Chapter 12
NAPATINGIN sa isa't isa, agad kaming tumawa nang gayahin namin ang nangyari noong isang araw. Kahit hindi kumpleto, at least nakakatuwa. Hindi ko alam kung bakit pero parang malakas ang tiwala ko kay Alex. Naka-ilang sabi na rin ako nito kaso nagtataka pa rin ako kung bakit.
As if he was actually a friend from my past. Magsasalita na sana ako kaso naunahan niya ako rito.
"Sayang. Wala akong inumin kaya hindi ko natapos ang line ko," sinabi ni Alex bago napakamot ng ulo. Sa ngayon, hindi na muna kami bumaba para pumunta sa kusina. Siguro naman hindi pa kakain.
"Well, I'm sorry to disappoint you, Alex. Wala kaming softdrinks dito dahil ipinagbawal ni inay," paliwanag ko habang tumango naman siya at napangiti. Tumingin sa loob ng kwarto ko, agad niya itong pinuri.
"Ganda ng kwarto mo. Mas malinis kaysa sa ibang mga babae," sinabi niya habang napatawa naman ako.
"Wow, ang ganda naman yata ng compliment mo. Conversation starter talaga." Umiling naman kaagad siya sa akin.
"Hindi ako nagsisinungaling. Unique talaga siya. Hindi kagaya ng ibang kwarto ng mga babae na puro posters o puro make-up ang nasa table. 'Yong iyo talaga 'yong pinakamaayos," paliwanag niya sa akin habang namula ang pisngi ko at nagkibit-balikat.
Well, he does have a point.
Hindi naman kasi ako 'yong tipo ng babae na mahilig mag make-up o maglagay ng posters sa dingding. Tiningnan ko ulit ang kwarto ko at napansin ang kulay nito.
Hindi ako mahilig sa mga makukulay na...well, kulay. Isang creamy white lang ang pinintura rito at puro paintings lang at picture frames ang nakalagay sa dingding.
May sarili naman akong bookshelf para sa mga libro ko na binibili. Sa desk ko ay isang lamp at puro notebooks na ginagamit ko sa paaralan.
Tumayo, agad kong siyang tinawag. "Tara na, baka magtaka pa si inay at dad."
Tumango naman siya kaya sabay na kaming bumaba ng hagdan. Well, siya 'yong nauna sa akin sa pagbaba. Bago pa man siya makababa ng tuluyan dahil isang step na rin lang naman, tumigil siyang bigla kaya napahataw ako sa maskulado niyang likod.
"Aray ko! Alex, bakit ka ba tumi — " napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Matthew at ang magulang niya na nakaupo, nakatingin sa amin.
Hindi nakatingin si Mathew na halos may galit pa rin sa akin. Napatingin si inay sa amin at agad siyang ngumiti nang mapansin na sakto lang kaming dumating.
"O, 'andiyan na pala kayo. Inimbita ko na rin si Matthew at ang tito't tita mo," sambit ni inay habang napatingin ako kay Matthew. Inaasahan ko na titingin siya sa akin ngunit hindi naman niya ako tiningnan. Instead, tumayo lang siya at nagpaalam.
"Kukuha lang po ako ng tubig," tugon niya bago naglakad sa kusina, dinaanan ako ngunit hindi pinansin na para lamang akong multo sa kanya. Halos madurog ang puso ko nang hindi man lang siya nagsalita.
Nang bumalik siya sa upuan at umupo, halos madurog ang puso ko nang hindi ako pinapansin ni Matthew. Nakatungo siya, mukhang naiirita, at parang ayaw niyang manatili ng isa pang segundo sa kanyang kinauupuan.
Ganoon na siya kalamig sa akin. Hindi ko na maramdaman ang dating Matthew na nginingitian ako tuwing magkikita kami.
Hindi na lamang siya pinansin, malungkot akong umupo katabi ni Alex. Nauna na siyang umupo at may bakante ang isang upuan sa tabi niya kaya doon na lamang akong umupo. Nang tiningnan ko si inay at dad, kitang kita ko na maamo silang nakatingin sa akin na halos naawa sa akin.
"So, how are you and Matthew?" tanong ni tita kaya agad akong napatingin sa kanya. Tita Mazen is the kind of aunt that is observant. Kahit anong sinungaling mo sa kanya, alam niya ang nangyayari sa inyo kahit wala siya doon. Napatungo na lamang ako. Medyo mataray din kasi siya kaya iniiwasan ko na makabangga siya masyado.
"Dear, okay ka lang ba?" tanong naman ni tito sa akin. Unlike Tita Mazen, he's the gentle one. Siya palagi ang nasusunod pero hindi siya agad agad na nagagalit. In simple terms, siya 'yong kahulugan ng kabaitan.
"Okay lang po ako, tito," simpleng sagot ko, iniiwasan na tumingin kay Matthew at kay Tita Mazen. Baka mapaaway lang kasi ako.
"Erin, tinatanong kita, dear. Anong nangyari sa inyong dalawa ni Matthew? I heard you both became distant from each other," malamig na sinabi ni tita habang napainom na lamang ako ng juice, hindi pa rin siya sinasagot. Bago pa man ako makapagsalita, agad na sumingit si Alex sa usapan.
"Mawalang galang na po pero huwag niyo naman tarayan si Erin. Nagtatanong na nga lang ho kayo, parang mang-aaway pa kayo," sinabi niya, hindi man lang pinansin ang masamang tingin ni tita na direkta sa kanya. Tinabig ko siya ng kaunti kaso hindi naman siya tumigil.
"Hindi naman ho kasi kasalanan ni Erin kung iba ang tingin ni Matthew sa ginawa ni Erin kanina." Nakita ko naman tumayo si Matthew kaso pinigilan siya ng kanyang ina. Sinamaan ng tingin si Alex, agad sumagot si Tita Mazen.
"Hindi naman ikaw ang kinakausap ko, Delgado. Ang kinakausap ko si Erin, hindi ba? Kaya manahimik ka na lang diyan sa kinauupuan mo," naiiritang sagot ni tita pero hindi pinahahalata.
"Hindi ko kasalanan kung hinuhubaran - " Agad naman tinakluban ni tito ang bibig ni Matthew sa pagsasalita.
"Matthew, hindi dito. Huwag mong sabihin sa harap ng hapag kainan." Tumango na lamang ito at hindi ulit nagsalita. And for the first time, tumingin siya sa akin. Ang problema nga lang, hindi ito nakangiti.
Instead, he gave me a cold glare.
Nanliit na lamang ako sa aking upuan habang nagbibigayan ng masamang tingin si Alex at si Tita Mazen. Tumingin si inay sa akin para sa isang paliwanag ngunit tumungo na lang ako at nahiya. Nagulat na lamang ako nang tumayo si Alex at kinuha ang kamay ko.
"I lost my appetite," sinabi nito bago ako hinila papunta sa may pinto. Nagulat naman si dad at napatayo, tinanong si Alex kung saan niya ako dadalhin. Lumingon naman siya at sumagot.
"Sa labas na lang kami kakain, tito. Ayaw namin ng gulo sa mismong hapagkainan. Babalik na lang kami kapag wala na sila," sambit niya bago itinuro sina Matthew. Nang lumabas kami ng bahay at isinarado ang pinto, agad siyang ngumiti.
"Saan mo ako dadalhin?" takot kong tinanong habang napatingin siya sa kanyang paligid, hindi ako tinitingnan.
"Somewhere familiar. Alam ko na makakatulong ito sa'yo." Pagkatapos niya itong sabihin, nakita ko siyang kumuha ng handkerchief at piniringan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top