Chapter 17
Yumiko POV
Bilis dumaan ng araw. Lumabas na nga pala ako ng ospital.
Si James nagsundo sakin. Sino paba? Ano namang aasahan ko sa fiance ko? Psh.
Pababa na kami ng kotse. Dito na kami mansyon.
Pagpasok ng mansyon sinalubong kami ni Lance. Aba himala. Sabagay sabado nga pala ngayon. Walang pasok.
May cast nga pala yung braso ko. Dahan-dahan ako naglakad papasok ng mansyon.
"James akina yang bag nya. Ako na maghahatid sa kaniya sa kwarto nya. Pwede ka nang umuwi sa condo mo. Salamat sa paghatid sa kaniya." Sabi ni Lance.
"Oh Bro ang bag nya. May kukunin lang ako sa kotse ko." Sabi ni James saka bumalik muna sa kotse nya.
"Hahatid na kita sa kwarto mo." Sabi sakin ni Lance.
"Nah. I can manage." Sagot ko. Ang mataray na Yumiko syempre dapat.
Napatingin ako kay James dala ang maleta nya. Parang babae ang daming dala. Para one week lang mag-stay dito eh.
"Ano yan?" Tanong agad ni Lance.
"Stay ako dito ng one week para alagaan si Yumi. Ano? Tara na sa loob." Sabi ni James.
"Kaya ko na siyang alagaan." Protesta ni Lance.
"No Bro. You can't. Basta ako na bahala. Dito muna ako. Yumi, ingat ka. Yung braso mo. Hahatid ka naman ni Lance sa kwarto mo, mauna na ako sa kwarto ko." Sabi ni James saka ayun nauna na umakyat.
Pero teka, sabi ni Lance aalagaan nya ako? Wow. In my dreams. As if totoo.
"Tch. Tara na sa kwarto mo." Yaya ni Lance.
Hindi nako nagsalita. Umakyat na kami sa taas. Nang makarating kami sa kwarto ko, umupo na'ko agad sa kama. Ewan parang nahilo ako bigla.
"Ilagay mo nalang dyan then ako na bahala mamaya. Pwede mo nakong iwan." Sabi ko kay Lance.
Hindi sya nagsalita. Lumapit sya sakin at umupo din dito sa kama ko.
Dug, dug..
Dug, dug..
Aish ayan na naman kabog ng dibdib ko. Kasi ayoko lumalapit sakin si Lance. Pinipilit ko na nga kalimutan nararamdaman ko para sa kaniya eh. Psh.
"Musta yung braso mo?" Tanong ni Lance.
Napatingin ako sa kaniya.
Malapit pala mukha namin sa isa't isa. Shemay.
"A-Ah, ayos lang. Pwede bang iwan mo na'ko?" Sabi ko. Kasi naman nagwawala na ang puso ko.
Hindi nagsalita si Lance. Yung mukha nya palapit ng palapit sa mukha ko. Anong balak nito?
Ayan na palapit ng palapit hanggang sa...
He kissed me.
He's kissing me right now.
Oh my god.
The kiss stealer.
Hinayaan ko lang sya. Di ako pumapalag. Kasi naman! Aish. Lance Abellano naiinis na ako.
Hindi ko alam ano nararamdaman ko pero sumasabay ako sa way ng paghalik nya sakin.
Palalim ng palalim...
"Yumi okay kalang? Di ka naman ba pinag-samantalahan ni Lance?"
Biglang pumasok sa kwarto ko si James. Awtomatiko kaming naghiwalay. Napatingin ako kay Lance. Nagba-blush ang mukha.
Teka nga ba't ba ako natutuwa. Galit ako dyan kay Lance ah? Aish. Kasi naman.
Konsensya: mahal mo kasi kaya kahit galit ka, napapangiti ka..
Tse!
Psh.
"Ako na bahala kay Yumi Bro. Dito naman ako tutulog sa kwarto nya." Sabi ni James.
"WHAT?"
"Joke lang. Haha."
Baliw talaga si James. "Tch." Si Lance nag-walk-out na.
"Highblood masyado si Bro. Selos yata." Sabi ni James.
"Wag ka nga James. As if magselos yun. Psh. Bakit ka pala andito?"
"Bakit? Naabala ko ba kayo sa kissing scene nyo?"
Oh my!
"Magkagalit kayo pero nagki-kiss. Ayos ah."
