Epilogue

NATIGILAN si Callie sa kaniyang pagbabasa nang mapansing nagba-virate ang cellphone nito sa ibabaw ng lamesa.
Agad nito nabitawan ang ginagawa at mabilis na sinagot ang tawag nang makita kung sino ang caller nito.
Malalim na paghinga na sunod-sunod ang pinakawalan nang nasa kabilang linya. Namuo ang galit sa dibdib ni Callie.
Sa tuwing tumatawag ito sa dalaga nang ganoon ay paniguradong may ginawa na naman itong katarantaduhan. At alam ito ng nasa kabilang linya kung gaano kinaiinisan iyon ni Callie.
"Where the hell are you, Gray?"
Narinig ni Callie ang malokong pagtawa nito. Mas lalo nainis si Callie. Kuhang-kuha talaga ni Gray ang inis nito sa kaniya.
"Sinong babae na naman ang kasama mo?" madiin na winika ni Callie rito.
Gray laughed again. Nauubos na ang pasensiya ni Callie. Lalo na't busy pa ito sa pag-aaral dahil may long quiz sila naka-scheduled kinabukasan.
"Why? Are you jealous?" tanong ni Gray. Umikot ang mata ni Callie sa inis. Sa tuwing kausap nito si Gray. Palaging nagbabago ang personalidad nito. Naiiba ang tungo ni Callie kay Gray kumpara sa kambal. Para itong ibang tao sa tuwing and tungkol na usapan ay si Gray.
"Just tell me where you are. I'll pick you up. It's clearly, you're drunk."
"Hindi mo talaga ako natitiis 'no?" Gray mumbled. She heard that but Callie chose not say further more.
Si Callie na ang nag end ng call. Agad rin nito pini-nned ang location na binigay ni Gray sa dalaga. Hindi nag dalawang isip si Callie na puntahan ito at sunduin kahit gabi na.
Hindi alintana kay Callie ang suot nitong pajama nang makababa ito sa sinakyang taxi at bumungad rito ang makukulay na ilaw sa kaniyang harapan. Kumunot ang noo nito nang mapansin na isa itong old cafe.
Buong akala ni Callie nasa isang club ang binata 'cause she was sure as hell he was drunk.
Nang makapasok siya sa coffee shop. Bumungad sa kaniya ang solemn na kanta. Ang pink to blue na ilaw. At ang dalawang customers naroroon.
"Hi!"
Mabilis na lumingon si Callie sa babaeng nagsalita sa kaniyang gilid. May ngiti ito sa labi nakatingin sa kaniya. "Bago ka lang dito 'no?"
"Y-yes," alingan na sagot ni Callie pero agad niya rin inalis ang tingin dito nang mapansin ang isang lalaki nakatungo ang ulo sa counter table.
Lumapit si Callie rito. Balak na sana nito hilahin si Gray nang mapansin matiwasay itong natutulog. Walang nagawa si Callie kundi umupo sa tabi nitong high chair.
Hindi mawala ang tingin ni Callie sa maaliwalas na mukha ni Gray. Nawala lang ang atensyon ni Callie rito nang lumapit ang isang baristang lalaki sa kanilang harapan.
"Kilala mo, miss?"
Tumango siya. "Yes, I know him."
Dumako ang tingin ni Callie sa hawak nitong malinis na tuwalya habang pinupunasan ang isa pa nitong hawak na baso.
"Ah, ikaw siguro 'yon," anito. Kumunot naman ang noo ni Callie pero nagawa pa rin nito magtanong. "Is he drunk?"
"Kakilala niya 'yong may-ari ng cafe. Wala kami magawa sa tuwing humihingi siya ng alak. Palagi rin naman kasi siya pinagbibigyan ni Boss."
"Ahm," naglikot ang paningin ni Callie sa paligid habang sinusubaybayan naman siya ng barista. "Can I take him home na?"
"Pwede na miss. Kanina pa rin naman din namin siya pinapauwi na dahil lasing na nga."
"Thank you." Umalis sa pagkakaupo si Callie at maingat na hinawakan ang kamay ni Gray.
"Are you Callie perhaps, miss?"
Nabalik ang tingin niya rito. Wala siyang plano na sabihin ang pangalan dito pero hindi niya napigilan ang sarili nang tumango siya rito.
