Chapter 25

Eastern U was celebrating the championship, and a bonfire was being held later this evening. Adi was watching the game through her phone while cooking lunch and was so proud that Zed would graduate with a championship.

Nasa university na ito para sa lunch kasama ang management kaya naiwan siya at susunod na lang mamayang hapon. Balak niyang maagang magpunta para na rin dumeretso sa admin para i-check kung anong courses ang puwede para sa kaniya.

Adi was thinking master's degree, but was also interested in getting another degree. Kahit nga raw mag-medschool o law school, okay lang kay Zed na magbabayad ng tuition niya. Kahit anong course, puwede... but she just wanted simple, not time-consuming.

Busy silang mag-asawa nitong mga nakaraang araw dahil bukod sa games, inasikaso nila ang tungkol sa kaso ng mga taong involved sa libel na ikinaso niya. Hindi siya umatras, hindi siya nagpatawad. Zed supported her althroughout.

The students were expelled from the university, too.

She knew the consequences, the possible future... but those people who nearly ruined her reputation and marriage should know that every action had consequences they must face. Naawa siya, pero sa batas, kailangang harapin ng mga ito ang ginawa sa kaniya.

What those people did to her was unjustifiable, regardless of their future. Bata pa, matututo pa... ngunit hindi rin matututo kung hindi tuturuan. Malungkot siyang humantong sila sa ganoon, pero hindi niya hahayaang mayroong sumira sa kung ano ang mayroon siya.

Zed had the bigger role regarding this decision. Sinuportahan siya at ito pa ang madalas na kausap ng abogado nila. Palagi rin niya itong kasama sa lahat ng proseso at ramdam niya ang galit.

The internet remembers. Sadly.

She knew she didn't deserve to be humiliated publicly. Isa pa, binasa niya ang mga fantasy tungkol sa kaniya. Isa iyon sa ikinagalit niya, kung paano siya bastusin, kung paano banggitin ang pornsites, at na sana raw ay mawala ang phone nila ni Zed baka sakaling may video na puwedeng mapanood.

That was just... disgusting.

Wala silang intimate videos ni Zed. They never tried, not even thought about it. May respeto sila sa isa't isa. No shame on those who liked doing it; it wasn't just them.

Bago mag-alas dos, nag-ayos na siya at nag-carpool lang papunta sa university. Dala naman kasi ni Zed ang sasakyan at sabay na silang uuwi. Sa gate pa lang, narinig na niya ang ingay ng university drummers mula sa loob. Mukhang nagkakasiyahan na, naghihintay para sa malaking apoy mamaya.

Nag-message siya kay Zed na nasa school na siya at pupunta muna sa admin building ngunit wala siyang na reply.

Pagpasok pa lang sa loob, binati na kaagad siya ng isa sa mga empleyado dahil nakakailang balik na siya para tingnan ang courses na available. Ilang beses na ring nag-suggest sa kaniya ang admin na puwede siyang kumuha ng law. It was interesting, but time consuming.

"By the way, Adi... baka gusto mong magturo ulit?" pag-offer ni Ma'am Trisha. "May available positions for part time. We're aware naman na hindi ka naghahanap ng fulltime now, baka lang interested ka. Marketing and finance ang current hiring namin."

Sandaling tumigil si Adi sa pagbabasa at inalala ang nangyari sa kaniya sa South Therium. Again, she loved teaching... but after what happened, she wasn't sure if she would even come back.

"I'll think about it po," sagot niya nang hindi tumitingin sa kausap at nag-focus sa brochure.

"Or baka gusto mo sa lower levels, Adi," muli nitong suggestion. "Sa primary school or..." Tumigil ito. "Interested ka ba sa early childhood education? Alam mo, puwede kang magturo doon habang tine-take mo 'yong program."

Naningkit ang mga mata niya at napaisip. She was never good with kids... or maybe because she wasn't exposed with them? Siya ang bunso sa pamilya. May mga pamangkin siya ngunit hindi naman niya nakasama ang mga ito dahil busy siya sa pag-aaral at trabaho.

She would occasionally spend time with her sister's kids, but with so little time.

Muling bumaba ang tingin niya sa brochure at nakita ang program para sa early childhood education at meron ding program para sa special education.

Biglang naalala ni Adi ang research na nabasa niya noong nakaraang araw at nagign topic pa nila ni Zed. It was about the statistics of autism in the Philippines. Na maraming underdiagnosed, hindi pa diagnosed dahil walang suporta ang family, financial issues dahil mahal ang diagnosis at therapy, at medyo kulang pa sa awareness.

Nagpaalam siya sa admin na nag-congratulate pa nga dahil sa pagkapanalo nila Zed. Imbes na dumeretso sa cafeteria kung nasaan ang asawa niya, naglakad siya papunta sa early education building.

