Kabanata 22 : Pagbubunyag
Kabanata 22 : Pagbubunyag
20 years Later
"Okay ka lang?" tanong ni Althea sa pinsan na si Adira.
"Nakita ko si Shadow kahapon, may kasamang babae." sabi ni Adira na ikinatitig ni Althea kay Adira.
"Si Shaira ba?" tanong ni Althea kay Adira.
Napatingin si Adira kay Althea saka ito napangisi.
"Hindi." sabi ni Adira saka ito lumuha.
Kauuwi lang ni Adira galing NYC, isa itong modelo at sa edad na trenta y otso anyos wala pa itong naging seryosong relasyon.
"Adira." sabi ni Althea na nakaramdam ng habag sa pinsan.
"Bata pa naman ako di ba?" sabi ni Adira na ikinangiti ni Althea.
Mabilis lang ang taon, kasimbilis kung paano madagdagan ang edad ng tao. At tama habang pinagmamasdan ni Althea ang pinsan bata pa ito tingnan. Siguro dahil alaga din ang katawan nito. Vegetarian kasi si Adira isama pa na modelo ito kaya alaga ang katawan nito.
"Oo naman. At sabi nga ang buhay ng babae nagsisimula sa Thirties." sabi ni Althea pero ang totoo kinakabahan siya para kay Adira na baka hindi na ito mag-asawa.
"At ang lalaki nagsisimula ang buhay sa edad na forties. Huh! Napapagod na ako." sabi ni Adira.
Nasa isang bar sila sa Manila, at dahil may mga asawa na ang pinsan nila at kapatid ni Althea na si Louise kaya si Althea lagi ang bumibisita at sumasama kay Adira.
Isama pa na sa Isla nakatira ang mga iyon at si Althea naman ay sa Manila kaya siya talaga ang mas malapit kat Adira kung saan madalas sa Manila ang pinsan.
"Nag-usap na ba kayo?" tanong ni Althea.
Umiling si Adira saka nito nilagok ang isang bote ng alak.
"Huling kita ko sa kanya, sa concert wedding ni Rye at Harmony. Kung saan sabi nila pinuntahan ni Shadow iyong P.A ni Harmony." napaluhang sabi nI Adira saka lagok uli ng alak.
"Hindi ka ba niya nilapitan sa wedding ni Rye at Mory?" tanong ni Althea.
"Hindi." napangising sabi ni Adira.
"Adira, kumawala ka na kasi." sabi ni Althea.
Napatingin si Adira kay Althea ito lamang ang nakakaalam na sila na si Shadow at matagal na, at hanggang ngayon hindi rin nito sinasabi ang tungkol sa kanila kaya nagpapasalamat siya dito.
"Bata pa si Shaira, mas bata pa nga yata kay Harmony. Langya, nag-asawa na ang lahat ako nakakulong pa rin." napaluhang sabi ni Adira.
"Adira, puwede ka naman kasi umalis at kumawala sa relasyon niyo." sabi ni Althea.
Napahingang malalim si Adira, ilang lalaki na ang inirereto sa kanya ng pamilya niya pero lahat iyon sinusulot ng pailalim at lihim ng lola ni Shadow, binibayaran at binibigyan ng mapapangasawa ng sa ganoon hindi siya makapag-asawa. Nagkakaroon siya ng relasyon pero lahat nauuwi sa hiwalayan dahil uli sa lola ni Shadow.
Alam naman kasi ng lola ni Shadow na hindi siya puwede makipaghiwalay sa mga nirereto sa kanya ng pamilya kaya ang siste si Joyce ang gumagawa ng paraan para makawala siya. Na minsan pakiramdam ni Adira isa nga siyang laruan ng apo nito.
"Makipaghiwalay ka na, habang puwede ka pang humabol.Makaisang anak ka man lang." sabi ni Althea.
"Hahaha. Nag-imbak na ako ng eggcell ko. Na kahit isang dosenang anak puwede." sarkastikong sabi ni Adira.
"Insan, mas maganda kung ikaw mismo at sayo mismo ipupunla ang anak mo hindi sa tube o kung kanino mang bahay bata." sabi ni Althea. Napailing si Adira saka ito muli tumungga ng alak.
