19
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 05/03/2020, 09:01
Subject: To the girl whom I wanted to lose myself into...
Hon,
Pang-apat na linggo ko na 'tong nasa Maynila. I'm actually liking it here. Sa pag-aaral at trabaho lang naman ako abala. Tumawag nga si Mom noong biyernes ng gabi. Nangungumusta.
"How are you settling in there?" tanong niya sa kabilang linya.
"I'm settling in just fine."
"Polo told me that you've been working too much. You know it's alright if you don't really accomplish the six hour shift."
Halos mapairap ako sa cellphone dahil sa pangengealam na naman ni Mom."Stop bugging Sir Polo for my work status. Okay lang po ako. I want to comply on my job description and it requires six hour shift."
"Pero anak, nag-aaral ka rin! You're exhausting yourself too much." I could hear the concern on her voice.
"I'm fine, Mom. I'll tell you if I can't handle it anymore. But for now, just let me do it my own way, okay?"
Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Fine. Nagkita na ba kayo ni...Honey?"
I leaned on the rails of the balcony in my condo. Pinagmamasdan ang maraming ilaw ng abalang siyudad. "Nakita ko siya."
There's a stretch of silence from her end. "And...?"
"Wala po. 'Yon lang naman."
Napasinghap siya. "Ayaw mong sabihin sa'kin. I understand. But please do talk about it with your friends. 'Di ba nandiyan din sina Anthony at Benson? Nagkita na ba kayo?"
"Bukas ng gabi pa po kami magkikita. Busy din kasi sila sa trabaho."
"Bar?club? Party na naman?" Hindi niya talaga mapigilan ang pagiging strikto kapag lumalabas ako at sila ang kasama. Naging gano'n lang naman siya simula no'ng maghiwalay tayo, Hon. Lagi kasi akong umuuwing lasing.
"Alright, that's fine. Just don't get drunk too much," bawi niya.
And the next thing we talked about were groceries. Seriously. Nag-aalala talaga siya. Unang beses ko kasi 'tong humiwalay sa puder nila ni Dad. She even offered me to send Manang Glena here. Para raw may katulong ako sa condo.
Natigil din siya nang sinabi kong baka nakakalimutan niya na bente-dos anyos na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Siguro nga gano'n talaga ang trabaho ng isang ina. Ang mag-alala sa kanyang anak.
Pagkatapos ng trabaho ko dumeretso na ako sa The Cove. Doon daw kasi kami magkikita nina Benson at Anthony. I was wearing a white button-down shirt and paired it with dark khakis.
They already reserved a table. Nando'n na ang dalawa pagpasok ko. Kaagad ko silang nilapitan sa mesa. Benson lose some weights. Anthony wears his hair longer than before.
"My bruh!" nakangising bati ni Anthony sabay high-five at tapik sa balikat ko.
Sumunod naman si Benson. "Welcome to Manila!"
I grinned. "Thanks. Though this isn't my first time coming here."
Naupo na kami. Napansin ko na ang mga bote ng alak at mga baso sa mesa.
"Pero first time mo na titira rito,"si Benson.
"You're right though. Anyway, this is a high-end bar. Sino'ng nagpareserve dito?" tanong ko sabay gala ng tingin.
Nagtaas ng isang kamay si Anthony. "Present!"
"Woah. Really? Hindi ka na ata kuripot ngayon ah. Laki siguro ng pasahod niyo."
"Sakto lang. Na-eenjoy ko naman ang trabaho ko bilang IT consultant."
"Geez. Miss ko tuloy high school days natin!" pahayag ni Benson bago uminom.
"That's 'cause you slept on it," pang-aasar ko.
"True."
Humagalpak sa tawa si Anthony.
"Pa-picture tayo. Send natin sa gc para mamatay sa inggit 'yong tatlo. Lalo na si Eg!"suhestiyon ni Benson. Kaya nakiusap kami sa waitress.
"Kamusta ang trabaho mo, bruh?" tanong ni Anthony nang matapos ang picture taking.
"Okay lang. Finding my way around it."
"Hindi ba nakakapagod? Kailan ba matatapos 'yang MBA mo?"si Benson.
"Within two years. Or less. It depends on the number of units."
Anthony took a shot of glass and drink. "Nagkita kami ni Honey mo. Last month yata 'yon."
Napainom ako bago nagsalita. "She's not my Honey anymore," pilit na pagpapagaan ko sa boses pero parang naging mapakla ang tunog nito.
Pareho naman nila 'tong inignora. "Mas gumanda ba, Anthony?"
"Oo, bruh. Lalong gumaganda. Epekto siguro ng pakikipaghiwalay niya kay Sais."
Napailing na lang ako at natawa ng kaunti. Sanay na naman ako na inaasar na lang nila. Alam ko naman na pinapagaan lang nila ang pakiramdam ko sa tuwing pinag-uusapan ka, Honey.
"Bakit? Hindi ba siya pinakamaganda na no'ng kami pa?" pakikisakay ko sabay inom. Natawa lang ang dalawa.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Anthony. "Hanggang ngayon ba 'di mo pa rin maalala? Mahigit isang taon na ah. Baka naman wala talagang—"
Umiling ako at yumuko. "Ano namang silbi no'n? It still doesn't change the fact that I cheated on her."
Walang ni isang nagsalita sa kanila.
"I thought you're gonna bring your girls tonight?" I asked. Hindi ko na nagustuhan ang awkward na katahimikan.