Tinulungan silang dalawa ni Gray ng barista at no'ng babae nasa entrance makakuha ng taxi na masasakyan nila. Maski ang pagbuhat kay Gray ay tinulungan din siya ng mga ito.
Nang makasakay sila sa taxi. Sinubsob agad ni Gray ang pagmumukha sa leeg ni Callie habang ang braso nito ay yumakap sa katawan ng dalagita.
"I'm sorry," mahinang bulong ni Gray. Hindi sumagot si Callie. Naiinis pa rin kasi ito sa inasta. Pinakaba at pinag-alala siya nito.
"Callie."
"Gray, may pasok pa ako bukas. This is nothing. Sinundo lang kita because we both know I can't focus on my studies if I know you're like this," seryosong saad ni Callie. Umalis naman sa pagkakayakap si Gray at umayos nang upo sa backseat ng taxi.
Trenta minutos silang dalawa nanahimik sa loob ng taxi hanggang makarating ang dalawa sa tapat ng condo ni Gray. Naunang bumaba ang binata bago sumunod si Callie.
Pinasadahan pa ng tingin ni Gray ang kasuotan ni Callie. Umusbong ang mapang-asar nitong ngiti. Umikot naman ang mata ni Callie.
"May pasok pa ako bukas. Pumasok ka na sa loob para makabalik na ako sa'tin."
"You know, you can always stay with me," ani Gray. Halatang nahimasmasan na ito sa kalasingan.
Umiling si Callie. "May pasok pa ako," pag-uulit ng dalaga.
"Alam mong hindi kita papayagan bumiyahe mag-isa pauwi sa'tin nang ganitong oras na. And we both know, the twins wouldn't like that."
Binigyan ni Callie ito nang masamang tingin. "Alam mo naman pala. Bakit kailangan mo pa ako tawagan?!"
"Callie, alam mong pwede mo sabihin sa iba kung nasaan ako para sila na ang sumundo sa'kin. Pero hindi, because you care about me."
"No. I don't care about you. You're such a full of shit and I hate you so much."
"You don't mean that."
"Yes, I do! Sino ka para sabihin sa'kin kung ano 'yong tunay sa nararamdaman ko?!" inis na saad ni Callie. Nagawa pa nitong hampasin ang dibdib ni Gray sa sobrang inis nito. Nagawa naman saluhin ito ni Gray.
Hinawakan ni Gray ang kamay ni Callie at mahigpit itong niyakap. Nagpumilit kumawala si Callie sa yakap ng binata pero mas malakas si Gray kaysa sa katawan niyang maliit.
Hindi namalayan ni Callie na tumutulo na ang luha nito sa sobrang inis at halo-halong emosyon nararamdaman. Lalo pa no'ng halikan siya ni Gray sa labi. Bigla siya natunaw at nakalimutan ang kambal.
She wanted to scream at Gray. She hates him so much. Gusto niya ito saktan pero iba ang kinikilos niya sa paulit-ulit niyang sinasabi sa kaniyang isipan.
MAHIGPIT na hinawakan ni River ang kaniyang kamay nang pagbuksan siya nito ng pinto sa passenger seat. Tumingin siya rito. Tumango ito at sabay silang dalawa nagtungo sa tahanan nila Chase.
Naabutan nilang nakatayo na si Chase sa harapan ng pinto. Kinakabahan naman siya sa pwedeng mangyari. Grabe 'yong tibok ng kaniyang puso. Hindi pa nakakatulong ang seryosong tingin ni Chase sa kaniya.
Sinusundan nito ang bawat kilos niya na mas lalong nagpakaba sa kaniya at pabilis ng kaniyang puso.
"Saan niyo gusto mag-usap? Sa loob o may alam kayong lugar?" kalmado pero seryosong saad ni Chase sa kanilang dalawa. Hindi naman nawala ang tingin niya rito. Naninibago siya sa pakikitungo nito sa kaniya pero hindi rin naman niya ito masisi. Sa dinaming nangyari sa nakalipas na linggo. Kahit siya magbabago ang ikikilos.
"May tao sa loob?" tanong ni River habang hawak-hawak nitong mahigpit ang kaniyang kamay. Umiling naman si Chase. "Diyan na lang tayo sa loob."
Pinagbuksan sila ni Chase ng pinto. Sumunod naman silang dalawa ni River sa loob. Humalik pa ang binata sa kaniyang bunbunan para iparating sa kaniya na hindi siya nag-iisa at ramdam na ramdam niya ito.