"Tsss! Namana ko yata sa mga Valiente ang pagiging tanga sa pag-ibig. Hindi ako makawala." sabi ni Adira.
"Hindi ka makawala kasi ayaw mo rin." sabi ni Althea.
"Naaawa ako kay Shadow, ayaw di niya ako pakawalan. Minsan ko na siyang kinausap pero ang iniyakan niya ako. Nakipagnobyo ako ng seryoso sa iba pero lumuhod siya sa akin. Iba ang iyak niya." sabi ni Adira.
"Insan, ginagawa ka niyang punching bag. Iyong tipong hindi ka nga niya sinasaktan physically pero naman ginagawa ka niyang katulong, lola, o di kaya ate niya, o puwede nga nanay niya. Lumalabas na nga kayo, pero kahit minsan hindi niya masabi na kayo. Kaya nag-assume na lang ang grupo na kayo." sabi ni Althea.
"Hindi naman na niya tinatanggi, so parang inamin na niya na kami nga." sabi ni Adira.
"Pinsan, ang martir mo naman. Nasobrahan ka na. Ilang taon ka na at ang sabi mo disi sais pa lang ng naging kayo. Por Dios Por Santo eh trenta anyos mo yata sinabi sa akin na kayo na. Ibig sabihin mahigit kinse taon na kayo noon. At ngayon. My God dadaigin niyo pa yata ang golden anniversary ng mag-asawa sa pagiging tagong magkasintahan niyong dalawa." sabi ni Althea.
"Ano bang gagawin ko?" sabi ni Adira na bahagyang natawa ng pagak ng maisip kung ilang taon na siyang tanga at nagbabayad ng utang sa lola ni Shadow.
"Anong gagawin mo? Isipin mo, magkakaanak na ang nabuntis ni Shadow. Tapos sabi mo nakita mo pa siya nambababae. Langya insan hindi naman sa sinisiraan ko siya o nilalait kita. Isipin mo rin na baka sa edad niyong iyan marami na siyang anak sa labas kaya wala na siyang pakialam kung hindi na siya magkaanak sayo. Hay naku baka mamatay na ang mga lolo at lola niyo at magkaanak na sila Aj ikaw nasa tube pa rin ang eggcell mo at naghihintay na maisilang." sabi ni Althea.
Napahingang malalim si Adira, ilang taon na rin ang lola ni Shadow at ang mga lolo niya. Matanda na at hindi na nga makalakad. Ilang atake na rin sa puso ang lolo Ramon niya at nakakasurvive lang ito dahil siguro may pera ang pamilya nila.
Malakas pa naman din ang mga lolo niya kung titingnan pero ang mga lola naman niya ay may katandaan na at masasabing anytime puwede bumigay, pero hindi naman niya iyon naiisip. Dahil nga marunong mag-alaga ang pamilya nila. Mas matanda pa nga yata ang mga ito sa reyna ng britanya at ganoon din kalakas ang mga ito.
"Gumising ka, at baka magsara ka na ng tuluyan na hindi mo pa natitikman ang luto ng Diyos. Langya, magme-menopause ka na yata sarado pa ang kepyas mo at hindi pa napapasukan." sabi ni Althea na ikinatawa ni Adira
"Hahaha. Sige, mag-iisp ako. Tutal two years pa bago ako mag kuwarenta." sabi ni Adira.
"Hahaha. Insan wala ng two years kasi malapit ka ng mag trenta y nueve." sabi ni Althea na ikinatawa ni Adira.
Napayuko si Adira saka nito inalog ang bote ng alak.
"Hahaha! Mabuti pa ang alak habang tumatagal sumasarap. Eh tayong mga tao, lalo na tayong mga babae habang tumatagal pumapakla." nakaismid na sabi ni Adira.
Napahingang malalim si Althea kung tutuusin bawal na siya pumunta ng bar, tumatakas nga lang siya kay Blaze, dahil kahit dito hindi niya masabi ang sitwasyon ni Adira.
Napatiig si Althea sa pinsan, naaawa siya dito pero wala siyang magawa. Payo lang ang maibibigay niya dahil si Adira pa rin naman ang magdedesisyon sa buhay nito. Minsan na niyang naisip na sabihin sa pamilya ang sitwasyon ng mga ito pero pinigilan nito ang sarili dahil na rin ayaw niyang lumayo ang loob ni Adira sa pamilya nila at sa kanya at dumating sa punto na hindi na ito makikipagkuwentuhan sa nararamdaman nito.
