Chapter 4

CARLA

"YES NAMAN, NAKA-DRESS! Nag-ready 'yan?" biro sa 'kin ni Max habang nag-aayos ako sa tapat ng salamin.

Natawa na lang ako. Alam na niya kasi ang tungkol kay Zian, kaya heto, ilang araw na niya akong inaasar.

The open market is happening today so I'm prepping. Handa na ang mga paintings na dadalhin ko. Ako na lang 'tong hindi pa ready. Pinilit-pilit ko pa kasing mag-dress kahit na hindi naman ito ang usual kong style. Ewan ko ba, ilang taon na akong sumasali sa mga open markets simula nung nagtrabaho ako rito, pero ngayon lang ako sobrang na-tense. Palibhasa, darating si Zian.

"How do I look in this?" Humarap ako kay Max para ipakita nang maayos ang sundress at sneakers na suot ko.

"I love it. Pero 'yung boobs mo talaga ang nagdadala. Magkano nga ulit ang pagawa mo diyan? Saganang-sagana, e."

Natawa ako. "Baliw! This is all natural. Tsk, wag mo nang pansinin 'tong boobs ko kasi wala na talaga akong magagawa rito. Kahit na anong suotin ko, malaki talaga siya."

"Kaya nga e. Nakakainggit." Umarte pa siya na nalungkot, tapos nag-handa na rin. He's coming with me to assist. "Are you sure na pupuntahan ka talaga mamaya niyang bumbero mo?"

"He told me he'll try to make it," sagot ko. "Nakakainis nga kasi hindi ko nakuha ang number niya. Hindi tuloy ako makahingi ng update. Pero sana talaga matuloy siya."

"Sana nga, para maipakilala mo naman ako."

I jokingly shot him a look. "At bakit naman kita ipakikilala?"

"Aba syempre naman! Kababayan natin 'yon, tapos hindi mo man lang ako ii-introduce? Ano, gusto mo sa 'yo lang siya?"

Natawa ako sabay bumalik sa paglalagay ng lipstick. "Sige na nga, kapag pumunta talaga siya mamaya, ipakikilala kita. But please behave, okay? Baka asar-asarin mo ako sa kanya, nakakahiya. Parang hindi pa naman natin siya ka-humor."

"Oo naman, syempre hindi kita ilalaglag." Umupo siya sa couch para ayusin ang mga scripts niya na nagkalat na naman. "Grabe, hindi ko talaga inexpect 'yung kay Zian. Parang kelan lang, sinabi mo sa 'kin na hindi mo kailangan ng lalaki, tapos malaman-laman ko, nagpapasok ka na rito sa bahay."

I stifled a laugh. "Hindi ko rin naman inexpect na magiging interisado ako sa kanya. He's nice and he's really cute. Kaya nga kahit na mukhang ako 'yung nagpapakita ng motibo, niyaya ko talaga siya sa open market."

"And I love that for you. Ganyan dapat, kumikilos ka. Hindi 'yung naghihintay ka lang kung kelan ka ulit gaganahan sa lalaki. Tsaka hindi na uso ang pakipot ngayon. Hay naku, buti na lang talaga nalaman ko kung sino siya at na-stalk natin siya sa Facebook. At least we found out his name."

"Actually, hindi ko lang sinabi sa 'yo, pero nakilala ko na talaga siya bago pa natin siya nakita sa fire emergency. I first saw him at the Piers Park. Nagpe-paint ako no'n, tapos naingayan ako sa kanya kasi may kaaway siya sa phone, kaya sinita ko siya. Nagpakilala siya sa 'kin, pero hindi ko naman talaga sineryoso. I just didn't expect I would see him again."

Biglang nanlaki ang mga mata niya. "Bakla ka ng taon! So kaya ka pala niya nginitian last time? Sabi mo sa 'kin, hindi mo siya kilala, tapos kilala mo pala. Ikaw talaga!" Bigla niya akong binato ng lapis na gamit niya sa mga scripts.

Natawa na lang ako. "E alam ko kasing aasarin mo lang ako no'n. Though honestly, I couldn't remember his name at first either, so it's still good you found him."

