CHAPTER 51

ELLE

Nag-extend kami ni Yohan ng another week para sa honeymoon  escapade namin kaya medyo natagalan kami sa Palawan pero ngayon ay nasa byahe na kami papauwi sa Manila. Tulog si Yohan kanina pa, gumantin kasi ako e. Madalas niya akong pinapagod, kaya kagabi ako naman ang nagpagod sa kanya. Ako naman ay abala sa paga-upload ng mga picture namin ni Yohan habang nasa Palawan kaming dalawa. 

Dati-rati kapag ka wala akong ginagawa o free time ko ay si Zarina ang laging kausap, maghapon at magdamag kaming nag-uusap. Siya ang parating nag-iinitiate ng topic pero this passed fee days, nanibago akong bigla sa kanya. Tinatry ko naman na tawagin si Zarina pero wala siyang reply, iniisip ko na baka busy lang siya sa trabaho or ibang personal things pero noon kahit naman busy siya she always makes time for me. Hindi ko lang talaga maiwasan na mag-alala para sa best friend ko. Matapos ko na mag-iwan ng mahigit sa dalamput apat na message at sampong missed call kay Zarina ay itinabi ko na sa loob ng bag ko ang phone ko.

Ipiniid ko ang ulo ko sa balikat ni Yohan, naramdaman ko ang saglit niyang paggalaw, mukhang nagising na siya. Inilagay niya sa leeg ko ang asul na travel pillow at inayos niya ang pagkakapinig ng ulo ko sa balikat niya.

"Baby,"

"Hmmm.."

"Thank you for loving me..."

"Of course,"

"Thank you for marrying me," 

"Mahal kita Yohan,"

"Thank you for coming into my life... binigyan mo ako ng bagong buhay."

"Mahal kita Yohan,"

"Mahal na mahal kita, Elle. And I'll do everything and anything just to make you happy, my wife."

"Ikaw lang ang gusto ko, ayoko ng materyal Yohan. Gusto ko lang bumuo ng isang masayang pamilya kasama ka,"

Ang gaan sa pakiramdam kapag ganito kami na nakakapag-usap ng masinsinan, sumasaya ang puso ko at hindi ko na naiisip ang mga problema ko. Simula nang makasama ko si Yohan, pakiramdam ko ay nakumpleto ako. Nung nawala ako at nawala ako sa sarili, si Yohan lang ang hinanap ko.

Si Samuela ang sumundo sa amin, ipinag-drive niya rin kami pauwi sa bahay nila Daddy.  Habang papasok kami ay napansin ko ang pamilyar na asul na kotse na nauna sa amin na pumasok sa malaking tarangkahan. Nauna rin sila na bumaba, una kong naaninag si Henry na nakasuot ng puting t-shirt na may kwelyo at maong na jeans. Nakita ko siya na naglakad papunta sa kabilang side ng kotse at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ko na bumaba mula sa kotse ang pamilyar na maputing babae na nakasuot ng puting floral dress at mahiksi ang buhok.  Magkahawak-kamay sila na naglakad papunta sa front door ng mansion.

Hindi ako pwedeng magkamali...

Sigurado ako na si Zarina nga ang babaeng 'yon...

Si Zarina na best friend ko at si Henry na ex-boyfriend ko...

May relasyon ba sila?

Kailan pa?

Bakit hindi ko alam?

Kaya ba hindi sinasagot ni Zarina ang mga text ko dahil kay Henry?

Pero paano?

Bakit?

Nakaramdam ako ng pangangatal ng labi at panghihina ng mga tuhod ko. Humapdi ang mga mata ko at pakiramdam ko ay kumirot ang puso ko. May nararamdaman ako sa loob ko na hindi ko maipaliwanag, umiling-iling ako at humilamos sa mukha ko saka ako nagbugha ng hangin.

"Elle... Hey? Baby... Maria Elliese.."

Dahan-dahan ko na nilingon si Yohan, pag-aalala ang nasa mukha niya. "B-Bakit?"

