CHAPTER 52

ELLE

Dalawang buwan na ang nakakalipas mula ng ikasal ako sa lalaking mahal ko, sa loob ng dalawang buwan na iyon ay mas lalo ko pang minahal si Yohan. Sobrang responsable niyang asawa, maalaga, at talaga namang sobrang loyal sa akin. Wala na akong mahihiling pa, lahat na nasa kanya. Tuwing umaga bago siya pumasok sa opisina, ipinagluluto niya muna ako ng almusal. Lagi siyang nay love note at lagi niya rin akong pinadadalhan ng kopya ng schedule niya para lang mapaniwala niya ako na hindi siya magloloko. Oras-oras rin siya na nagpapadala ng mga pictures kung nasaan siya, he always update me kung ano ang ginagawa at kung sino ang kasama niya kahit hindi naman kailangan.

Nagpresinta ako ngayong araw na magluto ng breakfast, nagrequest rin kasi si Aesha, Danice, at Diamond na lutuin ko raw ulit ang bago nilang paborito na egg-cornbeef. Yung piritong itlog at cornbeef na pinagsama, last week kasi nung nakalimutan ni Yaya Maning na maggrocery ay naiisip ko na nagimprovise na lang.  Mababaiy ang mga pamangkin ni Yohan, lalong-lalo na si Danice, ten years old  na siya at nag-iisang anak ni Ate Yanna sa ex-husband niya nang si Kuya Steve.

Halos mag-aalas dyis na ng umaga, pinagpahinga ko muna sila mula sa paggawa ng mga homework at school project nila.

"Tita Mommy can you please teach me how to cook? I really want something to learn para papabalik ko sa States malulutuan ko si Daddy." Si Diamond iyon na mula pa kanina na nagpepare ako, hanggang sa pagluluto, at pagpeplating ko ay nakabantay sa akin. 

"Sure baby," wika ko habang nagsasali ng juice sa baso niya. "Pero before kita turuan, you should finish your homework first okay?"

"Yes Tita Mommy," malapad itong ngumiti. 

"Tita Elle, can you please hand me the  catsup? Thank you," Si Aesha 'yon.

"Sure baby, wait a minute." Nang tumalikod ako at akmang maglalakad patungo sa pantry ay para bang tumibok ang ulo ko. Nakaramdam rin ako ng pangangasim ng sikmura ko, at nang maramdamn ko ang pagduduwal ay nagmamadali akong tumungo sa lababo at nagduwal roon, lahat ng kinain ko kanina ay isinuka ko. Parati akong ganito tuwing umaga, at oras-oras. Siguro ay may dalawang linggo na ang nakakaraan.

"Tita Elle are you okay?" Narinig ko ang mga yabag ni Aesha papunta sa akin. "Tita are you pregnant?" Hinagod-hagod niya pa ang likod ko. 

"Tita Mommy magkakababy na po kayo ni Tito Daddy?" Usisa naman ni Diamond.

"H-Hindi ko alam eh..."

"Tita, I think you should rest na lang po. Ako na po ang bahala rito,"  ani Aesha.

"Sigurado ka Aesha?"

"Opo, sige na po you rest na lang po."

"Salamat Aesha,"

Nagpasya ako na pumanhik muna sa kwarto at doon ay mamahinga, habang papaakyat ako ay nakasalubong ko si Zarina sa may hagdan. Hindi pa rin kami nag-uusap, pakiramdam ko kasi ay iniiwasan niya ako kaya umiwas na rin ako. Lalampasan ko na san siya at akmang ipapanhik ko na ang paa ko sa susunod na baitang ngunit napahinto ako ng magsalita siya.

"Elle..."

"May sasabihin ka ba?"

"I'm sorry..." 

"Ayos lang... kung nagmamahalan naman talaga kayo, wala na akong magagawa. First of all wala na akong nararamdaman para kay  Henry, at isa pa kasal na rin ako."

"H-Hindi mo naiintindihan Elle.." biglang nanubig ang mga mata niya. "H-indi ko siya mahal, h-hindi ko mahal si henry."  Napa-upo siya sa baitang ng hagdan habang umiiyak. "N-Napilitan lang ako na pakasalan siya..."

"Halika mag-usap tayo, tumayo ka dyan." Inalalayan ko siya para makatayo, dinala ko sya sa balkonahe ng kwarto namin ni Yohan.