"Thanks to me pala talaga, 'no?" sagot niya sabay sabay humilata muna sa couch. "My god, Carla. I am so drained. Parang hindi na ako aabot nang buhay sa show namin."

"That's two weeks from now, right? Nakapag-empake ka na ba ng mga gamit mo?"

"Nag-umpisa na, pero hindi pa tapos. Wala talagang time, e."

Max will be gone for a couple of months. Sa Orlando kasi gaganapin ang susunod nilang theatre play. Sanay naman na ako na palagi siyang matagal na nawawala, at okay lang din sa 'kin kasi nakakapag-paint ako nang maayos.

"You'll be back here by the end of summer, won't you?" tanong ko sa kanya.

"Oo, nandito na ako no'n."

"I can help you pack your stuff. Medyo maluwag naman ang oras ko ngayon kasi wala pa akong new classes."

"Sige nga, tulungan mo na ako kasi sukong-suko na ang katawang lupa ko."

Napangiti ako nang mapait sabay tumingin sa kanya. "Magpahinga ka na lang kaya muna ngayon? This is your only break from the rehearsals. Kaya ko naman e."

"Hindi pwede, ano ka ba. Syempre susuportahan kita sa lahat ng mga ganap mo sa buhay. All I need is a strong black coffee, and I'm set."

"Thank you, Max. Sige, ililibre kita ng kape mamaya. Pero 'yung mura lang, ha?"

"Napaka-kuripot mo talagang bakla ka. Ako pa nga 'tong pagbubuhatin mo niyang mga paintings mo, tapos murang kape lang?"

Natawa ako. "Fine! E 'di i-a-upgrade ko na lang." Tinapos ko na ang pagme-makeup ko at sinimulan nang ilabas ang mga paintings at iba kong gagamitin sa booth.

Tinulungan na agad ako ni Max. Siya ang nagbuhat sa mga mabibigat na gamit.

Sobrang naa-appreciate ko siya sa mga ganitong pagkakataon kasi kahit na labag sa kalooban niya, talagang nagpapaka-lalaki siya para sa 'kin.

Though at first look, you wouldn't really guess he's gay. Gwapo rin kasi siya at lalaki ang dating. Wag mo lang talaga siyang pagsasalitain kasi do'n siya mahahalata.

"Is your boyfriend dropping by later?" tanong ko sa kanya habang nilalagay na namin ang mga gamit sa likod ng ni-rent naming sasakyan. Foreigner ang boyfriend ni Max.

"Of course," he said. "Hahabol siya. Alam mo namang kami ni Andrew ang dalawang top fans mo rito sa Boston. Pero baka maging tatlo na pala kasi nandiyan na si Zian. Ayiiee!" Siniko-siko niya pa ako.

Napapigil ako ng ngiti. "Tumigil ka nga. Wala pa nga e. Ni hindi ko alam kung magpapakita pa siya sa 'kin ulit. Pero sana."

• • •

The open market was packed!

Hindi naman ito ang first day pero sobrang dagsa ang mga tao. Partida, iba ang init at lagkit ngayong araw, nakakapagod maglibot. Mas dumami rin ang mga booths this year. There are literally hundreds of local vendors, food trucks, and artists like me.

At first, hindi ko talaga namalayan ang oras kasi naging busy ako sa mga pop-up art classes. Pero ngayong hapon na at nagtitinda na lang ako ng mga paintings, medyo nalulungkot na ako. Hindi pa rin kasi dumadaan si Zian.

Feeling ko nga nalusaw na ang make-up ko na ang tagal kong ginawa kanina dahil sa sobrang init. Ngayon ako nagsisi na hindi ko nakuha ang number niya. Wala tuloy akong balita kung matutuloy ba siya o uuwi na lang kami.

"Still no signs of him?" biglang tanong sa 'kin ni Max na nagfe-freshen up kasi pawis na rin siya.

Umiling ako. "Hindi na siguro siya dadaan. Okay lang, baka may emergency sila o sadyang ayaw na niyang magpakita sa 'kin."

"Hey, don't be such a pessimist. Darating 'yon. We still have an hour before we pack up so relax, hmm?" He even tapped my head.