"May problema ba, kanina pa kita kinakausap. Ayos ka lang ba? Tulala ka e,"

"A-Ayos lang... na... n-napagod lang ako sa byahe. G-Gusto ko nang matulog at magpahinga,"

"Okay, we'll do it baby. Magpapakita lang tayo kina Mommy tapos aakyat na tayo sa taas to take rest. Okay?" Hinagkan niya ako sa noo at magkahawak kamay kami na bumaba mula sa sasakyan.

May kaba ako na hindi maipaliwanag sa loob-loob ko, malakas ang kabog ng dibdib ko at magulo ang nasa isipan ko. Hindi mawala sa akin ang nakita ko na pagbaba  ni Zarina mula sa kotse Henry at magkahawak-kamay sila na bumaba mula roon
"Are you really alright?" Pag-aalala ni Yohan, huminto siya sa paglalakad at 

"O-Oo n-naman, a-ayos lang ako... H-H'wag mo akong intindihin." 

"Hindi pwede 'yon, hindi pwedeng hindi kita iintindihin. You are my wife, Elle."

Umiling-iling ako, "Wala ito," pagsisinungaling ko at peke akong tumawa. "H'wag ka mang mag-alala."

Tumango-tango siya at bumalik sa paglalakad at pag-akyat papunta sa main door. Nang makapasok kami ay naabutan namin na naka-upo sina  Mommy at Daddy sa magka tabi na single sofa habang sina  Zarina at Henry ay nasa mahabang sofa. 

Lalong tumindi ang kabog sa dibdib ko at pakiramdam ko ay para akong sinaksak ng mapurol na kutsilyo pero winaglit ko ito sa isipan ko.

Si Ate Honey na bumababa mula sa hagdanan ang unang nakapansin sa pagpasok namin. 

"Nandito na rin pala sina Mr. and Mrs Yohan Carbonel," malapad ang ngiti niya at patakbong lumapit sa amin, bumeso at yumakap. "Kumusta kayo? Kumusta ang bakasyon? Nakabuo na ba kayo?"

"Ate chill," si Yohan. "Sharp shooter ako, sigurado 'yan." Liningon ako ni Yohan at kumindat.

"Yohan, my son, Elliese my beautiful daughter-in-law." Si Daddy iyon, nang makalapit siya sa amin ay yumakap ito kay Yohan at bumeso sa akin. "How are you two? Mukhang enjoy na enjoy kayong dalawa ha," May malamang ngiti ito habang nakatingin  sa leeg ko, inalis niya rin ito at ibinalik kay Yohan. "Lalo ka na Yohan, nag-iwan ka pa ng marka." Nag-high five pa silang dalawa. 

"Yohan, Elliese welcome back." Si Mommy naman iyon, malapad rin ang ngiti niya. Yumakap rin siya kay Yohan at humalik sa pisngi ko bago bumalik sa kinauupuan niya kanina. "Halikayo at maupo muna kayo muna rito. May magandang balita ang kapatid mong Henry,"

"Elle needs to rest, pasensya na po." Siya namang pagtanggi ni Yohan.

"Hindi mo man lang ba babatiin ang half brother mo ng isang congratulation?" Tumayo si Henry at bumitaw mula sa pagkakahawak kay Zarina. Saglit na nagtama ang mga paningin namin ng best friend ko pero siya na rin ang unang umiwas.

"Congratulations? Bakit? May bago  ka na naman bang project, bagong best actor award?" 

"No pero mas maganda pa ang nangyari sa akin kaysa sa mga sinabi mo," Itinaas niya ang kaliwang kamay at itinalikod niya ito. Isang makinang at kulay silver na singsing ang naaninag ko. "Kasal na ako,"

"Kasal?"

"Yea," Nilingon niya si Zarina at inalalayan ito na tumayo. "I married the woman that I admire for so long,"

"C-Congratulation to the both of you bessy," Pilit na sabi ko at liningon si Yohan, "baby let's go upstair. Pagod na po ako, Mommy, Daddy, kailangan ko na po na magpahinga." Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Yohan sa akin, akma ako na aalis ngunit hinigit ni Yohan ang braso ko. 