Iyak lang siya ng iyak habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang "hindi ko mahal si Henry" at "napilitan lang ako na pakasalan siya". Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya naman ay pinakalma ko muna siya.

"E-Elle... E-Elle... I'm sorry Elle... hindi ko ginusto ang nangyari sa amin," wika niya habang humihikbi.

"Makikinig ako Zarina,"

"N-Ni-Ni-rape niya ako... Ibinuhos niya sa akin ang lahat ng galit at sakit na narararamdaman niya sa iyo, sa katawan ko. Kaya lang ako nagpakasal sa kanya kasi sabi niya paninindigan niya raw ako... pero maniwala ka Elle...  Maniwala ka na labag sa loob ko ang lahat."

Para akong nalula sa mga ikinwento ni Zarina, ayoko talagang mawala dahil sa pagkakakilala ko kay Henry noon. Never niya ako sinaktan, never siya nagtake advantage sa akin. Mataman ko na tinignan si Zarina, nanginginig siya habang iyak ng iyak. Hindi siya ganito, never naging iyakin ang kaibigan ko pero sa pagkakataon na ito ay ibang-iba siya. Wala akong ibang nagawa kungdi yakapin na lang siya at aluin, isinantabi ko muna ang sarili kong pangangailangan. Kailangan kong tulungan ang best friend ko, kailangan kong bumawi sa kanya. 

Iniisip ko pa kung kanino ako pupwedeng magsumbong... 
Hindi ako makakapayag na hindi ako magbayad sa ginawa ni Henry sa kaibigan  ko...

"Elle, ipangako mo sa akin na wala kang pagsasabihan ah. Kahit naman ganon ang ginawa sa akin ni Henry ay siya pa rin naman ang tatay ng anak ko,"

"B-Buntis ka?"

"Six weeks na..."

"Pero paano ang hustisya mo?"

Umiling-iling pa siya,"Ayokong masira siya, ilang taong binuo ni Henry ang pangarap niya tapos sisirain ko lang. Mas mabuti na ganito na lang kaming dalawa..."

"P-Pero Za—" Yumakap siya sa akin ng mahigpit 

"H'wag kang mag-alala, matututunan ko rin na makalimutan ang nangyari na'yon. Ayokong lumaki ang anak ko na walang ama..."

Matapos ang usapan namin na'yon ay hindi ko na alam kung matitignan ko pa si Henry nang normal, bigla akong nakaramdam ng galit para sa kanya. Hindi na ako mapakali at gulong-gulo ang isipan ko, alam ko naman na hindi ako dapat mangielam pero best friend ko si Zarina. Hindi ako pwedeng magsawalang bahala...
Halos nakalimutan ko na nga na mamahinga dahil sumama ang pakiramdam ko  kanina.

"Tita Mommy!!" 

Abala ako sa pag-iisip kung ano ang dapat kong gawin sa sitwasyon ni Zarina nang mapatigil ako lingonin ko ang pintuan kung saan ay naulanigan ko ang boses ni Danice. Dali-dali ako na tumayo mula sa kama at agad na tinungo ang pintuan para buksan ito.

"Tita Mommy are you okay na po ba?" May pag-aalala niyang tanong.

"Yes baby okay na po ako," 

"Yey! Mabuti naman po Mommy by the way Tita Mommy," nawala ang pag-aala na nakapaskil sa mukha niya at napalitan ito ng ngiti.

"Talaga? Halika dito tayo sa loob, ikwento mo sa akin." 

"Tita Mommy, I just got my period. Hindi na po ako baby!" Masaya niyang sabi at yinakap ako, yinakap ko rin siya pabalik.

Period? Hindi pa nga pala ako nireregla... Buntis na kaya ulit ako?

"I'm so happy for you, big girl na ang Danice namin. Big girl ka na," aniko nang magkalas kaming dalawa.

"But I'm still your baby diba po? Kahit na big girl na ako at may period na,"

"Ofcourse Danice," 

Naging malapit sa akin ang nag-iisang anak ni Ate Yanna, itinuring ko siya na parang sarili kong anak na rin. Kung nabubuhay siguro ang panganay namin ni Yohan baka kasing ganda at kasing bait rim siya ni Danice, ang kaso lang hindi siya nabigyan ng pagkakataon na mabuhay. 