Napaiwas ng tingin si Althea ng tinungga ni Adira ang bote ng alak pero sa pag-iwas nito ng tingin napamura ito ng makita ang lalaking dahilan ng kabaliwan at kamartiran ng pinsan niya.
"Fuck that man." sabi ni Althea at akmang tatayo ito ng hawakan ito sa kamay ni Adira.
"Umupo ka at hayaan mo siya." sabi ni Adira na ikinatingin ni Althea sa pinsan.
"Nakita mo na siya kanina pa na nandito siya? Anong oras mo pa alam na naririto ang gagong iyan?" sabi ni Althea ng makita ang pait sa pagngiti ni Adira.
"Okay na ako. Nakapagdesisyon na ako." sabi ni Adira na ikinakunot noo ni Althea at napailing ito ng tinungga muli ni Adira ang bote ng alak.
Mula sa malayo nagulat si Shadow ng makita si Adira, habang tinutungga nito ang bote ng alak.
.....................
Flashback
Years ago
"Sir, nakita na po nila si Miss Cha." sabi ng tauhan ni Shadow sa binata habang nasa rancho ito at naglilinis ng kabayo nito.
"Huh! Mabuti naman." sabi ni Shadow.
Ilang taon ang lumipas ang plano niya ay maisasakatuparan na. Naudlot kasi ito ng magpakasal si Chhaya kay Atlas na lalong ikinagalit ni Autumn kaya naman umiwas muna siya sa galit nito para hindi mapabaling ang atensyon nito sa kanya.
Iyon nga lang kasabay ng pag-iwas niya ang tuluyang hindi na niya pagpapakilala kay Adira sa lahat bilang nobya niya. Isama pa na sa pag-aasawa ni Winter naging battered wife ito na hindi nakita ng grupo at nalaman na lamang ng pumasok na bodyguard si Atlas dito.
Isang malaking dagok pa sa pamilya ng mga ito ng malaman na ang napangasawa ni Winter ay anak ng lolo nitong si Ralph Cheung na lalong ikinainit sa mata ng mga lalaking Valiente ang lahat ng lalaking lumalapit sa mga babaeng Valiente kabilang si Adira.
"Sir, ano pong susunod?" sabi ng tauhan ni Shadow
Napatingin si Shadow sa tauhan, ang totoo sinabotahe niya sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaki ang ibang tauhan ni Autumn para alamin ang ginagawa ng pinsan ni Adira, na siyang nakikita niyang magiging problema niya kung sakali ilabas niya ang relasyon niya kay Adira.
"Ilapit niyo kay Chhaya ng sa ganoon may pagkaabalahan siya." nakangising sabi ni Shadow.
"Okay sir." sabi ng tauhan ni Shadow.
Siya ang tumutulong at ang nagtitip sa mga tauhan ni Autumn kung saan puwede makita si Chhaya. Mula sa mga tauhan ng ama niyang si Martein nagamit niya ang puwesto ng ama bilang inspector ng Tres Islas para malaman ang lahat. At tulad ng inaasahan ang puwesto ng ama niya ang makakalutas ng problema niya.
"Dapat makasal sila para makahinga ako." sabi ni Shadow sabay haplos sa kabayo nito.
"Sir, regarding nga po pala kay Maam Adira." sabi ng tauhan ni Shadow.
"Anong balita?" sabi ni Shadow.
"Babalik po si Maam bukas kasama ang Mommy niya at isang lalaki na anak daw po ng kaibigan nito sa NYC ayon sa nakalap namin impormasyon." sabi ng tauhan ni Shadow na ikinangisi ni Shadow.
Sa tatlong taon pang lumipas, mula ng tumuntong ng disiotso anyos si Adira madalas itong isama ng ina nitong si Athena at asawa ng tiyuhin nitong si Orion, kung saan irereto ang nobya niya kung kani-kanino na hindi naman niya makuwestiyon, bukod kasi sa may bantay si Adira lagi itong nasa ibang bansa kasama ang lolo nitong si LJ.
"Okay, may concert si Rye sa susunod na araw sa Manila. Doon na lang kami magkikita." sabi ni Shadow.