"Ayos ka lang ba?"

"Oo naman," kumalas ako mula sa pagkakahawak niya. "Sabi ko naman sayo, kailangan ko lang talaga na magpahinga e," Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "pinagod-pagod mo mo kagabi tapos tatanungin mo ako kung ayos lang ba ako." Nilingon ko si Daddy. "Daddy yung anak mo po oh," ismo bata ko na sumbong.

"Yohan, maawa ka naman sa asawa mo. E mukhang pagod na pagod pa, hayaan mo na magpahinga. Mamaya na ulit kayo gumawa ng bata kapag nakapag recharge na siya," ani Daddy sabay hagalpak ng tawa.

"Si Daddy naman tinuruan pa,"

"O e bakit? Elliese, naka-anim nga kami ng Mommy Yvonne mo oh." May pagmamalaking sabi niya.

"Weak mo naman Daddy, anim lang?" Mapanghamong sabi ni Yohan.

Inabot ko ang ilong ni Yohan at pinisil ito. "H'wag masyadong mayabang, hindi ko kaya ang maraming anak. Sige na, papanhik na ako. Ikaw na muna ang bahala dito, sumunod ka na lang sa akin kung gusto mo."

Humalik ako sa labi niya saglit, smack lang. Tinalikuran ko na sila at nagmamadali ako na umakyat sa ikalawang palapag, agad ko na hinanap ang silid namin ni Yohan. Pinihit ko agad ang doorknob ay padabog ko ito na isinara. Idinikit ko ang likod ko sa pinto habang hawak-hawakan pa rin ang doorknob.  Napasinghap ako ng malalim at nagbuga ng hangin, ang kanina pa ko pa na pinipigilan na nga luha ay malaya nang nakawala at rumagasa sa mga pisngi ko. Gamit ang malayang kamay ko ay tinakpan ko na ang bibig ko at mahina na humikbi at sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa pisngi ko. Kasabay ng pagpatak ay siyang pagbagsak ng katawan ko papaupo sa sahig.

"B-Bakit? B-Bakit kailangan kong maramdaman 'to?..." Mabigat ang bawat paghinga ko... Hindi ko maintindihan kung bakit.

"G-Ginagantihan niya ba ako? P-Para... Para masaktan ako? T-Talagang... talagang ginamit niya pa si Zarina." Mahina kong usal habang pinapahiran ang mga luha ko.

Hindi ako dapat nasasaktan ng ganito at hindi ako nasasaktan dahil lang sa nagpakasal siya. Pabor ako, pabor ako na humanap siya ng iba... ibang tao at hindi ang best friend ko.

Tanggap ko pa kung si Sabrina na lang o kahit sinong artista na nakapareha niya pero bakit si Zarina?

Bakit ang matalik ko pang kaibigan Henry?

Alam ko naman na masakit ang ginawa ko na pag-iwan sa kanya noon, alam ko naman na nasaktan ko siya ng piliin ko si Yohan over him but I did that on purpose. Sinakripisyo ko ang kasiyahan ko para sa pamilya ko...  iyon lang 'yon. Wala naman sa isip ko na mahulog at mapamahal kay Yohan e, basta nangyari na lang. Inaamin ko na may guilt pa rin ako na nararamdaman pero deserve ko ba ito?"

"Elle, baby... open the door please.." Mula sa labas ay naulanigan ko ang pagkatok at boses ni Yohan. "Baby please open the door,"

Marahan ako na tumayo at nagpunas ng  luha bago humarap sa pinto. Huminga muna ako ng malalim bago ko inabot ang  door knob at pihitin ito para mabuksan ang pintuan. 

He gave me a half smile, "I knew it, I really thought you were going to cry, I did notice that earlier... look at you now. Pulang-pula ang ilong mo." Lumapit siya sa akin  at hinawakan ang  magkabilang pisngi ko at gamit ang magkabilang hinlalaki niya ay pinunasan niya ang mga ito. "Umiiyak ka ba dahil may feelings ka pa kay Henry?"