Matapos namin na makapagkwentuhan ni Danice ay umidlip muna ako, bumalik na naman kasi ang pagsakit ng ulo ko. Napapansin ko na nitong mga nakaraan araw ay parati akong inaantok, parati rin akong gutom, ang mga nangyayari na iro ay nangyari na noon bago ko nalaman na buntis ako sa una ko dapat na magiging anak. Nang magising ako ay nagpa-itos ako kay Ate Thelma para bilhan ako ng pregnancy kit para macheck kung buntia nga ako. Malay natin baka nakabuo ulit kami ni Yohan sa ikalawang pagkakataon.

May sintomas na rin kasi kay nagbabakasakali na ako na baka nga biyayaan kami ulit; Unang-una madalas akong naduduwal, ikalawa; laging masakit ang ulo ko at nagiging antokin ako.

Katatapos ko lang na magtake ng pregnancy test, hinihintay ko na lang ang resulta nito. Kasama ko ngayon si Zarina habang kumakain kami ng cookies at cake...

"Eto na..." May unang lumabas na pulang guhit ilang segundo lang ay lumabas ang isa pang pulang guhit na indikasyon na positive. Buntis nga ako...  Halos bumaha ang luha sa mga mata ko habang tinititigan ang dalawang pulang guhit sa puting pregnancy kit na hawak ko. "Zarina!! Zarina!!!" Sigaw ko habang tumatakbo papalabas ng bathroom. 

"Ano ang nangyari?" May  pag-aalalang taning nito. 

"Zarina positive! Buntis ako Zarina..." Mangiyak-ngiyak kong sabi, agad niya ako na yinakap.

"Friendship goals," peke siya na tumawa. "Ang pagkakaiba lang... 'yung sa iyo out of love samantalang yung sa akin out of lust."

"Shush... Ang mahalaga hindi mo siya pinalaglag, okay? H'wag mo nang isipin pa na galing siya sa masama, anak mo siya. Dugo at laman," sana tama ang sinasabi ko, hindi talaga ako magaling magpalubag loob e pero alang-alang kay Zarina at sa dinadala niya.. kailangan ko gumawa ng paraan para maging maayos siya.

Nang magkalas kami ni Zarina mula sa pagkakayakap ay saktong pagbukas naman  ng pinto, iniluwa nito ang magkapatid na Yohan at Henry. Sabay namin sila na liningon.

"Ang lakas ng loob mo na pumasok rito!"

Nang makita ko si Henry ay biglang kumulo ang dugo, hindi ko napigilan ang sarili ko na sumugod. Dalawang beses dumapo ang magkabilang kamay ko sa pisngi niya, mabilis ako na hinila nina Zarina at Yohan kay Henry. 

"Baby, baby, Elle... chill, chill lang. Tell me what happen,"

"Ilayo mo siya sa akin!" Sigaw ko habang habol ang hininga ko. "Ayokong makita ang pagmumukha niya!"

"T-Teka, ano ba ang nangyari? Tell me baby," marahan niya ako na iniharap sa kanya. "Tell me please,"

"M-Misunderstanding lang siguro, a-alam mo naman n-na mag-ex sila... 'yon lang 'yon Yohan..."

Gusto ko talagang pigilan ang sarili ko na sugurin siya alang-alang sa bata na ipinagbubuntis ko pero hindi ko kaya. Matalik ko na kaibigan si Zarina kaya mahirap para sa akin na magtimpi na lang.

"Yohan, mabuti pa na pagpahingahin mo ma lang si Elle. Buntis siya, hindi sya pwedeng ma-stress,"

"Buntis ka?" Ang kaninang pag-aalala sa mukha ni Yohan  ay napalitan. Tanging tango lang ang naisagot ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. "Oh God! Oh God!" Mahigpit niya ako na yinakap. "Magkakababy na ulit tayo,"

"Mauuna na kami ni Henry, ikaw na ang bahala kay Elle," iyon ang narinig ko kasabay ng mga yabag nila at pagsara ng pinto.

"Hindi ka na pwedeng ma-stress ha," anito nang kumalas kami sa pagkakayakap. "Hindi na siya pwedeng mawala sa atin okay?"  Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Kailangan natin siyang alagaan para hindi na siya kuhanin sa atin, bukas na bukas magpapa-check up tayo para malaman natin kung ano na ang lagay ng baby natin, okay?" 

"Promise, aalagaan ko na si baby. Hindi ko na hahayaan na mawala pa siya sa atin ulit,"

"Kung ano man ang problema ninyo ni Henry, iwaglit mo muna. Our baby needs a happy and peaceful place, okay?"

