Chapter 16

Lance POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung si Yumiko ang magde-decide. There's a 90% chance na si James ang piliin nya.

Alam kong nasaktan ko sya. Ako nga siguro ang may kasalanan kung bakit sya naaksidente pero may mali din naman sya.

Ang hindi ko lang maintindihan. Bakit sa halip na sumaya ako dahil makakawala na ako sa arranged marriage na yun, naiinis ako. Bakit ayoko. Bakit tutol ang sarili ko sa naisip ni James?

Tch. Mababaliw na ako kakaisip. Basta ayokong mapunta si Yumiko kay James. Damn it.

Kakapasok ko lang dito sa kwarto ko. Hindi ako mapakali.

Kinuha ko phone ko at tinawagan ang number ni Yumiko.

[Why?]

Here she goes again. Cold treatment. Masyado na talaga ang pagka-taray ng fiance ko na yan.

"How are you?"

[I'm fine. Kung wala ka ng sasabihin, pwede ko na bang ibaba?]

Tch. Ano bang nangyayari sa kaniya? Sumobra na katarayan nya.

"Okay. Pupunta ako dyan sa ospital. I want to talk to you." Sabi ko. I-o-open-up ko na sa kaniya yung sinabi ni James kay Papa. Pati na yung naging sagot ni Papa.

[Nagpapahinga ako kaya wag kana lang pumunta.]

Tch. Babaeng 'to talaga. "I insist."

[K.]

*toot toot*

Binabaan ako? At K lang ang sinabi nya? Sobra naman ata yun. Ramdam na ramdam ko yung effort nung K niya.

Tch. Pupunta na nga akong ospital.



Yumiko POV

Naiinis ako kay Lance. Bakit kailangan nyang tumawag? Bwisit sya. At pupunta sya dito?  Para saan? Para ipamukha na naman sakin na ako yung mali? Na kasalanan ko din kaya ako naaksidente? Damn him.

Aish. Si James dipa bumabalik. Sina Janna at Chelsea kakaalis lang. Ako na loner.

Medyo sumasakit pa din yung braso ko. Aish. Hindi ako makakain ng ako lang. Kasi naman diko pa magalaw isang kamay ko.

Bumukas ang pinto.

Si Lance? Kakatawag nya lang tapos andito agad?

Sabagay di naman ganun kalayo 'tong ospital sa mansyon nila. Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya habang papalapit sa'kin.

"What brought you here?" Tanong ko. Syempre cold. As what I've said, babalik na ang dating Yumiko. Isasantabi ko yung nararamdaman ko para sa kaniya. Kasi kung hindi ko yun isasantabi, masasaktan lang ako.

"I want to know if you're okay."

"I'm still alive. Now you may go." Cold ko pa ding sabi.

"Tch." Lumapit sakin si Lance at umupo sa upuan sa gilid ng kama ko. Bale nakaharap sya sa kama ko.

"What?" Pagtataray ko.

"Kinausap ni James si Papa."

Yun ba yung...

"He wants to be your fiance."

So sinabi nga ni James? At pati kay Lance sinabi nya? Ohmy.

"So?" Pilit kong nagpakataray muna.

"Hindi ako pumayag."

Ano daw? Si Lance hindi pumayag? Diba yun nga gusto nya? Diba ayaw nya nga sa arranged marriage?

"Bakit? Pagkakataon mo na para makawala sa arranged marriage. At least andyan naman si James na willing na maging fiance ko. And I think mas sasaya naman ako---"

Lance kissed me.

Hindi lang basta kiss pero torrid kiss. Hindi ako makapalag. Bukod sa hindi ko pa magalaw ang braso ko, ayaw ding sumunod ng sarili ko sa isip ko.

Traydor.

He's still kissing me. Ako naman tumutugon na. Shemay lang. Bakit di ako makatanggi dito kay Lance. He's the one who hurts me. Dapat galit ako sa kaniya.

Dapat pinagtatabuyan ko sya pero bakit hinahayaan ko syang halikan ako?

