Chapter 16
Adi was lost in deep thought, thinking about what Attorney Eleven Ramirez had told her about the possible cases. Libel or cyberlibel for posting false stories about the romantic relationship that harmed her job and reputation. They could also use the Data Privacy Act for taking photos without her consent and share them online.
Nagulat siya sa ilang pictures niya na kumalat online. Wala siyang idea at iniyakan niya iyon kay Zed. Photos of her legs while sitting, close-up shots of her body, even when she was wearing appropriate clothing, and her face.
There were numerous inappropriate contents and conversations about her, too. Nahanap lahat pati na ang mga estudyanteng involved.
Nakaupo siya sa waiting area ng laundry shop at tinititigan ang pag-ikot ng laman sa loob ng washing machine na para bang masasagot niyon ang tanong sa isip niya kung itutuloy ba niya ang kaso o masiyado siyang mababaw tulad ng sinasabi ng iba.
"Hi."
Tumingala siya nang maramdaman ang paghalik ni Zed sa tutok ng ulo niya. "Hi."
Naupo ito sa tabi niya at iniabot sa kaniya ang isang chocolate bar na mayroong almonds na kaagad rin naman niyang kinain. Pareho silang nakasuot ng pambahay.
Adi wore a short maong paired with a loose old shirt from high school, flip-flops, hair tied in a messy bun, bare face, too. Meanwhile, Zed was wearing a comfortable black sweatshirt and a gray T-shirt, his baseball cap pulled backwards.
Wala naman itong ganap sa laundry, pero sumunod nang malamang nandito siya para ayain siyang mag-merienda dahil mayroong malapit na ihawan sa area. Since it would take an hour for her entire load to finish, they decided to walk around the block and eat.
At habang naglalakad, patagilid namang tiningnan ni Zed si Adi. Gone was the posture and aesthetic; this one walking with him was... homey.
Huminto sila sa isang kanto na mayroong usok at nagtitinda ng iba't ibang inihaw. Kumuha si Zed ng pinggan para ilagay kung ano ang ipaluluto nila at saka naglagay ng isaw, ulo ng manok, leeg, at tenga. Sa kabilang tindahan, bumili naman si Adi ng dalawang buko shake na nasa bote.
Nakangiting lumapit si Adi sa kaniya at iniabot ang isang bote. Tinanong nito kung anong binili niya at kung bakit ang dami.
"May kanin ka ba sa condo?" tanong niya kay Adi na nagsalubong ang kilay. "Doon na lang natin kainin 'to."
"Bili na lang tayo," malapad itong ngumiti. "Hindi pa ako nagsasaing, eh."
He knew.
Sa ilang buwan nilang nagkasama simula noong napadalas siya sa condo nito dahil sa study sessions nila, alam niyang hindi nagluluto si Adi. Ni walang laman ang ref kung hindi bottled water. Madalas itong kumakain sa labas o kaya ay nagte-take out.
Nang matapos maluto ang mga inihaw, kinuha nila sa laundry ang mga damit ni Adi bago dumeretso sa condo nito. Si Zed na rin ang nag-ayos ng pagkain habang inaayos naman ni Adi ang ilang damit na kailangang ilagay sa closet.
"Gusto mong mag-grocery?" tanong niya kay Adi na lumingon sa kaniya. Tinuro niya ang ref. "Lagyan natin 'to ng laman. Kahit iyong pang-emergency snack mo lang."
Nagsalubong ang kilay ni Adi at naningkit pa ang mga mata. "May convenience store naman sa baba and I don't spend much time here."
Adi turned around and focused on fixing her closet, but knew that Zed would insist. Hindi siya nagkamali nang mag-suggest ito na bibili rin ng sariling pagkain para sa sariling condo, sabay lang silang bibili.
"So, grocery shopping is your kind of date? Is it your way of taking me out and spending time with me?" Adi faced Zed, who smiled. "Knew it."
Zed frowned. "Magiging busy ako starting next week."
"Ako rin," Adi said. "Exam week, then the following week is thesis—"
Tumigil siya sa pagsasalita nang maalalang kailangang niyang i-assist ang thesis advisory niya sa susunod na linggo kasama ang grupo ni Richard. She brushed it off, and decided to work professionally, not wanting to affect her job just because.
Napansin ni Zed ang pananahimik niya at nagtanong tungkol sa desisyon niya. Hindi pa siya totally nakakapag-decide, pero base na rin sa payo ng mga magulang niya at ng ate niya, baka ituloy niya.
Naupo siya sa sofa at hinalo ang suka. "Naisip ko lang kasi, parang ano... am I just being so emotional? Ready ba akong masira ang buhay nila just to protect myself? I mean... they're just kids and maybe—"
"Kids? Bulbulin na nga 'yong mga 'yon," ani Zed na sumandal sa sofa. "They knew what they did. Those kids are acting mature on social media, so let them be mature in this situation and face the consequences of their actions."
