Chapter 3

CARLA
"GOOD MORNING, MAXIMO!" masayang bungad ko kay Max nang tawagan ko siya. "Are you up now? Pauwi na ako, pero dumaan muna ako sa cafe. I bought us coffee and our favorite bagels."
"Sis! Lutang ka na naman. I told you last night my rehearsal is at 9 a.m. Nakaalis na ako ng apartment."
"Ay shit, oo nga pala. Akala ko mamaya pang tanghali. Naka-order pa naman na ako, hinihintay ko na lang."
He chuckled on the other line. "Tsk, lumilipad na naman ang isip mo. Just save them for later. Iinitin ko na lang pagkauwi."
"Sige. Dumaan din pala ako sa grocery store kanina. Paubos na kasi ang laman ng fridge. Bayaran mo ako ng share mo, ha?"
"Yes, ma'am! Ikaw talaga, pagdating sa pera, diyan ka hindi nakakalimot. Sige na, I'm running late."
"Alright! Galingan mo sa rehearsal." Binaba ko na ang tawag at sinuksok ang phone sa crossbody bag ko.
Nakalimutan ko talaga na maaga nga pala ang rehearsal niya ngayon. Wala ako sa sarili kasi muntik na rin akong ma-late kanina sa pagkikita namin ng dati kong estudyante.
Max is a theatre actor. Mas busy siyang tao kaysa sa 'kin, lalo na ngayon na may papalapit silang show. He's also taking shifts at a local bar to help pay the bills. Siya ang pinaka-una at nag-iisang close friend ko rito sa Boston. I met him during an art festival. When my aunt and her husband left, I decided to move in with him so we could both save on expenses. Mabilis kaming nagkasundo kasi parehas kaming artist. Actually, para na nga kaming magkapatid.
Ilang saglit pa ay dumating na rin ang mga inorder kong brewed coffee at bagels para sana sa amin ni Max.
"Here, Carla. Have a great day!" bati ng barista sa 'kin. Kilala na ako rito kasi dito ako palaging bumibili ng kape.
"Thank you!" Tinanggap ko lang ang order, tapos ay dumiretso na sa table kung saan ko muna iniwan ang mga paper bags na dala ko from the grocery store.
Nung binitbit ko na lahat ng mga pinamili ko at palabas na sana ng cafe, bigla na lang nabutas 'yung isang paper bag at nahulog lahat ng mga lamang prutas at gulay sa sahig!
"Oh, shoot!" Nataranta ako, pero hindi ko alam kung papaano ko mapupulot lahat kasi may dala pa akong mga kape at ibang mga paper bags.
Nagulat na lang ako nung may lalaki na biglang lumapit sa 'kin.
"Let me help you." Isa-isa niya agad na pinulot ang mga nahulog.
"Oh my god, you're a savior. Thank you!"
Sumulyap siya sa 'kin at doon ko lang siya nakilala. It's him again! 'Yung firefighter na nakilala ko sa Piers Park!
"Z-Zian?"
Napakunot siya ng noo na halatang nagtaka kasi natatandaan ko pa ang pangalan niya. Ngumiti na lang siya, tapos umalis saglit para manghingi ng bagong paper bag mula sa barista. Doon niya nilagay ang mga nahulog kong grocery items.
"Where are you headed?" He then asked. "I can take some of these for you."
"H-home. I'm heading home."
Hindi ko alam kung bakit ako nauutal, e Pinoy rin naman itong kaharap ko.
Ngumiti lang ulit siya, tapos pinagbuksan na ako ng glass doors. Ewan ko pero biglang gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. I let him carry some of my stuff, then we headed out of the cafe.
Pasimple ko pang inayos ang buhok ko habang naglalakad na kami. I have a short wavy hair. Nakakainis kasi hindi ako prepared. I'm only wearing high-waisted shorts and loose-fit graphic tee.
While him, he looks so fine. Partida, naka-simpleng chinos at plain crewneck shirt lang siya, pero mukha siyang Hollywood celebrity. Ang tangkad niya at ang tangos ng ilong. His hair is short and neatly kept. Ngayon ko napatunayan na siya talaga 'yung lalaki na ini-stalk namin ni Max kagabi.
