25


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 05/31/2020, 09:01 AM
Subject: Meet Up

Hon,

Alam kong nangako ako sa'yo na ititigil ko na ang pagpapadala sa'yo ng emails. Kaya naman simula sa email na'to hanggang sa susunod pang mga emails, hindi ko na ise-send sa'yo. I'll be saving them as drafts.

I guess this is what they call my coping mechanism. This is sort of a therapy for me. O kaya naman diary para sa iba. Ito na siguro ang paraan ng paglabas ko sa lahat ng nararamdaman ko.

Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan nang matanggap ang naging reply mo noong Biyernes. When you told me to meet up. Mabuti na lang talaga at
nagbukas ako ng email ko mga alas dyes ng gabi. Halos 'di na naman ako nakatulog dahil do'n. Mabuti at day off ko kinabukasan. Saturday and Sunday kasi off days ko.

I woke up early the next day. Oo. Ganoon ako ka-excited para sa araw na 'yon na kahit walang tulog mukhang fully charged pa rin. Kahit sabi mong 3 pm pa tayo magkikita sa cafe, ala una pa lang ng hapon nandoon na ako. Naghihintay sa'yo.

I was wearing a blue polo shirt paired with faded jeans. Hindi ako mapakali habang nakaupo. My legs were shaking unconsciously and uncontrollably. Panay ang sulyap sa suot kong relo. Looking forward for our meeting.

At exactly 3:05 in the afternoon, you entered the cafè. You were wearing a white fitted dress. Your long jet black hair on a high ponytail. It higlighted your high cheek bones. Wala kang ibang alahas na suot maliban sa isang gold bracelet. Lumunok ako. Iginala mo naman ang tingin mo sa buong cafe hanggang sa dumapo ang mga mga mata mo sa akin.

We stared at each others eyes for a few seconds. You straightened up and walked briskly towards the table where I was seated.

Napaka-cool mo lang tingnan. Wala akong makitang emosyon sa mga mata mo. Hindi ko nga namalayan kung ilang minuto ka ng nakatayo sa tapat ko. Awang lang ang labi ko na nakatingala sa'yo. Namamangha.

"I'm sorry. I was a bit late," pormal na pagkakasabi mo.

I snapped out from my thoughts.
Tumayo ako at halos patarantang aakma sana na hihilahin ang upuan para sa'yo. But you beat me to it.

"H-hindi naman. Okay  lang...Hindi naman ako masyadong uh...naghintay," agap ko nang naupo ka na sa tapat ko.

Tumango ka at naupo na ulit ako. Dahan-dahan at walang kurap. Takot na baka panaginip lang ang lahat.

"Gusto mo na bang um-order?" I asked. Naalala na kailangan ko nga pa lang magsalita na.

You only nodded at me. Nilapitan na tayo ng waitress.

Without a thought, I ordered a cup of espresso. Yours was mango shake. Your brow shot up while staring at my cup when the waitress arrived with our orders.
I cleared my throat when she left after putting our orders on the table.

"Thanks for making the time to meet up with me."

You played with the straw of your mango shake a bit and then looked up. Bumuntong-hininga ka.

"Let's talk about your emails..."

I licked on my lips and guiltily grimaced. "I'm sorry about those...I just...I just..."

"I read each one of those. I'm here to tell you to stop, Sixth." Halos pabulong na ang pagkakasabi mo sa pangalan ko. Na para bang pati pangalan ko, hirap ka.

I nervously chuckled. It sounded awkward. I looked away. Ni hindi ako makatingin ng deretso sa'yo kundi sa tasa ng kape ko lang.

"Pasensya na. Sa lahat ng abala. Wala naman akong intensyon na guluhin ka pa o..."

"Really, Sixth? Kung ganoon, para saan pa 'yong emails na 'yon?"

Nag-angat ako ng tingin. Sa wakas ay tinitigan ko ang mga mata mo. Mapaghanap ang tingin mo. It was like you were trying to decipher my thoughts. I swallowed hard. Bumaba ang tingin ko sa mga labi mo.

"I just missed you. I miss you. I keep on missing you." I softly whispered. Wala ng pakealam pa kung nagiging makasarali ako sa emosyon ko.

Pumikit ka nang mariin. I could see pain on your face for a bit. It took you a few second to recover. Sa huli ay dumilat ka. At sa huli, bumalik sa pagiging walang kaemo-emosyon ang mukha mo.

"Please stop missing me, Sixth. You already lost me the moment you hurt me."

Itinukod ko ang dalawang siko sa mesa. I covered my face with my palms. And deeply sighed. "Alam ko, Honey. Alam ko. Hindi ko naman sinasadya 'to."

