40(Hon)
AN: This will be the end of Hon. Maraming salamat sa pagbabasa. Aside from congratulating myself for taking in this challenging piece so far, I also want to congratulate you for reaching its end. Alam kong 'mapanaket' ang kuwentong ito kaya kudos dahil ang tapang niyo. Take a chance. Take a leap and get on with it.
Kita tayo sa susunod na kuwento!^_^
***
From: @HoneybeedelSol
To: @sixth_numero
Sent: Sat, 11/12/22, 10:00 AM
Subject: Forever
Sais,
Hi there, my soon-to-be-in-exactly-an-hour husband! In exactly one hour, I am going to be your Mrs. Numero. Anyways, kasalukuyan kong sinusulat ang email na 'to sa'yo sa loob ng silid ng simbahan, sa harap ng malaking salamin, suot ang puting wedding gown. I know right? Nakakaloka! Sinaway nga ako ni Lovely kanina na bakit raw nagfafacebook pa ako gamit ang tablet when I should be prepping for the wedding! Sa tingin ko mas nagpa-panic pa siya sa akin.
So I told her to leave me in the room for an hour.
"Don't tell me magiging run away bride ka ngayong araw?!" she asked obviously panicky.
Umirap ako at itinuro ang pinto. "Out muna! Lalabas din ako pagkatapos ng isang oras. I just need to write an email."
"Email?! Seryoso ka ba? Work na naman ba 'yan? Let me just remind you, Ate, that outside this room, inside this church, Kuya Sais is waiting to be married to you with about 200 guests as witnesses!"
"May isang oras pa naman ako hindi ba? Basta!"
She finally sighed in resignation, went out, and closed the door.
Sa mga nagdaang taon ikaw ang laging nagpapadala ng emails sa akin. Between the two of us, you're the one who always stripped your feelings and thoughts. This day will be different. Today, I profess my unending and trusting love to you. By the time this email will be sent to you, nasa harap na tayo ng altar no'n, professing our love to each other. In front of God and the people we love.
I already knew the joy, the struggle, and the pain that you've gone through the past years through your emails. For this day, let me share to you mine.
"Ano'ng sinabi niya sa mga emails?" tanong ni Hyatt, my best friend since high school, sa kabilang linya. Dapat sana magkasama na kami sa trabaho rito sa Manila kaya lang napagdesisyunan niyang bumalik ng Cebu halos isang taon na.
I sighed. Ipinatong ko ang siko sa mesa. Nasa study room ako ng apartment na tinutuluyan ko.
"Just...memories. He's reminiscing about our past together. And you know, his... feelings."
Dinig ko ang hagikgik niya. "Nice try. He's using the suave move. So ano? Magrereply ka ba?
I closed my eyes and sighed once more. "I don't know! Ano naman ang irereply ko? That yes? I've read his email and then what?"
"Hmm. You should meet up and talk."
"It's a no for me, Hyacinth!"
I wanted to ignore all your emails. Ang sabi ko sa sarili ko na titigil ka rin naman siguro at mapapagod. But you didn't, hanggang sa lumampas na ng sampo ang emails mo. I still wished for you to stop.
"Bakit nakasimangot ka eh graduation day mo ngayon?" I asked Lovely inside the graduation venue. She was constantly looking at the people around. Halatang may hinahanap o inaabangan.
"Akala ko lang pupunta si Kuya..." Hindi na niya itinuloy pa ang sasabihin nang pinukol ko siya ng inis na tingin.
"Sino ba ang kapatid mo? Ako o siya?" pasaring ko.
"Wala akong kapatid! Only child ako," mapang-asar na sagot niya.
I did everything to avoid you at alam ng pamilya ko iyon. Naiintindihan nila kung bakit hindi na ako madalas umuuwi ng Cebu. Whenever Lovely and I talked you were always off the topic. My family understood my sentiments. They understood my pain.
Nang makabalik ako ng Maynila ay naging masyado na naman akong abala sa trabaho. I was grateful that I love my job though. Hindi ako napapagod dahil gusto ko naman ang ginagawa ko.
