Kabanata 32

#JustTheStrings

Kabanata 32

Psalm helped me—but only after he was done laughing hysterically. Para na nga siyang naiiyak sa katatawa, e. Imbes na tulungan niya agad iyong kapatid niya, ang unang ginawa niya kanina ay ang ilabas ang cellphone niya at i-record lahat ng sinabi ni Saint. And I was pretty sure he'd never let Saint hear the end of it. Lalo na at ilang beses niyang ni-replay iyong video at paulit-ulit niya talagang pinanood. GDL boys are weird and crazy.

"Mamaya na nga 'yan," I told Psalm. Pang limang beses niya ng pinapanood iyong video at tawa pa rin siya ng tawa. Ni hindi niya ako tinutulungan na itayo si Saint mula sa sahig kanina, e. Mabuti na lang ay dumating sila Austin.

"Last na," he said. "Panoorin mo rin kasi. It's hella funny! Right?" tanong niya kay Austin at Cohen na pareho namang tumango. "Wait lang. I'll just send the vid to Maggie and I'll help you."

Napailing na lang ako.

Dapat kasi, ihahatid na nila ako sa bahay... Pero hindi ko naman magawa na iwanan na lang si Saint sa kamay nila. Knowing them, they'd do something to Saint bago ito patahimikin. Saint's at his most vulnerable state. And Psalm's dead set on collecting things that he could use to blackmail him. Kaya hindi ko talaga pwedeng iwanan si Saint.

And I was risking meeting his parents while Saint was drunk! And I didn't plan on meeting them while dressed like this. Kitang-kita iyong likod ko.

After a few minutes and few hysterical laughter from Psalm, sa wakas ay tinulungan na nila ako na maibaba si Saint mula sa van. He was really hammered. Hindi ko alam na ganoon pala nakakalasing iyong Johnny Walker. So much so that Saint was almost being dragged by Psalm and Austin.

"Dahan dahan naman..."

"He's a big boy. I'm sure he can live with the dragging," sabi ni Psalm tapos patuloy na hinatak si Saint. Kulang na nga lang iwanan nila sa sahig tapos hatakin nila, e. Grabe talaga sila. Pagkatapos nilang gawing source of entertainment iyong kapatid nila.

Nung malapit na kami sa pinto, bigla akong napahinto. Sila Psalm at Austin, diretso lang sa pagpasok kay Saint.

"Mom's not around. And Dad's still working," sabi ni Cohen. First time naming mag-usap. Mabait naman si Cohen. Tahimik siya pero mukhang mabait siya at saka pala-ngiti. I think he's the most likable one sa kanilang magkakapatid.

"Ha?"

"You look like you're going to have a heart attack."

I bit my lower lip and smiled a little. Halata pala na kinakabahan ako. Kasi naman first time ko na nga dito sa bahay nila, tapos kasama ko pa si Saint na lasing. Sobrang hindi ito iyong hinihiling ko na first impression.

"Do you want water or coffee?" he asked.

"Water na lang," I replied.

Pumasok kami sa loob tapos hanggang doon lang ako sa sala. Naiintindihan ko na si Saint nung ayaw niyang umakyat sa kwarto ko... Ganito pala iyong pakiramdam noon. Na parang sobrang nakakahiya na umakyat ka. Tapos parang nasa foreign na teritoryo ako. Tapos sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko dahil baka biglang dumating iyong parents nila. Paano pa kaya si Saint na palaging tinitignan ni Mama na parang sinusuri ang bawat galaw niya?

The maid gave me water and I said thanks. As I was waiting for Psalm and Austin, tinignan ko lang iyong bahay nila. Their house was alright. Parang kagaya lang naman din ng mga bahay ng mga kaibigan nila Papa. What was different with their house was the Spanish vibe. Puro concrete and yellow lights mostly. Sobrang aristocratic nung dating. And I think mag-eenjoy si Kath dito dahil instagram worthy iyong bahay nila Saint lalo na iyong landscape sa labas.

I was sitting on the sofa habang hinihintay sila nung lumapit iyong isang maid.

"Ser, the ducks ho. They are sick," sabi nung maid.

