Chapter 11

NATULALA ako nang makita ko na nasa kama na ako habang nakaupo si Alex sa isang upuan sa tabi ko — natutulog. Nang mapansin ko na malapit na siyang magising, agad ko siyang kinulbit at pumikit bigla para hindi niya makita na gising na pala ako.

“What the f*ck?” sambit niya bago ko narinig ang upuan na gumalaw kaya iniisip ko na nagtataka siya kung sino ang kumulbit sa kanya. Pagkatapos noon, wala na akong narinig na kahit isang tunog. Nagtataka, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata bago napatili.

“Akala mo maloloko mo ako, 'no?” pangisi niyang tanong sa akin habang paloko kong sinuntok ang kanyang balikat. Agad naman siyang napatawa noong lumayo siya sa akin kaya halos mahulog ako sa kama. Nang makita niya akong mahuhulog na, agad niya akong nilapitan at tinulungan bumalik.

“Gano'n ba akong kagwapo para mahulog sa akin ng tuluyan?” tanong niya sa 'kin habang binigyan ko siya ng tingin. Napatawa naman siya nang nasuntok ko na 'yong kanyang balikat.

“Grabe naman 'to sa akin,” bulong niya habang hinimas himas ang kanyang balikat. Agad naman akong nagtaka sa kanya. Malakas ba 'yong pagkakasuntok ko? Bago pa man ako magtanong, nauna siyang nagsalita.

“Erin, okay ka lang ba talaga? Nahimatay ka na lang bigla kanina,” sambit nito habang hindi ko siya sinagot. Naalala ko naman kaagad ang panaginip ko kanina.

▬▬▬▬▬▬▬

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko nang marinig ko ang malalakas na tawanan ng mga kaibigan niya sa kanyang mga sinasabi.

Of course, it wasn't really funny considering they weren't telling any joke. Instead, they were laughing at the files that the guy held.

“Pare, nagawa mo lahat 'yan sa isang araw? Tang*na, hindi ko nga magawa-gawa 'yong akin,” sambit ng isa sa mga kaibigan niya.

Tumawa lamang ang lalaki sa kanyang sagot. Kitang kita sa kanyang mukha ang ngisi na kanina pa niyang sinusubukang itago.

“I can't believe it either. Matalino man ako, tamad pa rin ang motto ko. Masyado kasing marami ang mga pinagagawa ng mga guro ngayon,” sambit niya habang nagtanong ulit 'yong isa niyang kaibigan.

“Kamusta naman kayo ni Erin? Mahal mo ba talaga iyon?” tanong nito habang napakunot kaagad ang noo ko. Sinagot naman siya ng lalaki.

“Actually, hindi ko siya type. Niligawan ko lang siya para gawin niya ang mga gawain ko. Uto-uto naman kasi,” sambit nito habang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hawak-hawak ang mga libro ko, nagpatuloy naman siya.

“Mas maganda nga sa kanya si Lovely. Sexy, matalino at maganda pa! Ano pa bang hahanapin ko, 'di ba?” Agad naman na sumang-ayon ang mga kaibigan niya kaya tumalikod na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

▬▬▬▬▬▬▬

Nang bumalik ako sa realidad, agad kong napansin na kanina pa pala akong tinatawag ni Alex. Nakakunot ang noo niya sa akin habang namula ang pisngi ko sa hiya. Well, this is a bit embarrassing.

“Erin, sure ka bang okay ka lang? Natulala ka na lang bigla,” tugon niya habang tumango na lamang ako. I've been having weird dreams lately.

“Oo, may inaalala lang,” paliwanag ko habang nakita ko na hindi pa rin nawawala ang nagtatakang tingin niya sa akin. Alam ko na nag-aalala siya sa akin. Hindi ko naman kasi sinasabi sa kanya ang problema ko. To be honest, hindi ko alam kung ano 'yong kondisyon ko. Wala kasing sinasabi si inay at dad.

Nagulat na lamang ako nang tumayo si Alex at mas lalong lumapit sa akin. “Pwede bang matanong kung ano 'yong inaalala mo?”

Nahihiyang ipaliwanag sa kanya, umiling ako. Tumango naman siya at nirespeto ang desisyon ko.

“Okay, hindi ko na itatanong. I respect your privacy, Erin,” sinabi niya habang tumango ako at nagpasalamat. Lumingon sa aking paligid, napansin ko na mag-gagabi na pala.

“Alex,” tawag ko sa kanya habang nakita ko siya malapit sa aquarium ko. Kinuha ang fish food sa table, agad niya itong nilagyan at kinatok katok ang salamin.

“Isda ni Erin, 'yan na ang pagkain mo. Langoy isda ni Erin, langoy,” sambit niya habang napatawa naman ako.

“Huwag mong takutin si Goldie. Ano bang problema mo sa isda ko?” tugon ko habang napalingon siya sa akin, ngising ngisi. This guy, I swear!

“Goldie? Dahil goldfish lang 'yang isda mo, Goldie na ang pangalan?” tanong niya bago siya napatawa. Nang makita niya akong nagseseryoso, nanahimik siyang bigla.

“Okay, fine. Irerespeto ko na si Goldie,“ sambit niya habang pinipigilan ang tawa. Tumango na lamang ako at nanatiling tahimik.

Tatayo na sana ako mula sa kama ngunit napatigil nang nagsalita si Alex sa akin. Nakakunot ang noo niya habang nagtataka ako kung ano ang kanyang tatanungin.

“Erin, may naalala ka ba sa nakaraan mo?” agad na tanong niya sa akin habang umiling ako. My memories were bits and pieces. Hindi ko man lang makuha at maintindihan.

It was like something was preventing me to remember.

“No, wala. Bakit mo naitanong, Alex?” malungkot na sagot ko habang umiling na lamang siya at umiwas ng tingin.

“Wala naman. I was just curious, that's all.” Napakunot ang noo ko nang sagutin niya ako. Paano niya matatanong iyon kung wala naman siyang alam sa kondisyon ko?

“May alam ka ba sa kondisyon ko?” mabilis kong tanong at nakita ko naman siyang umiling.

“No, to both,” sagot niya habang tumango na lamang ako. Well, there goes the lies.

“At akala ko naman na may alam ka sa nakaraan ko.” Napatungon naman siya, biglang humingi ng tawad sa akin.

“I'm sorry, Erin.” Hindi na lamang ito pinansin, tumayo ako at pumunta sa labas.

Bumaba ng hagdan, agad kong nakita si inay at dad na naghahayin ng pagkain. Nang mapansin nila ako, agad akong nginitian ni inay.

“Anak, tawagin mo si Alex at sabihin mo na dito na siya maghapunan,” sinabi ni dad habang tumango ako — tila nagtataka pa rin kung bakit itinuturing ni dad si Alex na parang anak din niya.

Bumalik sa kwarto ko, agad kong nakita si Alex sa may balcony, nakaupo sa railing at nakatingin sa baba.

“Huwag kang tatalon!“ sigaw ko sa kanya bago ko napansin na iyon din ang una kong sinabi sa kanya. Siguro alam din niya iyon dahil lumingon siya at parehas lang ang sagot niya sa akin.

“At bakit naman ako tatalon, babae?” malokong sagot nito habang nakangisi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top