Sa pagiging abala ko sa trabaho hindi ko na namamalayan minsan ang oras. Mabuti na lang at palagi iyong ipinapaalala ni Enzo sa'kin.
"What do you want to eat?"tanong niya sa akin. Nasa labas na kami ng gusali ng pinagtatrabahuhan ko.
"Whatever is edible."
Inakbayan niya ako at ngumisi. "Kapag naging girlfriend na talaga kita, sa tingin ko makakatipid ako sa'yo kasi hindi ka mapili."
Ngumisi na rin ako at sinundot siya sa tagiliran. "Iyon ay kung mapapasagot mo ako ng oo!"
Enzo is a workmate. Ang kaso lang sa production siya na assign. Medyo matagal na rin siyang nanliligaw. Una kaming naging magkaibigan, but he wanted us to go to the next step. Palagi kaming tinutukso sa trabaho. I thought I'd eventually fall for him but I couldn't. I didn't realize back then that in my heart, trying to peek out, was you.
I was so shocked when I saw you at the bar that one night. Ikaw rin naman siguro. Marahil niloloko ko lang ang sarili ko na malaki naman ang Manila. Maybe our paths won't cross. Pero siguro nga kapag tadhana na ang nakahanap ng paraan, wala ng makalulusot pa.
It was strongly proven when I saw you stood right in front of me. Sa gulat ko ay hindi na ako nakagalaw pa mula sa kinatatayuan. Natutop mo rin ang sasabihin mo. Hindi ko alam kung umaasa ba akong hindi ka magsalita at baka marinig ko pa ang boses mo o hindi kaya ay kabaligtaran noon ang gusto ko.
Siguro dahil na rin hindi ko alam mismo sa sarili ko ang gagawin, umalis na lang ako. Hindi ako pinatulog noong gabing 'yon kaya naman nang mag-Lunes na ay nag-email ako sa'yo. And I admit, it was vague kasi nga naguguluhan din ako.
Sa huli nagreply din ako sa'yo para makipagkita. But I guess you're right. Nakatadhana na siguro tayo sa isa't-isa. A lot of things happened. May mabigat na pagsubok ang dumating sa pamilya ko dahil sa sakit ni Lovely. Pero sa mga panahon na 'yon, doon ko na-realize kung gaano ka kabuti. You indulgently allowed me to lean on your shoulder.
We even fought one time when you told me about Enzo. Hindi ako nagalit dahil sa feeling ko niloloko niya ako. Dati pa naman alam ko na na hindi ko talaga siya magugustuhan so I did not care. I got angry with you instead because our past resurfaced again. The problem with us being together was that of our past always looming above us.
Anyways, dahil nga sa tinopak na naman ako, inakusahan na naman kita noong nakita ko kayo ng babaitang si Leah. Kakasimula pa nga natin iniwan na naman kita. And that was the last time I heard from you. Feeling ko tuluyan ka na talagang sumuko.
I regretted it. Araw-araw na nasa bahay o trabaho man ako laging sumasagi sa akin ang nangyari sa ospital. Masyado ba akong mapanakit? Ayoko lang naman masaktan ulit. Masyado ba akong nangamba? Natakot lang naman ako. Paulit-ulit na mantra ko 'yon sa isipan. But day by day I tried to live and get on with my life again.
Naging masaya ako nang marinig ang success mo. I was happy for you. I was silently cheering you on. My career flourished too.
"Sa Australia na raw titira si Kuya Sais," sabi ni Lovely sa akin nang umuwi ako ng Cebu. Nakaupo ako habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng tukador.
"T-talaga? May family business siyang aasikasuhin kaya imposible naman 'yan!"
"Malay ko. Tingin ko lang naman. Nagkita kasi kami ni Tita at nasabi niya na baka ganoon nga ang plano ni Kuya."
"Sigurado ka bang sinabi 'yon ni Tita Yasmin?"
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Mahal mo pa kasi. Tsk tsk. Ewan ko sa inyong dalawa.Complicated niyo!"