"Sir, mukhang malabo po." sabi ng tauhan nito.
"Bakit?" sabi ni Shadow.
"May dadaluhan po kasing gathering si Miss Adira kasama ng modelo ng lola niya na inirereto naman ni Maam Ellie." sabi ni ng tauhan na ikinangisi ni Shadow.
"Huh! Madali na lang iyon." sabi ni Shadow saka ito napangiti sa plano.
....................
Cont. of Flashback
Days Later
JMA, Manila
"Nahuli din kita." nakangiting sabi ni Shadow sabay hila kay Adira sa pasilyo ng matapos ito tambangan ng binata.
"Uyyy, buhay ka pa pala." natawang sabi ni Adira na ikinangisi ni Shadow.
"Bakit ngayon ka lang dumating?" sabi ni Shadow sa nobya.
Napangiti ang noo'y bente uno anyos na si Adira sa sinabi ng nobyo, isa siyang modelo at tinupad ng lola nito ang pagbibigay ng regalo sa kanya, na alam ni Adira na hindi na maiaatras ni Joyce dahil sinabi na iyon ng lola ni Shadow sa party. Alam din niya na ayaw din ni Joyce na makatunog ang pamilya niya na may relasyon siya sa apo nito.
"Miss mo ako?" nakangiting sabi ni Adira.
Napangiti si Shadow bente uno anyos na sila ni Adira at habang tumatagal gumaganda lalo ang nobya, wala na ang baby fats nito. At iba na rin manamit ang dalaga dala marahil na lagi itong nasa labas ng bansa at bukod doon modelo ito ng lola niya na lagi naman kasama ang mommy at tita nitong si Ellie tuwing may gig ito kaya hindi rin siya makaporma na silang dalawa lang.
"Oo naman." nakangiting sabi ni Shadow sabay yakap sa nobya.
"Mukhang hindi naman. Ang balita ko kaliwa't kanan ang dating gig mo sa mga modelo ng lola mo. At mukhang masaya ang sex life mo." nakangiting sabi ni Adira habang yakap ito ni Shadow.
"Hahaha! Wala akong magawa habang hinihintay ka." sabi ni Shadow na minsan pakiramdam niya ang relasyon nila ni Adira ay nakasulat sa hangin. Hindi kasi ito nagagalit kapag nakikipagdate siya sa iba.
At alam niyang nababasa naman nito ang mga balita sa kanya mula sa Business Site na kaliwa't kanan nga ang kasama niyang babae at iba-iba, mga modelo ng lola niya na nakakarelasyon niya kahit na nga nobya niya ito. Pero kahit ganoon, hindi siya sinita ng nobya sa pakikipag-harutan sa ibang babae.
"Iyon naman pala, basta maglibang ka lang." sabi ni Adira na tila wala lang dito ang lahat.
"May nobyo ka na ba?" sabi bigla ni Shadow sa hinalang baka nga may karelasyon na si Adira kaya para wala lang dito ang lahat at hindi niya ito makataan ng nagseselos.
"Wala, alam mong wala." nakangiting sabi ni Adira.
"Hindi ka man lang nagseselos, kaya minsan nagtatampo na ako." sabi ni Shadow.
"Hahaha! Shadow, nasanay na ako sa relasyon natin. Basta alam kong tayo, kaya naka-stick naman ako doon, na may tayo." sabi ni Adira.
"Aisssst. Hayaan mo masasabi ko na rin sa kanila." sabi ni Shadow sabay hiwalay ng yakap kay Adira na ikinatingin ng dalaga dito.
"Okay, sabi mo eh." nakangiting sabi ni Adira na ikinakunot ng noo ni Shadow.
"Tayo pa ba?" sabi ni Shadow na ikinangiti ni Adira at hinawakan nito ang mukha ni Shadow.
"Oo naman." nakangiting sabi ni Adira saka ito tumingkayad at hinalikan sa labi ang nobyo.
Napangiti si Shadow saka nito hinapit ng kanang kamay nito ang baywang ni Adira at ang kaliwang kamay ay humaplos sa batok ng dalaga para masahiin iyon.
"Hmmmn." ungol ni Adira sabay sa pagkawit ng kamay niya sa batok ng nobyo at tinugunan ang halik nito ng maipasok ni Shadow ang dila sa loob ng labi niya.