Umiling-iling ako, "Wala na akong nararamdaman para sa kanya pero..." muli akong humikbi. "P-Pero si Zarina...  'Y-Yu-Yung best friend ko... Paano nangyari? M-Matagal na ba nila ako na niloloko? K-Kaya ba botong-boto si Zarina sa'yo? Kaya ba... Kaya ba wala siyang pagdadalawang isip na sabihin sa akin na tanggapin ko noon ang inaalok mo para maging malaya silang dalawa? Yohan hindi ko maintindihan, hindi ko maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang ikinasal sila ng hindi ko alam.."

"Bakit hindi sila mismo ang tanungin mo?"

"Ayoko, ayoko silang kausapin. Baka  may masabi lang ako na hindi maganda... Ayokong makasakit, ayokong saktan si Zarina..." Ikinulong ako sa mainit na braso ni Yohan habang hinahalikan ang ulo ko at hinahagod ang likod ko. "P-Paano kung... m-matagal na pala talaga silang nagloloko b-bago ka pa dumating...?"

"I know it's hard baby sige lang, you can cry it out. It is really hurt to be betrayed by someone whom you trust, I now get why you are crying. They make you look like a fool, they make you look stupid." He said while caressing my back. "What I just don't get is why would you rather be hurt? While you don't want to talk because you might hurt them, in the first place they are the one who hurt you first."

"I-It's not just my thing..." iniangat ko ang ulo ko at tinignan siya sa mata. "Forget it, it doesn't matter to me. I was just feel disappointed that's why I cried ... I-I just didn't expect it to happen. Ikaw na yung pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon, hindi na sila."

"Are you mad at Zarina? She's your best friend."

Umiling-iling ako, "hindi ako marunong magalit..."

"That's why I love you, tara na magpahinga na tayo."

Akma siya na kakalas mula sa pagkakayakap ngunit pinigil ko siya sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit ay pag-angkla ng mga braso ko sa leeg niya.

"Let's stay here for a while, gusto lang kita na yakapin,"

"Ako na 'yung mahal mo 'di ba?"

"Oo naman kaya nga kita pinakasalan. Bakit nagdududa ka ba?"

"Ofcourse not,"

"Feeling ko nagdududa ka e,"

"No." Sumeryoso ang tingin niya, "I love you so why should i doubt you?"

"Baka kasi iniisip mo na mahal ko pa si Henry e,"

"Nope, never, kahit naman meron pa e wala na akong pakielam. Asawa na kita, iyon ang pinakamahalaga sa akin Elle."

"Pero ikaw nga lang talaga ang mahal ko,"

"Say it again," naramdaman ko ang marahan na pagbaba ng nga kamay niya sa hita ko.

"Ikaw ang— Yohan!" Sigaw ko ng pisilan niya ang pang-upo ko.

"Kung mahal mo ako, just don't say it. Prove it,"

"Gusto mo lang mag-make love tayo e, sinusugar coat mo pa."

"You have to prove it Elliese,"

"Alam ko," wika ko at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Do you want me to give you heads?"

"I will not refuse your offer," aniya at nag-ngiting aso. "You're a naughty girl, I wish we had been married before so I could have seen your kinky side." He lift me up and wrap both of my legs in her waist.

"Tigilan mo ako,"

"N-No I won't," impit siya na tumawa at inangkin ang mga labi ko.

ZARINA

Dinala ako ni Henry sa mansyon nila para ipakilala ako sa parents nya bilang asawa niya, Mainit naman ako na tinanggap ng Mommy niya at ng Ate Honey niya pero 'yung Daddy niya hindi ko feel na tanggap nila ako. Kung alam lang niya ang ginawa sa akin ng anak nila ay baka magbago pa ang isip nila, lalo na ang tatay niya.

