Chapter 5-Cursed

3rd Person's POV
"Tungkol sa sitwasyon niyo," Nagsimula na magkwento si ma'am Cruz, "Cursed."

"Hah?"
"Ano?"
"Seryoso?"
"Ma'am, di nakakatuwa ang joke niyo."

Ang comments ng mga estudyante sa sinabi ng guro. Tumingin silang lahat sa isa't isa, nagtataka sa sinabi ng kanilang teacher.

"Totoo ito." Sabi ni Ma'am Cruz, napatahimik silang lahat. Minasahe ni Ma'am Cruz ang kanyang ulo at huminga ng malalim.

"Nangyari na sa akin ang nangyari sa inyo." Sabi niya, "15 years ago." Dagdag niya. "Seryoso po yan, Ma'am?" Tanong ni Logan. Tumango si Ma'am Cruz.

"Tulad ng sabi sa message niyo, kailangan niyo masurvive ang mga tests to break the curse." She explained, "The number of tests varies to the number of team mates, doubling it. Since, there are 15 of you, you have to go through 30 tests."

"30?!" The students exclaimed.

Ma'am Cruz's POV
Nagbuntong hininga ulit ako. Minasahe ko muli ang temples ko para maalala ko ulit ang mga pangyayari 15 years ago.

"I was also studying in this school. And 34 years ago, this school ay prone sa mga ganitong bagay." I explained.

"Prone? Paanong prone?" Tanong ni Mavis.

"Hindi....hindi ko talaga alam." Pahingal hingal ko sinabi. Minasahe ko ulit ang temples ko.

"Ma'am, kahit clue lang."
"Paank naging prone, ma'am?"

Lahat sila sabay-sabay binatuhan ako ng mga tanong. Naramdaman ko yung sakit ulo ko bumabalik.

Nakaka-stress itong mga bata.

"Guys!" Kinuha ni Kei lahat ng atensyon namin, "Tao lang si ma'am. She's not robot. Let's not bombard her with questions and stress her." He said.

"Ma'am." Mira called calmly, "Subukin niyo po tandaan. Di niyo po kailangan magmadali. Kung ano lang po tanda niyo po, kahit yun lang po sabihin niyo." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim at nilabas ito.

'Di pwede na habang buhay ko ito maitatago. Ang akala ko na hindi na mangyayari ulit ito ay mali. Hindi ko inasahan kahit kailan na mangyayari ulit ito.

Sana, hindi nila gawin ang mga nagawa namin noon.

"I-Ito lang....ito lang natatandaan ko." Sinimulan ko na ang pagkwento sa mga pangyayari 15 years ago.

Mira's POV
"Ma'am thank you po sa pagsabi sa amin." Sabi ko as soom as matapos na sya magkwento, "Asahan niyo po na gagawin namin ang tama ngayon." Dagdag ko.

Ngumiti si Ma'am Cruz, "Uuwi muna ako." Sabi niya atsaka tumayo sa kinauupuan niya, "May kakilala ako na mas marami pang alam kaysa sa akin. Kaso nga ang, di ko alam kung saan siya nakatira."

"Just tell us this person's name. It'll be enough." Kei said. "Tomas Juanito Garcia. Naging estudyante rin siya sa school niyo." Sagot ni Ma'am.

"Salamat po, ma'am. Kami na po bahala." Sabi ni Geoff.

Tumango si ma'am atsaka umalis.

"Ang mga test o laro na naranasan niyo per section ay di kasama sa 30 tests niyo."

Daruma, Langit Lupa, Tag o taya-tayaan at Dodge ball o kung tawaging Tamaan ng tao—ang mga larong iyon ay para ma-arrange at ma-determine ang mga tao na kasama sa team.

"Hindi ko alam kung kailan magsisimula ang first game or test niyo talaga. Inconsistent kasi ang pagsisimula nito. Pero iisa lang naman ang games or tests na ginagamit."

So dapat handa kami lagi?

"60 games. Total of 60 games ang meron. So that means, ang limit ng number of members sa isang team ay 30."

