Epilogue
"IPAGPAUMANHIN ninyo ang aking kapangahasan sa walang pasabing pagdulog sa inyong palasyo, pero nais ko lang pong malaman kung nakita ninyo ba sa inyong mga bundok ang Galang Kaluluwa?"
Maria Makiling is shaking her head slowly, "ang alam ko ay hindi na siya kailan pa man nagpunta sa kabundukan ko matapos niyang makabalik mula sa mundong ibabaw halos isang dekada na ang nakakalipas."
Then it was Maria Cacao's turn to speak up, "ganoon din sa akin. Halos isang dekada na rin ang nakaraan nang ipagtabuyan ko siya sa kabundukan ko dahil kamuntikan na niyang maubos ang lahat ng kakaw ko." Sinambit niya iyon habang busy sa pagnguya ng buto ng kakaw.
"Mukhang ako na yata ang sagot sa tanong ninyo," nakangiti sa amin si Maria Sinukuan. Dito ay bahagya kong pinisil ang kamay ni Liwanag.
"Kagabi lamang ay binaybay ni Galang Kaluluwa ang kabundukan ko para mamitas ng mga prutas. Pero ang huling alaala ko sa kanya ay iyong pagpunta niya sa direksyon ng lugar ng mga tikbalang."
Nagkatinginan kami ni Liwanag, at sabay pa kaming napasambit ng, "Elena!"
"Oh, Liwanag? Teka, ikaw ba iyan Ezra? Buong akala ko ay nakatawid ka na sa mundong ibabaw, bakit nandito ka pa?" Ang sambit ni Elena matapos buksan ang pinto ng kanyang bahay.
"Pasensya ka na, ha? Pero wala na kaming oras para mag-story telling sa iyo," napakamot ako sa ulo, "hinahanap kasi namin ngayon ang Galang Kaluluwa, did you by chance saw that creature here in your place? Kailangan namin siyang mahanap bago sumapit ang kabilugan ng buwan ngayong gabi."
Nanlaki ang mga mata ni Elena, pero ang boses niya ay nanatiling kalmado, "kakadaan niya lang dito kanina."
"Saang direksyon siya nagtungo?!" Bulalas ni Liwanag.
Tinuro ni Elena ang direksyon kung saan matatagpuan ang naglalakihang mga puno, "doon."
Wala nang sinayang pang sandali si Liwanag. Mabilis siyang nag-anyong puting kabayo at agad akong sumakay sa kanya. Sinundan naman kami ni Elena nang tahakin na namin ang daan na itinuro niya.
Sa daan ay nakasalubong namin ang kaibigan ni Liwanag na duwende-si Niño. Dito ay agad siyang humingi ng tulong. Dito na rin nagpasya si Elena na ibang daan ang tahakin upang mas mapadali ang paghahanap namin sa Galang Kaluluwa.
Hindi rin naman nagdaan ang ilang mga minuto ay si Reyna Crizanta naman ang nakita namin. Sakay-sakay siya ng isang mabilis na kabayo. She is now also helping us together with her warriors. When we asked her how the f*ck did she knew about our situation, she told us that it was the Kapre whom I helped before that told her about it.
Abot-abot na pasasalamat ang sinambit namin sa kanya bago kami maghiwalay ng landas.
Right now, we are basically just running in the middle of the darkness. With nothing but our hopes and faith that everything must go well. That everything must fall into its right places. Because I don't have much of a choice tonight but to bring her back to life on our world.
Pero pareho kaming natigilan nang bigla, may kung anong puting usok ang lumitaw sa aming harapan. Then it shaped into a human.
"Hinahanap ninyo raw ako?" Sambit nito habang may ngiti sa kanyang labi.
Nanlaki ang mga mata ko.
Napalunok ako nang malala.
Liwanag, now turned in a human, was the one to answer him, "kailangan ko ng tulong mo, Galang Kaluluwa."
Lalong lumawak ang ngiti niya, na tila bang na-entertain pa mula sa narinig, "inaasahan ko na ito dahil nakatadhana na itong mangyari, Viya. Planado na itong lahat ni Bathala."
"Viya?" Liwanag asked the same question that I am about to mumble.
Tumango ang Galang Kaluluwa, "oo, iyan ang pangalan mo sa mundong ibabaw, at iyan din ang pangalan na nakaukit sa kapalaran ng puso mo," he averted his gaze towards me, "Ezra."
I gasped.
So, Viya and I are . . . soulmates?
"Una na kayong nagtagpo noong mga bata pa lang kayo. Hindi niyo man kilala ang isa't isa, laging nakakagawa ng paraan ang tadhana upang kayo ay pagtagpuin nang pagtagpuin ng landas. Magbuhat pa noon ay hindi na maputol-putol ang mahiwagang pulang sinulid na itinali ng tadhana sa inyong mga kamay."