Nagkwentuhan kami ng Mommy niya tungkol sa mga bagay-bagay, mabait si Mommy Yvonne para siyang pina-matured na Elle kung tutuusin. I wonder kung magkasundo ba silang dalawa ng best friend ko... ayan ay kung best friend pa rin ang tingin niya sa akin matapos niya na malalaman  ang nangyaring biglaang kasal namin ng ex niya. Dumating rin sila kaninang umaga rito sa bahay, magkahawak kamay at sweet na sweet sa isa't-isa. Sinusubukan kong tignan ang reaksyon niya kanina pero hindi niya ito ipinapakita, sa pagkakakilala ko sa kanya madaling mabasa ang ekspresyon ni Elle pero ngayon pakiramdam ko ay hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman niya.

Saglit na nagtagpo ang mga mata naming dalawa, ngumiti siya pero nag-iwas agad ako ng tingin. Nahihiya ako kay Elle, hindi katanggap-tanggap ang pagpapakasal ko sa ex niya. Ang kaso wala naman akong magagawa... 

Kung may pagkakataon talaga ako na masabi sa kanya, I'll grab the chance. I'll do everything just to explain my side para hindi masira ang friendship namin for almost two decades.

"O bakit ka huminto?" Tanong ko kay Henry nang huminto siya sa isang kwarto na may naka-awang na pinto. "Eto na ba ang kwarto mo?"

Nandito kami sa second floor ng bahay nila, papunta kami sa kwarto niya na magiging kwarto naming dalaw. Napansin ko ang biglaang paghinto ni Henry sa ika-apat na kwarto mula sa hagdan.

"No and just shut up," mariing sagot nito at lumapit sa may pinto, hinawakan niya ang doorknob at bahagyang iniawang ito.

"Oh fck Yohan... Ugh! Fck baby! Fck!"

"Ahhh! Harder Elle please..."

Boses at ungol nina Yohan at Elle ang naulanigan namin mula sa loob, bahagya pa na iniawang ni Henry ang pinto. Halos lumuwa ang  mga mata ko sa nakita ko...

"Ohhh Elle... Ohh my Elle... I love youu.... Oooh!!! Ahhh!!!"

Sina Elle at si Yohan, pareho silang walang mga saplot at magkayakap habang nasa kama. Magkayakap silang dalawa habang nagtataas baba si Elle sa kandungan ni Yohan, at ito namang si Yohan ay abala sa pagmasahe sa kabilang dibdib  ni Elle, habang ang isa naman ay sinususo niya.  Alam ko naman na normal lang ang ginagawa nila dahil mag-asawa sila pero hindi ko pa rin maiwasan na magulat. 

Agad ko na nilingon si Henry, nagtutubig ang mga mata niya. Alam ko at batid ko na masakit para sa kanya ang nakita niya, mahal na mahal niya si Elle. Sobrang mahal niya ang best friend ko...

"H-Henry..." mahina kong pagtawag sa pangalan niya. "Henry..." ilang beses ko pa na tinawag ang pangalan niya pero hindi niya ako pinapansin.

Nakapako lang ang mga tingin niya kay Elle na umiindayog sa kandungan ni Yohan habang naghahalikan silang dalawa at parehong nakapikit, saglit na nagmulat ng mata si Elle at napako ang mga tingin sa amin ni Henry pero hindi siya tumigil sa pagtugon sa mga halik at pag-indayog kay Yohan. Nagpatuloy lang siya habang nakasabunot ang nga kamay sa buhok ni Yohan.

"I really like when we were making love baby..." Ani Elle nang saglit itong tumigil sa paghalik kay Yohan at habang nakapako ang tingin sa direksyon namin, lalong lalo na kay Henry. Lalo pa na bumilis ang paggalaw niya sa kandungan ni Yohan kasabay ng mahabang ungol... "Oohhh shit... shit.... baby..."

"Tara na Henry, h'wag mo nang saktan ang sarili mo." Hinila ko na si Henry papaalis sa kwarto nila Yohan, ako na rin ang nagsara ng pintuan ng silid nila. "Mahal  nila ang isa't-isa kaya pwede bang maawa ka na lang sa sarili mo."

