Author's Note

SA WAKAS! 🏰💥🐉

Opo, the story that gave me a lot of writer's block is finally completed! My story, HALF ALIVE, has reached its conclusion! 🥺💙

This story will always have a special space on my heart. Hindi biro ang lahat ng pinagdaanan ko habang tinatapos ang kwentong ito, as in. Tipong para bang laging may humahadlang para matapos ko ito, iyong kahit anong gawin mo, nahihinto at nahihinto ka para ipagpatuloy ito.

Literal na half alive talaga ang pinagdaanan ko matapos lang ito.

But now that I finally finished it, pakiramdam ko, mas lalo akong lumakas para magpatuloy.

At katulad ni Ezra, patuloy akong magiging malakas para harapin ang lahat ng hamon na isasampal sa akin ng tadhana-at ito ang aral na gusto kong mapulot ng lahat ng magbabasa ng kwentong ito.

Hindi natin hawak ang kapalaran natin, pero maraming paraan para umayon ang kapalaran sa gusto natin.

Marami ang manghahamak. Marami ang magdududa. Pero hangga't alam mong kaya mo, magagawa mo. Hangga't naniniwala ka na mapagtatagumpayan mo, matatapos mo ito ng may ngiti sa mga labi.

Tandaan, isinilang ka para maging sundalo ng sarili mong buhay. Kaya ilaban mo ang tagumpay mo. Ilaban mo ang alam mong nakalaan para sa iyo. ✨️

MARAMING SALAMAT sa lahat ng matiyagang naghintay! Grabe, mukhang after this, hindi na ulit ako gagawa ng fantasy story, na-trauma ako malala veh! 'Di ko kinaya! 😭

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top