26


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 06/07/2020, 09:01 AM
Subject: Hospital

Hon,

Lunes ng gabi, habang  naghihintay sa fried chicken na nasa loob ng microwave, tinawagan ko si Lovely para kamustahin.

"How are you feeling?" I asked her.

"Okay lang naman. Ito at nasa ospital pa for more tests daw. Dinaig pa ang school sa pa-tests, Kuya!"

I chuckled and sat on the high chair in my condo's kitchen. "Ano ba kasi ang nangyari? Sprain ba talaga? 'Yon ang balita sa akin ni Mommy ah."

Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Oo. Sprain naman ang initial finding ng doktor. Pero may titingnan pa sila para makasigurado. Naglaro lang naman kasi kami ni Coli ng soccer."

Naningkit ang mga mata ko nang binanggit niya ang pangalan ng crush niya na kalaunan ay naging boyfriend din niya.

"Soccer ang date niyo? Bakit ba hindi na lang kayo kumain sa labas?"

"Boring kasi kapag palaging ganoon. Dapat may sport bond din para raw mas tumatag pa ang relasyon ayon sa nabasa ko. Anyways, alam mo bang uuwi rito si Ate bukas? Kahit na sinabi ko namang okay lang ako at sprain lang 'to, nag-aalala pa rin talaga siya."

Ilang segundo akong natahimik nang maalala ang naging pagkikita natin sa cafe.

"Kuya? Andiyan ka pa ba?" pagtawag ni Lovely sa kabilang linya.

Nabalik ako sa wisyo hindi dahil sa pag tawag niya kundi dahil sa pag tunog ng microwave hudyat na mainit na ang fried chicken na inilagay ko. Ni-loud speaker ko ang cellphone at tumayo na para buksan ang microwave.

"Sorry. Kinuha ko lang ulam ko. At siyempre mag-aalala ang Ate mo para sa'yo."

"Hindi pa rin ba kayo nagkita ni Ate diyan? Ganyan ba talaga ka laki ang Maynila para hindi kayo pagtagpuin?"

I waited another beat before I answered her. "Nagkita na kami. Noong Sabado."

"Talaga?! Anong sabi? Nagkabalikan na kayo? Napatawad na ba niya ang kalapastanganan mo?!"

I chuckled with her word usage. "Nag-usap lang kami. Just cleared things up. Wala na kaming pag-asa pa ng Ate mo."

"Pero umaasa ka pa rin! Aminin..." May tunog pang-aasar na sabi niya.

I grinned to myself. "Magpahinga ka na nga. And next time, please don't pretend to be a sporty person just to impress your boyfriend. Sigurado akong alam na no'n na tamad ka."

"Tse! Hmmm. Sige na at bawal na raw ang cellphone. Kukuhanan na rin ako ng dugo ni Ate Nurse dito. Kumain ka na rin, Kuya. Bye!"

Matapos ang naging pag-uusap namin ng kapatid mo ay naghanda na rin ako para sa hapunan. Medyo nasasanay naman ako na maging independent na. Noong una palagi kong naiisip na sana pala pumayag na lang ako sa sinabi ni Mommy na ipadala rito si Manang. Pero simula noong makapag-adjust na ako, hindi ko na naiisip 'yon.

Maaga akong pumasok sa klase kinabukasan dahil sa reporting. Habang tumatagal ang masters ko, mas lalong dumadami ang paperworks ko. Sabi nila depende raw kasi 'yon sa eskuwelahan o hindi kaya ay sa mga professors. Pero habang pinagmamasdan ko ang mga classmates ko na nahihirapan din, unti-unti akong bumabalik sa pagiging relaxed. Naiisip ko na hindi lang naman ako ang nahihirapan.

Dahil reporting lang ang nangyari sa araw na 'yon, half-day lang ang klase. Kaya naman ay dumeretso na ako sa mall para sa trabaho. Doon na rin ako kumain ng tanghalian. May mga food court naman.