"Thank you for the help," sabi ko sa kanya. "It's Zian, right? Tama naman ang pagkakaalala ko sa pangalan mo?"
He smiled a little. Ang gwapo niya lalo kapag ngumingiti. "Yes. I didn't expect you'd remember it. Ang sungit mo kasi nung unang beses tayong nagkita."
"I'm sorry! I'm better than that, I promise. E ako, naaalala mo pa ba ang pangalan ko?"
"Carla?"
"Tama. Akala ko rin nakalimutan mo kasi wala ka rin sa mood that time. May kaaway ka sa phone. Buti ngayon, kalmado ka."
Napangiti lang ulit siya. "Where do you live?" pag-iba niya sa usapan.
"Meridian Street. Malapit lang. Nakita nga kita kahapon, 'di ba?"
"Yeah. Were you affected by the fire?"
"Hindi naman. Medyo malayo sa apartment namin. Pinanood ko nga kayo mula sa bintana hanggang sa maapula niyo ang apoy. How long have you been firefighting here?"
"Paputol-putol ako, e. I've trained here before, pero taga-Pilipinas talaga ako. I just returned here a year ago."
"Oh! So pabalik-balik ka rito? I bet you're rich."
Natawa siya sabay umiling. "No. Just an ordinary guy."
Sus! Pa-humble pa 'to. E na-stalk ko na siya magdamag kaya may alam na ako sa background niya. Nagtataka nga ako kung bakit parang iba ang pagkatao niya rito.
"How about you?" bigla niyang tanong sa 'kin. "You were raised here?"
"No. Laki rin ako sa Pinas. I only moved abroad four years ago. Medyo matagal-tagal na, pero nangangapa pa rin ako hanggang ngayon." Bumuntonghininga ako. "Thank you pala ulit sa pagtulong sa 'kin, ah? Kaya ko naman nga sanang bitbitin 'to lahat kung hindi lang nabutas 'yung paper bag."
"It's okay. Parating ka pa lang kanina sa cafe, pansin ko nang ang dami mong dala."
"Alam mo, ang weird na palagi na tayong nagkikita. You're not following me, aren't you?"
He chuckled. "I don't think so. I live nearby."
"Ah, akala ko sinasadya mo na magkita tayo, e."
Tuloy-tuloy kami sa pagkikwentuhan hanggang sa makarating kami sa apartment.
Hindi siya masyadong nagsasalita. Baka nahihiya pa siya kasi kakakilala lang namin. Tsaka parang ang lungkot ng mga mata niya. Ewan ko kung pagod lang ba siya dahil sa fire emergency nila kahapon o sadyang problemado siya. Nonetheless, I'm enjoying his presence.
"Make youself at home," sabi ko sa kanya pagkapasok namin sa apartment.
Hindi na ako nagdalawang isip na yayain siya sa loob kasi kababayan naman tsaka tinulungan niya ako.
"Just put my stuff here." Nilagay ko ang mga bitbit kong kape at paper bags sa kitchen counter. Tapos dumiretso ako sa center table para ligpitin ang mga naiwang scripts ni Max.
"Pasensya na, ha," sabi ko kay Zian. "Magulo rito. I'm sharing the apartment with my friend. He's a theatre actor kaya ang daming scripts sa paligid."
Hindi niya naman ako sinagot. Paglingon ko, pinagmamasdan niya na pala kasi 'yung mga paintings ko na nagkalat naman sa kabilang gilid.
Nakatalikod siya mula sa akin. His hands were tucked into his pockets as he stared intently at my works.
Napangiti ako. Ang tangkad niya talaga. I'd guess he's about six feet? Halata mo rin na batak na batak siya sa trabaho kasi ang ganda ng tindig niya at ng katawan niya—broad shoulders, sculpted biceps, and toned frame from probably years of firefighting. Sa dami ng mga foreigners na nakakasalamuha ko araw-araw, sa Pilipino pa rin pala ako maga-gwapuhan.