Mahiral iwaglit sa isipan ko ang ginawa ni Henry sa kaibigan ko, Zarina's misfortune is also mine kaya gagawin ko ang lahat para makamit ng bestfriend ko ang justice na kailangan niya.

Nang gabi na 'yon ay sabay-sabay kami na kumain ng dinner, like we always do. Maingay ang lahat dahil nagkukwentuhan sila about business staff at school staff, parating ganito sa bahay. Habang masa hapag at kumakain ang lahat, dapat ay may baon ka rin na kwento. Si Ate Yanna at Ate Hannah talaga ang makwento, ang kaso ay umalis na sila pa-America last month kaya medyo bland ang kwentuhan.
Noon naging gawain ko ang makisabay sa kanila but not now, nakapukol pa rin ang mga mata ko sa lalaki na katabi ni Zarina at Ate Honey. Hindi ko siya kayang patawarin ng ganun-ganun na lang, he made my best friend's life miserable.

"Tita Mommy are you okay?" Siyang tanong ni Danice sa akin. Marahan ko siya na nilingon dahil katabi ko lang siya at nginitian.

"Yes baby, wala lang talaga ako sa mood mag-salita but I'm fine baby. Don't worry..."

"Alam mo Danice, naghahanap lang ng mapapaglihan iyang si Tita Mommy," Si Zarina iyon. Siya ang naging dahilan para mapahinto at mapagtinginan ako ng lahat.

"You're pregnant?" Si Mommy 'yon, tumango naman ako bilang sagot. "Wow! Congratulations Elle!"

"So we're expecting two babies pala, sana man lang ay lalaki ang maging anak ninyo. Especially you, Elle... dala-dala mo at ng magiging anak ninyo ni Yohan ang apelido ng mga Carbonel." That's Ate Yoora, pineke niya pa ang pagngiti.

"Ate, don't pressure my wife. Hindi naman ikaw ang maghihirap sa pagbubuntis at panganganak."

"Regardless of his or her gender, tatanggapin ko siya. Aba! Apo ko  'yan sa unico hijo ko." Masaya at very proud na sabi ni Daddy.

"Ilang months na?" Tanong naman ni Ate Honey. 

"Hindi pa namin alam ate, kanina lang namin nalaman na nag-positive siya sa pregnancy test. Bukas, dadalhin ko agad siya sa OB niya dati," Si Yohan naman ang sumagot.

"No, no, no, no, wala nang aalis Yohan. Ayoko nang mawalan ulit ng apo, si Dra. Reyes na ang agad papupuntahin ko rito para macheck-up si Elle." That's Dad, "I hope you understand," he looks at me.

"Naiintindihan ko po,"

Kinabukasan ay agad naman rin na dumating ang Ob-gynecologist na nag check-up sa akin, sa kanya ko nalaman na dalawang buwan na ang bata sa tiyan ko. Maselan rin ang pagbubutis ko kaya kailangan ko na magdoble ingat dahil minsan na akong nawalan ng anak.
Sobrang naging hand-on na asawa at future Daddy si Yohan, right after namin na malaman ang kondisyon ko ay agad siyang nagleave ng paternity leave. Buhay ng mga araw na iyon ay siya na ang nag-alaga sa akin, he even kick Ate Yoora out of the house para hindi raw ako mastress, sinang-ayunan iyon nina Mommy at Daddy. Excited ko na binalita ito sa pamilya ko, sobra rin ang saya na naramdaman nila at gaya ng reaksyon ng parents ni Yohan ay nagimg strikto rin sila sa akin lalong lalo na ang Tatay.

Mauuna manganak si Zarina sa akin ng mga ilang araw lang, pareho namin na winiwish na sana same date na lang kami manganak para  friendship goals ang drama naming dalawa. 

Nasa gazeeboo kami ngayon ng asawa ko katatapos lang namun na magpa-araw, maganda raw kasi para sa buntis ang sikat ng araw ng alas kwatro ng  umaga hanggang alas syete rin ng umaga. Sobrang kailangan kong sundi ang sinasabi ng doctor para sa anak ko, ayaw na namin siya na mawala pa. Nagkaroon ako ng kakaibang cravings ngayon, kung noong nakaraan ay mangga at chocolate ice cream ngayon naman ay spaghetti na may coco jam. Sarap na sarap ako habang sila diring-diri sa kinakain ko, malay ko ba sa baby ko. Parte rin ng cravings ko ang chocolate cake, bayabas, at damuko.