Idinako niya ang mga mata sa akin at hindi na ako makaimik pa nang sabihin niyang, "naalala mo pa ba ang batang sinagip mo sa dagat ng Palawan noong bata ka pa lamang?"
I widened my eyes.
Yes, I can clearly remember that day. A young girl was drowing from a beach and her parents are nowhere. I was the one who saved her. I was the one who bring her into life with the first aid skills that I have learned from my father.
Don't tell me . . .
"Tama ang iyong hinala, Ezra," Galang Kaluluwa continued to smile at us, "siya si Viya, siya ang batang sinagip mo ilang taon na ang nakakalipas."
I gasped.
Napatingin ako kay Viya at doon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Na oo nga, tama nga, kamukha niya ang batang noo'y nailigtas ko.
I can't freaking believe that we have already met before!
"I-Ito marahil ang dahilan kung bakit sa dinami-dami ng tao noon sa shooting ninyo, ikaw ang pinili kong isama sa mundong ilalim," Viya is also stunned.
"Pero mabalik tayo, ano bang pakay mo sa akin, Viya? Bakit ninyo raw ako hinahanap?" Pagpapatuloy ng Galang Kaluluwa, "may nais ka bang ipagawa sa akin?"
"Opo," mabilis na sagot ni Viya, lumunok muna siya bago magpatuloy, "gusto ko pong malaman ang isang mabuting bagay na nagawa ko sa mundong ibabaw bago ako napunta dito sa inyong mundo. Kailangan ko ito nang sa gayon ay matulungan ako ng Panginoon ng Pangalawang Pagkakataon na makabalik sa dati kong pagkatao."
I hold her hand tightly as she continued to speak with her breaking voice, "wala na po akong oras. Ilang oras na lang sa mundong ibabaw ay isusuko na ng mga magulang ko ang buhay ko. Sana po ay matulungan mo ako."
"Hmm . . ." Idinikit ng Galang Kaluluwa ang kanyang kamay sa kanyang pisngi, tumingin sa langit na tila ba doon makikita ang sunod niyang sasabihin. Pero biglang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha nang tumingin siyang muli sa amin.
"Pero lahat ng kahilingan ay may kapalit. Lahat, may kabayaran. Handa ka bang ibigay ano man ang gugustuhin ko?"
"Opo," hindi ko na napigilan pa ang magsalita, "handa po kaming ibigay lahat ng gusto mo."
"Kahit pa . . ." His smile grew as he focused his smile at me, "ang tadhana ng inyong pag-ibig? Isang mahalagang kabayaran para sa isang mahalagang hinihingi. Papayag ba kayong makuha ko ang alaala ng pulang sinulid na itinali sa inyo ng tadhana?"
Natigilan ako, "a-ano pong ibig sabihin nito?"
"Ang ibig sabihin nito ay igagawad niyo na sa akin ang pulang sinulid ng tadhana na nakatali sa inyong mga kamay."
Ngayon ay bakas na bakas sa mukha ng Galang Kaluluwa ang kasabikan. At napalunok na nga lang talaga ako nang unti-unti, may lumitaw na pulang sinulid. Nagliliwanag ito. Nakatali ito sa kamay ko na animo kumukonekta sa kabilang dulo na nakatali sa kamay ni Viya.
"Ibig sabihin din nito ay mapuputol na ang pulang sinulid na nakatali sa inyong mga kamay. Hindi na ninyo muling makikita pa ang isa't isa sa mundong ibabaw. Hindi kagaya noon, gagawa ang tadhana ng paraan nang sa gayon ay hindi na kayo magkita pang muli. Magkakaroon kayo ng panibagong tadhana sa ibang tao. Handa ba kayong mangyari ito?"
Ganoon din si Liwanag.
"Handa ba kayong isugal ang inyong pagmamahalan?"
He directed his gaze at me, "Hindi ka na muling maaalala pa ni Viya sakali mang sumangayon kayo sa akin. Buburahin ko ang alaala niya kasama ka. Pero ang sa iyo ay mananatili dahil hindi naman ikaw ang nangangailangan, hindi ikaw ang may pakay sa aking tulong."
Unti-unti akong napatingin kay Liwanag . . . na ngayo'y patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata. Napalunok ako. May kung anong guhit ng kirot ang dumaloy mula sa lalamunan ko papunta sa dibdib ko.
"Kailangan niyo nang magpasiya ngayon dahil ano mang oras ay sasapit na ang kabilugan ng buwan. Kailangan ko nang makatawid muli sa mundo ng mga tao."
"Can you give us a moment?" I took a deep sigh. "Just a little bit moment."
Nang tumango ang Galang Kaluluwa ay hinila ko si Viya hindi kalayuan sa pwesto niya. I held her face. I wiped all of the tears streaming down her cheeks.