Idinikit pa lalo ni Adira ang katawan kay Shadow sabay na ikinaungol ng binata ng halos idikit ni Adira ang katawan nito sa pagkalalaki niya.
"Ohhh." ungol ni Adira ng lumakbay ang labi ni Shadow sa leeg niya na ikinapikit niya lalo at ikinaliyad niya.
Isinandal ni Shadow ang katawan ni Adira sa pader saka inipit doon at pinagpatuloy ang paghalik sa leeg ng dalaga.
"Shadow, stop." ungol ni Adira pero hindi tumigil si Shadow.
"Ohhhh." ungol ni Adira ng nakuhang ipasok ni Shadow ang kamay sa loob ng blouse niya at sa kauna-unahang pagkakataon may humawak sa dibdib niya.
"Kailan ko ito matitikman?" bulong na naliliyong sabi ni Shadow.
"Kapag... ohhh." ungol ni Adira ng paglaruan ng daliri ni Shadow ang tuktok ng dibdib niya.
"Akin lang ito." tila batang sabi ni Shadow na ikinatango ni Adira.
"Shadow." ungol ni Adira.
"Adira!"
Nagulantang ang dalawa kaya mabilis na naitulak ng mga ito ang bawat isa habang mabilis na humihingal.
"Nandito ka lang pala." nakangiting sabi ni Carlo sabay lapit sa dalaga, na ikinangiti ni Adira para hindi mahalatang may Milagro silang ginagawa ni Shadow.
"Bakit?" nakangiting sabi ni Adira ng bigla itong magulat ng hawakan ni Carlo ang kamay niya at hilahin siya palapit dito.
"Kasi, may date tayo at naipaalam na kita sa parents mo." sabi ni Carlo sabay yakap kay Adira na ikinatiim ng bagang ni Shadow.
"Ganoon ba? Okay sige. Saan tayo?" nakangiting sabi ni Adira.
"Sa Glacier Hotel." nakangiting sabi ni Carlo
"Okay sige, sa dati ba?" nakangiting sabi ni Adira na ikinapula ng tenga ni Shadow sa pagkainis.
"Oo." sabi ni Carlo.
"Halika na." sabi ni Adira at akmang aalis na ang dalawa ng magssalita si Shadow
"Hindi siya puwede sumama." sabi ni Shadow.
"Bakit naman?" sabi ni Carlo.
"Ahhhm." sabi ni Shadow ng biglang may isa pang tumawag kay Adira kaya naudlot ang sasabihin ng binata na ikinailing ni Adira.
"Adira." nakangiting tawag ni Ash ng makita nito ang pinsan.
"Ash, bakit ka nandito?" sabi ni Adira na nagulat ng makita si Ash sa Agency ng lola ni Shadow
"Hinatid ko iyong isang escort dito na gagawa ng advertisement ng Casa" sabi ni Ash sabay tingin kay Shadow.
"Anong sabi mo pala kanina kung bakit hindi ko puwede isama si Adira?" tanong muli ni Carlo kay Shadow.
"Wala." sabi ni Shadow na ikinangiti ni Adira
"Wala pala." napangiting sabi ni Carlo saka nito tiningnan si Adira.
"Paano?" napangiting sabi ni Adira kay Carlo.
"Umalis na tayo." nakangiting sabi ni Carlo.
Napatingin si Shadow kay Adira na napatingin din sa kanya.
"Aalis na kami. Mag-ingat ka sa pag-uwi." nakangiting sabi ni Adira kay Shadow.
"Si Shadow uuwi? Hindi uuwi iyan, dahil may ka-date pa iyan." sabi ni Ash.
Napatingin si Shadow kay Ash, saka ito napangiti.
"Ayos ha. Updated." sabi ni Shadow kay Ash.
"Paano hindi ako maa-update? Kada araw mukha mo ang nakikita ko sa business site. My God! Lahat yata ng modelo ng lola mo natira mo na." nakangising sabi ni Ash na ikinatitig ni Adira kay Shadow.
"Siraulo, huwag kang gumawa ng kuwento." sabi ni Shadow kay Ash.
"Okay. Hays! Hindi na ako magtatagal tutal mukhang may date na si Adira. Pinatsetsek din kasi siya ni Kuya." sabi ni Ash sabay tingin nito kay Adira.
