nireport ko sa barangay ang nangyari.

Sinagot ko ang mga tanong nila, binigay ako ang description ni Edward at ang relasyon naming dalawa.

Nakaupo sa tapat ko si Zac at Yaya Imelda at kita sa mata ng anak ko ang takot.

Nagpanting ang tenga ko ng sabihin ng kapitan na normal lang sa mag-asawa ang mag-away.

"Normal?" Napatayo ako.

"Normal din ba na gusto niya akong patayin?"

Nanlaki ang mga mata ng matandang kalbo sa gulat.

"Pumunta ako dito para magsampa ng reklamo at hindi para humingi ng payo galing sa inyo."

"Misis, kalma lang po tayo." Nilapitan ako ng isang kagawad. Hinawakan niya ako sa braso pero hinawi ko siya.

"May kailangan pa ba kayo sa akin?"

"Wala na, Misis." Sagot ng kapitan.

Hinila ko ang kamay ni Zac at umalis na kami.

Nang gabing iyon, dumating ang buong pamilya ko.

"Tarantado iyon ah." Sigaw ni Kuya Alex ng makita ang bakas ng mga daliri ni Edward sa leeg ko.

"Puntahan natin, Kuya." Sabi naman ni Kuya Roman.

"Maghunos-dili nga kayo." Saway ni Nanay.

Si Tatay naman, tahimik lang na nakatingin sa akin.

Tulog na si Zac at kasama si Yaya sa kuwarto.

"Hayop na iyon." Biglang nagsalita si Tatay.

"Kapag nakita ko siya, ako mismo ang papatay sa kanya."

"Ernesto, huwag kang magsalita ng ganyan." Si Nanay lang ang mahinahon sa aming lahat.

"Ang mabuti pa, Alex, Roman, pumunta kayo sa hardware para bumili ng kandado at bagong doorknob. Palitan ninyo ang lock ng bahay para hindi siya makapasok."

"Opo, Nay."

Tiningnan ako ni Kuya Alex.

"Ilang kandado ang dapat palitan?"

"Tatlo, Kuya. Isa sa gate, sa front door at saka sa pinto sa kusina."

"Bili na din tayo ng deadbolt para sigurado." Mungkahi ni Kuya Roman.

"Sige."

Nagpaalam na silang dalawa at naiwan kami nina Tatay.

"Anong number ng magulang niya?" Tanong ni Tatay pagkaalis nina Kuya.

Ang papa ni Edward ang nakasagot.

Base sa narinig kong usapan nila ni Tatay, wala sa bahay nila si Edward.

Pinasa sa akin ni Tatay ang telepono at abot-abot ang paghingi ng papa niya ng pasensiya.

"Michelle, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Edward."

"Nakipaghiwalay po ako sa kanya."
"Ano?"

Pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari.

"Akala ko inaayos ninyong mag-asawa ang relasyon ninyo?"
"Hindi po iyon nangyari." Sagot ko. "Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, malabo ng magkabalikan kami."

Hindi siya kumibo.

"Kapag pumunta siya dito, ako mismo ang kakausap sa kanya." Bumuntong-hininga siya.

"Dadalhin ko siya sa inyo para humingi ng tawad sa ginawa niya.

"Nireklamo ko po siya sa barangay."
"Ano?"

"Muntik na po akong patayin ng anak ninyo. Malay ko kung ano pa ang pwede niyang gawin?"

"Pero, hija. Dala ng galit kaya niya nagawa iyon."

"Pati ba naman kayo pagtatakpan ang ginawa niya?"
Hindi siya nakakibo.

"Saka na lang po tayo mag-usap ulit." Pinindot ko ang end button at binalik kay Tatay ang telepono.

Nakatingin silang dalawa ni Nanay sa akin.

"Ano ba ang nangyari, Michelle?" Tanong ni Tatay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top