"Go for it," I smiled at her. Tears are now on the verge of falling down my cheeks. The pain on my heart is unexplainable.
Umiling siya. Hindi makapagsalita.
"Viya, I want you to go for it," I stared right into her eyes with all of my determination to make her just nod on this deal. "Wala na tayong choice ngayon. Ito na lang ang mayroon tayo para makabalik ka nang muli sa katawang lupa mo."
Patuloy siya sa pag-iling, "hindi pwede, Ezra. Hindi ko kaya. Kung pipiliin ko iyon, para mo na ring sinabi sa akin na ayaw mo na akong makita. Na ayaw mo na akong makasama pang muli."
"No, Viya . . ." I smiled more but my voice are breaking and I am about to sob. F*ck this sob, this is not the right time for that.
"Pinipilit kitang gawin ang bagay na ito hindi dahil ayaw na kitang makasama. Pinipili kong gawin mo ito dahil ito ang dapat. Ito ang tama," agad kong pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko, "dahil mas hindi ko kakayanin ang tuluyan kang mawala sa mundo keysa sa tabi ko."
"Sacrifice, Viya . . ." I sighed. Deep. "We need this for you to stay alive on our world. Between us, you need it the most and I want you to choose yourself now. You need to choose your own sake now."
"Ezra . . . " She is now sobbing hard.
I pulled her in a tight hug. A very tight one that will tell her how much I love her, "we have to do this, Viya. It's our one last card for you to be able to go back to your real identity."
"Ezra . . ." She continued to cry and it's already painful for me to hear, lalo na noong magsalita siya sa pagitan ng paghagulgol niya, "mahal na mahal kita."
Hinalikan ko siya sa noo, napapikit ako sa tindi ng kirot mula sa aking dibdib, "mahal na mahal din kita, Viya. Sobrang mahal kita. Kung sakali mang pumapagitna na sa atin ang tadhana, gagawa at gagawa ako ng paraan para sa susunod na habang buhay, ako naman ang tanging pagpipilian mo. Ako lang at wala nang iba."
Inangat ko ang kanyang mukha, tumingin siya diretso sa mga mata ko, "pero sa ngayon, kailangan muna nating isuko. Kailangan muna nating magkalayo. Pero isa lang ang kaya kong maipangako sa iyo, wala nang ibang babae ang pwedeng manghimasok sa puso ko dahil okupado mo na ito. At hindi ka kailanman maaalis pa rito."
Muli akong niyakap nang mahigpit ni Viya. Doon ay labis na akong napaluha. Hindi ko na rin napigilan pa ang sunod-sunod kong paghikbi.
Pero nang biglang lumitaw sa aming tabi ang Galang Kaluluwa, alam ko na . . . alam ko nang kailangan ko nang bumitaw. Kailangan ko nang bitawan ang babaeng una kong minahal nang ganito . . . at huling mamahalin ko sa buong buhay ko.
"Handa na ba kayong sabihin sa akin ang inyong pasiya?"
Tumango ako sa kanya. My mouth is forming an upward curve. And my body is starting to get numb from the pain on my heart. But I still try hard to speak because we don't have time anymore.
"P-Pumapayag kami sa gusto mong kabayaran . . ." My voice continued to break as the bile on my throat continued to assasinate me, "pumapayag na kami."
Dito na biglang lumawak pa ang ngiti niya. Mabagal niyang itinango ang ulo, "masusunod . . ."
Napapikit ako nang igiya niya ang kamay sa amin ni Viya. That was the point I hugged her tight. Gayon din naman ang ginawa niya. Nagyakapan lang kami nang mahigpit. Damang-dama ko ang init ng kanyang katawan.
Pero unti-unti, tila bang nagiging isang hangin ang katawan ni Viya. Na unti-unti, tila bang ang ere lang ang kayakap ko.
At nang muli akong magmulat, kadiliman ang unang bumungad sa akin at ang ilog na siyang tinalunan ko kani-kanina lang. Basang-basa ang katawan ko. Pero napahagulgol na lang ako nang mapagtanto na wala na si Viya. Na wala na siya at hindi na kailanman pa magpapakita sa akin.
Dito ako napaluhod.
I started punching the ground. I started yelling my pain. Hanggang sa bigla akong mapagod. Napahiga ako sa putikan habang patuloy sa paghagulgol.
P*tangina.
Bakit sobrang sakit naman . . .
"And cut!" Ang biglang sambit ng Direktor dahilan para otomatiko akong mapatayo.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang nagtungo sa tent ko. Odette is now busy preparing my food. She just handed me the white towel that I gladly accepted. Ngayon ay pinupunasan ko ang putik na bumabalot sa aking mga braso.
I sighed once more . . .
Viya . . .
