Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Four
Bulaklak
Tulala ako habang kumakain ng agahan sa hapag kasama sina Rhian at Nanay. Nag-uusap sila habang kumakain at isinasali ako pero hindi ako masyadong makasabay.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mukha ni Shan sa huling panaginip ko.
"Liah, pupunta ka ngayon kina Ma'am Anna para sa remedial class, hindi ba?" baling ni Nanay sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang natauhan. Mabilis kong isinubo ang natitirang pagkain sa aking pinggan.
Nagkatinginan sila.
"Huwag ka na kaya munang tumuloy?" May pag-aalala sa boses ni Nanay habang ibinibigay sa akin ang baso ng tubig.
Tinanggap ko ito. "Gusto ko pong pumunta, 'Nay."
Huminga siya nang malalim. "Kung gayun, isama mo itong si Lisa."
Kinagat ko ang labi ko at naisip ang magiging reaksyon ni Ma'am Anna. Sumulyap ako kay Rhian. "Hindi na 'Nay. Kaya ko naman po."
"Sasama ako," mabilis na agap ni Rhian. "Huwag kang mag-alala, hindi ko aawayin si Ma'am Anna." Parang nabasa nito ang nasa isip ko.
Nagmadali kaming nag-ayos, mabuti na lamang at naihanda ko na kahapon ang mga gagamitin ko sa klase. Pinili naming dumaan sa tabi ng dagat.
Nakagagaan ng loob marinig ang tahimik na paghampas ng 'di kataasang alon sa maputi at pinong buhangin. Ang pagtanaw sa mahinahon na karagatan ang nagbigay sa akin ng kapayapaan ng loob at pansamantalang iwanan ang aking mga suliranin.
Naglalakad kami ni Rhian sa dalampasigan nang muli kong maalala ang hindi nila pagkakasundo ni Ma'am Anna. Noon ko pa gustong tanungin kung bakit pero nawala sa isip ko.
"Nagtataka lang ako, bakit hindi kayo magkasundo ni Ma'am Anna?" Sinulyapan ko si Rhian na kaagapay kong naglalakad.
She was wearing a fitted highwaist jeans and a slightly cropped shirt that complimented her figure. She might have got how she dressed in Manila. She looked casual while I chose to wear slacks and a vintage looking cream blouse.
Umihip ang mabining hangin at sumabog ang buhok niya dahil doon. Sinikop niya ang mga hibla at tumigil sa paglalakad. Bahagya rin akong tumigil upang hintayin siya. She tied her hair into a messy bun and continued to walk. Sumimangot siya nang tumingin sa akin.
"Noon lang 'yon. Lagi kasi s'yang pinupuri ni Nanay kaya naiinis ako sa kaniya. Sa Luna pa nagtuturo si Nanay noon kaya hindi ko pa kilala si Ma'am Anna pero ayaw ko na sa kan'ya dahil laging bukambibig ni Nanay. Tapos noong nailipat siya sa San Isidro kung saan ako nagtuturo, mas lalo akong umayaw sa kaniya kahit wala naman s'yang ginagawa."
Nangingiti ko siyang binalingan. "Nagseselos ka kay Ma'am Anna?"
Umirap siya. "Huwag mo akong pinagtatawanan, alam kong napaka-immature no'n. Pero siguro maliban doon naiinggit din ako sa kan'ya. Gustong-gusto n'ya kasi ang pagtuturo."
Nawala ang ngiti sa labi ko. "Bakit ikaw?"
Dumiretso ang tingin niya sa daan. "Tingin ko hindi para sa akin ang maging guro. Hindi ko ba alam, pero pakiramdam ko may gusto pa akong gawing ibang bagay."
"Ano bang mga hilig mo? You know, Daddy is an engineer. Maybe, you would like to become one?"
Sinipa niya ang maliit na batong nadaanan. "Noong bata ako 'yon ang gusto kong maging."
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Why did you not pursue it?"
"Mahal at tsaka wala ang kursong 'yon sa state university sa bayan."
Nalungkot ako sa mga sinabi niya. We were almost the same but in different circumstances. Mine, Daddy was against my dream to be a teacher but hers, she didn't pursue what she wanted because of financial matter.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. "I think, Daddy can do something about it. She needed someone like you to help him with the company."
"Hindi ba nagtrabaho ka sa kompanya? Ibig sabihin isa kang engineer din?" namamanghang sabi niya.
"Oo. Pero hindi naman 'yon ang gusto kong gawin. Gusto kong magturo ng mga bata."
Nanlaki ang mga mata niya. "Nakapagtapos ka rin ng Educ?"
Tumawa ako sa reaksyon niya. "Oo pero hindi ko alam paano. Hindi kasi buo ang mga naaalala ko."
Sa mga nakaraang araw, may mga alaalang bumalik sa akin tungkol sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Hindi man ganoon kalinaw pero pinagtagpi-tagpi ko ang mga iyon at na-realize na dalawang kurso ang inaral ko.
Kumislap ang mga mata niya. "Siguro, hindi pa huli ang lahat. Gusto ko ring maabot ang pangarap ko."
"I'll help you. Kahit naman wala akong maalala, may alam pa rin ako."
Kung saan-saan napunta ang usapan namin hanggang sa marating namin ang kalsada. Sumakay kami ng tricycle papunta kina Ma'am Anna. Mabilis ang naging biyahe. Naghihintay si Ma'am Anna sa tarangkahan nang dumating kami ngunit sumama ang timpla ng mukha niya nang makita si Rhian.
"Bakit mo isinama 'yan?" nakalabing tanong niya.
Napangiti naman ako nang tumutok ang tingin niya sa akin. Kahit magkamukhang-magkamukha kami ni Rhian, hindi pa rin ako naipapagkamali ni Ma'am Anna.
"Kalimutan na natin ang mga nangyari noon, puwede ba?" hindi nagpatinag na sagot si Rhian.
Nagtaas ng kilay si Ma'am Anna kay Rhian. "Hindi ko 'yon makalilimutan."
Napatingin ako sa likod ni Ma'am Anna nang lumapit si Nanay Selda na nakahawak pa ng walis.
"Sus. Ang mga batang ito. Papasukin mo na sila Anna." Niluwagan ni Nanay Selda ang bukas ng tarangkahan. Nag-angat ito ng tingin sa amin ni Rhian. Naaliw ako nang makita ang pagkalito sa mga mata nito.
"Alam ko nang magkamukha kayo, pero hindi ako makapaniwalang walang pinagkaiba. Aba'y sino ba sa inyo si Lisa?"
Nagkatinginan kami ni Rhian, nagngingiti ako. Naging pangalan ko rin kasi iyon.
"Ako po," nakangiting sagot ni Rhian.
"Liah, Lisa," banggit ni Nanay Selda sa mga pangalan namin habang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin, tila minememorya nang mabuti ang mga detalye sa aming mga mukha.
"Naku, mahihirapan yata ako. Sitahin n'yo na lamang ako kung ako'y magkamali, ano."
Nagtawanan kaming tatlo habang iginigiya kami ni Nanay Selda sa kanilang bakuran. Nagpahuli ako nang kaunti nang mapansin ang pagsimangot ni Ma'am Anna.
Kinalabit ko siya. "May dahilan naman si Rhian kung bakit s'ya ganoon sa 'yo noon. Magkasundo na kayo, please?"
"Para sa 'yo, sige. Pero kapag inaway n'ya ulit ako, hindi ko maipapangako, Liah," masama pa rin ang mood na sabi niya.
"Halika na nga." Hinila ko siya patungo sa mga lamesa at ipinatong doon ang dala kong bag.
Naka-set up na siya ng gagawin niya sa kabilang lamesa. Sumama si Rhian kay Nanay Selda sa loob ng bahay at naiwan kami ni Ma'am Anna sa labas. Tinulungan niya akong ayusin ang mga manila paper na ilagay sa pisara sa harap.
"Nalaman ko na kung sino ang duguang babae sa panaginip ko," sabi ko habang inilalabas sa bag ang mga gamit.
Nakuha ko ang buong atensyon ni Ma'am Anna. Naikwuento ko 'yon noon sa kaniya pero hindi pa ako sigurado nang mga panahong iyon kung ano ang pahiwatig ng mga panaginip ko.
Hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kaniya dahil hindi pa buo ang naaalala ko. "Sa tingin ko, iyon ang dahilan ng nangyari sa akin."
Naguguluhan siyang tumingin sa mga mata ko. "Hindi ko maintindihan."
Tumigil ako sa ginagawa at inilahad sa kaniya ang tungkol kay Shan. Isa-isa kong inalala ang mga detalye pati ang pag-ayaw ni Daddy na pumunta ako ng Maynila.
"If my deductions were right, I was framed. Hindi ko maalala kung sino at ano ang motibo n'ya sa ginawa kay Shan dahil wala kaming mahanap ni Rhian na articles patungkol sa krimeng 'yon."
Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin pagkatapos kong magsalita.
"Anong balak mo kung ganoon?"
"Babalik ako ng Maynila," puno ng kasiguraduhang turan ko.
Nag-aalalang pinagmasdan niya ako. "Kung tama ang hinala mo, delikado ang buhay mo, Liah."
Bumuntong-hininga ako. "Walang mangyayari kung dito lang ako. Kasama ko naman si Genus kaya wala kang dapat ipag-alala."
"Hindi ko alam, Liah, pero kinakabahan ako sa gagawin mo. Kung ako lang, gusto kong dito ka na lang muna."
"It's the only way. Para na rin matahimik ako. Kailangan ko nang kumilos at mahanap ang may kasalanan... at si Shan."
Natahimik siya sa sinabi ko. Alam kong naiintindihan niya ang gusto kong mangyari. Nagpatuloy kami sa pag-aayos hanggang sa natanaw ko si Baste papasok sa nakabukas na tarangkahan.
"Good morning, Teacher Lisa," masayang bati ni Baste nang lumapit ito.
Ngumiti ako at binati na rin ang bata. Nagsidatingan ang iba pang estudyante at tila nawala sa isip ko ang mga alalahanin ko nang makita ang mga masasaya at puno ng excitement na mga mukha nila.
Hindi nagtagal ay nagsimula na rin kami sa klase. Hindi ko na balak ibahin ang pangalang pagkakakilala ng mga ito sa akin pero naalala kong nandito rin pala si Rhian, tiyak na magugulat ang mga bata kung makita kaming dalawa.
Lumipas ang dalawang oras at inilabas ni Nanay Selda at Rhian ang meryenda. Bumaling ang mga bata kay Rhian na inilalapag sa lamesa ang meryenda at bumalik sa akin ang tingin.
"Teacher, bakit dalawa po kayo?" naguguluhang tanong ni Pam.
Natawa kami ni Rhian sa sinabi ng bata.
"Pam, magkaiba kami. Siya ang Teacher Rhian n'yo. Kapatid ko siya." Alam kong hindi maiintindihan ng mga ito ang sitwasyon namin kaya pinili ko ang simpleng eksplanasyon.
Nagpatuloy kami sa pagtuturo. Kumain kami ng tanghalian pagkatapos at ginawa ang nakagawiang paghatid sa mga bata sa kanilang mga tahanan. Mabilis lang naman dahil halos lahat ay may sundong magulang.
Nag-vibrate ang cellphone ko nang papasok kami sa bakuran. Nahuli ako nang kaunti nang nilabas ko ang aparato sa bulsa ko. Binuksan ko ang mensahe ng isang 'di kilalang numero. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mabasa ito.
I'll pick you up. What time will you go home?
Ilang ulit ko pang binasa ang mensahe at sigurado akong si Genus ito. Hindi ko nakita kahapon dahil nagpaalam na may aasikasuhin. Hindi ko mapigilan ang puso kong parang sasabog dahil lang sa simpleng mensahe.
Nataranta ako nang tumunog ang cellphone ko sa isang tawag galing sa numerong iyon. Tinitigan ko ito bago nagpasyang sumagot. "Hello."
"Are you busy?" banayad na bungad sa akin ni Genus.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinigilan ang sariling mapangiti.
"Hindi naman," kinakabahang sagot ko.
"Did you read my message?"
"Oo. Hindi lang ako naka-reply agad."
Naglakad ako papasok sa bakuran nina Ma'am Anna.
"What are you doing now?"
Nasa main door na si Ma'am Anna at akmang papasok na nang lumingon sa akin.
"Liah—" Naputol ang sasabihin nito nang makitang abala ako. Sumenyas itong papasok na kaya tumango ako.
"Uh..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Nakakaabala ba ako?" maagap na tanong niya, tila narinig ang pagtawag ni Ma'am Anna.
"It's fine. Katatapos naming ihatid ang mga bata."
Nanatili muna ako sa labas ng bahay upang hindi makaistorbo sa loob. Sumandal ako sa poste at humalukipkip.
"What time will you go home?"
"Hindi ko pa alam, e. I-text na lang kita kapag uuwi na. Nasaan ka ba?"
Narinig ko ang maingay na background at natantong baka nasa trabaho siya.
"I just visited the construction here in school. I'll—" Naputol ang sinasabi niya nang narinig kong tinawag siya.
"Liah, bakit ang tagal mo?" Lumingon ako nang lumabas sa pintuan si Rhian.
"Genus, sige na. Papasok na ako sa loob ng bahay," maliit ang boses na paalam ko.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinutol na ang tawag dahil palapit na si Rhian. Tiningnan niya ang hawak kong cellphone.
"Sino ang tumawag?" tanong niya nang makalapit.
"Si G-Genus," naasiwa kong sagot.
Lumawak naman ang ngiti niya. "Bakit mo ibinaba ang tawag?"
Uminit ang pisngi ko. "Wala na naman akong sasabihin."
"Nanliligaw ba si Genus? Akala ko noong una pinapabantayan lang tayo ni Daddy sa kaniya pero napansin kong lagi siyang nakatitig sa 'yo tuwing nasa bahay."
Nagkibit ako ng balikat. "Ewan ko."
Umismid siya. "Alam mo, in-denial ka. Napapansin ko nga, ikaw pa kaya?"
My cheeks felt hot by the minute. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya kaya naglakad na lang ako patungo sa pinto. Sumabay naman siya sa aking paglalakad.
"Manliligaw o kasintahan mo na?" May panunukso sa boses niya at hindi ako komportableng pag-usapan iyon.
"Nanliligaw pa lang siya," sabi ko para tumigil siya pero lalo yatang natuwa sa sagot ko. Bahagya siyang tumili kaya sinita ko. Mabuti at hindi muna kami pumasok sa loob.
"Ang ingay mo." Umirap ako pero may ngiti naman sa labi ko.
Kinagat naman niya ang labi niya para pigilan ang sarili.
"Sabi ko na nga ba. Sasagutin mo ba? Teka, matagal na ba kayong magkakilala?"
"Hindi." Naalala ko ang partikular na pananginip na iyon. Hinalikan niya ako roon pero hindi ko alam kung kailan 'yon.
"Hindi o hindi mo lang maalala?" Tumawa siya nang bahagya. "Sa tingin ko, kilalang-kilala ka niya."
Namilog ang aking mga mata. "Paano mo nasabi?"
"Feeling ko lang. Iba makatitig sa 'yo, e. Minsan nga pakiramdam ko, kayo na. Tsaka hindi ka niya naipapagkamali sa akin."
Napaisip din ako. Hindi ko nakitang nalito siya sa amin kahit minsan. Laging sigurado siyang ako ang kausap niya. Lumawak ang ngiti ko dahil doon.
Pumasok kami sa loob ng bahay at naabutan si Ma'am Anna na nakaupo sa sofa at nanunuod. Ngunit pinatay rin nito ang telebisyon nang makita kaming pumasok.
"Kailangan nating mag-usap, Liah. Tungkol sa plano mong pagpunta sa Maynila," seryosong sabi niya at iminuwestrang maupo kami sa kaharap na sofa. Nagkatinginan kami ni Rhian.
"Ano namang pag-uusapan natin?" naguguluhang tanong ko habang umuupo.
Huminga siya nang malalim. "Delikado 'yon, Liah."
Kinagat ko ang labi ko. "Alam ko. Pero hindi ko na kayang patagalin ito. Habang tumatagal ako rito, pakiramdam ko hinahayaan ko ang tunay na may sala na gumawa pa ng mas masama."