"James naman!"
"Haha. Nagba-blush ka oh! Gustung-gusto!"
Lakas trip ni James. Porket alam nya ang nararamdaman ko kay Lance, inaasar ako. Aish.
"Tigilan moko. Sige na papahinga na'ko."
"Gusto mo tawagin ko si Bro? Sabihin ko tabihan ka?"
"James!" Lakas mang-asar talaga nyan. Aish!
"Joke lang. Sige na pahinga ka na. Baba ka na mayang lunch ha? I love you."
I love you daw?
"Hahaha. Joke lang. Wag ka nga masyado magseryoso. Nagiging magugulatin ka tuloy. Haha. Sige na."
Lakas talaga ng tama ni James. Para akong ewan na natulala dito sa kwarto ko. Aish.
Pahinga na nga ako.
☣
Lance POV
Di ako mapakali dito sa kwarto ko. Gusto ko puntahan si Yumiko sa kwarto nya. Aish.
Kanina nahalikan ko na naman sya. Bakit ba prang may magnet ang labi nya. Sa tuwing makakaharap ko siya automatic nahahalikan ko sya.
Tch.
Bwisit lang talaga si James. Istorbo. Saka bakit ba andito yan? Popormahan ko na nga si Yumiko para ako piliin nya na fiance eh.
Tch. Oo. Gagawa ako ng paraan para ako piliin nya. Sinabi ko naman na. Ayoko mapunta si Yumi sa iba. Ako lang dapat fiance nya.
Kailangan kong mag-effort kasi alam kong mababa pa sa 5% ang chance na ako piliin ni Yumiko.
*tok tok*
Sino naman yan.
"Problema mo?" Tanong ko agad kay James.
Diretso syang pumasok dito sa kwarto ko tapos umupo dito sa kama ko.
"Bro.."
"Oh?"
"May kasalanan ako sayo."
Ano naman yun? Napansin ko malungkot yung mukha ni James.
"Ano yun."
"Gusto mo bang malaman ang totoong dahilan bakit bigla-bigla ako nagsabi kay Papa na ako nalang fiance ni Yumi?"
Seryoso talaga sya. Minsan ko lang yan makitang ganyan. Usually, jolly talaga yan.
Ano nga bang dahilan nya? Dahil ba may gusto sya kay Yumi? Tch. "Okay. Tell me." Sabi ko. Gusto ko din namang malaman.
"Wag ka sanang magagalit sa'min ni Yumi." Panimula nya.
Ano ba yun? Kinakabahan ako ah. Tch. "Ano ba yun?"
"Bro.."
Sige pabitin kapa. Kinakabahan nako amp!
"Diretsahin mo nga ako!" Bulyaw ko sa kaniya.
Ayaw pang sabihin agad.
"May nangyari na sa'min ni Yumi. Nag-aalala ako baka mabuo yun kaya inunahan ko na. Papakasalan ko sya."
May nangyari samin ni Yumi..
May nangyari samin ni Yumi..
May nangyari samin ni Yumi..
May nangyari samin ni Yumi..
Shit.
Na-freeze ako. Nakatingin lang ako kay James. Sya tahimik lang din na nakatingin sa'kin.
FUCK!
Paano nila nagawa yun? Ganon ba nila ka-gusto ang isa't isa?
Makikipagkompetensya pa ba ako sa pagiging fiance ni Yumi?
Anong laban ko kung may nangyari na sa kanila? Damn it. Hindi ako makapaniwala.
"Bro.."
Gusto kong sapakin si James. Gusto ko syang bugbugin. Pero wala ako magawa. Kapatid ko yan. TANGINA lang!
"Bro.."
Hindi ko alam pero naiikom ko yung kamao ko. Para pa'kong nagngingitngit sa galit.
"Bro.."
Hindi pa din ako nagsasalita. Yung mata ko alam ko nanlilisik. Para ngang nanggigilid luha ko. Tangina talaga!
Hindi ko alam sunod na gagawin o sunod na iisipin ko.
Naramdaman ko nalang yung pagtapik ni James sa balikat ko.
"Bro.."
Tiningnan ko sya. Yung tingin na pinakamalamig. Walang emosyon.
"Nasasaktan ka ba Bro?"
"Gusto kitang suntukin ngayon." Matigas na sabi ko.
Hindi ko matanggap yung sinabi nya.
"Wag Bro.."