"Ano ang gustong kainin ng baby ko na yan?"  Tanong ni Yohan habang nakatapat ang tenga sa medyo maumbok kong tiyan. "Ipagluluto ka ni Papa ha lalo kapag lumabas ka, iispoil ka namin ni Mama ng tender love and care." Hinalik-halikan niya pa ito. "Basta magpakabait ka lang sa tyan ni Mama, pag natito ka na sumipa wag masyadong malakas ha. Hwag mong sasaktan si Mama. Mahal na mahal ka namin anak,"

"Sweet naman ng Papa na 'yan," mahinang usal ko.

Bahagyang niya na iniangat  ang ulo at humalik sa labi ko. "Si Mama naman, si baby muna ngayon ang lalambingin ko. Hindi ka pa kasi pwede," maloko siya na tumawa sabay halik sa akin muli. "Babawi na lang ako kapag lumabas na si baby,"

"Hindi pa pwede, mga four to six weeks pa ang bibilangin."

"Magtitiis ako, you can do hand job naman diba?" Muli ay maloko siya na tumawa.

"Siraulo ka talaga Yohan," pinukol ko pa siya ng matalim na tingin. 

"Because you always drives me crazy," ngumisi ito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "I love you,"

"I love you too," siya namang tugon ko.

"Sana all..." boses iyon ni Zarina.

Sabay namin siya na nilingon,  malamlam ang mga ngiti niya habang nakatitig sa direksyon naming dalawa.  

"Bess ikaw pala, tara rito at magpa-araw  para maging safe ang baby natin."

"Hindi na, I'm fine here. Ayoko maka distorbo sa quality time ninyo ni Yohan," aniya sa mahinang tinig. 

"Nasaan pala ang asawa mo? Hindi ba dapat kasama ka niya?" Siyang tanong ni Yohan.

"Tatlong gabi na siya na hindi umuuwi e, sinubukan ko naman na tanongin sila Louie at Basti pero hindi naman sila sumasagot." Malamlam ang boses niya at mahahalata mo ang labis na kalungkutan

"Zarina are you okay? Nag-away na naman ba kayo ni Henry?"

"N-Normal lang naman 'yun  sa mag-asawa... Yohan. Kayo rin naman ni Elle diba, nag-aaway rin kayo?" Tila hinahabol niya ang hininga habang nagsasalita

"Hindi pa kami nag-aaway, simula noong ikinasal kami..." siya namang sagot ni Yohan.

"K-Kahit minsan... hindi talaga?"

"Just one time, before the accident... And after it, iniiwasan na namin ang pag-aaway." Ako naman ang sumagot.

"M-Mabuti pa kayo..." mahina siya na humikbi. "Kung sabagay magkaiba tayo, mahal na mahal mo si Elle. Samantalang ako, hindi ako kayang mahalin ni Henry ay hindi ko rin siya kaya na mahalin."

"What are you saying?" Clueless na tanong ni Yohan. "Why did you get married if you don't love each other?"

"K-Kasi may nangyari sa amin..."

"Is that all?" Ismo pulis siya na nag-iimbestiga.

"I-iyon lang naman...nagpakasal kami dahil lang sa may nangyari sa aming dalawa... A-Alam na ni Elle 'yon, napag-usapan na namin.  Hindi namin sinasadya ni Henry yung nangyari, 'yun lang sige aalis na ako." Nagmamadali ito na lumabas mula sa gazeebo at  tila iniiwasan ang mga susunod pa na itatanong ng asawa ko.

"Suspicious..." mahinang usal ni Yohan.

"Hayaan na natin siya, it's their personal thing."

"You're right," nilingon niya ako at pinakitaan ng malapad na ngiti. "Let's go to our room baby, bonding tayo." Kumindat  pa siya sa akin.

Mukhang hihirit ang isang 'to, wala talaga akong  ligtas kahit na dalawang buwan na akong buntis.

"Anong bonding 'yan?" Pagkukunwari ko na walang alam.

"Our favourite bonding," he gently lift me up from my sit and carried me in a briday way. 

I knew it.