Napangiti na lang ako nang mapait. Ewan ko ba kung bakit naaapektuhan ako. Dapat sanay na ako kasi matagal naman na talaga akong walang ine-entertain na lalaki.

It's 5 p.m now. Natapos na lang ang oras namin, pero wala pa ring dumating na Zian. Tahimik na tuloy ako ngayon habang nililigpit ang mga natirang paintings at ibang mga gamit sa booth. Katulong ko si Max at ang boyfriend niya.

Mayamaya lang, bigla akong siniko ni Max. "Carla, oh my god, I think he's here."

"Tsk, wag mo na nga akong inaasar. Kita mong malungkot na 'yung tao, e."

"Hindi kita inaasar. He's really here! Siya 'yan, 'di ba?"

Lumingon ako sa tinuturo niya, at tama nga! Nakita ko si Zian na nakatayo mula sa malayo. He even waved at me!

Hindi ko napigilang hindi mapangiti nang malapad. Kumaway rin agad ako sa kanya.

"Tingnan mo, ayaw mo pang maniwala sa 'kin. Sige na, puntahan mo na muna siya."

"Okay. Thank you!" Nag-ayos lang ako saglit ng itsura, tapos sinalubong ko na si Zian na palapit na rin sa booth.

He's wearing a cap but you can still tell how incredibly handsome he is.

"Hey!" bungad ko sa kanya.

"Hey." Ngumiti naman siya nang mapait sabay tingin sa booth ko na nililigpit na ngayon. "I'm sorry I didn't make it on time. Rough day at work."

"It's okay! Alam ko naman na demanding talaga ang trabaho niyo, e. Ang importante, nakarating ka. Tara muna, ipakikilala kita sa kaibigan ko. Pinoy rin 'yon."

Pumunta kami sa booth. Nakakatawa nga si Max kasi malayo pa lang, nakangisi na siya sa 'kin. I'm sure tadtad na naman ako ng pang-aasar sa kanya nito mamaya.

"Zian, this is Max," pagpapakilala ko. "Siya 'yung kasama ko sa apartment."

Nakipag-kamay agad siya kay Max. Pinakilala ko na rin siya sa American na boyfriend ni Max. They had a small talk. Nakakatuwa kasi ganito 'yung mga gusto kong tao e, 'yung hindi namimili ng kausap.

"You two go ahead," biglang sabi sa 'min ni Max. "We'll take care of it here. Gumala muna kayo habang may bukas pang mga booths."

"A-are you sure?" tanong ko.

"Of course. Kami na ni Andrew ang mag-uuwi ng mga paintings mo sa apartment. Mag-enjoy ka muna."

"Thank you." I mouthed the words then hugged him warmly. "Tell Andrew to drive safe and let me know when you two get home."

Nagpaalam lang din si Zian sa kanila, tapos umalis na kami.

"How was the event?" tanong agad sa 'kin ni Zian.

"It was fun! Sobrang busy kasi magkakasunod ang mga painting lessons ko kanina. Kung maaga ka ngang nakapunta, baka hindi rin kita naasikaso e." Kunwari ko lang kasi willing naman talaga akong i-prioritize siya.

"Congratulations," sabi niya naman. "I really did my best to show up early. Nakita pa kita kanina bago kayo magligpit. Ang daming bumibili ng paintings mo. You really stood out."

"So kanina ka pa pala, pero hindi mo agad ako pinuntahan?"

Napaiwas siya ng tingin. "Nahiya ako. You have a lot of fans."

"Baliw!" Pinalo ko pa siya sa braso na para bang close na talaga kami. "But really, I appreciate you for making the effort. Nagka-emergency ba ulit kayo?"

"Yeah, another structural fire. I got bruised." Pinakita niya sa 'kin ang kamay niya na may bandage.

My eyes went wide. "Oh my god! What happened?" Hinawakan ko pa ang kamay niya para tingnan nang mabuti.

"Nabagsakan lang," sagot niya. "But all good, that's already been treated."

"Are you sure? Grabe, na-injure ka pala, tapos pinilit mo pang makapunta ngayon. Baka sobrang sakit naman nito?" Hinaplos ko ang kamay niya.

"No, it's okay. Malayo sa bituka."

Napangiti ako nang mapait. "Kawawa ka naman. Wala bang nag-aalaga sa 'yo?"

