39
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 16/09/22, 09:01 AM
Subject: The Kite
Hon,
"Ilang love letters nga, bruh?"
"Anim nga! Natulog ka na naman kaya hindi mo narinig?" singhal ni Ricker kay Benson.
Nasa terasa kami ng bagong biling bahay ni Aki. Biniro kasi siya nina Eg at Ricker sa group chat na magpainom. Sumunod naman ng dating sina Benson at Anthony na parehong hindi pa nakakabalik ng Maynila.
"Sinisigurado ko lang naman! Eh ikaw, graduate ka na?" panunukso pabalik ni Benson kay Ricker.
Lumapad ang ngisi ni Ricker at mayabang siyang tiningnan. "Of course, my bruh!"
"Tangina, anong milagro ang ginawa mo sa Prof mo?"
Siniko naman siya ni Ricker sa tagiliran. "Anak ng...Siyempre ipinasa ko! Bumalik na nga kayo ng Maynila at mawala sa traffic do'n. Panira ah!"
Natawa kaming lahat. Ang katabi kong si Aki ang unang sumeryoso sa amin. Binalingan niya ako ng tingin.
"Nag-reply ka ba kay, Honey?"
I leaned a bit forward. Ipinatong ko ang magkabilang siko sa mesa at pinagsiklop ang dalawang kamay. Pansin ko ang paghihintay ng lahat sa sagot ko.
Bumuga ako ng malalim na hininga at sa huli ay umiling.
Ibinagsak ni Ricker ang nakakuyom na isang kamay sa mesa. "Tama lang 'yan, bruh! Nasaktan ka kaya dapat pa-hard to get ka muna!"
Umiling si Eghart. Bakas sa mukha ang hindi pagsang-ayon. "Mali, bruh. Paano kung sa tingin ni Honey my love so sweet mo eh ayaw mo na talaga? Baka sumuko siya!"
"Bakit? Gusto mo pa ba?" si Benson.
"Hoy, mga gonggong! Sa tingin niyo ba hindi pa naka-move on iyang si Sais? Eh hindi na nga 'yan nagtatanong tungkol kay Honey sa loob ng dalawang taon!" si Anthony na nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon. Tumayo pa nga siya sa harap na parang pulitiko lang.
"Ano bang balak mo, bruh?" si Ricker sabay bukas sa isang bote ng beer at inom nito.
"I'm gonna ask her to marry me," deretsahin kong sinabi.
Naibuga ni Ricker ang iniinom. Natawa naman nang malakas si Eghart.
"Amputa! Ang rupok mo, bruh!"
Ngumisi ako at nagtaas ng bote ng beer. "Cheers to the love I'll forever chain."
Noong una, inaamin ko na hindi ko talaga alam ang gagawin. Ang buong akala ko isinara ko na ang pinto para sa ating dalawa kagaya na lang ng sinabi ko sa'yo sa pag-uusap natin sa parke. Hindi ako nakatulog sa gabing 'yon. Palagi kong tinatanong ang sarili kung tama ba ang naging desisyon ko. Bumaba ako at nagpunta ng kusina para uminom ng tubig nang nadatnan ko si Mom na naroon din at umiinom ng gatas. She smiled while looking at me.
"Couldn't sleep?"
"Medyo. Iinom lang ako ng tubig," sagot ko sabay lapit sa ref at binuksan ito. Kinuha ko ang pitsel, nagsalin ng tubig sa baso, at uminom.
Naibalik ko na ang pitsel sa ref pero nakatingin pa rin si Mom sa akin. She was just sitting on one of the chairs while I stood against my back on the refrigerator.
"What is it, Sixth?" malumanay niyang untag.
"It's about Honey..." sambit ko. Pansin ko ang gulat sa mga mata niya. Pati rin naman ako nagulat sa walang pagdadalawang-isip na pagbanggit ko sa'yo. Mom knows I don't open up to her when it comes to a lot of things most especially when it comes to you, Hon. Pero siguro nga naiiba ang gabing iyon.
Lumunok ako at napahilamos sa mukha gamit ang isang palad. "It's just..."
"Go on, son," she encouraged me softly and then for an hour or so, I just found myself sitting across from her and told her everything.