LOUIE

Hindi ko na alam kung ano na ang mga nangyayari sa kaibigan ko na si Henry lalo nito mga nakaraang buwan, parati na lang siya na nandito sa bar at kung sino-sino ang babae ang isinasama at kinakama niya kahit pa  may asawa na siya at buntis na jto. Tuluyan siya na nawala sa sarili at pati ao ay hindi ko na alam kung tama pa ba ang  mga ginagawa niya. Wala na siyang pinapakinggan even his own biolegocal mom, o kahit si Zarina. Tuliro siya, puro inom ang ginagawa, kahit sa mga taping niya ay madalas na rin siya na pinapagalitan ng direktor. Gusto na nga siyang tanggalin e pero naki

Hindi niya pa rin rin tanggap at mukha kahit kailan ay hindi niya matatanggap na ikinasal sa sarili niya na kapatid  at naanakan pa ni Yohan ang babaeng mahal niya. Minsan ay naiinis na nga ako dahil sa paulit-ulit niyang dahilan kung bakit siy umiinom. Puro siya Elle, Elle, Elle, at Elle.

"Kashalanan 'to ni Yohan! Lahat nang nangyayari sha akin kashalanan ni Yohan gago siya!" Sigaw niya sa akinhabang susuray-suray na naglalakad papunta sa parking lot. 

"Ano ba naman 'tong buhay mo Henry? Matapos mong umalis sa taping ng walang paalam, tatawagan mo ko tapos aabutan kita ng ganyan." rrklamo ko bilang kaibigan ko habang inaalalayan ko siya.

"Kung hindi dumating 'yang hayop na Yohan na 'yan sag buhay namin ni Elle baka hindi ako nakagawa ng mali! Baka imbish na si Zarina ay si Elle ang asawa ko!"

"Paanong gagawin natin? Una sa lahat kasal na sila, pangalawa kasal ka na rin"

Huminto siya  sa harapan ko at humarap sa akin, tinanggal niya pa ang braso ko. "Labag sa loob ko ang pakashalan sya! Ayoko kay Zarina! Shi Elle ang gushto ko! Shi Elle lang at wala nang iba! Naiintindihan mo ba 'yun?" Sigaw niya  bago siya na mapaluhod sa lapag. "Kahit kabit lang niya papayag ako, papayag ako Louie. Bumalik lang siya sa akim,*

"Para ka namang tanga Henry, pinakasal-kasalan mo ang best friend ng ex mo. Binuntis mo tapos maggagaganyan ka,"

Nag-angat siya ng ulo at mariin ako na tinitigan. "H'wag mo kong shermunan, hindi mo alam ang nararamdaman ko. Palibhasha babaero ka! Hindi mo alam kung gaano kashakit ang iwanan ng minamahal." Dinuru-duro niya ako at dinuru-duro niya din ang  dibdib niya. "M-Mahal ko! Elle ko!!" Sigaw pa niya habang nakaluhod at umiiyak. "Mahal kita Elle! Mahal kita!"

Pasalamat talaga siya at pribado ang bar na pinupuntahan niya kungdi ay pati ako ay mahihiya sa mga pinagagagawa niya sa buhay niya. Nag-iba na ang direksyon, biglang bumaluktot simula nung iniwan ni Elle. Hindi ko masisisi si Elliese, ikaw ba naman ay ideny ng paulit-ulit e. Atleast ngayon panatag na ako na nasa mabuting kamay si Elle, lagi siyang pine-flex ni Sir Yohan sa social media ultimo sa  Royal Gem ay nandoon ang mukha ni Elle. Sir Yohan treats Elle better than what Henry does, puro deny at pagtatakip sa relasyon ang nangyari sa kanila noon para lang sa publicity at promotion ng HenRina. Kung ako ang tatanungin, mas pabor ako na ikinasal si Elle kay Sir Yohan kesa dito sya kay Henry.  Enough na 'yung sufferings niya noon, deserve niya sumaya.

Babaero ako pero hindi ibig sabihin ay hindi na ako marunong magpahalaga ng babae, never ako nagcheat, never ako nanakit emotionally man o physically or even sexually. Hindi gaya ng ginagawa ni Henry kay Zarina, inaabuso nya ang asawa nya just because hindi niya ito kaya mahalin. Henry sleep with different girls and fck them tapos uuwi siya kay Zarina para magalit at bugbugin. He always play the victim na at patuloy nya na pinaniniwala ang sarili na si Elle lang ang may kasalanan ng lahat. 

Iniuwi ko siya sa mansyon ng mga magulang niya nang gabing rin na iyon, si Yohan ang nakakita sa amin. Siya rin ang tumulong sa akin na ilabas ang kapatid niya sa kotse ko at ipasok sa salas ng bahay nila.
9
"Kayo na po ang bahala kay Henry, Sir." 