"You paint so well," bigla niyang salita kaya napabalik ako sa sarili. "You sell your works?"
"Mm-hmm. Pandagdag kita rin. Pero art instructor talaga ang trabaho ko rito. I teach painting classes. Sorry ah, hindi ko na rin naayos ang mga kalat ko diyan. Hindi kasi kami sanay na nagkakaroon ng bisita, e. 'Yung boyfriend lang ng kaibigan ko ang madalas na nagpupunta rito."
"It's okay. I like the artsy vibe of your place."
"Maliit nga lang 'to. I'm sure mas malaki ang tinitirhan mo."
Natawa siya. "No. I'm broke."
Tingnan mo 'tong lalaking 'to, pa-low profile talaga, e. Napangiti na lang ako.
Mayamaya, napansin ko na lang na ang tinitingnan niya naman ay 'yung mga nude paintings ko sa gilid!
Pahigop na dapat ako ng kape pero nataranta ako at napapunta agad sa kanya para itago ang mga paintings. "Uhm, off limits dito. Bawal tingnan."
"Oh, sorry, pero nakita ko na."
"Wag mo na lang tingnan ulit. R-18 ang mga 'to."
I heard him chuckle softly. "That's okay. We're both adults here."
"Kahit na. Kakakilala pa lang natin, kaya nahihiya pa ako."
"You sell those nude paintings, too? Maybe I can buy one."
Nagpigil ako ng ngiti. "Naughty ka, ha?" biro ko. "But yeah, I also do art commissions. Lahat ng pwede kong pagkakitaan gamit ang kamay ko, pinagkakakitaan ko."
Bumalik na ako sa mesa. "Uhm, Zian, if you're not in a rush, how about a coffee before you go? Dalawa ang nabili ko, e. Akala ko kasi maaabutan ko pa 'yung kasama ko rito sa apartment."
He smiled at me. "I just had coffee at the cafe. Pero sige, inumin natin 'yan para hindi masayang."
Humila siya ng upuan at pumwesto sa tapat ko.
Natutuwa ako kasi ang bait niya. Hindi halata sa kagwapuhan niya na ganito siya makisama.
I handed him the coffee and took out the bagels, too. "So, you live alone here? Or are you with your family?"
"I live solo in my apartment."
"No roommate? Wife? Girlfriend?"
Nagpigil siya ng ngiti. "All alone. Pero may hinihintay akong sumunod sa 'kin dito."
"I see." Iniwanan ko muna siya para umpisahang ipasok ang mga pinamili kong grocery items sa fridge.
"You need any help?" Alok niya pa.
"Nope, I'm okay. Masyado ka nang mabait. How old are you, by the way? Or is it top secret?"
"I'm 26."
Bigla akong napalingon sa kanya. "Mas matanda ako sa 'yo? I'm 27."
"That's nice. Tawagin ba kitang 'ate'?"
"Uy, wag naman! I still look younger than you."
Natawa siya. Kaloka 'tong lalaking 'to. In-ate-zone pa ako.
"Taga-saan ka sa Pilipinas?" tanong ko na lang.
"Manila."
"Ah . . . ako naman, tiga-Baguio. My family still lives there. Ang tita ko ang tumulong sa 'kin na makapunta rito. Hindi pa nga ulit ako nakakapag-bakasyon sa Pinas, e."
"Even once? Why?"
"I'm broke, too."
Natawa ulit siya sabay humigop ng kape.
"But I miss them so much," dagdag ko. "Ang hirap malayo sa pamilya. But you know what, I love it here. I've been absolutely romanticizing every bit of my life ever since I moved. Pangarap ko kasi 'to."
Bumalik ako sa mesa para kumagat sa bagel. "How about you? I'm sure you also miss your family back in the Philippines."
"Yeah, I miss them, too. Pero malamang, hindi nila ako nami-miss."
"Why? Aren't you on good terms with them?"
Bigla siyang huminga nang malalim. "Long story."
"I'm a good listener. You can share it with me if you're comfortable."
Napangiti siya. "Alam mo, akala ko talaga nung una masungit ka."