Tahimik na umupo si Chase sa sofa. Naiilang naman na umupo siya sa harapan nito kung saan tinabihan siya ni River sa kaniyang kanan. Napanood niya ang pagmasdan ni Chase sa kanilang dalawa.
Para siyang nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso. Ang kinikilos at pakikitungo nito sa kanila. Hindi ganoon na Chase ang nakilala niya. Ibang-iba ito ngayon at nasasaktan siya. Hindi niya ito nakikita na ganoon.
"Okay, tapusin na natin ito agad. What do you want, Genesis?" Nagulat siya sa diretsuhan na tanong ni Chase sa kaniya. Sa gulat niya, parang nagkaroon ng bara sa kaniyang lalamunan upang pigilan siya makapagsalita.
"Chase." Rinig niyang sita ni River. Agad naman siyang umiling. Tama lang na iyon. Tama lang na ayon ang itanong ni Chase sa kaniya. Tumingin siya saglit kay River pagkatapos ay unti-unti binitawan ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.
Ngumiti siya rito pagkatapos ay binalingan naman ng tingin si Chase. Malalim siyang bumuntong hininga. Ang bilis din ng tibok ng kaniyang puso. Bigla niya naalala lahat ng pinagsamahan nilang dalawa ng binata.
Simula no'ng mga bata pa lamang sila ni Chase hanggang sa maging sandalaan nila ang isa't isa. Natigilan siya. Napatanong siya sa sarili kung nasaan siya no'ng kailangan siya nito? Inako at tinago ni Chase upang hindi mapahamak ang pamilya nila.
At ngayon ay nasasaktan ito sa mga nangyayari.
Binalik niya ang tingin kay River na kanina pang nakamasid sa kaniya. Si River, palagi ito nasa tabi niya. Hindi siya nito iniwan. Hindi niya akalain na darating sa ganito ang relasyon nilang dalawa. River respected her so much. And he does love her.
Kung ititimbang ang nararamdaman niya. Panigurado na magkaiba ito para sa dalawa pero alam niya rin sa sarili na kahit magkaiba ang pagmamahal niya para sa dalawa. Alam niyang hindi niya kayang pumili at iwan ang isa sa mga ito.
That's why, she...
Tumayo siya sa pagkakaupo at nilapitan si Chase. Naluluha na pinatitigan niya ito sa mata. Umangat ang tingin nito sa kaniya. Humawak naman ang kamay niya sa dalawang pisngi nito bago sabihin ang katagang, mahal kita.
At pinaglapit ang labi nila sa isa't isa.
Hinalikan niya sa labi si Chase. Tumulo naman ang kaniyang luha. Hindi na niya gusto pa magtago sa tunay niyang nararamdaman. Because she both love them truly.
Nang mahimasmasan si Chase sa gulat ay humawak din ito sa kaniyang pisngi at hinila siya para mas mapalapit sila sa isa't isa. Ramdam na ramdam niya sa halik nito ang pangungulila at pagmamahal. Mas lalo siya naluha at binalik sa binata kung paano ito humalik sa kaniya.
Namalayan na lang niya ang sarili nakaupo sa kandungan nito nang tumigil silang dalawa sa paghalik. Parehas silang naghahabol ng paghinga habang nakatingin sa isa't isa.
"What do you want, Harper?" ulit nito sa tanong. Nakagat niya ang namamasang labi habang tinitigan ang bahagyang nakabuka na mapulang labi ni Chase.
Mas lalo nag angat baba ang dibdib niya sa paghinga. "I... I want you both."
"Fuck, Harper!" malutong na mura ni Chase bago sinunggaban ni Chase ng halik ulit ang kaniyang labi. Napaungol siya nang humigpit ang kapit ni Chase sa kaniyang katawan. Lalo pa nang iangat niya ang mata at nakita si River nakadungaw sa gilid nila.
Lumuhod ito at hinalikan ang leeg niya. Hindi siya nakapagsalita. Chase and River were kissing and touching her body.
Napapikit niya ang mata at dinamdam ang bawat haplos at halik ng dalawa sa kaniya. Gustong gusto niya ito. Mas gustong-gusto niya ang ginagawa ng mga ito sa kaniya. Minulat niya ang mata at dumako kay River.