Ngumiwi lang si Anthony at lumagok sa inumin niya. Kaya si Benson ang nagsalita. "Break na sila ng girlfriend niya."
Tumango lang ako at sumandal sa sofa. "Ikaw, Bens? Ba't di mo dala girlfriend mo?"
Lumapad ang ngisi niya. "Alin do'n?"
I chuckled. "Oh shit. Ano ka? Si Rick?"
"Wala akong dinala. Boys' night out 'to kaya dapat tayo-tayo lang."
"Sabagay."
Napasulyap ako kay Anthony na biglang tumahimik. Marami ng naiinom. "Balak mo bang magpakamatay diyan?"
He grimaced. "Nauuhaw lang, bruh."
Ilang oras pa kaming nagkwentuhan at nag-iinuman. Kalaunan ay may mga babaeng lumalapit na. Sinasaway naman ni Benson.
"Off limits 'to. Hindi pa nakaka-move on 'tong dalawa, girls kaya next time na lang. Kunin ko na lang number niyo. Uh huh..."
Habang abala si Benson sa pangunguha ng numero ng mga babae na parang businessman lang ay tumayo naman ako at umalis para mag-CR.
Masyado akong nalingat sa katitingin sa cellphone ko nang may aksidente ako na biglang nakabangga.
"Sorry," I muttered. Halos matumba siya kaya mabilisan kong hinawakan ang magkabilang siko niya.
She was wearing a red tube top and a black skimpy skirt. She was obviously drunk. She reek of alcohol. Her hold on my arms was a bit lose. Nang makampante akong kaya na niyang tumayong mag-isa ay binitawan ko na siya.
Humakbang ako ng isang beses palayo sa kanya. At sa paghakbang ko, nakita kita. And you saw me too. You stopped on your tracks. Pareho tayong tumigas sa kinatatayuan.
I could see many emotions playing on your face while we were staring at each other. Shock, anger, pain, and then indifference.
Tinitigan kita. Hinahanap ang iniisip mo mula sa mga mata mo. Pero blangko lang 'to. Wala na akong ibang emosyon na nakita. Ilang beses akong napalunok. Hinahanda ang sarili sa sasabihin sa'yo.
"Hon...I..." tanging salita na lumabas sa bibig ko sa pinakahihintay ko na sandaling 'yon. Parang tanga lang.
I had dreamed of it plenty of times. Ni-rehearse ko na lahat ng sasabihin ko sa'yo kung sakaling magkita at magkaharap man tayo. Pero shit. Wala e. 'Yon lang talaga nakayanan kong sabihin sa'yo. It was like my heart beat overpowered my ability to speak.
I probably looked like an idiot. I was about to open my mouth again but no words came out. Kaya naman humakbang ka paalis at tuluyan na akong nilagpasan.
Matagal pa bago ako natauhan. Para akong tanga na nanatili at nag-ugat sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko inalintana 'yong pagbunggo sa'kin ng mga taong nagdaraan. It was like I was physically in there but emotionally and spiritually somewhere else. Somewhere with you. The very place where I wanted to be. Where I longed for.
Matapos siguro ang halos kalahating oras na pagtayo lang do'n ay sa wakas, natauhan din ako. Sa sandaling segundo nga, inalala ko kung sa'n nga ba ako pupunta. It was like I was lost in my own thoughts for a bit.
Buti na lang ipinaramdam ng katawan ko kung ano ang kailangan nito. Naiihi pala ako. Ipinagpatuloy ko ang paghakbang papuntang CR.
"Natagalan ka? Akala namin umuwi ka na!" sabi ni Benson nang makabalik na ako sa mesa namin.
Umiling lang ako at binigyan siya ng tipid na ngiti. Naupo na ako sa tapat nila. Sinundan naman niya ako ng tingin. I saw a wicked grin lurking on his mouth.
"Hmm...O baka naman may babae..."
I only raised a bottle at him and drank from it, straight up.
"Woah! Hold up. Pucha naman oh. 'Wag mong sabihing maglalasing ka rin. Tingnan mo nga si Anthony. Hindi ko kayang kayo dalawa, bruh!"
I paused, and smirked. "I trust you," and then I continued drinking.
Matapos maubos ang iilang bote ng inumin at marinig ang ilang beses na protesta ni Benson, naging manhid na naman ako.
"Fucking fuck. Heto na naman tayo. Knock down na nga si Anthony oh. Bruh! Sais! Okay ka lang?" Benson muttered.
"I wanna remember so bad. I think I...I can do it. I can finally remember and it'll be fine. Honey will come back..." I kept on saying. Nakapikit na ako at nakahilig ang katawan sa upuan.
Nilunod ko ang sarili sa pag-iisip. Paulit-ulit akong napahilamos sa mukha gamit ang dalawang palad. Frustrated with myself.
Ilang beses ko na 'yong ginagawa tuwing nalalasing ako. At sa totoo lang, naglalasing ako para gawin 'yon. Pero gaya na lang ng dati, wala pa rin. Fuck, I couldn't still remember that one shitty night.
Maybe I was only trying to fool myself. Maybe I was only trying to ease my guilt. But I did really want to remember. So bad I could trade my soul for it.
Hindi ko maipaliwanag pero alam ko na sa gabing 'yon umalis ka na ng bar. O mali ba ako? Basta, nanatili lang ako do'n. Nawalan na ako ng pakealam kung nando'n ka pa rin at kung nakita mo man akong naglalasing. I was too desperate remembering that particular night. Hoping that maybe...maybe I can finally give you a reason that'll lead you coming back to me.
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top