So di talaga maiiwasan ang death.

"Ang pagpatay sa team mates ay di makakatulong sa pagbawas ng number of games na lalaruin niyo. And plus, sigurado ako na di niyo kaya gawin ito."

"Relax, Mira." Kei said, "I know you're thinking about Ma'am Cruz's story."

"Wag mo ko ma-english english." Sabi ko. Tumawa siya ng konti, "Pasensya na. Sobrang seryoso mo tingnan." Sagot ni Kei.

Umirap ako, "Matutulog na ako." Sagot ko. "Already?" He asked. "Oo. Manahimik ka na." Sabi ko at tumakbo pabalik sa kwarto namin.

"Good night!" Kei said.

Yeah, whatever...

Zalleah's POV
Kaya pala parang walang pake ito si Mira. May Kei pala siya.

Pumasok kami sa kwarto namin.

"Danlive, tabi tayo." Sabi ni Mira. "Lah! Ba't di ako?" Reklamo ko. "Malikot ka matulog." Sagot niya.

Harsh!

"Arantxa, tayo nalang magkatabi." Niyaya ko siya. "No. Si Clarissa katabi ko." Sagot niya kaagad.

"Close kayo?" Tanong ko.

"No, close sila ng girlfriend ko." She said.

Ha?

Legit?

"Ayoko matulog sa sofa!" Umiyak ako halos. "Wag ka na maarte. Sa sofa ka na matulog." Sabi ni Arantxa.

Inisod ni Clarissa ang sofa malapit sa kama nila ni Arantxa. "Magkasing taas lang naman yung sofa at kama, kaya pagdikitin natin para makatabi ka sa amin." Sabi ni Clarissa.

OMG!

"Clarissa, angel ka talaga!" Sabi ko sakanya habang nakangiti.

Nahiga silang lahat.

"Lah, sandali, laro muna tayo." Aya ko.

"Sige!"
Depends on the game."
"Wala ka talaga magawa 'no?"
"No."

Sagot nilang lahat.

"Lah! Mira, please na. Tsaka, Arantxa, just for tonight." Pagmamakaawa ko.

"Anong laro?" Tanong ni Danlive. "Truth or Dare." Sagot ko.

"Boring!"
"Overrated."

"Harsh niyong dalawa ah!" Sabi ko kay na Mira at Arantxa, "Bilis na!"

"Fine." Sagot nilang dalawa.

Bumangon sila at naupo kami lahat sa sahig na paikot.

Naglabas ako ng ballpen at nilagay ito sa sentro ng bilog namin. "Yung tip ng pen, ay sasagot o gagawa." Sabi ko at pinaikot ito.

Tumapat ito kay Arantxa.

"Truth or dare?" Tanong ko. "Dare." Sagot niya.

"Meron ako!" Inanunsyo ni Clarissa, "I dare you to do a belly dance."

"Truth." Sagot ni Arantxa. "Daya!" Sabi naming lahat.

"Sige na nga." Reklamo ni Arantxa at ginawa ang dare ni Clarissa at tinapos kaagad.

Pinaikot ko ulit ang ballpen at tumapat ito kay Mira. "Truth or dare?" Tanong namin lahat. "Truth."

Okay, this is it!

"May crush ka kay Kei 'no?" Tanong ko. "Hah? Wala." Sagot ni Mira sabay hikab.

In-denial talaga siya!

"Meron eh." Sabi ko. "Ba't ako makakacrush dun?" Tanong nya. "Don't know. So meron kang crush may Kei?" Tanong ko habang nakangiti sa kilig.

"Wala."
"Meron."
"Wala."
"Meron."
"Wala!"
"Meron!"

"Wala nga sabi! Ba't ang kulit mo?" Nilaksan na ni Mira boses niya, "Tulog na ako." Sabi niya at bumalik sa kama niya.

Lah...

Galit kaagad?

Porket in-denial siya.

Tinutulungan ko na nga eh!

"Tulog na tayo." Aya ko at tumayo ako. Tumango ang lahat at nagsipuntahan sa kanilang tulugan.