"Tsk, wag ka nang naniniwala sa mga first impressions na 'yan. Hindi 'yan palaging totoo. To be honest, wala lang talaga ako sa mood that day kasi I was on my period. Pero hindi talaga ako gano'n."
"I get what you mean. My younger sister's the same way. Inaaway niya ako kapag meron siya."
"'Di ba? Ang hirap maging babae. Though madalas din talaga akong napagkakamalang masungit. Probably because of my Asian eyes."
Bigla siyang napatitig sa mukha ko. Na-conscious ako kaya umiwas agad ako ng tingin sabay humigop ng kape.
"Uhm, curious pala," sabi ko na lang, "firefighter ka rin ba sa Pilipinas?"
"Kind of. I was only part of a volunteer group. Hindi ko siya kayang gawin nang buong-buo kasi may trabaho ako."
"Like a different day job?"
"Yes. I help run my family's companies. Dito ko lang talaga nagagawa ang gusto ko."
"Aah..." tumango-tango ako.
I get it now. Nagme-make sense na sa 'kin kung bakit gano'n ang mga photos niya sa social media. Iba pala ang buhay niya sa Pinas.
"You seemed successful back home," sabi ko. "Bakit nag-Amerika ka pa? Naging broke ka tuloy."
Bigla siyang ngumiti nang mapait.
Hindi niya ako sinagot, kaya ako na lang ulit ang nagsalita. "Long story?"
He chuckled. "Yeah, long story."
"I understand. So, why firefighting then?"
"Wala lang. Mas nakaka-gwapo lalo, 'di ba?"
Tiningnan ko siya nang masama.
Natawa naman siya. "I'm just kidding. My late grandfather used to be a firefighter in his youth. Close ako sa kanya nung nabubuhay pa siya kaya na-impluwensyahan niya ako."
"Oh, that's cute! Ang galing. Ang interesting ng buhay mo."
"I don't see it that way. Ikaw nga ang mas interesting." Bigla siyang lumingon sa mga paintings ko sa likod. "You're a great artist. I'm a fan now."
"Sus! Baka naman kasi nakita mo lang 'yung mga nude paintings ko kaya ka biglang naging fan."
Napainom agad siya ng kape para magpigil ng ngiti. Mga lalaki talaga, e. Pero at least ramdam kong nagiging kumportable na siya sa 'kin. Hindi katulad kanina na parang pigil na pigil siyang sumagot tapos ang lungkot pa ng mga mata niya.
Saglit pa kaming nagkwentuhan bago ko na-realize na baka kailangan na niyang umuwi. Hindi rin kasi siya nagpapaalam. Feeling ko nahihiya siyang sumingit sa 'kin kasi tuloy-tuloy ang kwento ko.
"Thank you for the coffee," sabi niya sa 'kin habang tinutulungan na akong magligpit ng pinagkainan. "I enjoyed chatting with you."
"Me too. It was a nice break. Sorry kung ang daldal ko, ngayon na lang ulit kasi ako may nakakwentuhan na Pinoy bukod sa kasama ko rito sa apartment."
"It's okay. Ako rin naman."
Hinatid ko na siya papunta sa pinto, pero bago pa siya makalabas, may bigla akong naalala. "Oh, Zian. Wait."
Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko para kunin 'yung flyer para sa susunod kong event. Tapos lumabas agad ako para ibigay sa kanya.
"Here. I'll be at the open market this weekend for a pop-up class and to sell some paintings. You probably have work, but I hope you could drop by."
Tiningnan niya muna ang flyer bago siya ngumiti sa 'kin. "I'll try to make it."
'Yun lang ang sinabi niya, tapos muli nang nagpaalam at naglakad paalis.
Hindi pa naman muna ako nagsara ng pinto. Pinagmasdan ko muna siya habang palayo siya.
There's something mysterious about him. Lalo ko pa tuloy siyang gustong makilala. I know I'm being a little bold, but he's just my type. Sana talaga makapunta siya sa event ko para makita ko siya ulit.
TO BE CONTINUED
Thank you so much for reading this chapter! Your support, votes, and comments fuel my writing like nothing else, so please keep them coming. 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top