Nagtagal ang tingin niya sa akin. "Pinayagan ka ba talaga ni Sir Genus?"
Napasinghap ako dahil malabo ang usapan namin. "Pumayag siya, pero hindi ko alam kailan niya ako isasama."
"Paano 'pag matagalan, anong gagawin mo?" Naningkit ang mga mata niya.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ang gusto ko lang mangyari ay makapunta ako ng Maynila at doon ko na iisipin ang mga susunod na hakbang ko.
"Anna, hindi siya papabayaan ni Genus. Natitiyak ko 'yon," singit ni Rhian nang hindi ako nagsalita.
"Pero... mag-isa siya. Hindi mo ba siya sasamahan?" baling nito kay Rhian.
"Hindi na, Ma'am Anna. Kaya ko ang sarili ko. Huwag kang mag-alala. Lagi ko kayong tatawagan," pinal kong sinabi.
Hindi pa rin siya nakumbinsi sa gusto kong mangyari. Akala ko'y okay na siya roon nang sinabi ko kanina pero hindi pa pala.
"Huwag kang gagawa ng kahit anong hindi alam ni Sir Genus, Liah. Naku 'pag ikaw talaga napahamak..."
Tuloy-tuloy ang mga bilin niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi ko maipapangakong wala akong gagawin at tutunganga lamang doon.
I texted Genus before three in the afternoon to fetch us. It took him twenty minutes before he texted back that he was already outside. Nagpaalam kami kay Ma'am Anna nang ihatid kami sa tarangkahan. Naabutan naming nakasandal si Genus sa gilid ng kaniyang sasakyan. Tumayo naman ito nang maayos nang makita kami. Sinalubong ako at kinuha sa kamay ko ang dala kong bag.
Nakita ko sa sulok ng aking mga mata na nagkatinginan sina Ma'am Anna at Rhian. May mga nang-aasar na ngiti sa mga labi.
"Rhian, may pag-uusapan pa tayo 'di ba?" bulong ni Ma'am Anna kay Rhian ngunit nasa tabi ko lang kaya narinig ko.
"Huh? Bakit?" tila naguguluhang bulong ni Rhian.
"Halika na," tawag ko kay Rhian at pumunta sa harapan. Napakurap-kurap ako nang binuksan ni Genus ang pintuan sa front seat. Narinig ko pa ang hagikhik ng dalawa kaya mabilis na akong pumasok para matigil sila.
Inasahan kong susunod si Rhian pero pinandilatan ko siya nang nanatili siya sa labas.
"Sir Genus, mananatili muna si Rhian dito." Bahagyang hinila ni Ma'am Anna si Rhian. "May gagawin pa kami. Si Kuya Leo na ang maghahatid sa kaniya mamaya."
Nanlaki ang mga mata ko at gusto ko sanang lumabas pero tumango na si Genus. Mabilis siyang umikot at sumakay sa driver seat.
"Liah, enjoy!" nang-aasar na sabi ni Ma'am Anna. Hindi na ako nakaalma nang nagmamadaling pumasok sa loob ng gate ang dalawa. Nagbuntong-hininga ako.
Napatingin ako kay Genus nang hindi pa kami umaalis. Nagulat ako at napaurong nang bahagya siyang lumapit sa upuan ko at may kinuha sa back seat.
Uminit ang pisngi ko nang makita ang palumpon ng bulaklak na iniabot niya sa akin.
"Thank you," marahang bulong ko at inilagay sa kandungan ko ang bulaklak.
"Let's go?" magaang tanong niya mayamaya.
Tumango ako at dinama ang malasutla at malalaking talulot ng mga bulaklak. There were small purple flowers that surrounded the big pink flowers. The blush of pink color was highlighted because of that. Kung hindi ako nagkakamali ito rin ang mga bulaklak na ibinigay niya sa akin noon.
"What flower are these?" I asked when I couldn't name it.
"That's your favorite. Pink peonies." He glanced at me and caught me smell the flowers. "Do you like it?"
I couldn't take my eyes of the plump layers of its petals. My heart warmed as I spoke. "Yes. I love it."
He smiled as his eyes fixed on the road.
I couldn't help but to smile, as well.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top