Chapter 2

Chapter 2:

Pagkadating palang namin sa tapat ng kanilang gate ay isang babae na agad ang nakita ko mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Hindi ko maaninag kung babae ba ang nasa veranda ng ikalawang palapag ng kanilang bahay. Basta alam kong may mga matang nakamasid sa amin.

"Hey, may problema ba?" Tanong niya sa akin. Bumalik naman agad ako sa realidad ng tinanong niya ako.

Umiling naman agad ako.
"W-wala wala wag mo akong alalahanin." Sabi ko nalang sa kanya.

Kahit lingid man sa kaalaman kong natatakot ako. Para kasing may kutob akong may masamang mangyayari ngayon eh. Sana naman wala.

Hininto na ni Dale ang sasakyan pagkatapos ipasok ang kanyang magarang kotse sa loob ng kanilang bahay. Bumaba na siya ng sasakyan at pumunta sa bandang kanan kung saan ako naka upo at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

Agad naman akong bumaba at ngumiti sa kanya. Pero bakit napansin kong walang kakulay kulay ang kanyang mga mata?

Tila ba ay parang naging malungkot ito at nawalan ng saysay kumbaga.

Bago pa man siya kumatok sa pintuan ay bumukas na ito at bumungad ang isang babae na parang kamukha niya ng kaunti.

"At bakit ngayon ka lang dumating? Alam mo bang hinihintay kita kagabi pero hindi ka manlang umuwi agad." Sabi ng babae. May halong sinseridad at pagkataray ng kaunti ang kanyang boses. "Alam mo bang nag aalala ako sayu pero pero hin----" hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin ng bigla siyang yinakap ni Dale.

"Wala ka naman dapat ipag alala eh." Sabi niya habang yakap ang naka nguso parin ang babae.

Hindi ko alam pero bakit parang may tumusok na karayom sa aking puso. Parang bang sinaksak ako ng libo libong karayom at kutsilyo.

Nagseselos ba ako sa nakikita ko o sadyang ewan!

"Sino na naman ba dinadala mo sa bahay ah Dale!?!" Nabigla ako sa inasta ng babae. Kung kanina ay para siyang bata pero ngayon ay para na siyang galit na tigre na gutom at ano mang oras ay kakainin niya ang sino mang pwede niyang kainin.

"Siya ang sinasabi ko sayong girlfriend ko ang ganda niya ano?" Nakangising tanong ni Dale at parang pinagmamayabang pa niya ako dito sa babaeng ito at inakbayan naman agad ako ni Dale.

Bigla namang nagtaas ng kilay ang babae at nakapamewang na para bang inobserbahan niya ako. Bawat kilos ko at mga salita inoobserbahan niya. Tila ba ay parang isa akong  isang estranghera sa kanyang paningin.

"Well, you can say that Dale. Maganda siya at mukhang maamo at mapag mahal. I hope hindi ka niya sisiraan ng reputasyon and sana hindi ka niya iwan sa bandang huli." Sabi nito at matalim na tumingin sa akin. Bakit ba sa lahat ng kanyang pagtingin sa akin ay may ibig sabihin ang lahat ng tingin na binibigay niya sa akin?

Bakit parang may ibang ibig sabihin ang mga kataga o salitang binitawan niya.

"Oy! Ano na naman pinagsasabi mo sa kasintahan ko! Tinatakot mo naman siya eh! Micah mahal wag ka magpapaniwala sa kanya ah." Sabi sa akin ni Dale at mahigpit niya akong yinakap. Napatawa nalang ako ng mahina kahit ang totoo ay natatakot ako sa babaeng ito.

Wala sana akong karapatang manghusga sa babae pero. Sino ba siya!?

Pagkatapos ng senaryong iyon ay sabay sabay kaming kumain at muli pang natulog dahil napuyat kaming tatlo kasi madaling araw kaninang pumunta kami dito sa bahay nila Dale.

Magkayap kaming dalawa sa kama. Pero biglang tumunog ang aking cellphone at may mensahe doon na kailangan ko daw umuwi samin sabi ni papa.

Napalunok nalang ako sa nabasa kong mensahe. Mukhang alam na nila ang tungkol sa amin ni Dale.

Binalewala ko muna iyon at natulog na kaming dalawa.

-----------------------

Sinag ng araw ang unang bumungad sa akin.

Napasarap yata ang tulog ko kasama siya. Teka! Nasaan na ba siya? Hinahanap ko siya sa lahat ng sulok ng bahay pero wala siya.

Hanggang sa bumungad na naman si maldita sa tapat ng pintuan ng kwarto ko at nagsalita.

