Chapter 14
MICHELLE
For the first time in my life, sinunod ko kung ano ang gusto ko kahit alam ko na hindi dapat—sinabi ko kay Carmen ang tunay kong nararamdaman.
Nang sabihin niya sa akin na lalayo siya, bumigat ang pakiramdam ko at nawalan ako ng gana.
Umuukilkil sa isip ko na pagkatapos ng lakad namin, hindi ko na siya makikita at ayaw pumayag ng puso at isip ko.
I don't want to be her friend.
I want to be more than that.
I want to be the reason why she's smiling or happy.
I want to be that person who makes her life better.
Gusto kong ipakita sa kanya na I am more than what she sees—hindi lang ako isang nanay but I can also be someone significant in her life.
Nang sabihin ko sa kanya na I don't want to let her go, nanigas ang katawan niya.
Akala ko, itutulak niya ako at sasabihin na mali ang gagawin ko dahil mukhang ganun siya—rational, someone who always does the right thing.
But then I saw something in her eyes and it only fueled what I want to happen.
She wanted me too.
Obvious na nga yun but it was even clearer during that moment na yakap ko siya at nakatingin lang siya sa akin.
Hindi pa ako nakuntento, hinalikan ko siya sa labi.
Hindi naman siya tumanggi.
I closed my eyes and felt her soft lips hungrily reciprocating what I needed for a long time.
We were gasping for breath when I pulled away dahil naalala ko na we weren't alone.
"Michelle..." Bulong niya sabay yakap sa akin.
I stayed in her arms for as long as I can.
Siguro kung nasa ibang realidad kami, I will ask her to stay with me.
Pero sa labas ng pintuan ng kuwarto ko, naghihintay ang tunay na buhay.
Sinamahan ko siya palabas ng kuwarto at hinatid sa gate.
"How's your head?" Tanong niya habang binubuksan ko ang gate.
"Masakit pa din."
"Why don't you take something? Meron ka bang gamot?"
Tumango ako at ngumiti.
"Why are you smiling like that?"
"Ang thoughtful mo kasi."
"If we're going to do this, I want to take care of you." Sabi niya.
Lumingon siya sa paligid para makasiguro na walang nakarinig sa sinabi niya.
"Huwag kang mag-alala. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko." Tumayo ako sa harap niya at pasimpleng hinawakan siya sa kamay.
Hinuli niya ang daliri ko at marahang pinisil.
"I should go para makapagpahinga ka." Tumigil siya sa pagsasalita na parang may naaalala.
"Are you sure wala ka ng kailangan?"
"Ikaw."
Napailing si Carmen sa narinig.
Humakbang siya papalapit tapos yumuko.
Nilapit niya ang bibig sa tenga ko.
"Are you sure you can handle me?"
Uminit ang leeg ko, ang pisngi pati ang bahagi sa gitna ng binti ko.
Si Carmen naman, ngingiti-ngiti lang.
"I really should go." Binitawan niya ang kamay ko at lumakad na palapit sa sasakyan.
"Text me." Sabi ko bago siya umikot papunta sa driver's side.
"Will do. See you later." Nang ngumiti siya ulit sa akin, feeling ko nakalutang ako sa hangin.
Ganito ba ang main-love?
Nung high school kasi ako, kahit merong nagkakagusto sa akin at kahit gusto ko din sila, di naman sila makaporma dahil laging nakaabang sina Kuya.
Wala tuloy magkalakas ng loob na manligaw.
Yung mga sumusubok naman, di ko naman type.
Ang nangyari sa amin ni Edward, siya ang nagpursigi sa akin.
Hindi ko siya agad sinagot dahil alangan ako sa kanya.
Kahit kinukulit ako ng mga barkada ko, merong bahagi sa isip ko na laging nagdududa.
Hindi ko matukoy kung ano at sana nakinig ako sa instinct ko.
Awa ba ang naramdaman ko sa kanya kaya pumayag na din ako na maging kami?
Kinulit niya kasi ako kung bakit ang tagal niya na daw nanliligaw eh hindi ko pa din siya sinasagot.
He had this puppy-eyed expression at bigla ko na lang sinabi na sige na, tayo na.
Ganun.
Kalaunan, natutunan ko na din siyang mahalin.
Nang mabuntis ako, doon ko siya lalong nakilala.
Oo nga at sweet siya nung magboyfriend pa lang kami pero ng meron na siyang obligasyon, doon ko nakita na hindi siya handa sa responsibilidad na naghihintay sa kanya.
I realized that he only wanted the good part of the relationship.
Nang kailangan naming harapin ang katotohanan, he showed his true colors and I was disappointed with what I saw.
Edward has no backbone.
Pagkaalis ni Carmen, pumasok ako na ako ulit sa bahay.
Hindi ko pa naisasara ang pinto ng biglang mag-ping ang phone.
Kinuha ko ito sa bulsa ng suot na jeans at may text siya.
Isang kissing emoji na may heart.
Nakagat ko tuloy ang labi ko.
Kinabukasan, meron kaming unexpected na bisita.
Naghihiwa ako ng sibuyas para sa nilulutong bistek habang nagsasampay naman si Yaya ng mga nilabhang kumot at punda ng biglang may nagdoorbell.
"Zac, silipin mo nga kung sino ang nasa gate?" Sigaw ko galing sa kusina.
Narinig ko ang pag-ingit ng pinto at ang tunog ng tsinelas niya habang tumatakbo palabas.
"Daddy!" Sigaw ni Zac.
Dumaplis ang kutsilyo at imbes na sa sibuyas tumama, nahiwa ang kanang hintuturo ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top