"Tangina lang James! Hindi ko naisip na magagawa nyo yun! Kahit arranged marriage lang kami ni Yumiko, nasasaktan ako sa nalaman ko! Ang bigat dito sa dibdib ko! Gusto kitang suntukin at bugbugin pero wala akong magawa! Tangina lang! Parang diko matanggap! Iba na yung nararamdaman ko kay Yumiko eh! Iba na! May kakaiba na dito sa dibdib ko! Bakit ngayon pa James? Bakit hindi pa noon nung wala pa 'tong putanginang nararamdaman ko dito sa dibdib ko!"
Wala na. I bursted out my anger. Napuno nako. Ang bigat bigat. Pakiramdam ko sasabog ako pag di ko nailabas 'to.
"Bro mahal mo na si Yumi."
I stared at him. "Siguro. Ewan ko! Basta ang bigat sa dibdib ko ng nalaman ko sayo. Fuck!"
"Bro.."
"Ano pa bang magagawa ko? Nagawa nyo na. Baka nga mabuo pa yan. Mas makakabuti ngang ikaw nalang pakasalan nya." Sabi ko.
Ano pa bang mapapala ko? Wala diba? Siguro mahal ni Yumiko si James kaya napapayag syang may magyari sa kanila. Damn it! Mababaliw na yata ako sa galit.
"Mahal mo na nga si Yumi.."
"Tigilan moko James. Iwan mo muna ako." Sabi ko habang nakakapagtimpi pako. Baka kasi mamaya masapak ko na yang kapatid ko.
"Mahal mo na nga si Yumi.."
"Fuck James! Sinabi nang lumabas ka dito sa kwarto ko!" Sigaw ko.
Aambaan ko na sya. Pasuntok na ako nang bigla syang ngumiti.
Damn it.
"Napano ka?" Sabi ko.
"Mahal mo na nga si Yumi. Kitang-kita naman sa expression ng mukha mo pati sa pagre-react mo. Wag ka mag-alala Bro. Tuloy pa din yung competition nating dalawa. Hindi totoong may nangyari sa'min ni Yumi. Sinusubukan lang kita. Ge. Sorry Bro!"
Fuck. Makakasuntok talaga ako. Ayun nagtatakbo ang kapatid kong magaling.
Yung bigat ng dibdib ko biglang nawala nung sabihin nya di yun totoo. Ibig sabihin pinag-trip-an nya lang ako? Hindi talaga totoong may nangyari sa kanila?
Napahawak ako sa bandang dibdib ko.
Dug, dug..
Dug, dug..
Fuck!
Bakit ganito nararamdaman ko.
Hindi totoong may nangyari samin..
Hindi totoong may nangyari samin..
Hindi totoong may nangyari samin..
Hindi totoong may nangyari samin..
Napangiti ako bigla dahil sa naisip kong huling sinabi ni James.
Gumaan pakiramdam ko.
Walang nangyari sa kanila.
Pinagtrip-an lang ako ni James. Sinubukan nya lang ako..
Teka? Pinagtrip-an ako ng kapatid ko?
Napasakay nya ako sa trip nya?
Muntikan ko na nga sya masuntok dahil dun?
"JAMES ABELLANO! Humanda ka sakin!"
☣
James POV
Gustung-gusto ko na humagalpak ng tawa kanina.
Laugtrip si Bro. Ayos na ayos ang arte ko kanina. Pwede ng mag-artista. Pang-artista na nga mukha ko, pati ba naman sa pag-arte? Sige ako na pinagpala. Haha
Galit na galit talaga kanina eh. Kitang-kita sa mga mata niya.
Pansin ko din naman na talagang may nararamdaman na siya kay Yumi. Ayaw pa rin talaga umamin eh. Lakas maka-taguan ng feelings. Pag-untugin ko kaya sila?
Dapat magpasalamat sila sa'kin. Nagiging cupid ako sa kanila eh. Pasalamat sila pareho silang mahalaga sakin.
Una palang yung ginawa ko kay Bro pero hanep na makapag-react. Haha. Guguluhin ko buhay ni Bro habang narito ako sa mansyon kaya dapat ihanda na niya ang sarili niya.
At syempre mas ihanda niya ang puso niya. Haha. Ako pa ba susubukan niya? Eto lang masasabi ko kay Bro...
There's more! It's more fun with James Abellano!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top