Mira's POV
Finally, I can now go to sleep. I embraced the extra provided pillow. Sadya, di talaga ako makakatulog kapag wala akong yakap yakap na unan.

Tinaklob ko buong katawan ko gamit ang kumot dahil sa sobrang lamig. Mukhang magiging mahimbing tulog ko.

"Mira, psst! Wake up, Miracle Amillia." May bumulong. Minulat ko yung mata ko, syempre para makita ko kung sino yung bida-bida gumising sa akin.

"What the--" Biglaan niya tinikom bibig ko as soon as makita ko siya. "Shh, quiet." He carefully removed his hand from my mouth.

"Kei, paano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kanya na mahina ang boses. "I have my ways. Now, come with me." He whispered as he pulls me out of bed gently.

Sigarudihin niya na reasonable itong pag gising niya sa akin. Kasi kung hindi, malilintikan itong half-Japanese na Englisherong lalaki.

Dinala niya ako sa may terrace na pinuntahan ko kanina. Bakit dito? Di ko rin alam, syempre.

"At ano naman ang rason mo sa pag istorbo sa mapayapa kong tulog? Ang ganda ng panaginip ko ah, ikinakasal na ako kay Subaru Sakamaki sa panaginip ko, tas nang gising gising ka." Nag-rant ako, nagsasalita ng mabilis.

"If you want to marry someone who acts like an anime character, why not just marry me instead?" He joked.

"So ginising mo ako para mag-propose lang sa akin?" Tanong ko. "What? No. It's about what Ma'am Cruz said." He answered quickly.

Inobserbahan ko siya, "Ba't ka namumula?" Pabiro kong tanong. "What? I am?" Tanong niya pabalik. Tumawa ako, "Joke lang."

He groaned as he looks at the sky.

"So what about Ma'am Cruz said?" I asked. "Naniniwala ka ba sa kanya?" Tanong niya pabalik.

I sighed, "No." Sagot ko. "So di ka naniniwala?" Tanong niya ulit. "Also no." Sagot ko. He scrunched his nose, "Ha?"

I giggled a bit. "Yun lang ba?" Tanong ko. "Hindi." Sagot niya sabay tingin sa akin, "I plan to find proof about what Ma'am Cruz just said. I neeed your help."

Gagawin niya talaga ako detective eh.

"May kakilala ako naging kaklase ni ma'am. Tatanungin ko sya about sa 15 years ago." Sabi niya. "Or pwede naman check nalang natin records ng school." I suggested.

"What? Eh, may nangyari nga eh. Paano marerecord ng school yun?" Tanong niya. "Remind you, sabi ni ma'am, after daw ng death games, pinabalik sila sa school for class picture and yearbook. So ibig sabihin may record." Ipinaliwanag ko.

"Ha?"

I shook my head, "Nagsimula raw yung curse mid-school year. So around September or October yun. Nag-end ang curse before the last month of school year. So ibig sabihin nag-end sa March since April ang graduation and recognition." I explained, "Before recognition and graduation, may class photo and yearbook lagimg ginagawa. So may record sila."

"Pero what if di sinave ng school yung record nila?" Tanong ni Kei, binabara ako. "No, di gagawin ng school yun. It's required. Para may history babalikan yung future students." I answered.

"'Pag wala?"
"Bala ka sa buhay mo, nang hingi ka ng tulong tas di mo tatanggapin suggestion ko." Magwa-walk out na sana ako pero pinigilan ako ni Kei.

"Wait!" He called. I turned around in annoyance. "Fine, let's do it. Tomorrow." He said.

"Okay. I'll go tell the others." I said. "No, just the two of us, Miracle Amillia." He said as he walks back to his room.

Sya pa ang may karapatan mag-walk out? Lakas niya ah! Epal.

Naglakad ako pabalik sa kwarto, medj mabagal nga ang. Sobrang tahimik ng kapaligiran. Madilim din. Though, di naman gaano ka dilim.