Napatitig siya kay Zed dahil hindi niya iyon inasahan. Mababa ang boses nito, hindi nakatingin sa kaniya, at seryoso ang pagkakasabi.
"Kung hahayaan mo lang sila, uulitin nila sa iba at hindi na sila matututo. They should know that every action has a result. Lahat ng binibitiwan nilang salita, kasunod. Bukas, wala na sa kanila kung ano ang mga sinabi nila." Tumingin si Zed sa kaniya. "Pero sa 'yo o sa ibang nakaranas ng ginawa nila, it'll haunt you. For days, weeks, maybe even years."
Adi knew there was more to Zed's words.
"Naalala ko iyong sinabi sa 'kin ng isang critique," Zed bitterly smiled. "I was a nobody, wala akong mararating, I was just one of the pretty faces..." He squinted, looking proud. "Na sa basketball, mag-iingay lang ako dahil gwapo ako at walang ibubuga sa court."
Nagsimula silang kumain, walang TV, pinag-uusapan lang ang tungkol sa nabanggit ni Zed. Nanatiling tahimik si Adi, pinakikinggan ang hinanakit sa boses nito.
"Gets naman na gwapo ako," pagmamayabang ni Zed.
Muntik namang maibuga ni Adi ang iniinom na tubig, pero hindi naman siya tumanggi. "Right."
"Pero magaling din naman ako. Sa tuwing may achievement ako, naiisip ko ang sinabi niya. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi lang ako pogi. Magaling din ako!" Umiling si Zed. "But everytime I lose or maybe not doing my best, naiisip ko na siguro nga tama siya."
Adi's expression literally softened the moment she saw vulnerability from Zed. His voice cracked, and the whole demeanour changed.
"Na kahit ten years ago na iyong comment na 'yon, marami na ring nangyari, nakapag-champion na rin naman ako..." Zed gazed at her sideways. "Hindi nawawala sa isip ko ang bad commentaries about me. I take it as fuel, but whenever I'm down or not the best version of myself, naiisip ko na tama siguro sila."
Malalim na huminga si Adi, kumuha ng isaw, at saka uminom ng coke zero bago hinarap si Zed. "Hindi naman kasi puwede ring dapat nasa best version tayo, eh. We can be the best today, but also the worst tomorrow... and that's okay. Minsan kasi ang taas din ng expectation natin sa sarili natin and there are a lot of reasons why."
Zed didn't expect that this conversation would be this deep, but he was liking it. Gusto niyang naririnig ang mga sinasabi at sasabihin pa ni Adi. It was one thing he liked about her.
"Maybe we're proving something for ourselves, or maybe para sa iba. Kahit naman kasi sabihin natin na ayaw nating maging people pleaser, at the back of our minds, we wanted to please other people in ways we can," Adi continued. "Madalas na sinasabi natin na we're doing it for ourselves when in reality, not just for ourselves. We also think of what others might think about what we're doing."
Yumuko si Zed. It was true. Painfully, it was true.
"There's nothing wrong with pleasing others, just not to the extent na we'll lose ourselves in the process. Madalas kasing ganiyan ang nangyayari." Bumaba ang tingin ni Adi sa pinggan. "Ganiyan ang nangyari sa 'kin. I lost myself and a lot more in the process just to prove I am more than what I can offer."
Nagsalubong ang tingin nilang dalawa at sabay na umiwas. Gustuhin mang magtanong ni Zed, pero hindi niya magawa. He wanted to protect Adi's boundaries, just like before. Magsasabi naman ito sa kaniya kapag handa na.
"But I am working on it," Adi faced him with a bright smile. "I decided that this would be my last semester. Nagpasa ako ng resignation after I met with Attorney Eleven. She's right sa part na... the place and people could trigger something."
Zed frowned. "I'm sorry this happened. Alam ko kung gaano mo rin kamahal ang trabaho mo and—"
"Mas mahal ko ang sarili ko and this time, I wanted to protect myself. The issue isn't just internal. Gets ko pa kung ang nangyari, puwede sana naming ayusin nang walang ibang nakakaalam. But it became public news," malungkot na sambit ni Adi. "I don't want to ruin everything. You included."
"M-Me?" Zed lowly muttered. "Hindi mo 'ko kailangang isipin. I don't mind and—"
"I do mind," Adi sniffed, but tried so not to let tears dominate this time. "We're involved. My name is connected to yours. We're public, and I don't want to let people mock you or say something about you just because I have issues and..."
Adi startled when Zed kneeled in front of her and faced her. "Don't think about me. I don't care about them. Wala naman tayong dapat problemahin sa kanila. Their words against ours," he smiled warmly. "Hayaan natin sila. Para namang may ambag sila sa 'ting dalawa."
"So, okay lang sa 'yo na palagi akong nakadikit sa pangalan mo? Sabihin nila, ano ba 'yang kasama ni Zared, nakikipag-relasyon sa estudyante?" pagbibiro ni Adi.
Pinunasan ni Zed ang tumulong luha sa kanang pisngi ni Adi. "Let them talk. We know the truth."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top