CHAPTER 9
LAINERRY PO
I saw Matthias eyes full of excitement when I let him meet my friends. Not literally met. Just show him my friends photos and also I feel happy because it seems he is interested to the people around me.
Kairos restaurant is great. Surely babalikan ko ito dahil kakaiba ang lasa ng mga pagkain nila. Friendly rin ang mga employee nila kaya comfortable kumain sa lugar na gaya nito. Naunang natapos kumain ang mga tropa ni Matthias kaya nagsilabasan sila papunta sa puwesto namin. Tapos na rin naman kami ni Matthias kaya niligpit na ni Kairos ang mga plates.
“Thanks, Kairos,” sabi ko kay Kairos habang pinupunasan ang mesa.
“Would you like to try our coffee sir, mam?” suggest ni kairos na pinagtitripan naman ang apron niya ni Andrew at Shaun.
“Huwag kayong magulo nasa trabaho ako.” Kunwaring seryoso si kairos.
“Coffee? Ms. Laine?” tanong niya ulit sa akin. Hindi niya pinansin ang mga kaibigan niya.
“Ay hindi na. Salamat. Uuwi na rin naman kase ako,” saad ko na ikinalingon naman ni Matthias at nginitian ko. Kaya kinuha niya na si Yetti para ibigay sa akin.
“Hatid na kita,” giit ni Matthias.
“Hindi na. Taxi na lang ako.” Nakakahiya naman dahil iiwanan niya ang mga kaibigan niya.
“I think we should go too. Hindi na rin naman makakasama si Kairos kaya next time na lang ang Zip Line natin.” It's Shaun. Pagkasabi niya lumapit si Kairos sa amin kaya nagpaalam na kaming uuwi kahit gusto ko pa sanang tumambay kasama sila dahil wala naman akong madadatnan sa bahay. Kaso si Yetti, mukhang pagod na.
Every weekend napapadalas ang labas ko with Matthias and sometimes with his friends I feel comfortable with them. Okay naman sila kasama. Akala ko lahat lang sila kalokohan pero hindi naman. They’re youths who just enjoying their life while having a hard time studying. Mukha lang hindi halata na masisipag sila mag-aral dahil puro foodtrips at gala ang alam pero kapag hindi sila magkakasama ay puro aral din naman ang inaatupag. Natutuwa ako sa kanila lalo pa't sinabi sa akin ni Matthias na gusto nila akong kasama at kakwentuhan dahil sobrang lalim daw ng mga sinasabi ko, like hello? Asan iyong malalim? Sobrang babaw nga nang kaligayahan ko. Isa na ang maliit na nunal ni Matthias sa mukha.
For the past few months after Kuya Lander's death I feel so alone. I was not able to do much more than my basic chores. And when I'm in our house for weekends I quietly stayed in my room to study. To study more about business things. I want to received a high grades for my parents, para maging masaya sila at maging proud sa akin kahit papaano.
There are times I feel so lonely then I'm suggesting to my Mom that we will go back to our house in Laguna because Kuya's memories still there at gusto ko sanang balikan ang mga iyon pero hindi ako pinapayagan ni Mommy dahil hindi naman siya makapagsabi kay Dad dahil baka pagalitan ako. So I stayed here in our new home while grieving for him. I choose to be quiet to avoid tensions and quarrel.
After I met Matthias. He awake my slumber heart and I'm enjoying his company. Our first meet was an accident but I find it interesting. Our second meet in a rooftop was my embarrassing moment because he heard me crying. It's so cringe but I feel at ease somehow because someone was willing to listen to my dramatic life.
End of first semester I had become used to the ache in my heart. Matthias always hang with me after a school or during weekends without my parents knowing. Well, they don't care about me so I decided not to tell them my affair. Well, he's courting me. Hindi naman siya nagmamadali na maging kami.
He is the reason why I began to think about what I should do with my life. I started to smile, to laugh, to stand alone and to make fun. I miss my Kuya but I'm not usually ended crying like the past few months. Then, I'm okay celebrating Christmas without him. But his absence during the Christmas eve was still sinking in my mind and drowning me. Pero medyo okay na rin. Time heal wounds, at kahit pasko ay may trabaho sila Mommy dahil maraming umaalis at bumabalik ng bansa kaya nandoon pa rin sila sa office.
Then I found myself again in front of Matthias house. Wala si Yaya Lucy at Kuya Noel dahil umuwi rin sila sa kanya-kanyang pamilya kaya mag-isa akong naiwan sa bahay. At sigurado na umaga na uuwi sila Mommy dahil may party sa company at hindi naman puwedeng wala ang presence nila doon. They oblige me to join them to attend the holiday party to meet our employee and other business partner but I refuse. Mabobored lang ako. Matutulog na sana ako but I feel sadness. I felt suffocating. Dahil hindi ko na makitang masaya at nakangiti ang mga magulang ko even in a small amount of time. They forget the real life. They forget the true essence of family. They forget me.