"Kung hinahanap mo siya. Umalis siya kaninang alas sais ng umaga. Mukhang nagmamadali siya eh." Sabi niya sa akin at blanko na naman ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Naikuyom ko na lamang ang aking kamao. Bakit hindi manlang siya nag iwan sa akin ng mensahe o liham sa lamesa? Bakit hindi siya nagpaalam!?

"Ano ba kasing sabi ko sa iyo? Diba sabi ko iyo nang una palang na lolokohin ka lamang ng babaeng iyon! Iniwan ka niya!" Panenermon niya sa akin na may halong sinseridad at galit.

"Hindi niya ako iniwan! Babalik din siya alam ko yun!" Pangongontra ko sa kanyang sinabi.

"Sige Dale, Lokohin mo pa ang sarili mo! Tutal jan ka naman magaling eh. Ang lok----"

"TUMIGIL KA NA NGA SA MGA PINAGSASABI MO! PALIBHASA KASI WALA KA PANG KASINTAHAN KAYA PINAGSASABI MO ANG MGA IYAN!" Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ko at agad naman akong napatakip bigla ng bibig dahil sa mga nabitawan kong salita sa kanya.

Kinagat ko ang bandang ibaba ng aking labi para pigilan ang mga luha kong babagsak. Pero nabigo ako bigla nalang silang umagos na para bang gripo at walang tigil na.

"Sor---" hindi ko naituloy ang aking sasabihin ng bigla siyang nagsalita at may binigay sa akin. At alam ko na kung ano na naman ang ibibigay niya.

Parati nalang ganito.

Hanggang kailan pa ba ako maghihirap?

"Go to your room Dale, NOW! And answers this questions on the paper." Sabi niya at kinuha ko naman iyon.

Nakayuko akong naglakad papunta sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang aking kwarto.

Pagkapasok ko palang sa kwarto ay may napansin ako sa salamin kong malapit sa lamesa. Isang envelope at kulay asul ito.

Binuksan ko ang liham na may nakataling asul na laso dito at binasa ang laman ng liham.

Dale,
   Pasensya na kung hindi man ako nakapag paalam sa iyo kaninang umalis ako ng maaga sa bahay ninyo. Nalaman na ni papa ang tungkol sa relasyon natin at paparusahan niya ako, pag hindi kasi agad ako bumalik sa bahay eh baka pati ikaw ay idamay ni papa.
   Babalik kami sa Taiwan at ipapakasal niya ako sa anak ng kanyang ka Business Partner.
Pasensya na babalik ako, maasahan mo ang pagbabalik ko. Kailangan ko lang ayusin ito.
Sana maintindihan mo.

Nagmamahal,
Micah

Pagkatapos ng mga nabasa kong mensahe mula sa liham naikuyom ko na lamang ang aking kamao. Binugbog ko ang pader at kitang kita ang dugo na umaagos sa aking mga kamao.

Lumipas ang pitong taon. Walang Micah. Walang mensahe galing sa kanya o email. Walang tawag sa telepono. Hindi ko din ma-contact ang numero niya.

Pinaniwala ko ang sarili ko sa pitong taon na yan na babalik pa siya pero wala na! Nabalitaan ko na lamang na mas mahal niya ang kanyang asawa ngayon sa abroad at ako!?

Heto ako ngayon, pinilit ko siyang binura sa aking isip. Nagpaka seryoso ako sa mga paggawa ko ng mga experiments ng liquids at mga syrums.

Yung kasama ko naman sa bahay na babae? Ayun bumalik din sa trabaho niya at sa kanyang bahay! Isa pa yun eh!

Araw araw at gabi gabi akong gumagawa ng mga liquids na makakatulong sa akin.

Walang kamali, lahat perpekto. Hanggang sa isang araw.

"Sir, inaanyayahan po kayo ni Sir Lux sa isang welcome party sa nag iisa niyang anak." Sabi sa akin ng batchmate ko dati nung kolehiyo ako, kasalukuyan niya kasi akong tinatawaga ngayon.

"At sino naman siya?" Tanong ko sa kabilang linya ng telepono.

"Si Kizhie Lux po." Sagot ng lalake sa kabilang linya.

"ANO!?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Muntikan ko nang naibuga ang iniinom kong kape. Magtatanghali na at eto na agad ang ibubungad nila sa akin?

"Anong klase ng party?" Seryoso kong tanong agad.

"Masquerade Party po." Sabi niya sa kabilang linya.

"Salamat." Sabi ko at binabana ang telepono.

Masquerade Party pala ah? Mukhang hindi ko siya makakausap ng madali nito.