Hinawakan niya ito sa panga at hinalikan sa labi. Agad naman pinasok ni River ang dila sa loob ng bigbig niya. Para siyang sorbetes bigla natunaw sa init ng labing humahagod sa kaniya sa mga oras na iyon.
"Your decision will always be more important than anything else," ani River habang tinitigan siya nito sa mata. "We're both gonna love you if this is what you want, Genesis." Hinaplos ni River ang pisngi niya. "If this is what you only want," dagdag pa nito.
Tumango naman siya. Kinuha ang kamay nito at ni Chase. Hindi nawala ang tingin ng dalawang binata sa kaniya. Naluha naman siya. Hindi niya mapigilan ang nararamdaman. Parehas nasa tabi niya ang dalawa. At sa mga oras na iyon, gusto naman niya na siya naman ang mananatili sa tabi rin ng mga ito.
"Am I being selfish if I want to love you both?" she asked.
"No, baby. You're not selfish at all," bulong ni Chase sa kaniya pagkatapos ay hinalikan ang noo niya. Mas lalo siya natunaw sa bisig nito. "I just... love you both, Chase, River." Binalingan niya ng tingin ang dalawa. Tumango at ngumiti naman ang dalawa sa kaniya.
"Come here." Tumayo si River pagkatapos ay binuhat siya nito paalis sa kandungan ni Chase para pumalit sa pag upo sa kandungan nito nang umupo ito sa sofa.
River smiled then kissed her lips. She kissed him back.
PAREHAS na hinatid siya nila River at Chase sa bahay nila. Hindi nawawala ang ngiti sa kanilang labi nang tumapat sila sa kanilang tahanan. Binaba niya ang tingin sa dalawang kamay kung saaan nakahawak ang dalawang binata.
"Thanks, uwi na kayo."
Sabay na umiling ang mga ito. Natawa siya sa biglang asta ng dalawa sa kaniya. Parang cute na puppy na takot na maiwanan ang mga ito. Parehas naman niyang hinalikan ang kamay ng dalawa nang paulit-ulit.
"Anong plano natin?" tanong niya sa dalawa. Ngumiti ang mga ito. "Let's tell them about us," ani River. Nanlaki ang kaniyang mata. Agad siyang umiling. Hindi pa siya handa.
"Hindi ka pa ready?" Si Chase naman ang nagtanong. Alanganin na tumango siya. "That's fine. Whenever you are ready, Harper."
"Thank you." Binigyan niya ng halik ang dalawa sa pisngi habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ng mga ito. Parehas naman na yumakap sa kaniya ang dalawa. Bigla tuloy sila napa-group hug sa isa't isa.
"I don't want to go. Can I stay with you?" bulong ni River. Mahinhin siyang natawa. Cute na cute talaga siya sa tuwing umaasta nang ganoon ang binata para sa kaniya.
"Ako rin, Harper. Can I stay here with you?"
Tuluyan na siya natawa at niyakap ng mahigpit ang dalawa. "Ayoko rin kayo bitawan. Let's stay like this for five minutes, hm?"
"Let's stay like this forever," ani River. Parehas silang dalawa ni Chase na sumang-ayon sa sinabi nito. Gusto niya iyon. Pang habang buhay kasama ang dalawang binata.
Kung pagbibigyan sila ng tadhana.
BINABA niya ang hawak na brush matapos ito magpinta. Pinatitigan niya ang obrang ginawa habang nag iinat-inat. Isa itong abstract at isa sa mga project niya.
May tatlong buwan na rin ang nakalipas sa pamamalagi niya sa Paris. Pinursue niya ang arts at nag desisyon na mas palawakin ang pag-aaral sa ibang bansa.
Hindi naman siya nahirapan mag paalam sa kaniyang pamilya dahil suportado siya ng mga ito. Lalo na ang kuya Phoenix niya. Madalas itong puntahan siya sa Paris sa tuwing lumalabas ito ng bansa dahil sa trabaho nito.
Maraming nangyari sa pamilya nila sa nakalipas na buwan at sobrang nagpapasalamat siya sa mga ito. Hindi napagod at sumuko ang pamilya nila upang maging maayos ang nagulong pamilya.
"Gene."
Nilingon niya ang lalaking tumawag sa kaniyang pangalan. Agad na sumilay naman ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita ito. Lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa labi.
Sinagot niya ang bawat hagod ng matatamis nitong labi sa kaniya. She even closed her eyes and careless his hair.