"Then why do you still keep on insisting your feelings to me? I have moved on. Kaya please, mag-move on ka na rin," pleadingly you said.

Para akong sinuntok sa mukha, Hon. Iyon na nga oh. Harap-harapan mo ng ipinamumukha sa'kin na wala na talaga. Pero siguro nga matigas talaga ang bungo ko. Gusto ko pa talagang kumapit. Kahit sa natitirang hibla na lang ng pag-asa na sa mga oras na 'yon hindi ko nakikita.

I lowered my hands on the table. Ngumiwi ako. Hindi na naman makatingin ng deretso sa'yo. I glanced at the other people inside the cafe first before I finally had the courage again to look at you.

"Paano ba? Paano ba kasi mag-move on, Hon? Hindi ko kasi alam...Pinipilit ko naman ang sarili ko pero bumabalik pa rin 'to sa pag-iisip sa'yo..."

Umiling ka. Looking at me helplessly. "We already had this talk a year ago. We ended us a year ago. Don't act like it just happened yesterday."

I groaned and leaned forward a bit."Fuck! I know. I know alright. Pero bakit pakiramdam ko hindi pa rin ako makabitaw. Hindi ko pa rin kaya. Bakit pakiramdam ko kahapon lang natapos 'to?"

You gave me a sad smile. "Siguro guilty ka lang. I freed you already, Sixth. Please learn to forgive and free yourself too. Eventually you'll find happiness. Eventually makakalimot ka rin."

Bumagsak ang balikat ko. Siguro nga talo na ako. I slowly nodded as a sign of accepting my defeat. Ilang minuto tayong tahimik lang na nakaupo. Pareho nating hindi matingnan ang isa't-isa. It was like we were forced to be seated together. It was like we were back to being strangers again which was hard because even before, we were never strangers. Kahit na noong mga bata pa tayo, ang bilis nating nag-click sa isa't-isa.

"Masaya ka ba, Hon?" Pagbasag ko sa katahimikan na namumuo lang sa aging dalawa. Medyo maingay naman kasi ang paligid dahil sa usapan ng ibang tao.

"I am. I'm happy every day. Maybe not every minute of the day. But yeah, I am happy."

Marahan akong ngumiti. Naalala ang lalaking kasama mo noong isang araw na huminto ako sa labas ng gusali na pinagtatrabahuhan mo.

"Does he make you happy?"

Kita ko ang panandaliang gulat sa mga mata mo. Mabilis ka namang nakabawi at tumango na lang. "Oo. He's a good person."

"That's really good to hear. I think I'll be fine. One day." Pilit any ngiting ibinigay ko sa'yo. Sa totoo lang gusto ko naman tamagang maging masaya ng buong-buo para sa'yo. Kaya lang, hindi ko na talaga naiwasan ang pagkirot bigla ng puso ko.

Tinitigan mo ang buong mukha ko. Ayoko namang mag-assume pero kasi iyong tingin mo, parang tingin na inaalala 'yong mga panahon na masaya pa tayong dalawa. I tried to smile. Assuring you that finally I would be fine. Na hindi mo na kailangan pang mag-alala.

Matapos ang ilang minuto ay buong-buo ka nang tumango. It was like you were already satisfied with what you have seen. Sana nga naipakita ko kung ano ang gusto mo.

"Kailangan ko ng umalis. Sana klaro na ang lahat sa'yo. I'll pay for our orders..." Tumayo ka at binuksan ang purse na dala. Mabilis naman ang pag-iling ko para pigilan ka.

"It's on me. Ako na ang magbabayad tutal ako naman ang nangulit na makipagkita."

Tumango ka naman at nagsimula ng maglakad papalayo. Sinundan kita ng tingin hanggang sa makalabas ka na ng cafe. Naiwan akong nakatanga sa harap ng mesa. Tinititigan ang order nating hindi man lang nagalaw at malamig na.

At ngayon, paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung ilang closures pa ba ang kailangan ko para tumigil na sa kaiisip sa'yo. Maybe I'm not really looking for a closure. Maybe it's a chance I'm waiting for.

Siyanga pala, narinig ko kay Mom na isinugod daw si Lovely sa ospital kagabi ah. Sprained daw sa paa? Nakakasiguro ako na kahit nasa Maynila ka rin alam mo na ang nangyari sa kanya. Kamusta na ang lagay niya? I hope she's fine. I'll give her a call once she gets better. Sasabihan ko na iwas-iwasan na kasi ang pag gagala. Kaya siguro nagrereklamo na ang mga paa niya. Siguradong sisimangutan ako no'n kapag sinabi ko 'yon.

-Sixth-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top