Hindi pa rin sya tumitigil.

Parang kakapusan na kami ng hininga kaya automatic na naghiwalay yung mga labi namin. "W-What the hell are you doing?" Galit na tanong ko.

He just kissed me again.

Lance Abellano you're making me crazy!

Lance POV

I don't know what I'm doing. Diko mapigilan ang sarili kong halikan si Yumiko.

Nung mahalikan ko siya ulit, naaadik na naman ako. I can't help myself to kiss her again.

I can feel her soft lips. Tumutugon sya sa halik ko kaya mas nagiging eager akong halikan sya.

Hindi ako natuwa sa sinabi nya kanina na kesyo mas mapapasaya sya ni James? Damn it. Ayoko. Ayokong mapunta sya iba kahit diko alam kung bakit.

I stopped kissing her. "Ako lang ang papakasalan mo." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Yumiko.

"What?"

"Sabi ko ako lang papakasalan mo."

"I'm not making jokes with you Lance. Sinabi na ni James diba? He's willing to replace you kaya---"

"I said stop it Yumiko! I don't want him to replace me. Ako lang. Ako lang papakasalan mo!"

"Hindi kita maintindihan Lance!" Sigaw nya.

Kahit naman ako hindi ko maintindihan sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ganito inaakto ko.

"Basta ako pa din fiance mo!" Sabi ko.

"No. Nagsabi na si James sa Papa nyo."

Tumango ako. So talagang pinag-usapan na nila ni James? "Yeah I know. And Papa said that you are the one who will decide.

Nagulat na naman sya. "What?"

"Ikaw ang magde-decide kung sino sa amin ni James ang magiging fiance mo." Sabi ko.

"I better choose James over you Lance."

Tangina. Bakit parang masakit dito sa bandang dibdib ko yung sinabi nya?

"What did you say?" Narinig ko naman ng malinaw eh. Gusto ko lang ipaulit dahil baka baguhin pa nya yung sinabi nya. Apektado ako sa diko malamang dahilan.

"Do I need to repeat what I've said Lance?"

Shit. Talagang si James ang pipiliin nya? Ibig sabihin, sure ng ililipat ni Papa ang posisyon ko kay James dahil sya pipiliin ni Yumiko?

NO.

I won't let that happen. "What do you want me to do?" Seryosong tanong ko kay Yumiko.

I'm willing to do all the things she wants para lang magbago ang isip nya.

"Just stay away from me Lance."

Again, may kung anong kumirot sa bandang dibdib ko.

I sighed. Sa tingin ko, hindi magiging maganda ang usapan namin dahil ramdam ko na galit sya sakin. I better go. One week pa naman si Papa sa New York so may one week pa'ko para suyuin si Yumiko. I want to be her fiance. Ako lang. Ayoko syang mapunta kay James o sa kahit kanino man.

"Aalis nako." Sabi ko.

"K."

What's with that letter, "K" ? Kelan pa sya nahawa sa katahimikan ko? Tch.

Hindi na'ko sumagot. Lumabas na'ko ng ospital. Lumalakad na'ko sa hallway ng makasalubong ko si James.

He's smiling at me. Parang nang-aasar pa. "How's Yumi, my fiance?" Tanong ni James. Mukhang nang-aasar pa nga.

"After we kissed? I think she's better now." Pang-aasar ko din saka sya nilampasan.

Kapatid kita James pero di kita palalampasin. Akala mo papatalo ako sa'yo? I won't allow you to interfere in our arrangement.

Ako lang ang pwedeng maging fiance ni Yumiko.


James POV

Gusto kong matawa kay Lance. Halatang asar na asar sa'kin. Ayos sagot nya. After they kissed huh? Tch.

Pumasok na'ko dito sa kwarto ni Yumi. Baka hindi pa yun kumakain.

Naabutan ko si Yumi na babangon sa kama niya. "Hep, hep!" Mabilis akong lumapit sa kaniya at pinigilan sya.

