Chapter 1

Chapter 1:

Sa kaguluhan at kalituhan ng kaniyang isipan, sa kawalan na rin ng masasandalan isang pader si Dale na puwede niyang masandalan.

Sa piling ng lalaki, sigurado ang kaligtasan niya.

Hindi siya magagalaw kahit sino man.

Pagkatapos nilang kumain, nagkuwentuhan sila at naging maayos naman ang pag uusap nila.

At muli, kung bawal man o mali, pinagsaluhan nila ang walang kasiguraduhang sikreto ng kaligayahan, na para kay Dale ay udyok ng pag-ibig.

Tulad ng dati, walang limitasyon si Micah. Kung meron man, hindi niya magawang tumanggi, dahil ipagkakanulo siya ng kaniyang emosyon.

Ibinuko siya ng kaniyang katawan. She's aching for him and wanting him. Kumbaga may hinahanap ang kanyang sistema na hindi niya malaman kung ano iyon.

"I'd like to spend the night." sabi ni Dale na muling pinanggigilan ang pang-ibabang labi ni Micah.

"Pero hindi ko alam kung papayag ka." May halong pag aalala na sabi ng binata sa dalaga habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.

"Hindi ko sinabing hindi ako papayag." ungol niya.

"Puwede kang magpalipas rito ng gabi, pero madilim pa bukas ay aalis ka na. Ayoko may makakita sa iyo dito." May halong pag alalang sabi ng dalaga kasi ayaw niyang mahuli sila ng magulang niya.

"Nahihiya ka bang makita nila ako dito?" nagtanong na si Dale. Ngayon lang ito nangahas magtanong kung bakit ayaw niyang abutan doon ng umaga ang lalaki.

"Hindi naman sa ganoon, Dale." Sabi niya at linapitan ang binata.

"Ano naman masama doon?" Seryosong tanong niya.

"Wala naman. Parang hindi pa ako handang malaman nilang may relasyon ako sa iyo. Gusto ko sopresahin na lang sila tungkol sa atin." paglalambing niya.

Napailing na lamang si Dale, "Hanggang kailan natin ililihim ang tungkol sa atin?" Napahilamos nalang si Dale sa mukha.

Nagkibit-balikat siya. Hindi na rin namilit ang binata.

"Dito na lang ako matutulog." Sabi ni Dale at humiga na sa kama.

"At madaling araw ka aalis." Seryoso pero madiin na sabi ni Micah. May halong pagka sinseridad ang mga binitawan niyang salita.

"Hindi problema iyon." Agad na sabi nito at nagtakip na ng unan.

"Pasensya na ha, kung medyo mainit." Sabi naman ng dalaga at tumabi sa binata.

"Katabi naman kita e, Wala akong angal basta ikaw ang aking kasama. Gagawin ko ang lahat para sa iyo." niyakap nito ang dalaga. Dinama ang kahubdan.

Muli na naman nagningas ang kanilang katawan. Nagsimula na sa pabirong halikan, hanggang sa lumalim iyon. Pareho na silang napaungol dahil sa ginawa.

Magkayakap silang natulog. Bandang alas kuwatro na ng madaling araw nang magising si Micah. Medyo madilim pa sa alas kwatro ng umaga pero kailangang umalis agad ng binata sa mga oras na iyon.

Kaagad niyang ginising ang binata. Ayaw pa ngang bumangon ni Dale pero hinila niya ito patayo at binihisan.

"My God. Kailangan ko bang umalis?" ungol ni Dale habang sinusuot ang polo at parang naasar ito.

"Kailangan mong umalis." siya ang nagbutones ng damit nito. Inihatid nito sa kinaroroonan ng kotse. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho." halos ipagtulakan niya ito pasakay ng kotse.

"Babalik ako mamayang gabi." pagpapaalam ni Dale kay Micah.

"Bahala ka." hinalikan nito sa pisngi si Micah pero halata sa mukha ng dalaga na nagtatampo ang dalaga. Wala namang magawa ang binata.

"Doon ka na lang magkape sa inyo." Sabi ni Micah kay Dale.

"Umaasa ako na sa susunod na ako'y gigisingin mo, sana'y meron ng umuusok na kape." Bilin ni Dale at tumango naman si Micah.

"Pangako." Sabi ng dalaga at yinakap si Dale ng mahigpit.

Nang makaalis na si Dale. Bumalik siya sa kaniyang silid. Nakangiting muling humiga sa kama. Nanikit sa higaan ang natural na amoy ng lalaki. Niyakap niya ang unan at pinikit ang mga mata.