"Uuwi ka na?" sabi ni Adira kay Ash.
"Yup. At ikaw naman mag-enjoy ka, habang bata ka pa at single and ready to mingle." nakangiting sabi ni Ash sabay yakap sa pinsan.
"....after niyan may nakapila sayo. Please. Pagbigyan mo ang friend ko." mahinang sabi ni Ash na narinig ni Shadow.
"Iyon lang ba?" sabi ni Adira kay Ash.
"Oo, may swap date ako sa kanya. Iyong kapatid niya, ipapa-date niya sa akin." sabi ni Ash kay Adira.
"Hahaha. Okay sige. Iyon lang pala." sabi ni Adira.
"Salamat. Iba ka talaga." sabi ni Ash saka ito humiwalay ng yakap sa pinsan
"Ikaw pa." nakangiting sabi ni Adira.
"Paano mauna na ako? Enjoy and have fun, 'coz." nakangiting sabi niI Ash kay Adira saka ito umalis na hindi man lang tinapunan ng tingin si Shadow.
Napatingin si Adira kay Shadow at napangiti ito.
"Mauna na rin kami, ingat sa pag-uwi or rather than good luck sa date mo. Enjoy and have fun." nakangiting panggagayang sabi ni Adira sa sinabi ni Ash sabay tawa nito.
"Halika na." sabi ni Carlo at iginiya na nitong umalis si Adira.
Hindi na umimik si Shadow pero napahingang malalim ito.
"Hindi niyo ako tantanan, gawin nating busy ang leader niyo." sabi ni Shadow saka nito kinuha ang cellphone.
.....................
Present day
El Casa, El Paradiso
"Nakita mo?" tanong ni Amon kay AJ.
"Oo." nakangiting sabi ni Aj saka nito inilagay ang basyo ng bala sa lamesa at ang mamahaling bagay na nakita ni AJ.
"Nandoon siya?" sabi ni Amon.
"Nandoon sila." nakangising sabi ni Aj.
"Sila?" sabi ni Amon.
"Si Papa, nandoon siya sa pinangyarihan ng krimen." sabi ni AJ na ikinakunot noo ni Amon sabay tingin sa basyo ng bala at sa horse rod na may bakas pa ng dugo.
"Nasa grupo ang salarin at nasa grupo lang ang witness." seryosong sabi ni Amon.
Hinawakan ni AJ ang basyo ng bala saka ito tiningnan.
"Nakita niya ang salarin at alam niya nasa loob ng grupo ito." sabi ni AJ na ikinatango ni Amon.
"Alam ni Papa ang naganap, pero iyong panahon na iyon pinasok siya sa mental institution ng lihim ng mga Valiente kaya hindi niya maalala ang naganap." sabi ni Aj.
"Iyong witness kailangan natin." sabi ni Amon sabay hawak sa horse rod na nanigas na dahil sa bahid ng dugo roon.
"Hindi siya magsasalita at lalo siyang magtatago kapag nalaman natin kung sino siya." sabi ni AJ.
"Kailangan natin siya palabasin sa lungga niya." sabi ni Amon.
"Mahihirapan tayo, dahil may pomoprotekta sa kanya." sabi ni AJ.
Natahimik ang dalawa nasa opisina sila ni Autumn ng araw na iyon, disi nueve anyos na ang dalawa at ang akala ng lahat namamahala lang sila ng buong Emperio pero hindi alam ng lahat kinakalugad nila ang buong Isla para matigil ang pagpatay sa mga Cheung.
Ilang sandali pa ng magkasabayang tumingin sa isa't isa ang dalawa.
"Alam ko na." magkasabayang sabi nila Amon at Aj na parehas napangisi ng sabay na mapatingin sa isa't isa.
April 20, 2022 7.21 am
Fifth Street
Hoping for first 100 followers
Dreame Acct :
Rose Chua Novels
FB Page :
https://www.facebook.com/UnderwriterFifthStreet
Author's note:
Sa mga magtataka sa ages nila, sa simula ng 3rd gen naroroon po ang ages nila at sa mga nagbabasa ng sunod-sunod makikita ang mga edad ng mga tauhan, estimated ages naman ang nasa ibang novel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top