"James, nagugutom na ako." Sabi nya. Naka-pout pa. Wag ka ngang ganyan Yumiko. Baka ma-inlove na'ko sayo nyan.

"Okay. Ako na bahala. Dyan ka na ulit sa kama. Baka maapektuhan pa yang injury mo." Sabi ko.

May dala naman akong pagkain. Nag-take-out ako sa restaurant.

Ipinaghanda ko si Yumi ng pagkain at sinimulan ng subuan sya.

Nasanay na'to sakin kasi di naman talaga nya kaya kumain mag-isa. Bukas, makakalabas na sya dito sa ospital. At napag-desisyunan ko na mula bukas, stay muna ako sa mansyon ng one week hanggang sa bumalik si Papa. Dun kasi nya tatanungin si Yumi.

Habang pinapakain ko si Yumi naaalala ko mga reaction ni Lance kanina. Sa mga inakto nya kanina nung kaharap namin si Papa, halatang gusto nya si Yumiko. Galit na galit eh. At ayaw pumayag na ako nalang fiance ni Yumi. Yung kapatid ko na yun nasa in-denial stage pa.

Gusto ko nalang matawa sa kaniya. Nakakatuwa sya magselos.

Napatitig ako kay Yumi habang kumakain sya. Hawig sila ni Chelsea. Para silang magkapatid eh.

Si Chelsea crush na crush ko yun pero alam ko naman saan ako lulugar. Lalo na ngayon na mas napatunayan ko na mahal na mahal nya si Kyle. Kahit iniwan sya ng gagong Kyle na yun, hindi sya galit. Umaasa pa din sya na babalikan sya ni Kyle.

Kaya kami nina Adrian at Janna, dinadamayan namin sya. Pero sa ngayon, tingin ko mas kailangan ako ni Yumi.

"James?" Yumi gave me her confused look.

"Sorry." Natulala pala ako.

"Problem?" Tanong nya. Ang cute talaga nitong si Yumi. Mataray yan pero 'pag nakilala mo siya at naging kaibigan, mabait naman sya at caring.

"Nothing. Bukas pala makakalabas ka na. Sa mansyon na muna ako mag-stay. Ayos ba?" Sabi ko.

"Really? Sa mansyon ka muna?"

Parang excited na excited si Yumi. Crush siguro ako nito. Tss hirap maging gwapo.

"Natuwa ka?" Sabi ko.

Tumango sya. "Kasi naman walang kabuhay-buhay sa mansyon nyo. Ang tahimik na nga, ang tahimik pa ng kasama ko. At least, pag nag-stay ka dun, iingay sa mansyon."

Para naman sinabi nito na napaka-ingay ko. "Oo na. I understand. Pipi talaga yung si Lance. Pero pansin ko 'pag ikaw kausap niya, dumadaldal sya." Sabi ko

Napansin kong nag-blush sya.

"Psh. Kasi inaaway nya ako palagi." Sabi nya. Cute talaga ni Yumiko.

Ginulo ko buhok nya. "Okay lang yun. Andun nako bukas. Gusto mo magkasama pa tayo sa kwarto eh." Biro ko.

Namula ang mukha ni Yumi.

"Joke lang. Edi mapatay ako ni Lance." Yun pa. Sinabi ko nga lang na ako nalang ang maging fiance ni Yumi, gustung-gusto na ako suntukin eh. Yun pa kayang magkasama kami ng kwarto? Haha.

"Psh. As if he cares for me."

Yan lang akala nya. Di nya alam inlababo na kapatid ko sa kaniya. Sadyang in-denial lang ang ugok na kapatid kong yun.

Ting!

Tama. May naisip akong bright idea. Haha. Lagot ka sa'kin Lance.

Gusto ko sana sabihin kay Lance ganito. Uy Bro tara laro tayo, taguan. Taguan ng feelings! Hahaha.

Sige tawa kayo.

Basta may bright idea ko. Tingnan lang natin kung hindi pa lumabas yang tunay na nararamdaman ni Lance.

Here I come! Ang gwapong si James Abellano! Habulin ng mga babae.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top