"Do you want to be happy?" tanong niya sa akin matapos akong magkuwento. Her voice was soothing which always calms me down ever since I was a kid.
"I think so. I have my job. My career...friends. I have you and Dad," sagot ko kahit na alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.
She gave me a knowing look. "Anak, you don't 'think so' when it comes to happiness. You feel it. And we both know you are still in love with Honey."
I sighed. "Pero nagpaalam na po ako sa kanya."
"Saying goodbye doesn't mean not coming back."
"Maybe...we both need time?" I tried again.
Nagtaas siya ng isang kilay. "Hindi pa ba naging sapat ang dalawang taon? How much time do you two still need to suffer? Hindi na kayo mga bata. Honey's not getting any younger at gusto ko na ring magka-apo."
Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya. "Don't try to over analyzed things, Sixth. Just take the leap and get on with it."
Tumatak sa isipan ko ang huling sinabi ni Mom. I shouldn't over-analized this. I should just take a leap. That's why when you started giving me 'love letters' through email the entire week, I was already sure.
"She said she's on the way, Sir." Mark, my secretary for two months now informed me.
Tumingala ako sa kalangitan. Isa 'yong magandang araw ng Linggo. The entire project team was busy in the background preparing for the shoot. This time, we were about to shoot the ads for Cebu branch. Wala ni isang outsider ang nakapasok sa parke. Handa na ang lahat at ikaw na lang ang hinihintay, Honey. Our script writer.
Ilang sandali pa ay nilapitan na rin ako ni Dad. Tinapik niya ako sa balikat.
"Everything is ready, son."
"Kinakabahan ako, Dad," pag-amin ko.
Ngumiti siya at tumango ng isang beses. "That's good then. It only assures you that you're doing the right thing."
I chuckled lightly. Ang buong akala ko aalis na siya matapos sabihin iyon kaya naman nabigla ako nang magpatuloy siya sa pagsasalita.
"You know what, contrary to what your Mom had told you about me not loving her the first time... It wasn't true."
Yumuko ako at sinipa ang maliit na nasa lupa. "Dad, you don't have to explain."
"No. Just hear me out. I did love your Mom. I just didn't realize it back then. I had always taken her love for granted. But these past years I have known better."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. The sides of his eyes crinkled as he smiled.
"Now for your future wife, don't just tell her everyday that you love her. Ipakita mo rin iyon sa kanya lumipas man ang mga taon. Iyan ay kung ayaw mong matulad sa akin na nilayasan." We both chuckled at his last statement. Umalis din si Dad matapos iyong sabihin.
Nabulabog ang paligid pagdating mo. You were wearing a white jumpsuit. You murmured your apologies to everyone. Ilang sandali pa ay dumapo na ang tingin mo sa akin. You slowly walked towards me. The hand inside my pocket tightened its hold on the small object.
"I'm sorry. Alam kong five minutes na akong late. Sobrang traffic kasi," panimula mo. Sinulyapan mo ang higanteng saranggola na nasa gitna ng parke.
"Iyan na ba ang mga props na gagamitin para sa shoot?"
"Yeah," tipid kong tugon.
Ibinalik mo ang tingin sa'kin at ngumiti. "Wow. I still can't believe na ikaw mismo ang sasali sa shoot at magpopromote. Napag-aralan mo na ba ang script?"
I licked my lips and glanced back at the big kite before answering. "I did. But I don't even think I'm gonna be needing it."
Sabay tayong napabaling sa likod nang marinig ang sadyang pag-ubo ng director sa shoot. "I think we're ready to roll, Sir!"
Bumuntong-hininga ako. I adjusted the cufflinks of my tailored black suit and straightened up. Inabutan ako ng wireless microphone ng isang staff. You whispered your good luck and stepped back in the corner.
Sa hudyat ng direktor ay unti-unting iniangat ang higanteng kulay dilaw na saranggola na hindi kalayuang nasa likod ko. Nasa sampung katao ang nagtulong-tulong upang iangat ito. Nang tuluyan na itong nasa itaas ay dinig ko ang singhapan ng mga taong naroon.
The kite was gigantic. It was widely stretched which gave a great emphasis on its butterfly feature. It has seven horizontal dots. It almost covered the sky.
