Chapter 6-Escape

Geoff's POV
Biglaan kami ginising ni Mira na hindi man lang nagpapaliwanag. So asan na kami? Syempre nasa kalsada naglalakad kahit antok na antok pa kami.

"May babae kasi kanina namatay sa elevator. Naisip ko baka may mangyayari sa ating masama so need natin umalis." Hay sa wakas! Ipinaliwanag na rin ni Mira.

Balak ni Kei lumipat sa isa pang hotel na pinagmamay-arian din nila. Malapit lang naman so lakad nalang kami.

"Inaantok pa ako eh." Reklamo ni Zalleah sabay yakap sa aking braso. "Lahat naman tayo eh." Sabi ko.

"Di naman ibig sabihin may mangyayari sa atin masama 'pag may aksidente eh." Reklamo ni Mavis. "What if yung aksidenteng yun ay sign? Layo muna tayo sa mga aksidenteng mangyayari." Sabi ni Mira.

"Meaning mo'y, pag may aksidente nangyari sa paligid natin ay posible mag-start na dun yung first test? So iiwas tayo at aalis sa lugar na yun para di matuloy?" Tanong ko, "Kalokohan." Bulong ko.

"That's actually logical." Kei said, "If you think about it, yun yung iisa sa possible way na maiwasan ang games. Iwasan mo mismo ang lugar na may aksidente." He added.

We soon reached the hotel that Kei mentioned. Nag-checked in kami ulit, pero libre since pagmamay-ari naman ng family ni Kei ito. Same roommates pa rin.

I lied down on the bed, put my phone on the drawer and sighed in relief. "Finally! Makakatulog ulit." Sabi ko. Bigla tumunog ang phone ko.

"Geoff, jowa mo nagtext." Sabi ni Vinn habang nakatingin sa phone ko. "May jowa ako?" Nagtataka akong tanong.

Tumawa si Vinn ng konti, "Si Zalleah." Sagot niya. "Di ko jowa yun." I clarified. "Didn't you ask her out?" Kei asked.

Tumingin ako sa kanya, "Hindi. Inimbita ko lang siya na samahan niya ako sa NBS, may bibilhin ako at need ko lang help niya." Sabi ko.

"Tch, nagpapaasa ka ah." Sabi ni Vinn. "Di ah." Sagot ko sabay tingin sa text ni Zalleah.

From: Zalleah
Sweet dreams, love! ❤

I sighed in disbelief. Sana di niya iniisip na mag-jowa kami. Please lang, wag sa ganitong sitwasyon.

"Mira and I are planning to go back to the school." Kei announce. Ano? "Bakit?" Tanong ko.

"We just need to confirm something. So, if something happens while we're not around, just call us." Sabi niya.

"Teka, teka, bakit ikaw ang sasama kay Mira? O bakit mo kailangan isama si Mira?" Tanong ni Vinn. Umirap ako, "Vinn, please, wag mo pairalin selos mo. Inaantok na ako." Sabi ko.

Vinn shook his head, "Di ako nagseselos. Naiinis lang." Sabi ni Vinn, "What if iwanan tayo ni Kei? Iwan niya si Mira mag-isa dun?"

"I'd never do that to Mira." Kei said. "Close kayo ni Mira? Kung makatawag ka sa nickname niya para kayo close." Sabi ni Vinn, "Tawag mo sakanya dati Miracle Amillia."

"Vinn!" Tinawag ko siya, "Please, imposible na gagawin ni Kei ang pag-iwan kay Reyes. Magkakaroon ng malaki at bad effect yun sa atin." Sabi ko sakanya, naiinis na.

"Tama si Geoff. Tsaka matagal na kami magkakilala ni Kei. Mahangin yan pero di yan nang-iiwan." Sabi ni Logan.

"Oo nga. Niligtas ako nyan sa school laban kay puppet." Sabi ni Mavis.

"Bala kayo dyan." Sabi ni Vinn at nahiga na.

I shook my head and went to sleep.


"Geoff, wake up." May nagtawag sa akin
"Gising!" Minulat ko mga mata ko. Si Kei pala ito.

"Hm? Ano?" Tanong ko. "Paalis na ako. Ikaw muna bahala." Sabi niya sabay suot ng school polo niya.

School polo?

"Ba't ako?"
"Kasi ikaw sunod na pinakamatino rito." Sabi niya atsaka umalis.

"Ah...kailangan ko na tuloy bumangon." Reklamo ko't tiningnan oras sa phone ko.