"Ang aga mo ngayon, Sixth ah," pagbati sa akin ni Sir Polo. Kakapasok ko pa lang sa opisina.

"Maaga po kasing natapos ang klase ko kaya dumeretso na lang ako rito."

Tinapik niya ako sa balikat. "Sige. Pero maaga ka ring uuwi ngayon dahil mas napaaga ang shift mo."

"Sige po, Sir. Salamat."

Naupo na ako sa cubicle ko. Lima lang kaming na-assign sa Accounts. Nag-iisa lang ang babae. Halos hindi naman kami magpang-abot dahil sa iba-ibang shift. Puro pamilyado na kaya ako lang ang nag-iisang binata. Natutuwa na rin ako sa pagtatrabaho ko sa mall. Because of it, I have a great view of the flow of cash in. And like all businesses, I can also see the taxes.

Ganoon ang naging takbo ng mga araw ko. Normal class days and work nights. Akala ko lang pala normal lang hanggang sa dumating ang araw ng Biyernes. Tumawag sa'kin si Mommy. She told me about what Tita Meryl shared to her regarding Lovely's test results. Sa mga oras na 'yon, dahil sa matinding gulat ko akala ko ibang tao ang pinag-uusapan namin at hindi ang kapatid mo, Hon.

Matapos banggitin ni Mommy ang mga salitang cancer at Lovely sa iisang pangungusap ay hindi na rumehistro pa sa utak ko ang iba niya pang mga sinabi. It was like my world stopped for a bit. I was trying to make sense of it all. Parang kapatid ko na si Lovely. Kahit gabing-gabi na I booked a flight online. Para makauwi ng Cebu kinabukasan at day-off ko naman.

Pinilit kong matulog sa gabing 'yon sa kabila ng masamang balita na narinig ko mula kay Mom. Kinabukasan, lutang ako na pumunta ng airport at sumakay sa eroplano bitbit lang ang isang backpack.

Sinundo naman ako ni Mom sa airport. She hugged me when we saw each other. Nag-usap at nagkamustahan na para bang hindi nagtatawagan. It was my first time coming back home.

Pagdating sa bahay ay kumain kami ng pananghalian. Wala si Dad dahil nasa Davao raw para sa isang branch.

"Anong oras mo bibisitahin si Lovely?" Mom asked.

"Mamayang hapon po. Baka mga alas kuwatro na."

Tumango siya at sumimsim sa isang baso ng juice. "Naroon si Honey... I heard nag-leave siya sa trabaho."

I sighed and straightened up. "I know. It's fine. Uh...nakapag-usap na kami...sa Maynila."

Her eyes widened a fraction. Halata ang pagkagulat. "Oh! So are you two...?"

"Nothing. We're civil. She already cleared things up..."

Hindi pa rin matanggal-tanggal ang titig na may bakas ng pagdududa sa mga mata ni Mom kaya sa huli ay napabuntong-hininga ako.

"Wala na po kaming chance ni Honey, Mom. We're really over. She's not angry with me though, can you believe it? Sa aming dalawa, she's the better person."

Mapait ang ngiting ibinigay niya sa akin. "Anak, kung kayo talaga sa huli, gagawa at gagawa ang tadhana para magkalapit kayo ulit." With those words, our lunch ended.

After a long shower, I changed into a brown shirt and dark denim jeans. Dumaan muna ako ng mall para bumili ng prutas na dadalhin sa ospital. After buying a basket filled with fresh fruits, I went back to my car and drove off.

Dahil sinabi na ni Mom sa akin ang room number ni Lovely, dere-deretso na ang pagpasok ko sa loob ng ospital. Nang makahinto na sa tapat ng pinto ay kumatok na ako at pinihit ang door knob. Magkasabay na napatingin sina Tito Melvin at Lovely sa akin. Parehong bakas ang gulat sa mukha. Mabilis naman na napalitan ng malapad na ngisi ang kay Lovely.

"You're here! Feeling mo siguro mamamatay na ako no?!" tili ni Lovely.