"Mas magaling pala si Elle sa kama kaysa sayo kaya pala ayaw na siyang pakawalan ng kapatid ko, para siyang diyosa na umiindayog sa kandungan ng kapatid ko samantalang ikaw? Ismo ka tuod." Sarkastiko at mariin niyang sabi.

"Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"I want you to be like Elle! She's preety, smart, sexy, kindhearted, and most of all she's good  in bed."

"Alam mong imposible 'yan! Malaki ang pagkakaiba naming dalawa,"

"Kaya nga gusto ko na gayahin mo siya!"

"Bakit ako ang kailangan mag-adjust? Baka nakakalimutan mo lang na
ikaw ang nagdala sa akin sa ganitong sitwasyon Henry!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na sigawan siya. "Hindi ko ginusto na pakasalan ka at mas lalong hindi ko ginusto ang nangyari sa pagitan nating dalawa!"

"Ang buong akala ko kasi... makakalimutan ko si Elle kapag may nangyari sa atin, akala ko kapag ginamit kita... masasaktan ko si Elle pero hindi e." Nanubig ang mga mata niya at nag-uunahan ito na pumatak sa mga mata niya. "Hindi kita kayang mahalin Zarina..."

"Well pareho tayo, I still see you as my rapist. Kailangan mo akong panindigan, ako ang masusunod sa relasyon nating dalawa."

"No!" Mariin niyang sigaw "Noong magkarelasyon kami ni Elle ako ang nasususod sa aming dalawa!"

"Pero hindi nga ako  si Elle! Ako si Zarina, magkaiba kaming dalawa! Isaksak mo 'yan sa kokote mo!" 

"What's the commotion here?" Sabay namin na nilingon ni Henry ang kalalabas lang na si Yohan mula sa kwarto nila. Wala itong pangtaas na damit at nakashort lang. Magulo ang buhok nito at may kalat-kalat na lipstick sa gilid ng labi pati na sa leeg. "Henry, Zarina, alam ninyo naman na busy kaming dalawa ng asawa ko e. H'wag naman kayong istorbo,"

"Baby, let's just go back to what we're doing, it's a fight between husband and wife. Don't interfere," mula sa naka-awang na pinto ay nakita sumilip si Elle, makapal na puting kumot lang ang saplot niya. 

Inilihis ko ang tingin kay Henry, nakatitig siya sa direksyon ni Elle, nakikita ko na nasasaktan pa rin siya. At kailangan kong gamitin ang sakit na nararamdaman niya ngayon para makaganti ako sa ginawa niyang pambababoy sa akin.

"Ayusin ninyong dalawa ang problema ninyo, kakakasal pa lang ninyo tas away agad." Ito ang huling sinabi ni Yohan bago niya kami talikuran at pumasok sa loob ng kwarto nila.

Nang gabing iyon at hindi tumabi sa pagtulog sa akin si Henry, ang sabi ng mga maids nila magdamag daw na umiinom sa may pool area ang asawa ko. Naka-ubos daw ito ng walong bote ng beer at kahit pigilan ng mga Mommy niya ay hindi siya nagpapatinag.  Halos isang linggo na kaming nandito, isang linggo ko na rin na hindi nakakatabi o nakikita man lang si Henry. I didn't bother to ask kung nasaan man siya, wala naman akong pakielam sa kanya.

Matapos ko na makapaligo at nakapagbihis ay agad ako na bumaba sa kusina, si Elle agad ang nakita ko. Masaya siya na nakikipagkwentuhan sa mga maids nila Henry habang nagluluto ito, inaamin ko na namimiss ko ang matatamis niyang ngiti at malakas na tawa....

"Napaka-swerte po ni Sir Yohan sa inyo Ma'am Elle bukod sa napakaganda ninyo po, masipag at matulungin ka rin po." Narinig ko na sabi nung naka-asul na maid.

"Alam mo po Ma'am Elle, unang kita ko pa lang po sa inyo magaang na talaga ang loob ko sayo. Iba ang awra mo, asawa ka ng isa sa pinakamayamang tao at anak ka ng isa sa pinakamayamang doktor pero hindi ka namin nakita na nagmataas." Sabi naman nung maid na naka ternong polo at pajama.