"Still?"

"Oho. Shall I call Dr. Cruz again ho?"

"No."

"Hala, ser. Baka Ser Saint will be mad. Nako, he love the ducks."

Cohen wrinkled his nose tapos sinabi doon sa maid na siya na ang bahala. Tumayo si Cohen tapos tinignan ako.

"Wanna see them?"

"Nandito sila?"

He nodded.

"Saint wants them around. He got mad when we almost sent the ducks to a farm," sabi niya ng naiiling. "He's crazy."

Bigla akong napa-ngiti. Si Saint talaga. Naniniwala na talaga ako ngayon na mayroon siyang obsession at attachment sa mga bibe. Kahit na pinagalitan siya noon ng Mama niya dahil bumaho iyong sasakyan niya dahil sa mga bibe, hindi pa rin niya ginive-up. Halos isang buwan ding inalagaan noon ni Austin. At ngayon, dito pa rin pala sa bahay nila naka-tira.

Tumayo ako at saka sumunod kay Cohen. Nakarating kami sa likuran nila at naglakad hanggang sa makarating sa isang lugar na may bubong. It was few meters away from the main house.

"Dito sila?"

He nodded.

"Originally, Austin was the duck nanny but the dare was over. So Saint had the ducks live near the maid's quarters so that someone will look over them," paliwanag niya. May binuksan na pintuan si Cohen tapos nanlaki iyong mata ko.

"Hala, ang laki na nila!"

Mukha na talaga silang bibe! Tapos hindi na sila kulay yellow. Kulay white na sila tapos malaki na rin!

Cohen looked at me and then he laughed at my reaction.

"Yeah... They've grown."

Ilang minuto kaming nandoon lang ni Cohen habang tinitignan iyong mga bibe. Hindi ko akalain na malaki na sila. At hindi ko akalain na aalagaan pala talaga sila ni Saint... I thought it was just a passing fancy. Na natuwa lang siya sa mga bibe kaya niya binili.

"He really sticks to his words," I mumbled. Napatingin sa akin si Cohen. "I just didn't expect that he'd really take care of the ducks."

Cohen smiled but he didn't comment.

Maya-maya, nagsimula ng umubo iyong mga bibe. Lumapit ako sandali at napansin ko na may sakit nga sila. I didn't notice it earlier because I was so facinated with the fact that they've grown.

"Are they really sick?"

Cohen nodded.

"Natignan na ba sila ng vet?" He nodded again. "Ano raw ang sabi?"

"I forgot the name of the disease but it sounded serious. But Saint doesn't want to give them up. Anak niyo raw, e."

Biglang namula iyong mukha ko. Sinasabi niya talaga iyon? Paano kung narinig ng parents nila? Nakakahiya!

Nag-usap na lang kami ni Cohen tungkol sa mga bibe hanggang sa tawagin kami ng maid at sinabi na hinahanap daw kami ni Psalm. Pagbalik namin sa bahay, nandoon na sila Psalm at mukhang nakapagbihis na sila ng damit.

"He's looking for you," Psalm said.

"Hindi pa siya tulog?"

Umiling siya.

"He's asking for Mary. Puntahan mo na bago ko sapakin dahil ang gulo niya," sabi ni Psalm tapos iniwanan ako at pumunta sa kusina yata.

Tinignan ko si Cohen and he just shrugged at me. Hala. Ayokong umakyat sa kwarto ni Saint! Siya nga iginagalang iyong kwarto ko tapos ako aakyat sa kwarto niya? So I shook my head and said no. Lasing lang si Saint. Itutulog niya rin iyon. Nanatili lang ako sa salas nila dahil hinihintay ko lang matapos sa pagkain sila Psalm bago ko sabihin na uuwi na ako. Nasa labas na kasi iyong sundo ko. Hindi naman pwedeng bigla na lang akong umalis ng hindi nagpapaalam.

I was just lurking around nung mapatingin ako sa side na may mga pictures. I was smiling as I looked at them. Puro family pictures kasi at may mga years kung kailan kinuha. Bawat picture ay sa iba-ibang bansa dahil kita sa backdrop. Kumpleto iyong mga pictures pero may isang year na nawawala. Gusto kong magtanong kaya lang baka naman invasion of privacy na iyon...