Bigla siyang napangiti sabay umiwas ng tingin. Ang cute niyang mahiya. Ang tangkad niya kasi at makisig pero ang cute na hindi siya makatingin sa 'kin.

"Tara, kain muna tayo?" sabi ko na lang. "May mga bukas pang food trucks."

"Sure. My treat because you did great today."

"Ay! 'Yan ang gusto ko. Hindi kita hihindian diyan."

He chuckled then we headed for the food stalls.

Habang bumibili, nagpaalam muna si Zian na may tatawagan. Kaya ako na lang muna ang naghintay sa mga pagkain. It's okay though, because he paid for everything. We ordered sausages, wings, and craft beers.

Dinala ko muna ang pagkain sa kalapit na vacant table. Buti na lang hindi pa naliligpit lahat ng mga mesa sa labas kasi marami-rami pa ring kumakain at tumatambay. Ang saya ng mga ganitong events kasi once a year lang siya nangyayari.

Zian was still on the phone, and he looked serious. Parang kasigawan na naman yata niya 'yung kausap niya. Napapaisip na tuloy ako kung sino ba 'yon.

Matapos niyang makipag-usap, kinawayan ko agad siya para makita niya kung saan ako nakapwesto.

Doon lang siya muling ngumiti. Pumunta siya sa 'kin at umupo sa katapat na silya. "I'm sorry, I had to make that call. Importante lang."

"It's okay. Work-related?"

"No. Just someone from the Philippines."

"I see. O, kain ka na." Binigay ko na sa kanya ang sausage at baso ng craft beer.

Nag-umpisa na kaming kumain, pero may mga times na nahuhuli ko siyang natutulala. Ang weird kasi hindi naman ganito ang aura niya kanina. Nagbago lang pagkatapos niyang makipag-usap sa phone.

"Is everything okay?" tinanong ko na.

Hindi siya sumagot. Ang layo lang ng tingin niya na parang hindi niya ako narinig.

I tapped his arm. "Zian?"

He finally snapped back to himself. Napatuwid agad siya ng upo sabay pumikit nang mariin. "I-I'm sorry. What were you saying?"

Napangiti na lang ako nang mapait. "You're feeling off, aren't you? Natutulala ka na at kanina ka pa tingin nang tingin sa phone mo. May kaaway ka na naman ba?"

Nahiya na yata siya kasi bigla niyang tinago ang phone niya. "I'm really sorry."

"What's wrong?"

"Nothing."

"Come on, you can tell me."

Napangiti na siya. "Sorry. This is your day, hindi dapat 'to tungkol sa 'kin. Pasensya na, bigla lang talagang nagulo ang utak ko."

"Ano ka ba, okay lang! Magkwento ka para may topic tayo. Sakto, marami tayong food. Ano ba, tungkol ba 'yan sa long story na binanggit mo sa 'kin last time?"

Nagbuntong hininga siya bago tumango. "Yeah, but you won't want to hear it. Baka magbago lang ang tingin mo sa 'kin. Mawalan pa ako ng bagong kaibigan."

"Napaka-drama naman nito. Sabihin mo na. What is it, family problem? Lovelife? Money? Pag pera 'yan, hindi kita matutulungan, ah? Alam mo namang broke rin ako."

He chuckled. "No." Then he looked at me. Bigla na ulit sumeryeso ang mukha niya. "I feel like I can trust you. Will you listen without judging?"

Tinaas ko agad ang kanang kamay ko. "I promise."

Huminga ulit siya nang malalim, tapos tumingin sa malayo. "I love someone back home. Naalala mo 'yung sinabi ko sa 'yo na may hinihintay akong sumunod sa 'kin dito? That's her. Her name is Vanessa."

Napabagsak ako ng mga balikat. Wait lang, tungkol sa lovelife pala? Ako ang pumilit sa kanya na mag-open up, pero bakit parang nagsisi na agad ako?

"I thought you're single," sabi ko na lang.

"Technically, I am."

"Hindi ko maintindihan. Is she your ex?"

"I had an affair with her. She's married."

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Your support, votes, and comments fuel my writing like nothing else, so please keep them coming. 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top