"Bunso..." agap ni Tito sa boses na may tunog pagbabanta. Ngunit hindi pa rin nito natanggal ang ngisi ni Lovely.

Matapos na muling maisara ang pinto ay tuloy-tuloy na ang pagpasok ko. Tinanggap naman ni Tito ang mga prutas na dala ko. Your Dad looked so tired and worried.

"Salamat, Sixth. Kailan ka pa nakauwi?"

"Kaninang umaga pa po."

He nodded and offered a seat near Lovely. Naupo naman siya sa sofa na nasa gilid. Ngumiti ako at ibinaling ang tingin kay Lovely.

"What's up? How are you feeling?"

Umirap siya. "Fine! But everybody's worried though! It's just cancer–"

Suminghap si Tito. "Lovely!"

Ngumuso lang si Lovely at ni hindi man lang binalingan ng tingin ang papa niyo. "Ang OA nilang lahat, Kuya. Stage one cancer lang naman daw sabi ni Doc! I have like osto...osti...." Magkasalubong ang dalawang kilay ay sumulyap siya sa papa niyo "Ano nga ulit 'yon, Pa?"

Humugot naman ng malalim na hiningi si Tito bago sumagot. "Osteosarcoma."

"Yon! Osteosarcoma. Meron ako no'n. Basically, sabi ni Doc Ramos it's the most common type of bone cancer. Pinupuntirya raw ng lintik sorry sa pasmado kong bibig, Pa, na sakit na'to ay mga bata, teenagers, and young adults. Kadalasan sa mga lalaki. See? Ang malas ko lang talaga, Kuya!"

Nagkatinginan kami ni Tito sa gitna ng pagdadaldal ni Lovely. Ngumiwi si Tito sa'kin. "Gustong-gusto niyang ikuwento 'yan sa lahat ng bumibisita sa kanya rito."

Kita ko ang matinding pangamba sa mga mata ng Papa mo, Hon. Pero maliban dito, kita ko rin ang paghanga niya sa katapangan na ipinapakita ni Lovely sa kabila ng pinagdadaanan niya. I silently nodded. "Nagpa-second opinion na po ba kayo, Tito?"

"Oo. Third opinion na nga. Same findings..."

We were silent for a few minutes. "Kumusta naman ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" tanong ko kay Lovely.

She tried to adjust her head on the headboard of the bed and sit up. Mabilis naman akong napatayo at inalalayan siya.

"Okay lang naman ako. Kumikirot lang minsan ang paa ko. Huwag ka munang umalis ah. Para magpang-abot kayo ni Ate. Umuwi pa kasi sila ni Mama sa bahay para kumuha ng damit."

Tumango lang ako at muling naupo sa silya. Pakiramdam ko mas inaalala pa ng kapatid mo ang pagkikita natin kaysa sa kalagayan niya. Si Lovely talaga.

I stayed there for an hour. Mag aalas sais na nang tumayo ako at napagpasyahang umalis. Iniisip na hindi na rin siguro tayo magpapang-abot. Nagpapaalam na ako kay Tito dahil nakatulog na rin si Lovely nang biglang bumukas ulit ang pinto at iniluwa kayo nito ng mama mo. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mukha niyo ng Mama mo. Marami kayong dala kaya mabilis ang paglapit ni Tito sa inyo para tulungan kayo rito.

"Oh, Sixth! Nandito ka pala? Kailan ka pa dumating dito sa Cebu?" si Tita.

"Kaninang umaga pa po. Paalis na rin po ako ngayon..."

Tinanguan mo lang ako at tipid naman na ngumiti si Tita sa akin. Sumulyap ako ng isang beses sa tulog na si Lovely. Pag-angat ko ng tingin ay nagkatinginan tayo.
There was a ghost of a smile on your mouth. Or maybe it was just a trick of the light.

Lumabas ako ng ospital na may buong pasya sa isipan. Bukas na bukas, dadalaw ako ulit habang nasa Cebu pa ako.

-Sixth-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top