"Ikaw ba, hija, e nobya ng isa sa mga alaga ko?"

Napatingin ako sa gilid ko nung may magsalita. Mukhang matanda na siya. Mukhang lola na pero mukhang mabait naman.

"Hala, hindi po."

"Talaga ba? E ikaw pa lang ang nakakapunta dito. Kay ga-gwapo naman ng mga alaga ko pero wala yatang hilig sa babae. Sayang naman," sabi nung lola. Gusto kong sabihin na basketball ang girlfriend ng mga alaga niya. Lalo na si Austin. Married to basketball na yata iyon. Sila Psalm at Cohen ay engaged pa lang.

Ngumiti na lang ako at saka saglit na tinignan ulit iyong pictures. Nakakapagtaka talaga kung bakit may isang taon na gap.

"Nawawala po ba 'yung 1997?" I asked. Ngumiti lang ng tipid iyong si lola.

"Nako, hija, e sila na lang ang tanungin mo't isyu ng pamilya iyan at mas mabuting 'wag makielam."

Hala si lola. Mas lalo lang akong na-curious kung ano ang nangyari nung 1997.

Natapos iyong gabi na iyon na pinipilit ni Saint na umakyat ako sa kwarto niya pero ayoko talaga. Grabe naman si Saint kapag lasing. Sobrang kulit! Muntik na nga talaga siyang suntukin ni Psalm mabuti na lang at napigilan ni Cohen.

Kinabukasan naman, hindi ko na nakausap si Saint dahil dumiretso na pala sila sa airport. Bigla nga akong naawa sa kanya dahil masakit pa iyong ulo niya. Kung alam ko lang na may flight sila, e 'di sana hindi na ako pumayag na uminom siya... Kaya naman pala hindi uminom sila Psalm dahil may flight tapos pinabayaan lang nila si Saint. Sobrang pasaway talaga.

"When are you coming home again?" I asked Saint. Kausap ko siya sa phone ngayon dahil medyo mahina iyong signal sa lugar nila. Pero maganda daw doon sabi ni Saint.

"A week after. Missed me already?" tanong niya habang naka-ngisi.

I wrinkled my nose.

"You're smothering me with your presence. A week free from you is nice," I said and he laughed at me. Alam niya naman kasi na hindi totoo. Unang araw pa lang niya sa Cape Town pero na-miss ko na agad siya. Ang hilig kasi magtravel ng family niya. Halos siguro nasa 15 na countries ang napupuntahan nila sa isang taon.

"Really?" he said with that smug look on his face. "So why the long face?"

Bumuntong-hininga ako bago sumagot sa kanya. It had been a week pero hindi pa rin ako kinakausap ni Kuya. I knew I pissed him off nung mas inuna ko iyong game ni Saint but I didn't know that I pissed him off big time. Isang linggo na kasi. Isang linggo ko na siyang sinusubukang kausapin pero hindi niya naman ako pinapansin. It was like I was talking to the wind whenever I was starting a conversation with him.

"Si Kuya kasi..."

"He's still not talking?"

I shook my head.

"He really knows how to hold a grudge," Saint said and I couldn't agree more. Kung si Mama nga na nanay namin e nagagawa niyang hindi pansinin, ako pa kaya na kapatid niya lang?

I wanna get mad at him for being this petty... but somehow, in some way, naiintindihan ko si Kuya. Maybe he felt threatened? Kasi kahit hindi niya naman sabihin, alam ko na takot siya na maiwanan. He knew the story of how our mom left our dad for Tito Parker. We both knew that story down to its details. Maybe he just didn't want that for himself. Kaya ganito siya. He was severing ties before other people could drop the connection themselves.

It was selfish of him but who could blame him? No one really wants to be left alone. It's not a very pleasant feeling.

"Yeah..."

"But I'm sure he'll come around," Saint said with a smile. "So stop pouting, alright? He's your brother. 'Di ka matitiis niyan."

I wished.

But days passed by at wala namang pinagbago. Halos dalawang linggo na iyong sembreak namin pero hindi pa rin kami nag-uusap ni Kuya ng maayos. Mas madalas pa nga siya sa bahay nila Kuya Jackson, e. Hindi tuloy matuloy iyong plano ko na sana ngayong sembreak sana kami pumunta sa Florida. Ayoko naman na pumunta kami sa Wizarding World na ganito kami.

One day, as I was going down for breakfast, nagka-salubong kami ni Kuya.

"Good morning," I said. He just nodded at me pero wala siyang sinabi. "Kuya," I called his name but still, no avail.

Hanggang sa makababa kami at pumunta sa dining table, hindi ako pinapansin ni Kuya. Seryoso ba siya na galit siya sa akin? Nagsorry na naman ako... At saka nanood naman ako sa game niya. More than half naman iyong napanood ko. At saka nung umalis ako, sigurado na naman ako na mananalo sila. And I congratulated him, too, in social media kagaya ng ginawa ko kay Saint.

Maybe there was more to it... Pero wala naman akong maalala na ginawa ko.

Habang kumakain kami, tahimik lang ako. Ni hindi ko ma-enjoy iyong French toast dahil sa guilt na nararamdaman ko... Dapat ba nagstay na lang ako? Sinabi na rin naman kasi sa akin ni Saint kahapon na kaya niya hindi sinabi sa akin na finals nila ay dahil gusto niya na kay Kuya lang ako magfocus. Dapat siguro sumunod na lang ako. Hindi ako sanay na hindi kami nag-uusap ni Kuya. Para akong kinakain ng konsensya ko dahil para ngang mas inuna ko pa si Saint kaysa sa kanya na kapatid ko...

"What's your plan now?" Mama asked Kuya.

Kuya shrugged.

"Wala?" tanong ulit ni Mama. Tumango si Kuya.

He was being difficult again. Ganito naman siya kay Mama pero kapag si Papa lang ang kausap niya, matino siyang sumagot. Pero kapag kay Mama, parang ayaw niyang magshare ng kahit anong plano niya sa buhay. It was like he was building a life and there was a wall separating him and Mama.

"Do you wanna take a vacation muna?"

Umiling si Kuya.

"What do you want?"

"I wanna move out."

Tuloy lang sa pagkain si Kuya nung sinabi niya iyong sagot niya. Na parang wala lang sa kanya. Na parang hindi niya sinabi na gusto niya ng bumukod ng bahay. We were all taken aback. I was taken aback.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama. That was what I was thinking. What? Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Did I hear it right? Gusto ni Kuya na magkaroon na ng sariling bahay?

Tumigil si Kuya sa pagkain tapos tumingin siya kay Papa.

"Pa, you told me that after I graduated, I can ask you for anything. I want my own place."

Hindi makasagot agad si Papa sa sinabi ni Kuya. Hindi kami lahat makasagot. Bigla akong naiinggit kay Finley at Riley na tahimik kumakain. Wala silang ideya sa mga nangyayari sa bahay ngayon. How serious this was... Because this wasn't just about Kuya wanting a place of his own. Somehow, I think I contributed to this.

I should've just watched his game. Baka hindi 'to nangyayari ngayon.

"Yes," Papa calmly said. "But I was thinking along the lines of a new car? Or traveling abroad? Not you moving out, Preston."

"That's what I want," Kuya replied.

Walang nagawa sila Papa. Nagpatuloy kami sa pagkain habang nababalot ng katahimikan ang paligid. I didn't know if the silent meant something... Though I hoped that it didn't mean anything. The situation wasn't the best and I didn't want to leave things like this. Mas lalo lang lalala kapag umalis pa si Kuya. Kaya hinihiling ko na sana ay hindi pumayag sila Papa sa gusto ni Kuya.

Nung matapos na kami sa pagkain, agad na dumiretso si Kuya sa kwarto niya. Sinundan ko siya kaya lang ilang minuto rin akong nakatayo sa labas ng pintuan niya dahil hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin. He was mad at me—or pissed, at least. Hindi ko rin alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit gusto niyang umails sa bahay pero gusto kong itanong. I was sure that we could talk about it.

Hindi naman kasi palaging pag-alis ang solusyon sa mga bagay.

I took a deep, deep breath before I knocked on his door.

"Why?" sabi niya pagkatapos niya akong pagbuksan. His brows were shot up na para bang wala siyang ideya kung bakit ako nandito. He just blurted out na gusto niyang umalis ng bahay! Of course I would want to talk to him!

"Can we talk?"

"Busy ako. Mamaya na lang," he said.

"Sandali lang naman," I insisted.

"Later," he replied and then closed the door on me.

But that later didn't come dahil hindi umuwi si Kuya para sa dinner. He just sent a text to Papa na nagsasabi na kila Kuya Jackson siya matutulog. He was really serious about this... He was dead set on moving out. And I didn't feel good about it.

--

Bukas pa ang balik ni Saint. Gusto ko na siyang makita dahil napapagod na akong kausapin si Kuya tapos hindi naman niya ako pinapansin. Pumunta kasi sila Saint sa isang lugar na hindi abot ang signal kaya tatlong araw na kaming hindi nag-uusap. Tapos ngayon naman nasa eroplano siya kaya hindi talaga kami makapag-usap. But I badly needed to talk to someone kaya naman pinilit ko na makipagkita sa akin sila Kath kahit na busy siya dalawa sa bakasyon. Si Liza kasi hindi ko talaga ma-contact, e. Lately, she was always busy.

"What's up?" Kath asked. She just got back from her vacation in Balesin. She looked... gloomy. Nag-uusap kaya sila ni Kuya? Wala na kasi talaga akong balita.

"Nag-uusap ba kayo ni Kuya?"

She shrugged.

"Hindi?" I asked.

"Why? May problema ba?" she asked.

"Hindi pa rin kasi ako kinakausap ni Kuya..."

"Pa rin?"

I nodded.

"It's been almost 2 weeks, ah," she said. "Pero sorry, hindi na kami masyadong nag-uusap ni Preston, e."

"Bakit?"

She gave me a small smile.

"Ask him. It's not my story to tell," she said and wrinkled her nose.

Bigla akong nanibago kay Kath dahil hindi naman siya ganito. Palagi siyang nagku-kwento kahit na dapat hindi niya sinasabi. She was inappropriate in most ways... And there was no boundaries to be respected for her. And that just stirred my curiosity even more.

Ano ba kasi ang nangyayari?

So we just ended up talking about other things. Hindi ako sanay na ako iyong nag-eeffort para maging masaya iyong usapan namin dahil sa buong pagkakakilala ko kay Kath, palagi naman siyang masaya at bubbly. Pero ngayon, kahit na tumatawa siya, ramdam ko na may hindi tama sa kanya. Sobrang kakaiba lang talaga ng mga tao sa paligid ko ngayon... tapos wala pa si Saint.

"Paano kung hindi sabihin sa akin ni Kuya?"

"Talk to his friends."

"Hindi naman sa akin sasabihin. Loyal sila kay Kuya..." I said. May bro code pa nga sila, e. Kaya alam ko na kahit tanungin ko sila Kuya Benj kung ano ang nangyayari kay Kuya, alam ko na hindi rin naman nila sasabihin sa akin.

"You forgot Parker. He owes you his loyalty. At the very least," she said and left me wondering.

Buong gabi na iniisip ko kung kakausapin ko ba si Parker. Dalawang linggo na kaming hindi nag-uusap o nagkikita. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya, e... But every night I was praying that he was alright. Na hindi na niya ulit gagawin iyong ginawa niya. Because I wasn't worth it. I would never be worth him getting killed. He deserved someone who will love him unconditionally—someone who had eyes only for him. And that wasn't me. Because my eyes were on someone else already.

So I resisted. I wouldn't contact Parker until it was absolutely necessary. I didn't want to contact him dahil umaasa ako na nagmomove on na siya sa akin kung totoo man na may gusto siya. I wanted him to get over me. I wanted him to realize that there was more to life than pining over someone who's already taken.

"You'll get over it," sabi ko habang nakatingin ako sa wall ko. I would always remember Parker because of this wall. It was like a big reminder that he's still Parker.

"And then we can be friends again."

--

The next day, I was ecstatic. Ngayon na kasi iyong dating ni Saint. Gustuhin ko man siyang sunduin sa airport, hindi ko naman magawa dahil kasama niya iyong mga parents niya at hindi pa ako handa na makilala sila. Lalo na at nung huli nilang marinig ang pangalan ko ay tungkol iyon sa pagkalasing ni Saint nung victory party nila. So, no. It wasn't a very good impression.

Mabuti na lang talaga at hindi inupload ni Psalm iyong video dahil wala na talaga akong mukhang maihaharap sa mga magulang nila kapag nangyari 'yun!

Naka-higa lang ako sa kama ngayon. Another boring day. Sana maglanding na iyong eroplano na sinasakyan ni Saint. Hindi na lang ako lumalabas kaysa makasalubong ko si Kuya at lagpasan na naman niya ako. Mas lalo lang akong nacu-curious sa problema niya. At isa pa, mukhang seryoso na talaga siya sa plano niyang paglipat dahil ang huling narinig ko, naghahanap na siya ng condo unit. At hindi naman siya mapipigilan nila Mama kung gusto niya na talagang umalis... May sariling pera si Kuya. Lahat naman kami meron. Nung pinagbubuntis pa lang kasi ni Mama si Kuya, nagpagawa ng dalawang commercial building si Papa para kay Kuya. Lahat ng kinikita nung building ay diretso sa bank account ni Kuya. Ganoon din sa akin pati kay Finley at Riley. Kaya kung gusto talaga ni Kuya, wala kaming magagawa.

"Hi! Saan ka na?" I asked cheerfully. I was excited to go out of my room and of the house. Na-miss ko na rin iyong presence ni Saint.

But when he didn't instantly respond, I knew something wasn't right. Kinabahan na naman ako. Pati ba naman si Saint? Hindi na nga kami okay ni Kuya... tapos si Saint din?

"Saint?"

Pero tahimik pa rin siya.

"Okay ka lang ba?"

"Can you come here?"

And I said yes. Because his silence was scaring me.

Lumabas ako agad. Naka-salubong ko na naman si Kuya. Mayroon siyang dala na luggage at mukhang kinukuha na niya iyong mga damit niya. I wanted to stop and ask him kung saan siya lilipat. Kung hindi ko man siya mapigilan, gusto ko na mabisita ko man lang siya. But Saint was more urgent. Iba kasi talaga iyong boses niya kanina. So I didn't stop at nilagpasan ko si Kuya.

Mabilis akong nagpa-drive sa bahay nila Saint. Ni hindi ko na inalala kung nandun ba iyong parents niya. Pagdating ko, agad kong naka-salubong si Austin.

"Si Saint?" I asked. Tinuro niya iyong loob ng bahay. Pagpasok ko naman, naka-salubong ko si Psalm habang si Cohen naman ay naka-higa sa bean bag at mukhang hindi pa nakakapagbihis mula sa flight nila.

"He's at the back," sabi ni Psalm.

"May nangyari ba?" I asked.

He wrinkled his nose.

"I... don't know how to properly react. Puntahan mo na lang," sabi niya. "And Mary?" he said and I stopped and looked at him. "Tell him that I'm this close to beating him up."

With my heart pounding inside my chest, pinuntahan ko si Saint base sa direksyon na sinasabi ng mga tao. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa likuran. Iyong pinuntahan namin ni Cohen dati. Binuksan ko iyong pintuan at nakita ko si Saint na naka-upo sa sahig.

"Saint?" I called his name. Dahan-dahan akong lumakad hanggang nasa tabi ko na siya. I sat down beside him and looked at him. He looked... nothing. His face was blank. He was just staring at what's in front of him kaya naman doon din ako tumingin.

And that was when I saw what he was staring at.

Oh, my God.

"They're gone," he whispered. I could feel the pain in his voice. "I didn't want to leave because the vet said that they're really sick but I needed to leave. And now they're gone."

I wanted to hug him. He really cared about the ducks. Iyong itsura niya ngayon, parang namatayan siya... I knew he said that the ducks were our kids. I cared about the ducks, too... But not as much as Saint cared. Parang tao na rin kasi iyong turing niya sa kanila. Like how he was mourning for them.

"If I stayed, I would've been with them during their last moments..."

"You didn't know," I said to console him. "And they're in a happier place right now..." sabi ko. "In ducky heaven."

Kung makikita at maririnig kami ni Psalm ngayon, baka sabihin niya na nababaliw na kaming dalawa. Hindi niya naiintindihan. Saint was too warm. He was too kind. Hindi ko nga alam kung bakit sa school ang kinakabit sa pangalan niya ay mayabang daw si Saint... But if they knew him? If they see him? All sides of him? He's the kindest person I had ever met. He's a gentle soul.

Saint looked at me and smiled a little.

"Am I that sad? Because you're sprouting nonsense just to appease me," sabi niya.

I smiled at him, too.

"Why? Maybe ducky heaven does exist. We'll never know."

Sinamahan ko si Saint hanggang sa matanggap na niya iyong tungkol sa pagkamatay ng mga bibe... I think they've led a full life. Mula sa pagiging ducklings, naging full ducks naman sila.

Nung okay na si Saint, nagpakuha kami ng three separate boxes para sa mga ducks. Hindi ko alam kung saan namin sila ililibing pero kahit saan na basta lang matatahimik si Saint. Parang anak na rin kasi talaga ang turing niya sa mga bibe. Nagpaluto rin ng pagkain para sa burol nung mga bibe. I told Saint na magpalit muna siya ng damit dahil nakaupo siya kanina pa doon sa bahay ng mga bibe.

"Can't you show some respect?" sabi niya kay Psalm.

Napatigil si Psalm sa pagkain ng chicken wings.

"What?" he asked.

"That's chicken."

"Yes? And so?"

"Chickens are like the cousins of the ducks. Show some respect, Psalm," sabi ni Saint at si Psalm naman, parang konti na lang ay susuntukin na talaga si Saint. Si Austin naman, napailing na lang. Si Cohen naman ay natatawa pero pinipigilan. Ako naman, hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga magkakapatid na 'to.

In the end, wala na lang kaming kinain. Kasi baka kapag pork naman o kaya beef, sabihin naman ni Saint na long-distance relatives ng ducks. So to be safe, wala na lang kaming kinain.

Nung bandang hapon, sinabi ni Saint na ililibing na namin iyong mga bibe. Ayaw sumama nila Psalm dahil baka daw kung ano na ang magawa niya sa kapatid niya. Cohen and Austin were still jet-lagged kaya ako na lang ang sumama. And though it felt weird dahil may kabaong ng ducks sa backseat, tumahimik na lang ako. I let Saint drive because I thought the drive would pacify him...

And a few hours later, huminto kami sa isang pet cemetery. Sinalubong kami ng isang attendant.

"Sir, ready na po..." sabi nung attendant kay Saint. Naglakad kami habang dala nung dalawang lalaki iyong kabaong nung mga ducks. Tahimik lang akong nakasunod sa kanila at pinagmamasdan iyong paligid. Karamihan ay mga aso iyong naka-libing o kaya ay pusa... Mukhang ngayon lang may ililibing na bibe dito sa pet cemetery.

Huminto kami sa isang lugar na may tatlong hukay. Inilagay doon iyong mga kabaong.

"Sir, offer po ng prayer at pakisabi sa amin kapag pwede na..." sabi nung lalaki.

Tahimik lang si Saint habang nakatingin sa mga kabaong. Tumahimik na rin ako. Halos limang minuto kaming tahimik bago sinabi ni Saint na pwede ng tabunan ng lupa iyong mga kabaong. I held Saint's hand as they were burying the ducks. At nung matapos na, nilagyan na nila ng markers iyong grave.

Preston | Benj | Parker

August 13, 2016 - October 20, 2016

"They're in ducky heaven, right?" I nodded and held his hand tighter. Saint's weird but he's my weird guy. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top