Or maybe they will teaching me to be brave and alone dahil wala akong ibang kakampi kung sakaling mawala rin sila. They want me to handle everything especially in chaos time. I know our business isn't a joke that's why they focus on it and that's why I study hard dahil alam ko na doon ang bagsak ko. I leave our lonely house. The taxi stop in front of their lively house across the street then I saw Matthias waving his hand for me na parang ipinapahiwatig na welcome ako sa bahay nila. Welcome ako sa buhay nila.
“Ano nangyari? Nakasimangot ka na naman. Pasok na and wear your best smile. Hindi pa kami nagsisimula ng Noche Buena. We celebrate early dahil aantukin na si Matthew kapag naghintay kami nang hating-gabi.” My man held my hand then I felt ease.
“Thank you,” I whispered while we're entering the living room at diritso sa kusina.
“Matthew kuhanan mo ng pinggan ang Tita Laine mo,” utos ni Tito Renee nang makita ako. Expected naman nila dahil nabanggit ni Matthias na pupunta ako. Pang apat na beses ko na itong punta sa bahay nila. Hindi pa kami pero ipinakilala niya na ako sa buong angkan nila and felt overwhelmed. Tita Marie cooked my favorite sinigang na hipon with radish. Kahit hindi naman angkop sa handaan ay ipinagluto niya pa rin ako. Maybe Matthias insist because he knows we always ordered foods at home. They cooked adobong manok, spaghetti, palabok at nag-order din ng pizza sa restaurant nila Kairos. Mayroong ham at salad sa mesa. I like this house. I like this family. Simple yet full of love.
“Matthew, ito na ’yong promise ko sa’yo. Finally nabili ko na.” Inabot ko sa kanya ang maliit na paperbag nang ilagay niya ang pinggan sa harapan ko. Matthew was Matthias niece. She's five years old and super loveable.
“Wow! Talaga. Salamat Tita Laine. Mamaya ko na bubuksan sa k’warto. Makikita ni Tito,” excited na saad ni Matthew at tuwang-tuwa, sabay takbo pa papunta sa k’warto nilang mag-ina para itago ang regao. Nakangiti rin ang kanyang ina. Si Ate Michaela habang naglalapag ng pinggan sa mesa.
“Alam ko laman at mayroon din ako,” pang-aasar ni Matthias sa pamangkin nang bumalik sa upuan.
“Hala! Bakla si Tito! Lip gloss kaya laman!” tawanan kaming lahat habang paupo na rin si Tita Marie.
“Sige na. Kumain na muna at kanina pa gutom ang Papa ninyo.” Sabay naman turo ni Tito Renee sa sarili. Ginawa pa siyang rason kahit kakaubos niya lang ng dalawang slice bread. Kinuhanan ako ni Matthias ng rice dahil alam niyang sinigang ang una kong kakainin.
“Let's feast! Merry Christmas everyone!” masayang bati ni Tita Marie.
“Merry Christmas Tita Laine,” bati ni Matthew sa akin. “Merry Christmas too Matthew,” sagot ko.
Walang imik si Matthias na nakaupo sa tabi ko. Pinapakiramdaman niya ako or baka kinikilig dahil kasama niya ako ngayong pasko. Although I feel the same, at minsan hindi ko na rin naman mapigilan ang nararamdaman ko. I know he likes me because he ardently show it but I dediced, huwag muna. I'm scared to feel heartaches again, dahil naririnig ko naman iyon at nababasa sa mga books na kapag nagmahal ka ay kailangang ready ka ring masaktan at baka kapag nangyari iyon magbreakdown na ako. Tsaka almost a year pa lang kami magkakilala, hahayaan ko lang siyang ligawan. May plano na rin naman akong sagutin siya pero hindi lang makakita ng magandang tiyempo. But I let him hold my hands and hug me because he deserves it, he is a good person.
“Stay here,” sabi ni Matthias habang nakaupo kami at nagkakape sa balcony ng bahay nila pagkatapos naming magsalo-salo ng Noche Buena.
“Stay where?” Hindi ko siya magets.
“Bukas ka na umuwi sainyo,” giit nito. Nag-aalala siyang uuwi ako ng bahay tapos walang makakasama.
“I'm okay. Hahanapin ako ni Mommy,” sagot ko. Pero parang gusto ko rin ang suhestiyon niya. I love to stay in their house and making good memories during Christmas Eve' but I doubt, baka umuwi sila Mom sa bahay tas hindi ako nadatnan magagalit ang mga iyon.
“Stay here. May kukunin lang ako sa loob.” Kahit nagtataka man ay tumango na lang ako. Ilang segundo lang naman ako naghintay, nakita ko ang dalawang helmet na bitbit niya. What now? Hahatid niya na ako? Past 10:00 pa lang naman.
“Hatid mo ko?” I ask him.
“No. I'll take you somewhere,” he said. Saan kaya ako dadalhin nang lalaking ito but I trust him kaya nagpaubaya na lang ako at sumama ng tahimik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top