Medyo maraming batang nagtatakbuhan dahil maaga ang dismisal. Ito ang unang beses na mapadpad siya sa lugar na ito. She was in Eastern U for years, but this was a new building built five years ago, noong college na sila.

Hindi ito ang building kung saan sila nag-aral ng high school.

Nakita niya ang sign papunta sa special education na medyo isolated at mayroong sariling play area. Mula sa glass windows, nakita niya ang mga batang malaking kwartong punong-puno ng educational toys, books, at therapy space.

Adi observed the lecturers inside, happily taking care of the children in the room. She noticed clapping, more smiling, laughter seen through the glass window, and even tantrums.

Meanwhile, Zed was starting to worry when Adi didn't reply to his calls. Nabasa niyang nasa university na ito ngunit halos isang oras na ang nakalilipas, hindi pa rin dumederetso sa pinag-usapan nilang lugar.

One more call, and when Adi didn't pick up, he opened his wife's GPS only to see it in one of the university's new buildings. Sandali siyang nagpaalam sa mga kaibigan at coaches niya para sunduin ang asawa.

Habang naglalakad, panay ang bati sa kaniya ng mga estudyante, ang iba ay nakikisuyo kung puwedeng magpa-picture. It wasn't new, but he kept on checking Adi's location. Nasa iisang lugar lang, hindi gumagalaw.

Nang malapit na siya sa education building, sandali siyang tumigil at tinitigan ang gusali. Malamang na nakapag-decide na ang asawa niya para sa kursong kukunin. Handa naman siya sa kahit na ano, ihahatid-sundo pa nga niya.

Nakasalubong niya ang isang teacher sa pre-school area at tinanong kung hinahanap ba niya si Adi. Tumango siya at iginiya naman siya nito sa dulong parte ng building kung saan mayroong playground na hindi niya alam. It was his first time going to this area, and surprisingly, it was a little loud from the children's laughter inside the open rooms.

Huminto sila sa isang malaking room na mayroong glass wall at tinuro sa kaniya ng kasama niyang teacher si Adi, nasa loob, walang sapatos at nakasuot lang ng medyas, nakasalampak sa carpeted floor, habang nagbabasa ng libro kaharap ang anim na bata.

Zed squinted. Ten years with Adi, she never mentioned wanting to work or teach with kids. Nakikita niya itong nakikipaglaro sa mga pamangkin, pero kahit na kailan, hindi niya inasahang makikita itong nagbabasa ng libro sa harapan ng maraming bata.

He tilted his head, watched Adi laugh with the kids, while reading the book. The moment their eyes met, Adi gave him the widest smile he had seen for the past two years. Gone were the sleepy, droopy, and tired eyes.

Adi waved at him, signaling for him to wait, and he just nodded. Lumabas ang isang lalaking teacher mula sa loob.

"Good afternoon," ngumiti ito. "Sandali lang daw, tatapusin lang niya iyong isang story tapos lalabas na rin siya. Napadaan lang din siya kanina 'tapos nag-tantrums si Keina."

Tinutukoy nito ang batang babaeng nakakandong kay Adi. Nakahiga pa ang ulo nito sa balikat ng asawa niya.

Ikinuwento sa kaniya ng teacher na kasama niya sa labas na nasa play area ang batang babae, nagta-tantrums dahil gustong umuwi sa ina at lumapit kay Adi para magpabuhat.

Nalaman din niya na children with special needs ang mga nasa loob. Most were in therapy. Keina has autism and is non-verbal and very touchy. Mukhang naging kumportable kay Adi dahil nakatulog pa nga.

Zed waited and watched his wife happily engage with the little kids. Hindi pa ito makalabas dahil ayaw paalisin ng mga bata kaya naiwan sa loob, sumaway pa ng twinkle, twinkle little star.

Nakailang message na rin sa kaniya ang coaches at teammates niya dahil magsisimula na ang program, pero hindi siya sumasagot hanggang sa lumabas si Adi ng kwarto, deretsong lumapit sa kaniya.

Adi giggled as she held onto his arms. He kissed the top of her head, asked her about the little kids, and his wife happily told him how she enjoyed being inside the room. He listened. He actually did, because Adi lost this spark after entering the university to be a lecturer. This was his Audrey—the fun, always giggling, eyes sparkling, and overly excited.

"Babe, I think I know na what courses to get," Adi looked up to him, holding his hand. "Tingin mo, kaya ko? After spending them inside, parang gusto kong kuhanin ang special education. Childhood education with special needs specialization?"

Zed nodded and squeezed Adi's hand. "Oo naman. Gusto mo ba? Kung gusto mo, go for it!"

Adi bit her lower lip. "Gusto ko."


T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys