Kabanata 31
#JustTheStrings
Kabanata 31
I joined the victory party. Saint was asking me kung saan ko gustong pumunta pagkatapos ng assembly. Gusto ko sana na kaming dalawa na lang pero ayoko naman na kuhanin siya mula sa mga teammates niya... At saka ayoko naman na lapitan din siya nung babae na kasing ganda ni Cindy kaya sasama na lang ako. Kahit na sigurado ako magtatampo na naman si Kuya dahil never akong pumunta sa victory party nila, hindi ko na lang inisip masyado.
At dahil mamayang 9pm pa naman iyong start ng party, hinatid muna ako ni Saint sa bahay. Pagdating namin doon, walang tao.
"Where are they?" Saint asked.
I shrugged.
"Baka kasama ni Kuya..."
"And you're not with them? Preston will kill me," sabi niya.
"Takot ka ba kay Kuya?" I asked.
He shook his head.
"But he's your brother so it's not fear but more on respect," he replied. Nung masigurado namin na wala talaga sila Mama sa bahay, ayaw na akong iwanan ni Saint dahil mag-isa lang daw ako dito. So he insisted that I change clothes and then we'd eat out bago pumunta sa party. Pero biglang namroblema naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang isusuot ko.
Kath and Liza were both unavailable kaya hindi ko alam kung sino ang tatanungin ko. I wanted to ask Saint's opinion but he was adamant on not going upstairs. Sa ilang beses na nakapunta siya sa bahay namin, palaging hanggang 1st floor lang siya. Ayaw niya talagang umakyat kahit ano ang gawin ko.
So I sat on my bed and did my research. Sabi ni Saint ay sa The Palace Pool Club daw kami pupunta so I googled kung ano ang proper attire para sa mga pupunta doon. I was doing my research nung biglang kumunot ang noo ko nung biglang makita ko na required na naka bathing suit. Hala ka. Kung pakiramdam ko kanina ay maiinis lang sa akin si Kuya dahil mas inuna ko si Saint, ngayon ay sigurado na ako na magagalit siya kapag nagsuot pa ako ng bikini.
I could clearly picture him. He'd be fuming mad. Kulang na lang siguro ay may lumabas na usok sa tenga at ilong ni Kuya.
Naka-upo lang ako sa kama. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Siguro sobrang tagal ko na sa kwarto ko kaya biglang tumawag si Saint sa Facetime.
Saint Iverson Gomez de Liaño
calling...
"Not yet done?" he asked.
Umiling ako.
"Is there any problem?" he asked, worried.
I took a deep breath. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Saint iyong problema ko dahil lalaki siya. Kahit naman sobrang comfortable na namin sa isa't-isa, palagay ko e hindi tama na sabihin ko pa sa kanya iyon. Kung bakit naman kasi hindi sumasagot sila Kath sa tawag ko, e.
"Saan nga ulit tayo?" I asked again, in hope of the possibility na baka mali lang ako ng rinig. Baka hindi naman sa pool club kami pupunta at pwede na normal lang na damit ang isuot ko. Kung dati nga na sa normal na club lang e nahirapan na ako sa suot ko, ngayon pa na mas mahigpit ang dress code?
"Pool club," he replied. The expression in my face must've been very noticeable kaya napansin agad ni Saint kung ano ang problema ko. "Are you worried about what you'll wear?"
I sighed. That was my answer. Tapos tinawanan niya lang ako. Palibasa lalaki siya kaya kahit topless lang pwede na. Tapos may abs naman siya kaya wala talaga siyang problema. Ang hirap naman maging babae. Lalo na kapag may formal occasions kami na pupuntahan. Ako palaging iba-iba ang damit pero sila Kuya, tux lang o kaya suit and tie pwede na. Si Mama lang ang nag-e-enjoy dahil ginagawa niya akong barbie.
"Hindi kasi ako pwedeng magbikini..." mahinang sabi ko.
Ilang segundo ng katahimikan bago narinig ko iyong tawa ni Saint. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakuha niya pa talagang pagtawanan iyong problema ko.
"I'm sorry," he said when he was trying to stifle his laughter. "You can wear shorts and shirt," sabi niya.
"Pero pool 'yun, e," I said. Binasa ko kaya ng mabuti iyong about sa damit. Wala talaga, e.
He was looking at me like he was very much amused. Naiintindihan ko naman na wala talaga akong alam sa mga ganitong bagay. Hindi naman ako mahilig lumabas ng bahay dahil mas kuntento na ako na magbasa ng mga libro. At saka iyong mga heroine naman na nababasa ko, hindi rin naman mahilig pumunta ng clubs kaya wala talaga akong alam.
"Mary," sabi niya na may ngiti sa labi. "Don't take it too literally, okay? It has a pool but it's also a club. You can wear anything comfortable."
"Papaano kapag hindi ako papasukin?"
"It's a private party."
"E paano nga kapag hindi?"
He shrugged.
"Then we'll ditch," sabi niya na parang wala lang sa kanya na hindi siya aattend sa party ng team niya kahit na champion sila. At kahit na MVP siya. "So just pick out whatever's most comfortable. And then let's go because I'm starving already."
Bigla kong naalala na kakatapos pa nga lang pala ng game ni Saint kaya malamang gutom na gutom na siya kaya naman binilisan ko na lang iyong paghahanap ng damit. Bukas ko na iisipin kung paano ko aayusin iyong walk-in cabinet ko dahil halos binato ko na sa sahig iyong iba na hindi ko naman masusuot. I found a one-piece bikini na binili ni Mama nung nasa Malibu beach kami na hindi ko rin naman nasuot dahil ayaw ni Kuya. Okay naman siya sa harap pero medyo mababa iyong cut sa likod...
Huminga ako nang malalim bago kinuha iyon. Kumuha rin ako ng faded shorts at saka cardigan.
Mary Imogen Suarez: shower lang ako.
Saint Iverson Gomez de Liaño: Mary
Mary Imogen Suarez: hmm?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Never. As in never tell me things like that.
Ha? E sinabi ko lang naman sa kanya na maliligo ako. Ayoko kasi na mag-intay siya. At saka tumawag na ako sa telephone sa kusina para sabihin kay Manang na magprepare ng snacks para kay Saint. Baka kasi himatayin na iyon sa gutom, e.
Mary Imogen Suarez: hala bakit?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Sometimes I think you forget that I'm a guy
Magrereply na sana ako pero nagreply ulit siya.
Saint Iverson Gomez de Liaño: Just do it quickly. I'll wait.
Hala. Biglang seryoso na naman siya. Ano na naman ba ang nagawa ko? Worried lang naman ako na magutom siya at maghintay kaya ko sinabi, e... Pero dumiretso na rin ako sa CR para magshower. Sinubukan ko na bilisan para hindi naman masyadong matagal iyong paghihintay ni Saint. Sinuot ko lang iyong one piece bikini at saka nagsuot ng shorts. Sobrang uncomfortable nga ako dahil pakiramdam ko nakahubad ako. Kapag naman nagsuot ako ng bra and panty, halata naman. Ang hirap talaga maging babae.
I dried my hair quickly tapos naglagay lang ako ng kaunting lipgloss para naman hindi ako mukhang bangkay kagaya ng palaging sinasabi sa akin ni Kath. Nung matapos na ako, sinuot ko na iyong cardigan ko para hindi masyadong halata iyong likod ko kahit nakalugay naman iyong damit ko. Nagsuot lang din ako ng strappy sandals. Tapos nagtext ako kay Papa na sasama ako kay Saint... Though I think nasabi na naman ni Saint. Palagi niya naman kasing inuupdate sila Papa.
I didn't bother to look at myself in the mirror dahil baka mas lalo lang akong kabahan. Dumiretso na ako sa baba at nakita ko si Saint na abala sa pagkain ng PB&J sandwich na pinahanda ko para sa kanya.
"I'm ready," I said at napatingin siya sa akin. Biglang umawang iyong labi niya at muntik niya ng mabitiwan iyong hawak niyang sandwich. "Ayos ba?" I asked, not quite certain if I looked okay. Ito lang kasi ang kaya ko dahil hindi ko kayang magsuot ng bikini dahil wala akong balak na galitin talaga si Kuya.
Ilang beses napa-kurap si Saint.
"T-that's what you're w-wearing?" he said, stammering. Sa buong pagkakakilala namin, ngayon ko lang siya nakita na nabulol.
Tumango ako.
"Panget ba?" I asked, worried.
"No... It's..." sabi niya at hindi niya matuloy iyong sasabihin niya.
"Improper?" tuloy ko.
Umiling siya.
"Inappropriate?"
Umiling ulit siya.
"Hala, ano ba? Magpapalit ba ako?"
Ibinaba niya na iyong sandwich na hawak niya.
"You seriously have no idea," he said.
"Na ano?"
How you freaking make my heart stop every damn time."
Tapos lumapit siya sa akin.
Isang hakbang.
Tapos isa pa. Lord.
"You have no idea how beautiful you are and quite frankly, it's scary."
Hindi na ako makapagsalita dahil ayan na naman siya sa mga lumalabas na salita sa bibig niya. Na para talagang wala siyang ideya na sobra sobra iyong epekto niya sa akin.
Pero nung itinaas niya iyong kamay niya para hawiin iyong buhok sa mukha ko at ilagay sa likod ng tenga ko, napa-tanong ako kung bakit.
"Because what if one day you realize how worthy you are? And how you can have someone who's better than me in most ways?" he said and then stared into my eyes. "But fuck destiny. If we're not meant to be together, I'll make us end up together. It's you and me, Mary. As long as you want me, it'll be you and I. Always."
And then he pulled me into a hug.
"I'm sorry for cursing but I needed to say that to make a point," sabi niya at saka bumitaw sa yakap at hinalikan iyong noo ko. "But you're not allowed to curse, alright?"
Tumango ako. He smiled.
"Good girl. Now, let's go. Where do you want to eat?" he asked as we were walking towards his car.
--
We ended up consuming time on dinner. Hindi kasi kami magkasundo ni Saint kung ano ang kakainin namin. I was craving for ramen pero gusto ko rin ng samgyupsal. We roamed around Taguig para maghanap ng kakainin pero sa huli, we had a takeout of Ramen and then went to a Korean resto and ate Samgyupsal there. We just paid the corkage fee para payagan kami na kainin iyong ramen.
By 10pm, the party was almost in full swing. Feeling ko tuloy overdressed ako dahil halos naka-bikini iyong lahat ng babae. Tapos iyong iba ay naka-sakay pa sa flamingo floaters kaya kitang-kita iyong mga bottoms nila. Pinagmamasdan ko nga si Saint kung mapapa-tingin siya doon, e.
"Dude, congrats!" bati nung mga nakaka-salubong namin na lalaki kay Saint.
"Thanks," he always replied.
Naglalakad kami at hinahanap sila Psalm.
"Where's the beer pong?" tanong ni Saint sa isang naka-salubong namin at tinuro kami sa isang direksyon. Sabay kaming naglalakad ni Saint dahil naka-hawak siya sa kamay ko. Patago ko pa rin siyang tinitignan kung tititig siya sa mga naka-bikini na babae pero so far, diretso lang naman ang tingin niya.
Maya-maya, nakarating na kami sa pupuntahan namin at nakita ko roon si Psalm na naglalaro ng beerpong. He was wearing striped wife beaters, dark blue cargo shorts, tapos naka-baliktad iyong cap niya. Halos parehas lang sila ng suot ni Saint pero hindi naman naka-cap si Saint. Suot niya na naman iyong headband niya na manipis na parang black na tali lang. Weird pero sobrang bagay sa kanya.
"And another flawless shot by Psalm GDL!" sabi ni Psalm habang tumatawa. "Shot na, loser!" sabi niya doon sa kalaro niya.
"Hey," biglang tawag ni Saint kay Psalm. Napa-harap naman si Psalm sa amin.
"Oh, hi, Mary," sabi niya sa akin. He was all smiles.
"Where's Austin and Cohen?"
Psalm shrugged.
"Find a quiet place and they're probably there."
Saint just nodded at him at naglakad na naman kami. Ako naman, nakasunod lang kay Saint at tinitignan iyong mga tao sa paligid. So ito iyong mga tao sa paligid ni Saint? Paano niya natagalan na walang girlfriend? Ang daming magandang babae dito, e... Medyo selfish ako kay Saint pero hindi naman ako tanga. Obvious naman na maraming sobrang ganda na babae dito... Tapos gifted pa.
"Sino si Cohen?" I asked him while we were walking.
"My brother," sabi niya na naka-kunot ang noo.
"Si GDL # 4?"
"What? All this time you call him GDL # 4?" sabi niya na hindi makapaniwala tapos tumango ako. Hindi naman kasi masydo siyang nagsasalita... Tsaka hindi naman nababanggit iyong pangalan niya.
Napailing siya sa akin tapos tinapik niya iyong ulo ko.
"Cohen Isaac Gomez de Liaño, alright?" he said and I nodded. Cohen pala. "Ako, do you know my name or do you call me by number din?"
"Grabe. Syempre naman alam ko ang pangalan mo."
"Good. Because I'd be really hurt and offended if you call me GDL # 2."
"Saint naman ang tawag ko sa 'yo. Kasi 'yun ang gusto mo, 'di ba?"
He nodded.
"To remind you that we're meant to be," sabi niya tapos hinawakan na naman iyong kamay ko at saka naglakad kami para hanapin sila Austin at Cohen.
Hindi talaga namin mahanap sila Austin kaya naman nagsisimula na akong mag-isip kung nandito ba sila o umuwi na... Knowing Austin, malamang umuwi na iyon. Pero bago pa man kami makalabas, naharang si Saint.
"Where are you going?" tanong nung isang lalaki. "Let's play first!"
Saint looked at me.
"C'mon! It's sembreak after this!" the guy urged.
I nodded at Saint. I didn't want to be a kill-joy... pero biglang nawala iyong motivation ko na maging supportive nung makita ko iyong dalawang babae na nag-uusap kanina sa Brent. They were both looking at Saint. Gusto ko silang kawayan dahil nandoon ako sa tabi ni Saint. Hawak ni Saint iyong kamay ko pero para akong invisible sa kanilang dalawa.
"What are we playing?" Saint asked.
"The classic truth or dare," the guy said and then everyone cheered. "Same rules as always. We'll spin the bottle, then whoever the bottle points at, will have to choose to answer a question or to do a dare. If the person can't answer the question nor do the dare, that person will have to drink 5 shots of whisky. Deal?"
Hala ka. Bakit ako napasabak dito?
"Game?"
"Game!" everyone roared... except for me.
"You okay?" Saint whispered. Marami namang naglalaro... Hindi naman siguro ako matatapatan... Siguro.
I nodded. And smile a little just to convince him.
Naka-ilang ikot na pero wala pa ring tumatapat sa amin. Saint and I were quietly holding hands habang naka-sandal iyong ulo ko sa balikat niya. May ikinu-kwento siya sa akin tungkol sa isang lalaki na hinuli daw dahil kamukha niya iyong drug pusher. Ni hindi pa nga natatapos ni Saint iyong kwento niya nung biglang tumapat sa akin iyong bote. Nanigas ako sa kinauupuan ko.
"Finally!" sabi nung lalaki.
Truth or dare?"
But before I can choose, Saint interrupted.
"Neither," he said. "I'd drink."
Gulat iyong iba sa sagot ni Saint pero wala silang nagawa. It was his choice... and honestly, hindi ko rin kasi alam kung kaya ko bang sagutin iyong mga tanong nila o kaya ay gawin iyong dares nila. Masyado kasing vulgar at daring iyong iba...
"Makakapagdrive ka pa ba?" I asked him.
He shook his head.
"I'll be hammered later," he said, his voice beginning to be slurry after he downed his fifth shot. "My guard's just outside. Just call them," he said.
Umikot ulit iyong bote at sa akin na naman tumapat. Uminom na naman si Saint. Tapos sa ibang tao na tumapat iyong bote.
"Kiss the most attractive girl," sabi nung lalaki. Umikot naman iyong mata nung lalaki at biglang huminto iyong mata niya sa akin. Biglang nanlaki iyong mata ko.
Si Saint, medyo naka-yuko dahil sampu rin iyong nainom niya. Iyong lalaki ay unti-unting naglalakad papunta sa direksyon ko at palakas naman ng palakas iyong tibok ng dibdib ko. Humigpit iyong hawak ko sa kamay ni Saint.
"Fúck. He's gonna kiss Saint's girl," sabi nung isang lalaki.
"He's fúcking dead. This is gold," sabi naman nung isa pang lalaki. Habang ako, focused lang sa mas lalong paglapit nung lalaki sa akin.
Lumapit iyong lalaki. "This is just a dare," he said and then he was leaning in... And that was when it happened. Saint glared at him and then he palmed his face and threw him in the pool. Gulat na gulat iyong mga tao sa ginawa ni Saint. Kahit ako e hindi makagalaw dahil sa mga nangyari. I thought he was sleeping already! Sobrang pula na kasi nung mukha niya.
"Asshole," bulong niya at saka tumayo. "Let's go, Mary."
He was walking weirdly. He's really drunk. Gusto kong matawa dahil ang cute niya pero naisip ko na kaya nga pala sa akin kaya ang dami niyang nainom. He always took the fall for me.
Inaalalayan ko siya at naglalakad kami papunta na sana sa labas nung maka-salubong namin si Psalm.
"What happened?" he asked, looking at Saint.
"He's drunk," I said.
"Huh? He doesn't drink," sabi ni Psalm. "I mean since the Preston incident, hindi na siya umiinom."
Ah. Iyong nakulong si Kuya. Sobrang seryoso ba nun para tumigil si Saint sa pag-inom?
"But is he really drunk?"
I nodded. Psalm smiled and then whipped out his phone.
"Tell him to dance," sabi sa akin ni Psalm. "Or make him cry. Anything that we can record," sabi niya kaya napailing na lang ako. Sa tagal na kakilala ko sila, alam na alam ko na hobby nila ang kumuha ng compromising videos ng isa't-isa at gawin iyong pang blackmail. And then they had the audacity to tell me na si Ate Maggie ang magulo sa kanilang magkakapatid.
Paano ko naman 'to papaiyakin?"
"Tell him you don't love him. Iiyak 'yan," Psalm urged. Naka-bukas na talaga iyong camera niya. Napailing na lang talaga ako at saka iniwanan siya. Naglalakad na kami palabas ng Pool club nung biglang sumuka si Saint.
Bigla akong napatigil. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ngayon pa lang ako nakasama sa isang lasing na lasing na tao. Si Kath nagpapanggap lang na lasing iyon palagi. Si Kuya, hindi nagpapakita sa bahay kapag lasing...
Saint was still vomiting and I was stunned. Pero naisip ko na mabuti na lang din na sa gilid siya sumuka kaysa sa pool... Dahil mas awkward iyon. So I just let him finish doing his business. At dahil naiwanan ko sa sasakyan niya iyong pouch ko kung saan nakalagay iyong tissue ko, I just quickly removed my cardigan and used it to wipe his face clean. I was busy cleaning him up when I saw the Saint was glaring.
"Galit ka?"
He nodded.
"Bakit?"
"Your back. They're staring."
At biglang humangin kaya naalala ko na halos hanggang dulo ng likod ko nga pala iyong hati sa likod ko. And I just noticed that people were staring... and mostly guys. Bakit ba sa likod ko sila nakatingin e ang dami namang babae na halos wala ng suot na naglalakad o kaya e nakahiga sa floaters?
"Wag mo ng pansinin," I told him and then placed his arms on my shoulders. "We'll get you water, okay? Next time 'wag na tayong sasali sa games na ganun..." I told him while we were trying to walk steadily. But he stopped and looked at them.
"Stop looking at her! She's my girlfriend. I mean not my girlfriend yet but almost. So she's mine. Just mine. So back the fúck off!" he told everyone. And then I saw Psalm at the side and he was laughing hysterically while recording Saint's drunken rambling.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top