"Kaya nga po e, pwede mo naman po kami na utusan na mag-luto at maglinis pero hindi mo po ginagawa." Sabi naman ng isa pang matandnag katulong.

"Laki po ako sa hirap, marunong po ako sa gawaing bahay at gusto ko po ang ginagawa ko. Ayoko po kasi na tumunganga lang dito,"

"Tumunganga gaya nung asawa ni Sir Henry," sabi ng isa pang matanda at nagtawanan silang apat na mga maids na  nakapaligid sa kay Elle, pwera sa kanya.

"Hay naku! Totoo iyan, mukhang tamad at matapobre."

"Hindi rin maganda, akala mo kung sino."

"Astang reyna, laging nakahilata, bababa lang kapag kakakain na."

Nag-iba ang ekspresyon niya, nawala ang malapad na ngiti sa mga labi ng best friend ko. Nasa island counter siya at nakaharap sa direksyon ko kaya kitang-kita ko ang pag-iiba ng ekspresyon niya.

Nasaktan ako sa  sinabi ng mga maids pero hindi ko ito ipinahalata, nanatili lang ako sa pwesto ko at hinantay kung depensahan man lang ba ako ni Elle. Hindi naman niya ako  binigo.

"Hwag naman po kayong magsalita ng ganyan, siguro ay nahihiya lang po si Zarina kasi bago pa lang po siya rito.  Hindi gaya ko na ilang beses na nagpabalik-balik dito."

"Naku! H'wag mo na siyang ipagtanggol, hindi ko gusto ang awra niya."

"Ate Thelma naman, bigyan ninyo po siya ng chance. Mabait pong tao si Zarina," 

Sapat na ang narinig ko mula kay Elle, hindi man niya ako pinapansin nitong nga nakaraang araw... Ramdam ko naman na hindi nagbago ang tingin niya sa akin, maaring nasaktan pa rin siya dahil itinago ko sa kanya ang pagpapakasal ko sa ex niya.

Matapos namin na makapag-almusal ay napag-isipan ko na tumambay muna sa swimming pool area sa likod bahay ng nga Carbonel, nakasuot ako ng orange na one-piece bikini, puting sarong at tsinelas. Hindi ko inaasahan na nandoon rin pala ang  best friend ko pati na ang asawa niya. Nakasuot lang ng asul na trunks si Yohan at half naked, habang si Elle ay nakasuot ng two piece na bikini. Napansin ko na lumaki ng bahagya ang dibdib niya, mukhang hiyang na hiyang kay Yohan  lalo rin na gumanda ang katawan niya.

Para sa akin, sobrang goals nilang dalawa. Mahal na mahal ni Yohan si Elle to the point na ginagawa niya ang lahat para sa best friend ko, deserve na deserve ni Elle ang nararanasan niya. Mukhang binigyan siya ng reward ng universe dahil sa pagiging masigasig, mabait, at masipag niyang tao. Lumaki si Elle sa isang mahirap na pamilya, mahirap ang buhay kaya hindi nakatapos ng pag-aaral at napilitan na magtrabaho sa murang edad, napilitan na tumira sa kalsada dahil ilang beses na napalayas sa tinitirhan pero look at her now... May mayaman na asawa, mayaman ang tatay at puro swerte ang natatanggap niya ngayon simula ng pumasok sa buhay niya si Yohan.

Samantalang ako, mukhang yung swerte ko noon naubos na at puro kamalasan na ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko naranasan lahat ng hirap ni Elle, lumaki ako sa mayamang pamilya. Negosyante ang Nanay ko at nasa abroad naman ang Papa ko, nakatapos ng pag-aaral, at lahat ng luho ko nasunod . Ang kaso ang kapalit pala ng mga swerte ko noon ay ang kalunos-lunos na pananamantala sa akin ngayon at pagpapakal sa rapist ko na hindi ako kayang mahalin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top