"I missed you," he said. She smiled. "Oh, you have no idea how much I missed you, too, River."
Hinalikan ni River ang noo niya bago nito kinuha ang kaniyang kamay.
"You ready for tonight?" tanong nito. Natigilan siya saglit pero agad rin binigyan ito ng ngiti. "Shempre. We've been waiting for this," aniya habang marahan na pinipisil ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.
SA huling pagkakataon sinilip niya ang sarili sa maliit na salamin na dala niyang compact. Dinampian niya ng daliri ang labing may kaunting kalat na lipstick.
Nang satisfied na siya sa sarili. Binalik niya ang compact sa loob ng dala na bag pagkatapos ay nilingon si River na may nakapaskil na pagka-amazed sa pagmumukha.
She giggled.
"Ganda mo talaga," ani River. Namula naman siya sa hiya. "Bolero," komento niya.
Kinuha ni River ang kamay niya at hinalikan ito. "But not to you." Ngumiti siya rito. Kinikilig. Ilang buwan na ang nakalipas nang umamin siya rito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay sa mga pasaring nito sa kaniya.
Hinalikan ulit ni River ng ilang beses ang kamay at braso niya bago silang dalawa sabay na lumabas ng sasakyan.
Bumalot agad sa kaniya ang lamig ng paligid. Gabi na at mas lalong lumalamig sa Paris. Bago sila tumuloy, pinatong muna ni River sa kaniyang balikat ang extra coat na dala nito.
Hinawakan nito ang kamay niya. Kinakabahan man ay mas excited siya sa mangyayari. Matagal na nila itong hinintay at ito na nga. Handa na siya; sila.
Pumasok sila sa isang five stars restaurant at dinala sila sa vip room nag assist sa kanila. Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa kanila ang magandang mahabang lamesa. At hindi lang iyon dahil nakaupo na roon ang pamilya nila.
Tumayo ang kuya Phoenix niya at niyakap siya agad nito. "Bunso, isang buwan lang kita hindi nakita pero bakit gumaganda ka? Blooming yern?"
"Wow, kuya ano naman nakain mo?" asar niya rito.
Natawa naman si River sa kaniyang tabi kung saan dumako ang paningin ng kuya Phoenix niya sa binata. Bigla siya kinabahan nang tumaas ang kilay ng kuya niya.
Nahawakan niya tuloy sa kamay ang kapatid. Nabalik ang tingin ni Phoenix sa kaniya.
"Gano'n ba kapag nasa tamang tao ka?" pabulong nitong saad. Nasamid tuloy siya sa hiya. Tumawa naman si Phoenix sa naging reaksyon niya bago nila binalingan ang kamag-anak.
Nangamusta at nagyakapan ng mahigpit ang mga ito. Nang lumapit siya sa ina at ama. Hinalikan niya ang mga ito sa pisngi. Ilanh buwan din siya hindi naging maayos. Isa sa rason kung bakit nagtungo siya sa Paris para makapag-isip.
Ayos na sila ng ina niya. Ayos na sila ng pamilya niya. Totoo nga na hihilom ang mga natamong sugat sa pagdaan na mga panahon. Time heals all wounds, ika nga nila.
"Where's your twin brothers?" tanong niya kay River nang mapansin na hindi niya makita ang kambal pero si Callie nandoon naman na.
Hindi agad nakasagot si River sa kaniya. Kumunot ang noo niya. May hindi ba siya nalalaman?
"Anong mayro'n?" tanong niya pa nang wala siya makuhang sagot kay River. Umiling ito at pinisil ang kamay niya.
"We'll talk later or much better kausapin mo si Callie mamaya."
Tumango siya. Alanganin man ay ngumiti siya rito. Mamaya na lang niya aalamin kung anong problema.
"But your brothers, Riri."
"They'll be here. Don't worry." Tinanggap niya ang sagot na iyon ni River. Binalingan niya ang magulang at nginitian ang mga ito pagkatapos ay bumitaw siya sa hawak ni River.
Umupo naman si River habang siya ay nagtungo sa unahan kung nasaan may nakataklob na silk cloth sa gitna.
Ngumiti siya sa pamilya niya bago nagsimula magsalita.
"Good evening, everyone. Firstly, I would like to say I'm happy to see you all again and I'm missing you guys every day."
"Kami ba talaga 'yong miss? O baka si ano-- aray!" Marahan siyang natawa nang kurutin ng ate Paige niya ang kuya Finn niya. Bigla tuloy ito nanahimik.