8:40 am.

Bwisit...

Kei's POV
Nakasakay na kami ngayon ni Mira sa jeep. Kahit niyaya ko siya na magbook nalang Grab. But no, mas gusto raw niya magjeep.

"Bayad po. Dalawang estudyante po." Mira said loudly as she hands over a 20 pesos bill. The driver receives this and hands her the change.

Naingayan ako sa mga busina ng ibang sasakyan, at napapaubo ako sa usok na nilalabas nito.

"Ba't ba jeep?" Tanong ko. "Di ka kasi sanay sa pagcommute. Jeep is one of the main vehicles used for commuting. Mas tipid." Sagot niya.

"The smoke is contaminating my uniform." I said. "Contaminate contaminate. Gusto mo i-contaminate ko pagmumukha mo? Manahimik ka." She said.

Soon after, nakarating na kami sa parang palengke only with accessories not food. "Para!" Sabi ni Mira." Wait, market??

"Kuya, sa scho--"

"Kuya, dito na kami, salamat." Sabi ni Mira at hinila ako pababa ng jeep. "Ba't sa dito?" Tanong ko.

"Kasi ito yung nadadaanan ng jeep at pinakamalapit sa school. Kaya wag ka mag-inarte, halika na." Sabi niya at hinila ako.

We soon reached the school after what it seems like hours of walking.

Mira's POV
Ang arte ng lalaking ito eh. Gusto mag-Grab, pwede naman jeep. Buti nalang medj sineswerte ako kaya di ako bad mood.

And speaking of swerte, bukas parin ang school gate. "Luckily--" Pinutulan ko siya kaagad, "Wag mo ko englishin. 'Lika na, sa library." Sabi ko ma medj naiinis na.

Pumasok kami sa loob ng school, mabilis tumitibok ang puso namin sa takot. Hindi sa kilig! Mga loko-lokong tao na palaging jumping to conclusions.

"Buti nalang nasa 1st floor ang library." Bulong ko at pumasok sa loob ng library as soon as makita namin ito.

Pinuntahan namin yung yearbook shelf ng library at hinanap ang 2004 yearbook and 1985 yearbook.

"Asan kaya ibang teachers?" I asked randomly while looking for the two books. "Don't know." Kei replied as he sat down on the librarian's seat and starts typing something on the computer.

"Nagana yan?" Tanong ko. "Yah." Sagot ni Kei.

Moment of silence....hashtag, awkward.

"Nasa top shelf yung 1985 yearbook. Yung 2004 nasa middle." Sabi niya. "Ikaw kumuha nung 1985, ako na sa 2004." Sagot ko. "Obviously, ang liit mo eh."

Kung di lang nakasalalay buhay namin ngayon, sasabunutin at ikno-knock out ko itong lalaking ito at iiwanan.

Kinuha ko yung 2004 yearbook at kinuha naman niya ang 1985 yearbook, syempre, ginamit ang provided na hagdanan para makuha ito.

"Alright, let's ge--" Kei was interrupted with a crashing sound comimg from the 2nd floor.

"Ano yun?" Tanong ko. "Layas nalang tayo rito. Before something happens." Kei said. We ran out of the building and were about to step out the gate not until we heard another sound, breaking glass.

Tumalikod kami at may nakita isang lalaki nakadapa nalang sa ground. Tumingin kami sa second floor at may nakita na basag na salamin ng bintana.

Tumalon siya?

Bigla tumayo ang lalaki na duguan. At kinuha ang chainsaw na nakalapag lang sa harapan. Nadaganan niya ata yun nung nahulog siya.

Wait, chainsaw?

Bigla niyang tinurn on yung chainsaw at tumawa ng malakas. "Hello...laro tayo." Sabi niya.

"Mira, layas natayo rito!" Sigaw ni Kei at lumabas na ng school gate sabay karipas ng takbo. Bwisit, nang-iwan! Tumakbo narin ako palabas ng school gate at sinundan si Kei.

Wag moko habulin! Wag mo kami habulin!

"Hahaha! Ang saya ng larong ito!" Lah, hinabol kami...

I glanced at the back and saw him wearing a mascot this time while carrying an activated chainsaw.

Sya ba si Koro-sensei at ang bilis magpalit tulad ni Koro-sensei?!

"We need to warn Geoff and the others." Kei said while running. "Need din natin matakasan itong mascot chainsaw killer!" Sagot ko.

Guess we're not getting back alive....




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top