"Hi, everyone. I am Sixth Numero. My friends call me Sais," panimula ko.
"About four years ago, I lost the only girl I've ever loved. It was because I thought I cheated on her. It was because I was careless." Tiningnan kita. Nakaawang naman ang labi mo at nakatitig ka sa akin pabalik. Siguro nagulat ka dahil wala ito sa script mo.
"During the first year that I lost her, I sent her emails every Sundays. Emails na puno ng hugot. I did that every Sundays. Walang palya 'yon." I chuckled. Pansin ko na napangiti ko ang mga tao na naroon.
"Nag-reply naman ba?!" sigaw ni Ricker na nakangisi. Kararating lang niya kasama sina Eg. Hindi nila ako nilapitan. Nagtungo sila sa kinatatayuan mo. You gave them a questioning look but they all just grinned at you and then turned to look at me.
"At first, she didn't. But I did not stop and eventually, she replied," pagpapatuloy ko.
"She agreed to meet only to tell me to stop. And so I did. Pero tingin ko talaga, tinadhana na kami sa isa't-isa."
"Weh? Talaga? Echos ka, Kuya!" your sister shouted as she arrived together with Coli. Sa likuran niya ay ang mama at papa mo.
And just like what my friends did, your family walked and stopped when they reached you.
"What's going on? Ma, Pa?" Dinig kong sabi mo sa kanila. Nginitian ka lang ng Mama mo. Tiningnan naman ako ng Papa mo at saka tinanguan.
I swallowed before continuing. Hinanda ko ang sarili dahil alam kong medyo mabigat ang susunod kong ikukuwento.
"Ginusto kong manatili sa tabi niya sa gitna ng mabigat na pagsubok na dumating sa pamilya nila. Binigyan niya ako ng chance. Kaya lang, may pagsubok na naman. The chance was taken away, again. And then after two years, the truth unfolded..." Tumigil ako nang makita kang umiiyak na.
"Within all those years, my love for her did not fade. Ayoko nang makawala pa siya. Gusto kong sigurado na dahil sigurado na akong siya na. Siya lang." My Mom and Dad who were seated behind the tent stood up. Nilapitan nila ang pamilya mo. Your Mom and mine hugged each other as they cried and laughed at the same time.
I cleared my throat and took the ring from my pocket. Marahan akong humakbang papalapit sa'yo. Basang-basa na ng luha ang pisngi mo dahil sa kaiiyak samantalang nakangiti lang ako.
Hawak-hawak ko pa ang mikropono sa isang kamay habang ang isa naman ay hawak ang singsing. Dahan-dahan akong lumuhod sa harap mo.
"Ito 'yong singsing na binigay ko sa'yo noong graduation day mo. Hindi na siya kalahati ngayon kundi buong-buo na." You cried harder it made me chuckle once again.
"Buong-buo na akong humaharap sa'yo ngayon, Hon. Buong-buo kong ibibigay ang pagmamahal kong kailanman hinding-hindi nabawasan sa nagdaang mga taon."
"Sixth..." Kagat-labi mo akong tinitigan. Pinalis mo ang mga luha gamit ang likod ng iyong kamay.
"This time, let's fulfill our young heart's promises. Honey, will you..." Lumingon ako at tiningala ang saranggola sa himpapawid. Sinundan mo na rin ang tingin ko kasabay ng lahat ng naroon.
The cover of each dot unveiled displaying in bold letters the very words I always wanted you to do. Isang bagay na matagal ko nang pinangarap na gawin mo kasama ako.
"Marry me?" I hoarsely whispered as I slowly turned to face you again. Punong-puno ng emosyon. You stared at me in awe.
"Yes...Yes! Oh God, of course it's a yes, Sixth! Pakakasal ako sa'yo! Let's get married!"
Natatawa akong tumayo na. I slid the ring on your finger and kissed you. Walang pag-aalinlangan mo akong hinalikan pabalik. Naghiyawan ang lahat ng taong naroon. Dinig ko nga ang malakas na pagsipol na nanggaling sa likod at sigurado akong galing iyon sa mga tropa ko.
We stopped kissing and just embraced each other. I hugged you tighter, never wanting to let go. And this time, in that very same park, happiness did not just touch us. Happiness enveloped us. Forever.
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top