"Go on, Gene. Tuloy mo," ani Paige. Tumango siya. Dumako ang paningin niya kay Gray na seryoso ang tingin sa kaniya. Ngayon na lang niya ulit ito nakita. Hindi niya ito nakamusta dahil late ang dating nito.
Binalewala na lang niya ang tingin nito at diretso ang tingin kay River na nakangiti pa rin sa kaniya. Namula siya sa hiya. Ang daming nakatingin sa kaniya sa mga oras na iyon at sobra siyang kinakabahan.
"Even though, our families are different from others. I am always grateful. Thank you for loving and accepting me to be part of this family. Mahal ko kayo," saad niya.
Pinunasan niya ang luha nang makitang may ilan ng naluluha sa kanilang pwesto.
"I present to you the Thompson family." Inalis niya ang telang nakaharang sa obrang ginawa niya. Isang malaking canvas kung saan pininta niya ang bawat miyembro ng kanilang pamilya.
"This piece... Uh, I applied to one of the prestigious universities in Paris. And they accepted me. Nakita nila through this painting kung gaano ko kayo kamahal."
"Wow! Congratulations, Genesis!"
Nilapitan at niyakap siya ng ina, ama, at kuya niya. Nilingon niya si River na tuwang-tuwa. Nasabi na niya ito sa binata at sobrang masaya ito para sa kaniya.
"At hindi lang po iyon. May gusto pa po akong sabihin," aniya. Hindi na siya nag-iisa nasa unahan ng mga ito. Kasama na niya ang pamilya.
Hinawakan niya ang kamay ng ina at ama. Seryoso niya itong tinitigan. Maski si Phoenix ay sinilip niya.
"Humihingi po kami ng basbas sa inyo sa relasyon mayro'n kami ni—" Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti ng may isang binata ang pumasok sa loob ng silid.
May dala itong bulaklak habang titig na titig sa kaniya.
"Chase!" sigaw niya sa pangalan nito at agad ito dinaluhan. Mahigpit niya itong niyakap. "Akala ko hindi ka na makakahabol."
"Na-delayed lang flight ko pero hindi ko hahayaan na hindi makarating ngayong gabi." Nagawa pa nitong halikan ang noo niya. Natunaw naman siya sa kilig at tuwa.
"Bunny." Naramdaman niya ang isang kamay na humawak sa kaniya. Nilingon niya si River na tumawag sa nickname na binigay nito para sa kaniya.
Parehas niyang hinawakan sa kamay sina Chase at River pagkatapos ay hinarap nilang tatlo ang pamilya.
"We're engaged!" naka-ngiti niyang saad pero mabilis din nawala iyon ng magulat sila dahil sa nabasag.
Nakatayo sa nakabukas na pinto ang kambal na sina Skyler at Tyler. At basong nabasag ay galing sa gilid nila kung saan si Callie ay gulat na gulat.
Ang tanong dahil ba sa kanila?
Pero agad rin iyon nasagot nang tawagin ni Callie ang pangalan ng kambal.
"Sky... Ty..." naiiyak ni Callie na tawag. Naguguluhan naman siya dahil hindi niya alam ang nangyayari.
Lalapit sana si Callie sa kambal nang tumalikod si Skyler. Habang si Tyler naman ay blankong nakatingin kay Callie at... Gray?
"A-anong mayro'n?"
"They've broken up," mahinang bulong ni Chase sa gilid niya na kinalaki ng kaniyang mga mata.
Paanong nangyaring naghiwalay ang tatlo? Sa kanilang pamilya. Ang relasyon ng kambal at ni Callie ang ni-lo-look forward niya.
Paanong?
"It's because Gray decided to pursue Callie as well," ani Gideon. Hindi niya napansin nasa gilid na nila ito at seryosong pinagmamasdan ang magulo nilang pamilya.
THE END.
—
a/n: salamat po sa pagbabasa at paghihintay na matapos ang librong ito. sa pangalawang pagkakataon, natapos ko na rin ang librong Genesis! :)
anw, tapos na ang kwento nila Genesis but how about Callie? eme!
ps: hindi ako sigurado kung makakapagsulat ako ng kwento nila Callie. i won't promise anything since hindi ko masingit ang pagsusulat pero let's see hahaha
again, thank you po! merry christmas and happy new year! ♥︎
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top