Di-nial ko naman agad ang pamilyar na numero ng isang babaeng kakilala ko.

11AM palang naman ng umaga at maaga pa para sa panang halian.

Nakakatatlong ring palang, pagkatapos ng tatlong ring sa kanyang cellphone ay may sumagot na.

"Hello? *yawn*" Sabi niya sa kabilang linya. Natatawa nalang ako dahil mukhang kagigising palang niya.

"Tagal mong sumagot ah. Hahaha. By the way nasaan kaba ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa bahay bakit?" Tanong niya din sa akin na para bang nang aasar.

"Tinanong kita, tas ang sagot lang din ang tanong mo? Ibang klase ka talaga!"

"Oh! Pati din naman ikaw ah, tanong din ang sagot mo sa katanungan ko. Kaya quits lang tayo." Sabi niya at tumatawa nang malakas sa kabilang linya. Hayss. Naloloka na siya.

"Siya siya, ibababa ko na ang cellphone ko." Agad kong sabi sa kanya.

"Oh sige." Pagkatapos non ay linagay ko muna ang cellphone ko sa aking lamesa at nagbihis na.

Pagkatapos kong magbihis ay agad kong sinuot ang aking lab gown, tsaka bumaba na ng hagdanan at sumakay sa aking sasakyan at tinungo ang daan papunta sa kanyang bahay.

Nasa tapat na ako ng kanyang bahay at hindi nagdadalawang isip na mag door bell.

Pagkalipas ng dalawang minuto ay bumungad na agad siya sa akin, nakalugay ang kanyang buhok, at halata sa mukha niya na kagigising palang niya.

"Sabi ko na ngaba at natulog kapa. Puyat ka siguro noh?" Nakangising tanong ko sa kanya.

"Aba! Is this the proper way you greet to me?" Napapailang nalang ako sa sinabi niya.

"Tara na nga sa loob, nagugutom na ako eh." Maktol ko sa kanya at hinila siya sa loob ng bahay niya.

Nagluto muna siya ng pancakes sa kusina at ako naman? Binabasa ang mga results ng experiments na ginagawa niya.

Aba! Nag improve na din siya kagaya ko. Ang gaganda ng mga resulta ng mga nagawa niyang experiments.

"So? Bakit nga pala pumunta dito?" Agad niyang tanong sa akin at linahad ang pancake at hot chocolate at agad ko namang kinuha iyon.

"Were going to atte---" hindi na niya ako pinatapos magsalita dahil inunahan na niya ako sa sasabihin ko.

"A party? Yeah sure." Agad niyang sabi at in-stir ang hot chocolate niya.

"Bakit mo alam?" Tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay dahil siguro sa tanong ko.

"May kutob ako, by the way kaninong anak na naman ng business man yan?" Tanong niya.

"Kay Lux." Agad kong sabi at humigop ng mainit na hot chocolate.

"Lux who!?" Mukhang may kufib na siya dito.

"Kizhie Lux." Sagot ko at agad naman siyang napangiti na nang aasar. Hays ewan ko ba sa babaeng toh.

"Ah hahaha! Naalala ko na siya hahaha!  So you want me to come becaus----" Tinakpan ko agad ang bibig niya.

"Oo! Sssshh tumahimik ka na nga!" Agad kong sabi sa kanya at binatukan ako sa ulo.

"Ouch! Hahaha!" Agad kong sabi sa kanya at binatukan din.

"So may isusuot kana?" Tanong niya sa akin. Tumango naman agad ako. "Same here." Sabi niya at mukhang magbibihis na.

Bandang alas-syete ng gabi kasi ang simula ng party. Ako naman ay nagtungo sa aking kotse at kinuha ang aking damit doon, at pumunta ako sa sarili kong kwarto dito at nagbihis na.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa gawing kanan ng ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto niya at kumatok.

"Pasok!" Sabi niya at agad ko namang pinihit ang door knob ng pintuan.

"Wow! You look so gorgeous in your gown." Agad kong sabi sa kanya.

"As always!" Sabi niya at dinilatan ako. Mapang asar talaga. "You too, you look so handsome in your suit sabi niya."

Agad naman akong humarap sa salamin. Black suit na parang pang business man ang suot ko at may dark blue itong necktie. Kagaya nang damit niya ngayon dark blue na gown din.

Agad din naman naming kinuha ang mask namin na nasa lamesa na kulay dark blue din.

"Shall we go now?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, lets go." Sabi niya at agad na kaming bumaba ng hagdanan at lumabas ng bahay niya.

Pagkatapos non ay pinaandar ko na ang aking kotse at pumunta na kami sa venue.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top