Pero, sa sobrang tahimik, I can hear the ticking of the clock at reception area of 5th floor. Naririnig ko na rin yung iniihip ng hangin ng aircon. Bumilis ang pagtibok ng puso ko, halos naririnig ko na rin ito.

I love the peace and quiet, but I don't love it if it's too much. I can hear things that I don't want to hear, things that can't be hear easily.

Cursed. Yun ang sabi ni Ma'am Cruz. It's not believable, at the same time, it's not unbelievable. Kasi kung di totoo yun, di naman mangyayari ito.

Then, may narinig ako. A crashing sound. A crashing sound that came from a large item? A bookshelf? A metal-made shelf? An elevator? Elevator.

Tumakbo ako papunta sa lugar kung saan galing ang tunog. Elevator. Sa first floor nang galing ang tunog. Tumakbo ako pababa, syempre ginamit ko hagdanan.

Pagkadating ko sa first floor, nakita ko ang mga security guard na nagsasalita through sa radio nila. May mga tao nakakumpol malapit sa elevator area. Siniksik ko sarili ko sa crowd para makita ko kung ano nangyayari. Tsismosa rin kasi ako, di joke lang, curious lang ako.

Nasa harapan ako ng mismong elevator at pinagsisihan ko ang pagiging curious ko. Isang tao, babae ata, nakapalda eh....nakadapa sa sahig, surrounded by big stones from elevator ceiling, debris everywhere, tas yung ulo niya ay durog.

"Oh my gosh..." Bulong ko sa sarili ko, pumunta ako sa reception area upang tingnan ang orasan.

2:43 am.

Tumakbo ako papunta sa kwarto namin, syempre ginamit ko hagdanan. Nakakatakot na gumamit ng elevator dahil sa nangyari.

As soon as makarating sa kwarto namin, binuksan ko yung ilaw. "Gumising na kayo, bilis!" Sabi ko kay na Danlive, Clarissa, Arantxa at Zalleah.

"Ha?" Minulat ni Danlive kanyang mga mata at hinarang kamay niya sa kanyang mukha. "Anong merong?" Tanong ni Zalleah.

"Aalis tayo dito. Mag-ayos kayo bilis." Sabi ko sa kanila sabay suot ng jacket ko at pag-ayos ng gamit ko. Sinaksak ko lahat ng damit na pinabili ni Kei at ang bagong laba kong uniform sa bag na provided ng hotel. Sinabit ko school bag ko at yung isa pang na may lamang damit atsaka sinuot ang school shoes ko na suot ko kanina bago dumating dito.

"Bilisan niyo." Sabi ko at pinuntahan sina Joridyl sa kabilang kwarto. Binuksan ko ang pintuan ng malakas, "Uy gising!" Tawag ko sa kanila.

Nagising ang limang babae. "Ano? May nangyari ba?" Tanong ni Lorelei habang nabangon. "Oo, kaya aalis na tayo rito. Mag-ayos na kayo bilis!" Sagot ko at pinuntahan ang boys sa katapat na kwarto namin.

"Kei, Vinn, lahat kayo, gising!" I called. Nagising naman sila, pero mga loko-loko sila nagbiro pa sila sa akin. "Oh, Mira! Matutulog ka pa rito sa kwarto namin?" Biro ni Vinn.

Umirap ako, "Hindi. Kailangan na--"

"Why are you carrying your bags? Are you leaving?" Kei asked, interrupting me. "We are leaving. May nangyari, kailangan na natin umalis. Wag na magtanong kung bakit." Sagot ko sa kanila at sumunod nalamang.

"Sis, Mira, ba't tayo aalis?" Tanong ni Zalleah habang bitbit ang mga bag niya. Sumunod ang ibang kasama naming babae. Mukhang antok pa sila. Syempre, loko-loko ako, ginising ko sila

Tumakbo na kami pababa ng first floor.

"So where are we going?" Kei asked. "Bahala na." Sagot ko.

There's no time to relax...

As much as possible, kailangan namin muna lumayo sa mga lugar na may aksidenteng nangyari. That's what I believed at.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top