Inilihim talaga nina Dale at Micah ang kanilang relasyon dahil pag nalaman ito ng kanilang mga magulang ay tiyak na paghihiwalayin nila ang dalawa kahit anong paraan basta wag lang sila magsama.

Pero pag gabi namin, minsan mga alanganing oras ay sumusulpot ito sa inuupahan niya. Doon magpapalipas ng gabi at madaling araw na kung umuwi.

Pinakiusapan niya si Dale na huwag iparada ang kotse niya sa tapat ng gate. Para hindi mahalatang nasa loob ng silid niya ang may-ari ng sasakyan. Wala namang angal ang binata. Sunud-sunuran ito sa gusto niya. Maliban lamang sa bagay na gusto niyang mangyari, ang magpakasal sila agad.

Wala namang nagawa si Micah, kundi ang maghintay. Ganoon pa man, nagpaparamdam ng pagkayamot ang binata sa patago nilang relasyon.

"Para bang bawal ang ating relasyon." himutok nitong sabi.

"Hindi naman natin kailangang maglihim. Wala namang masama kung malaman man nilang magkasintahan tayo." Angal ni Dale na para bang naiinis na dahil sa sinabi mi Micah.

"Puwede ba huwag na natin pagtalunan ang bagay na 'yan. Matulog na nga tayo." Pag iiwas ni Micah sa topikong pinag uusapan ng dalawa.

"Nagsasama nga tayong parang mag-asawa panakaw naman." humiga ito sa tabi niya at dinampihan ng halik sa labi.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" na kung tutuusin, hindi naman gabi-gabi kung naroroon si Dale. Dalawa o tatlong beses sa isang linggo kung magawi doon ang binata.

"Hindi na ako bata para bantayan. At isa pa, wala kang dapat ipag-alala. Alam ni Mommy kung wala ako sa amin ay sa bachelor pad ko ako natutulog ." Pagpapaliwanag niya.

"Saan naman yung bachelor pad mo?" Tanong niya.

"Nasa Tropical Hotel."

Hindi na siya nagtanong pa. Nakaunan sa matipunong katawan ni Dale na natulog si Micah. Pero gising pa ang binata at tila ba ay nag iisip ito ng malalim.

Hinagod-hagod nito ang buhok niya, nakatingin sa kisame, malayo ang nararating ng isipan.

May nabuo nang desisyon si Dale. Bahala na.

Makalipas lang ang ilang linggo, pormal ng inihayag nila ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib. Kasabay naman niyon, nadiskubre niyang buntis siya ng dalawang buwan.

"Early next year tayo magpapakasal, Micah." sabi ng binata, isang gabi, naroroon sila sa inuupahang silid ng dalaga.

At that time, halata na ang tiyan niya. "Ayus lang ba sayo na pakasalan ako kahit malaki na ang tiyan ko?" Nag aalanganing tanong ni Micah at humarap sa binata.

Saglit na natigilan si Dale. Rumehistro aa mukha nito ang gulat. "Anong ibig mong sabihin?"

"Dalawang buwan na kong buntis." pagtatapat niya. Sari-saring emosyon ang naramdaman ni Dale. Hanggabnggumuhit ang tuwa sa guwapo niyang mukha.

"M-magiging daddy na ko?" nakangiti na ngayon ang binata.

Ngumiti si Micah ng mapang asar at nagsalita, "Bakit ayaw mo?"

"Bakit ko naman itatakwil ang anak ko?" niyakap ni Dale si Micah. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Habang linalaro ang palad ng dalaga.

"Kailan ko lang nalaman, e."

"Siguradong matutuwa si Daddy at Mommy na malamang buntis ka. Siguradong mapapaaga ang plano nating pagpapakasal." hindi magkamayaw ang binata.

"Ganyan buntis ka na pala, kailangan mo na tumigil sa pagtatrabaho."

Natigilan si Micah. "Saan naman ako kukuha ng pang-araw araw kong gastusin? Huwag mong sabihing ikaw ang susuporta sa akin?"

Pinanggigilan ni Dale ang pang-ibabang labi ni Micah.

"Sino pa ba susuporta sa iyo? Anak ko iyang nasa sinapupunan mo. Ayokong may mangyari sa kaniya. Para sa iyon at sa magiging anak natin ang iniisip ko. Kakausapin ko sina Daddy at Mommy, kung papayag sila, doon ka sa bahay hanggang sa makasal tayo. Kung okey lang sa iyo, kung ayaw mo naman, doon tayo sa bachelor pad ko." napakunot ang noo niya sa inasta ni Dale.

Wala na ngang nagawa si Micah sa naging pasya ng binata. Kaya maaga pa lang kinabukasan pa lamang ay sinundo na siya ni Dale at dinala na siya nito sa bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top