I dwelled on that thought overnight. Paano kung tumira ka nga nang tuluyan sa Australia? Paano king hindi ka na bumalik? Pero ang sabi lang naman kasi ni Tita mag-aaral ka lang doon.
After many years of a lie, the truth finally unfolded.
"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin sa'kin? Sabihin mo na at may trabaho pa ako," deretsahan kong sinabi kay Leah. Nakaupo siya sa tapat ko. Pareho naming hindi ginagalaw ang kani-kanyang tasa ng kape. I know I was being rude towards her. Hindi ko lang talaga maiwasan dahil kumukulo ang dugo ko sa kanya kahit matagal na naman 'yong akala kong nangyari sa inyong dalawa.
"Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad."
"If this is about what happened between you and Sixth, then don't you think it's long overdue?"agap ko.
Her eyes were gentle. Napaisip na naman tuloy ako. Paano ako nagawang tuklawin ng babaeng ito? For goodness sake she has angelic face! Nga naman, don't judge the book by it's cover.
"I want to tell you everything, Honey. Please, pakinggan mo lang ako at kung ano man ang gusto mong gawin o sabihin sa'kin tatanggapin ko 'yon ng walang reklamo."
Kahit pa sabuyan kita ng asido? Sa isip ko.
Tumikhim na lang ako. "Stop talking in riddles. Tell me then."
And so she did.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang sinasabi niya sa'kin ang katotohanan. It was like I was an outsider. Parang nakalutang lang ako. I was even surprised with myself when I did not get angry at her. I did not have the time to get angry because after her talk, my thoughts automatically went to you. At kasabay ng pag-iisip ko sa'yo ay sumagi rin ang lahat ng sana.
Sinabi ko ang lahat ng mga sana na 'yon noong kinumpronta kita. You were just so calm. Pakiramdam ko tanggap mo na ang lahat pero ako naman ang hindi pa. Napakarami kong sinabing mga pagsisisi habang humahagulgol ng iyak sa tabi mo. Gumuho ako noong sinabi mong ubos ka na. You were very understanding, forgiving. Palagi ka namang ganoon.
We embraced each other. Your embrace was letting us go while mine was holding on.
Akala ko ipagpapatuloy mo ang pag-iignora sa akin matapos ang pag-uusap natin sa parke. Laking gulat at tuwa ko na lang nang mapili na naman ako ng kompanya niyo para sa isang shoot. It gave me hope.
Habang nagsusulat ako ng script ay nagsusulat naman ako ng 'love letters' para sa'yo. Just short poems of how I feel. Lumabas ang romantic side ko hindi ba? Sana kinilig ka? Ngunit kahit hindi ka sumagot sa emails na 'yon hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. I told myself that this time, ako naman ang maghahabol sa'yo pero siyempre in a subtle way kasi 'dalagang Filipina' ako.
Kaya naman parang nakalutang na ako sa alapaap nang mangyari ang wedding proposal mo. Galing mo talaga! Ginawa mong kasabwat lahat ng tao. Ni hindi ako nagduda o talagang magaling lang ang acting ng staff mo pati na rin ng pamilya ko. Talaga namang napaka supportive nila hanggang sa huli!
Anyways, 10 minutes na lang daw sabi ng Maid of Honor kong si Lovely! So this time, I am just going to write also my vows to you in this email para kahit masabi ko man ito sa'yo mamaya, may written reminder pa rin.
I, Honeybee Del Sol, promise to love you without any hesitations, conditions, and reservations but with great unwavering confidence. I promise to always respect and trust you. To always be patient even in impatience. To always be understanding, even in the midst of confusion. And to always be thoughtful, in times of forgetfulness.
We will rejoice together our happiness and rest together our pain. I promise to support you in every decision that you make, be it a success or a failure in the end. For starting today, it will not be just I or You. Starting today and until forever, it will be Us.
I will always be reminded of how great our love is, and that it is a once in a lifetime love. I will cherish and protect this love, until it bears fruit. A family.
I was in love with you then, I am so in love with you now. And I will always love you tomorrow. For this is a forever love, Sixth 'Sais' Numero.
-Hon-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top