Chapter Nine

Chapter Nine

Sakripisyo


"How are you feeling?" tanong ni Sir Genus nang lumapit sa akin. He watched me cautiously as he stood in front of me.

"Ah. Ano. May tumatawag sa akin sa labas." Si Ma'am Anna na halatang nagdadahilan lang para maiwan kaming dalawa ni Sir Genus. Mabilis siyang tumayo at walang paalam na lumabas ng silid.

Ngumiwi ako sa 'di kapani-paniwalang dahilan ni Ma'am Anna. Umirap ako nakatingin sa pinto kung saan siya lumabas. Nakakainis.

I guess hindi ko na maiiwasan si Sir Genus. Buo na ang loob kong kausapin siya pagbalik ko ng paaralan pero hindi ko inasahan na mapapaaga. Kinabahan ako bigla sa iniisip na pag-uusap namin tungkol doon. Somehow, I was afraid to bring that up.

"I-I'm fine." I looked at him and realized he was checking on me.

"I feel better," ulit ko dahil tingin ko ay hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

Tumango siya at inilipat ang tingin sa aking mukha. The deafening silence made me more nervous but apparently he was not bothered by it.

Hindi ko alam kung bakit siya nandito pero hindi ko naman kayang itanong iyon sa kaniya.

"Napadaan lang ako, may inasikaso ako sa malapit," paliwanag niya hindi pa man ako nagtatanong.

I pouted. I have doubts with his reason. Naalala ko ang sinabi ni Ma'am Anna na may gusto si Sir Genus sa akin dumagdag pa ang sinabi niyang kamukha ko ang kasintahan niya. It was like a poison that slowly eating me up. My heart hammered against my chest.

Baka nagkakamali lang si Ma'am Anna ng interpretasyon.

Kumbinsi ko sa sarili para matigil ang paghaharumentado ng puso.

"Totoo," aniya. Nakita niya siguro ang pagdududa sa ekspresyon ko.

Nagkibit ako ng balikat. Nahihiya sa naisip kanina. Bakit ba ako nakikinig kay Ma'am Anna?

"Did something happen?" he asked slowly and crouched a bit. He watched me intently.

My eyes widened a fraction. Nakita pala niya akong umiiyak. Baka kung ano pa ang isipin niya pero kahit ako ay hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman. Thinking about my memories exhaust me emotionally.

"Wala." Umiling ako at muling nag-angat ng tingin. Sumalubong sa akin ang kaniyang nananantiyang titig.

Hindi ko matagalang salubungin ang mga iyon kaya muli kong inabala ang sarili sa pag-iisip kung paano uumpisahan ang usapan tungkol sa pagtulong niya sa gastusin.

"Ah..." Hindi ko namalayang umawang ang labi ko sa 'di masabing mga salita. Lalo akong kinakabahan.

"What is it?" marahang tanong niya. He shifted his weight and I realized he was standing there for too long.

Iminuwestra ko ang upuan sa tabi ko para makaupo siya. Hindi siya gumalaw kaya napabaling ako sa gawi niya.

"Upo ka," sabi ko. Nakakahiya namang nakatayo lamang siya.

I feel intimidated when he was towering over me. Hindi tuloy ako makapag-isip nang maayos.

Huminga siya nang malalim at sinunod ang gusto kong mangyari. He sat in there, his body completely facing me. His legs apart like he owned every space. Parang lumiit ang monoblock chair nang siya ang maupo roon.

Hindi ko na alam kung tama ba ang desisyon kong paupuin siya dahil mas naging malapit ang distansya namin sa isa't isa at mas lumakas ang tibok ng puso ko. I feel like I'll choke my own words if I would speak.

Kinagat ko ang labi ko at pilit sinalubong ang kaniyang mga mata.

"Is something wrong?" he gently asked.

Walang tamang panahon para pag-usapan 'yon kundi ngayon. Tinatagan ko ang sarili at inipon ang lakas upang tumingin sa mga mata niya.

"Humingi ba ng tulong sina Nanay sa'yo? Para sa gastusin ko." There... I finally said it.

Umiling siya. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha. He licked his lips before he spoke.

"I convinced them to accept my help," maingat na sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Bakit naman niya gagawin 'yon?

"Bakit?" tanong ko.

Kumunot ang kaniyang noo at umawang ang labi. Hindi inasahan na magtatanong pa ako nang ganoon.

"I just wanted to help," he said like it wasn't a big deal at all.

"Why?" I repeated. I couldn't grasp the reason why he helped me.

"What's wrong with helping you?"

Umawang ang labi ko sa nararamdaman. Bakit parang pakiramdam ko puwedeng-puwede niyang gawin kahit anong naisin niya. Iniisip pa rin ba niyang ako ang nawawalang girlfriend niya?

What's wrong with helping me? Really?

"It's so wrong! I don't know you at all!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. I find his question ridiculous. Really?

Huminga siya nang malalim at muling nagsalita.

"If you knew me, you would accept my help then?" Naghahamong tumingin siya sa akin.

Umiling ako. Mukhang wala nang patutunguhan ang usapang ito.

"I'll pay. How much is it?" I said out of frustration even though I didn't have enough money to pay him. I just didn't like the feeling of owing him something.

"I'm not making you pay." His cold voice made me look at him.

Here he goes again. He was using that side of him to make me agree. His serious and authoritative aura that intimidated me. Parang nasanay na nga ako sa mga nararamdaman tuwing nariyan siya na maliban sa pagbilis ng tibok ng puso ay hindi na ako natatakot sa kaniya.

"No! I'll pay you... not now but I'll pay you soon," I said dismissing the topic.

"We're not arguing about this. I won't accept any payment," pinal na saad niya habang nakatingin sa akin nang diretso.

Napamaang ako sa kaniya. What?!

I was about to throw in more words when the door opened.

Napabaling ako roon at nakita sina Nanay at Tatay kasunod si Ma'am Anna sa likod nila. Mukhang nagtatalo sila bago pumasok sa silid. Bitbit ni Tatay ang plastic kung saan naroon ang pinamili.

"Bakit mo ba kami pinipigilan—"

Natigil si Nanay sa pagsasalita nang mapansin si Sir Genus. Sumimangot naman si Ma'am Anna at nagpatuloy sa paglapit sa akin.

Tumayo si Sir Genus para batiin sina Nanay at Tatay kaya natahimik sila.

"Narito ka pala, Mr. Esquivel." Lumapit na rin si Nanay sa akin.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Tatay sa amin ni Sir Genus pero wala namang sinabi. Seryoso siyang tumingin kay Sir Genus kapagkuwan ay lumapit sa lamesa para ilapag ang dalang pagkain.

"Sumabay ka na sa amin sa hapunan, Genus. Marami ang nabili namin at may dala pa si Anna," ani Tatay.

Tumingin sa akin si Sir Genus pero nag-iwas ako ng tingin. Kahit ano'ng sabihin niya, babayaran ko ang nagastos niya.

"Hindi na ho, Mang Ramon. Hindi na rin po ako magtatagal."

"Kung ganoon, ihatid na kita sa labas," presinta ni Tatay.

Tumango si Sir Genus at seryosong tumitig sa akin bago tinungo ang pintuan.

Nagsimulang mag-ayos si Nanay ng hapunan sa maliit na lamesa. Pinagmamasdan ko siya nang mapansin ang mapanuring tingin sa akin ni Ma'am Anna.

"Ano?" bulong ko.

"Ano'ng nangyari?" maliit ang boses na tugon niya.

Nagkibit-balikat ako. "Sinabi kong babayaran ko ang nagastos."

"Pumayag ba?" mas maliit ang boses na tanong niya.

"Ano'ng pinagbubulungan n'yo d'yan? Halika Anna at tulungan mo ako rito," sabi ni Nanay at nagpatuloy sa ginagawa.

"Mamaya." Ma'am Anna mouthed before she stood and went to Nanay.

Pumasok si Tatay kaya nagsimula na kaming maghapunan.

Nagtagal ang isipan ko sa pag-uusap namin ni Sir Genus. Paano ko kaya 'yon mababayaran? May kaunting ipon ako pero nakalaan 'yon sa ibang bagay. Siguro, puwede akong magpauna ng kahit kaunti.

Kinabukasan ay nakalabas na ako ng ospital. Pinaalalahanan ako ni Doctor Seo na huwag munang pumasok sa paaralan. I need to rest for at least a week. Gusto ko mang magtrabaho ay wala akong magagawa kundi manatili sa bahay at magpahinga.

"Nasaan ang tricycle, Ramon?"

Nasa labas kami ng ospital kung saan maaaring magpark ang mga pampublikong sasakyan. Hinihintay namin ang tricycle na inarkila ni Tatay. Medyo malayo kasi ang San Isidro sa mismong bayan ng San Jacinto kung saan malapit ang San Jacinto General Hospital. Kinakailangan pang mag-arkila ng tricycle.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng ospital na medyo malayo na rito sa kinatatayuan ko. Through the years it improved a lot. May bagong mga building na ipinapatayo sa tabi ng main building. Para iyon sa mga cancer patients at ang isa ay laboratoryo ayun sa mga nakapaskil sa labas nito.

Ilang minuto pa ay pumarada na ang tricycle sa harap namin. Mabilis akong sumakay sa loob kasama si Nanay. Iniabot naman ni Tatay ang dala niyang bag at mabilis na sumakay sa likod ng driver.

Narinig kong nag-uusap ang driver at si Tatay ngunit hindi ko maintindihan ang mga sinasabi.

"Lisa, hindi ka muna magtatrabaho sa Lunes. Kaya mo ba'ng mag-isa sa bahay?"

Bumaling ako kay Nanay at tumango. "Kaya ko po."

"Huwag kang magpapagod. Hindi bale maaga akong uuwi para ako na ang magluto ng hapunan."

"Huwag na po, 'Nay. Kaya ko na. Tsaka panigurado marami kayong nakatambak na trabaho dahil sa pag-absent n'yo ngayon."

Araw ng Biyernes at lumiban si Nanay para sa paglabas ko ng ospital. I told her that I would be fine with just Tatay but she insisted. She said that she wouldn't concentrate with her work when she didn't see me home. Hinayaan ko na lang.

Huminga siya nang malalim. Tinitigan ko siya sa salamin ng tricycle. Her wrinkles were showing but she aged gracefully. She looked younger than her supposed age. I was very grateful to have them as my parents. Wala silang ginawa kundi alagaan ako sa nakalipas na taon.

"Bakit ka gan'yan makatingin, anak?" marahang tanong ni Nanay.

Ngumiti ako at niyakap siya nang bahagya sa tagiliran. "Salamat, 'Nay."

The silence stretched for a few moment. Dahan-dahan niyang hinagod ang kaliwang braso ko habang nakasandal ako sa balikat niya.

Tumingin ako sa kaniya at nakitang namamasa na ang gilid ng kaniyang mga mata.

"Ano ba 'yan, Lisa. Pinapaiyak mo ako," sabi niya bago mabagal na pinunasan ang mga naglandas na luha.

Tumawa ako nang mahina. Nangingilid na rin ang luha sa aking mga mata. Bahagyang tumawa si Nanay at kitang-kita ko ang saya sa kaniyang mukha.

Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito kasaya. Palagi'y subsob siya sa trabaho at hindi gaanong ngumingiti. Naiintindihan ko naman dahil kailangan niyang kumayod para sa mga check-ups ko noon.

Hindi ko makakalimutan ang mga sakripisyo nila para sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top