Chapter 18
Yumiko POV
Kakababa ko lang dito sa dining area para maglunch.
Naabutan ko ang magkapatid. Magkatapat sila. Saan ba ako tatabi? Kay Lance o kay James?
Psh. Syempre kay James.
"Yumi." Si James nakangiti sakin habang nakaturo dun sa upuan na katabi nya. Means, dun ako umupo sa tabi nya.
Umupo naman ako. Napatingin ako kay Lance. Sama ng tingin. Inaano ko ba sya? Psh.
"Aww..." Shocks lang. Kumikirot na naman braso ko.
"Masakit braso mo?" Tanong ni James. Halata sa mukha nya na nag-aalala sya.
Tumango ako. "M-Medyo kumirot."
"Don't worry susubuan nalang kita para makakain ka okay?" Sweet na sabi ni James.
Pagkasabi nun ni James, sa isang iglap nahila na ako ni Lance patayo. Napatayo tuloy ako. Hawak nya pa isang braso ko. Yung walang cast.
"Bro anong ginagawa mo?" Tanong ni James.
Di ako makapagsalita. Medyo nagulat ako sa ginawa ni Lance tapos kumikirot pa braso ko. Parang wala ako sa mood magsalita tuloy.
Hindi pinansin ni Lance yung tanong ni James. Sa halip, tumingin sya sakin. Seryoso. "Dun ka na kumain sa kwarto mo kung makirot ang braso mo. Sasamahan kita." Cold na sabi ni Lance.
"P-Pero.."
Naputol na sinabi ko nung sinigawan ni Lance yung katulong. "Maghatid ka ng pagkain sa kwarto ni Yumiko. Ngayon din." Utos ni lance saka hinila ako.
Paakyat na kami ng hagdan. Hawak pa din nya ako sa braso. "Ano bang ginagawa mo?" Mataray na tanong ko.
Kasi medyo naiinis nako sa inaasal nya. Diba wala naman syang pakialam sakin? Bakit nya ginagawa 'to?
Hindi sya sumasagot. Hila hila pa din nya ako paakyat hanggang makarating kami ng kwarto ko.
Then the moment na makapasok kami, sinara nya agad yung pinto. Para syang nagdadabog. Napasandal tuloy ako sa pintong sumara.
"Ano bang problema mo Lance?!" Galit na sigaw ko. Hindi ko na sya maintindihan.
Nakatitig lang sya sakin. Nakatukod yung dalawang kamay nya sa pinto kung saan ako nakasandal. Magkalapit yung mukha namin. Yung mata nya galit. Ano bang nagawa ko?
Nararamdaman ko na naman kumikirot yung braso ko pero hinahayaan ko nalang. Nakipagtagisan ako ng tingin kay Lance. Hindi nako natutuwa sa ginagawa nya, sa pinapakita nya!
"What now Lance? Pwede bang iwan mo nalang ako?!" Sigaw ko kahit magkalapit lang mukha namin.
He remained silent. Nakatitig lang sya sakin.
"Lance."
Anong ginagawa nya? Ayan na naman sya. Bakit hinahalikan na naman nya ko?
He's kissing me torridly. Diko alam pero kusa akong tumutugon habang naka-freeze pa din yung katawan ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya pero diko naman sya matanggihan sa tuwing hahalikan nya ako. Given na yung fact na mahal ko na sya pero diba sabi ko sa sarili ko, pipigilan ko na? Kakalimutan ko na nararamdaman ko sa kanya? Bwisit namang puso 'to.
Tumigil sa paghalik sakin si Lance pero malapit pa din yung mukha nya sa mukha ko. Diretso pa din syang nakatingin sa mukha ko. "Gulung-gulo na ang isip ko Yumiko!" Sigaw nya.
Napakislot ako. Nagulat ako. Galit sya. "Ano bang ginawa ko.."
"Damn it! Don't act as if you don't know!"
Kumunot ang noo ko. "Ano bang pinagsasasabi mo Lance?"
"May gusto ka ba kay James? Sa halip na sakin ka tumabi kanina, talagang sa kanya kapa tumabi! Para ano? Para sya ang magsubo ng pagkain sayo? Ha?!"
Natatakot ako kay Lance. Galit na galit itsura nya. Pero nagpakatatag ako. Mataray ako diba? "Why Lance? Don't tell me you're jealous dahil malabong mangyari yun! Ikaw pa ba? Eh may Nicole ka na diba? Saka bakit ba pinakikialaman mo pa ako ha?!" Sigaw ko kahit magkalapit pa din mukha namen.
"Wag mong isali sa usapan si Nicole!!"