"Ano ba ang nangyari sa kanya?" Tanong naman ni Sir Yohan.  "Ang sabi sa akin ni Zarina ilang gabi na raw siya na hindi umuuwi.

"Nag-taping po siya nitong nakalipas na dalawang araw tapos yung pangatlong araw hanggang ngayon po. Doon  ko po sya nakikita  na nakatambay sa bar,"

Napakamot sa ulo itong si Sir habang seryoso na nakatingin kay Henry na tulog na tulog sa sofa. Napapameywang pa si Sir Yohan at napa iling-iling.

"Sige na Louie, ako na ang bahala rito. Salamat sa paghatid mo kay Henry,"

Matapos ko na maihatid si Henry sa bahay ng parents niya ay nagdecide na rin ako na umuwi sa bahay ko at uwian ang asawa ko na Allyssa at ang anak namin na si Bea. 

YOHAN

Kani-kanina lang matapos na tumawag ni Direk Sol sa akin  tungkol sa concern nya sa kapatid ko at artista nag Royal Gem na si Henry ay sakto naman ang pagdating ni Louie na co-star niya at matalik niyang kaibigan.  Hinatid niya ang kapatid ko sa bahay, amoy alak, walang malay, at lasing na lasing. Pasalamat talaga siya at tulog na si Daddy kung hindi ay baka nasampolan na naman ang lalaking 'to.

Matapos na maka-alis ni Louie ay agad ko na inalalayan si Henry papanhik sa taas, sa kwarto nila ni Zarina. Naabutan pa nga  kami ng asawa ko na si Elle, papalabas siya sa kwarto namin at malamang ay hinahanap ako. She is so sexy in her white nighties even though she was pregnant she was beautiful and her body was still curvy.

"Ano ang nangyari sa kanya?" Nahalata ko agad ang pagiging concern ng boses niya.

"Tumakas sa taping at nagpakalasing," mahiksing sagot.

"E-Elle... E-Elle mahal kita, m-mahal kita Elle." Paulit-ulit na sambit ni Henry, pinukol ko siya ng masamang tingin. May asawa na siya pero hibang na hibang pa rin siya sa asawa ko. Balak-balak ko na ilaglag siya sa hagdanan talaga e, ayoko lang talaga na marumihan ang mga kamay ko.

"Tawagin ko na ba si Zarina? Sigurado ako na gising pa naman siya," Nahalata ko ang saglit na pagsulyap niya kay Henry, mukhang nag-aalala siya rito kahit papaano.

"No, let me manage. Take a rest and sleep, it's already eleven in the evening. Hidni dapat nagpupuyat ang mga buntis,"

"Hihintayin kita rito, alam mo naman na hindi na ako sanay matulog kapag wala ka sa tabi ko." 

I smiled automatically, alright calm down Yohan. You can score again later, you just need to take your reprimanded brother to their room first.

When I was about to knock on their door, it suddenly opened and spat on Zarina. Henry's wife, she immediately approached her husband the moment when she saw it.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Naglasing..." mahiksi kong sagot, akma ako na papasok sa kwarto nila para maihiga ko si Henry nang bigla itong gumalaw at umalis mula sa pagkaka-akbay ko.

"I can handle myself, narinig ko na ang boses ni Elle.  Okay na ako," susuray-suray ito na pumasok sa kwarto nila ay isinara ang pintuan.

Oo, even his own wife Zarina. ay pinagsarahan niya ng pinto.

Nagkatinginan kami ng asawa ko na ansa may pintuan ng kwarto namin, in-expect ko nang lalapitan niya si Zarina na ginawa niya nga. My wife even carried Zarina on her shoulders and caresses her arms.

"You okay?"  I asked.

She nodded quickly in response, "s-sa sala na lang ako matutulog.."

"The guest room is available, doon ka na lang. You are pregnant, you need to take care of your child. And also, you are my sister -in -law ."

Elle and I accompanied her to the guest room next to Danice's room, hindi na siya nakatanggi pa nang ang asawa ko na ang nakiusap sa kanya.

"Magiging okay lang ba siya?" May pag-aalang tanong niya nang makapasok kami sa kwarto ko.

"Hopefully baby," Inakbayan ko siya at hinapit papalapit sa akin. "Let's just sleep, past eleven na."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top