Liwanag . . .
That was the scene of myself a few years ago that I would never want to bring my mind back to. It was the worst night of my life. I almost killed myself. But everytime I attempted to do it, Viya's face are appearing on my eyes and then I found myself getting stopped by her.
Kahit na wala siya sa paligid noong mga sandaling iyon, nililigtas niya pa rin ako. Pero ang masaklap nito, hindi ko na siya kailan pa man nakita pa noon. Sinubukan ko naman siyang hanapin sa social media. I even hired an artist who can perfectly draw Viya's face but they failed to do it.
Dito ko na talaga naramdaman na tadhana na ang kalaban ko.
Dito na ako unti-unting sumuko.
Noong mga sandaling iyon, tila ba kalaban ko ang mundo. Ilang buwan din akong nagmukmok. Ilang buwan kong dinamdam ang lahat. Napabayaan ko na ang career ko. Napabayaan ko na ang lahat ng pinaghirapan ko.
But not until the month of January last year came. That was the point where I decided to bounce back when Viya came to visit me on my dreams. It was the greatest night of my life, and it became my brightest inspiration to write a book that eventually pitched for a movie . . .
And then, it happened.
Half Alive happened.
Ngayon ay pinagbibidahan ko na ang pelikula na tampok ang kwento namin ni Viya. Walang nakakaalam kahit na sino na ito pala ay kwento ko. But yes, hindi kagaya ng nasa kwento ng isinulat kong libro . . . hindi sad ending ang kwento namin ni Viya.
I smiled wide in the vanity mirror infront me.
Iginiya ko ang mga kamay ko na tila ba nagbibilang.
One.
Two.
Three . . .
"Nakakaasar ka talaga!" Dumagundong ang boses ng isang babae, "ano na naman itong pinost mo sa IG? Burahin mo! Ang pangit ko rito!"
Natatawa akong tiningnan siya, "bakit? Ang ganda mo kaya diyan."
Nagpatuloy ako sa pagtawa. Pinost ko lang naman kasi sa IG ang picture niya kung saan punong-puno ang bibig habang kumakain kami kanina ng breakfast.
"Hay nako, Ma'am Viya, kaya pala tawa nang tawa itong si Boss Ezra kanina. Ikaw pala ang pinag-ti-trip-an," Odette entered the conversation and yes, you read it right.
Viya.
Viya was my leading lady on this movie. Hindi ko lang siya ka-loveteam, she is also my real life girlfriend.
At oo rin, siya si Liwanag na minahal ko at patuloy kong mamahalin hanggang sa huling hininga ko.
When I finished the book, naghanap na agad ang Direktor namin ng mga bagong artista na pwede kong makapareha. A fresh face for my fresh start. And yes, it was Viya that they have chosen for the role.
Ang kwento namin na isinulat ko ang siyang naging daan upang magtapo kaming muli.
At magmula pa noon, hindi ko na siya pinakawalan pa.
At first, akala ko ay kamukha lang siya ni Viya pero hindi, napatunayan ko na siya ang totoong Viya nang makilala ko na ang pamilya niya. Pero ayon, hindi na rin nila ako kilala. Mukhang binura na rin ni tadhana ang mga alaala nilang kasama ako.
"Buburahin mo 'to o makikipag-break ako sa 'yo?" Viya is now scowling at me.
Natatawa akong kinurot ang kanyang mga pisngi. Kung alam mo lang ang pinagdaanan nating dalawa noon, hinding-hindi mo iyan masasabi.
"Opo na, buburahin na nga," I continued to laugh as I reached for my cell phone. Then I deleted that post she was pertaining to, "oh, okay na. Yakapin mo na ako."
"Ayoko! Manigas ka diyan!" Umirap siya at humahangos na lumabas ng tent ko.
Naiiling na lang talaga ako habang natatawa.
Hindi pa rin talaga siya nagbago. Siya pa rin ang supladang Liwanag na nakilala ko noong una.
Hanggang sa huminga ako nang malalim. Then our memories from the past kept on streaming down to my memory lane. And I can't help but to smile wide.
Hmm . . .
Wala, eh.
Mukhang nakulitan yata sa akin ang tadhana. O, baka mas magandang sabihin na naawa? Kasi binago ko ang sarili para matapos lang ang kwento naming dalawa ni Viya. And the reward that I got from it was the greatest gift that I have ever received in my entire life.
I will never regret changing myself if it will cost a redirection of the destiny of our love.
Because Viya's universe will always be the place where my heart is destined to be belonged with. And I will always be intrepid enough to sustain myself in it-even if fate comes our way, I will never going to let her go again because she's my grand neccessity-my ultimate happy ending.
And half alive, it's her hand that I'll be holding with as our love story progressed and produced nothing but this cliché thing called, "forever".
END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top