Wow lang. Ayan na naman sya sa pagtatanggol kay Nicole. Shit lang. "Ano? Nicole na naman? Pagtatanggol mo na naman sya? Kung yun din lang naman, bakit hindi mo sya puntahan at hayaan mo nalang ako? Ha!?"
Galit na din ako. Grabe. Sobra na si Lance. Wala syang karapatang awayin ako. Wala na kaming pakialaman diba? Bakit pa nya ako ginaganito?
"Damn it Yumiko!"
After he shouted my name, he kissed me again. Deep and powerful. Ramdam ko yung galit nya sa way ng paghalik nya sakin.
Diko alam pero nasasaktan ako. Bakit ganito sya? Hindi ko sya ma-gets. Hindi ko alam ang iisipin sa kanya. Una, inaaway nya ako ng dahil kay Nicole. Pangalawa, gusto nyang siya lang ang fiance ko at pangatlo, lagi nya akong hinahalikan.
Iniisip ko na baka gusto nya ako pero sa tuwing masasali sa usapan namin si Nicole, mas nagagalit sya. Parang protective sya masyado sa babae na yun. Ang gulo-gulo nya! Sobra!
Naluha nako. Naluluha ako kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi hindi ko maintindihan si Lance. Hindi ko sya maintindihan dahil ayaw nyang sabihin ang totoong saloobin nya. All this time, if he wants to kiss me, I always let him kiss me. Pero bakit sinasaktan nya ako? Bakit pinapamukha nya sakin na ayaw nyang nasasaktan si Nicole.
Diba ako naman yung nasasaktan dito? Nasampal na nya ako. Naaksidente nako but still, walang pagbabago. Wala! Ayoko na talaga. I hate him.
Naramdaman kong tumigil sya sa paghalik sakin pero magkalapit pa din mukha namin. Umiiyak nako. Ang sakit sakit na.
"Yumiko.."
"Please leave me alone.." Umiiyak na sabi ko.
He kissed me again. Pero hindi tulad kanina. This time, it was soft and gentle. Hinahayaan ko sya. Hinahayaan ko syang gawin ang gusto nya dahil mahal ko sya.
"Sorry..." He said between our kisses.
Lalo akong napaluha. Para saan ang sorry nya? Bakit?
He still kissing me. I don't know pero hindi ko talaga sya kaya tanggihan.
Maya maya ay tumigil din sya then he looked at my eyes. "Please stop crying..." He said.
Tinatagan ko sarili ko. "Lance can I ask a favor?" Madiin na sabi ko habang tumutulo yung luha ko.
Bahagya lang syang tumango.
"Please... Layuan mo nako? I don't want you to be my fiance. Ayoko na. Suko na ako Lance. Please hayaan mo na ako. Please wag mo ng gagawin to. Don't ever kiss me again. Wag mo ng guluhin ang isip at puso ko. Please do this for me? I promise. Di kita papakialaman sa lahat ng bagay. Hindi ko kayo papakialaman ni Nicole. Basta hayaan mo nako."
At last nasabi ko din.
Saglit siyang tumitig sa akin.
"Fine! If that's what you want!" Sigaw ni Lance. "Excuse, lalabas ako." Cold na sabi nya.
Lumayo ako sa pinto at mabilis syang lumabas.
Ang sakit.
Ang sakit na ganon lang sinabi nya. Fine daw? Okay.
Masyadong mataas ang pride nya. He can't handle his feelings. Hindi nya kayang magpakatotoo. Hindi sya marunong maglambing. Hindi sya marunong manuyo.
What kind of guy he is? Bakit ko sya minahal?
BAKIT?
☣
Lance POV
"Damn it!"
Napasuntok nalang ako sa pader pagkapasok ko dito sa kwarto ko.
Bakit ba sya ganon?
Bakit ba ganon pakikitungo nya sakin?
Gusto nya talagang layuan ko sya? Fine!
Ayaw na talaga nya ako maging fiance? Fine!
Hindi ako magpapakatanga para magmakaawa sa kanya.
Sino ba sya sa akala nya? Tangina lang. Bahala sya sa buhay nya! Mahirap ba intindihin na nagseselos ako sa kanila ni James kanina?
Tch. Fuck. I kissed her. I kissed her because I want it. Pinipilit ko ba syang tugunin ako? Hinahayaan nya nga lang ako tapos hihilingin nya na wag ko ng gagawin yun?
Damn it! Shit! Buwisit na bwisit nako!
Gulung-gulo na nga isip ko, mas ginugulo pa nya! Mataas masyado pride nya! Bwisit!
Damn it.
Akala nya diko sya kaya tiisin? Pwes, bahala na sya sa buhay nya.
Tch.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top