CHAPTER 8





MATTHIAS POV

“Bitiwan mo na ako dahil magsasara na ang clinic. Si Yetti kawawa naman.” She's pulling her hand. Ayoko pa rin siyang bitiwan. Nakakatakot baka bigla na lang siyang bungguin ng kung sino, mahina pa naman ang katawan niya. sa isip ko, ayoko siyang bitiwan agad-agad dahil hindi ko alam kung mauulit pa ito. Baka iwasan niya na ako dahil alam niyang may gusto ako sa kanya at nililigawan ko siya.
I hate rejected because I don't know how it feels. Hindi ko pa naexperience iyon kahit kailan dahil hindi pa ako nagkagusto sa ibang babae. Sa kanya lang. Kay Lainerry.


“I'll go with you,” sabi ko na lang kaya nagpaubaya na siyang hawakan ko ang mga palad niya na kanina pa nilalamig at pinagpapawisan.


“Makikita ka ni Kuya Noel isusumbong ako kay Daddy,” libi niya.


“Wala kang kasama nang pumunta rito,” sagot ko.


“Hmmp! Bahala ka nga.” Awkward siya pero natatawa sa mga moves ko. Sa wakas nakita ko na siyang nakangiti. Ayokong pansinin dahil baka hindi na maulit.


“Thanks God. Bukas pa ang clinic. Half day lang sila tuwing weekend. Bilisan mo kawawa naman si Yetti doon.” Kung makapag-alala naman siya sa asong iyon daig pa anak niya. Binilisan ko ang lakad ko dahil malapit na mag alas-dose kaya ako na ang nauuna habang hila-hila ko siya at tumawid kami sa kalsada.


“Pasok ka na. I'll wait you here,” sabi ko sa kanya ng matapat na kami sa clinic.


“You'll wait?” paglilinaw niyang tanong.


“Yes. Laine. I will.”


“Why?” Hindi niya ako magets? Ibang klaseng babaeng ito.


“Because I'm courting you.” Paulit-ulit? Pero okay lang dahil cute niya naman asarin at hindi ako magsasawa na paulit-ulit ko pa iyong sabihin.


“Grabe siya. Hindi ka talaga titigil.” I know what does she mean, pero kunwari iba nasa isip ko.


“Hindi. Ayoko. I will court you forever.” Tawa siya habang paatras papunta sa clinic. Hindi na siya nakasagot sa sinabi ko. For the 2nd time I saw her smiling and it's suited to her pretty face. I saw her eyes twinkling and the shape of her lips was perfectly nice when she's laughing and smiling. She's so simple in her black shirt and denim pants.


“I'm falling crazily,” I whispered to my self.


“I'm falling too,” gulat ako dahil may sumagot. Utak ko ba ’yon? Nababaliw na ako habang hinihintay si Lainerry lumabas mula sa clinic. Nakatayo ako at nakasandig sa puno habang nakatanaw sa clinic.


“Gagi! Sino kausap mo Matthias?” Isang bakulaw ang bumulaga sa harapan ko. Umikot siya sa puno.


“Kairos! Bakit ngayon ka lang tol? Kanina pa kita hinahanap.” I lied and he is aware.



“Wow sarap sa ears! Ni hindi ka man lang nga lumingon para hanapin ako. Ang sakit nito! Ako dapat ka-date mo eh! Hindi ang babaeng iyon!” natatawa ako dahil hindi napansin ni Kairos na may dumaang mag-ina sa likod niya. Tapos nang lumagpas narinig naming sabi ng bata: “Mama hindi siya halatang bakla,” hagalpak tuloy ako ng tawa.
Tawa ako ng tawa na mayroon pang lumitaw na mga unggoy sa likod ko. Sina Andrew, Shaun at Jeffrey. Namumula na ang mukha ni Kairos dahil sa kahihiyan.


“Iyan ang napapala mo. Third party ka kase!” pang-aasar ni Andrew na tawang-tawa rin.


“Gagi kayo! Huwag n’yo ko ano ba,” Si Kairos na kunwari bakla talaga. Nagkatotoo tuloy ang sinabi ng bata. Inaasar pa namin si Kairos ng nakita kong palabas na si Lainerry na may kargang tuta.


“Behave kayo. Nand'yan na girlfriend ko.” Napaatras ako ng sasapakin ni Shaun ang tiyan ko dahil sa sinabi ko. “Huwag kang managinip. Tanghaling tapat tol. Mamaya nang gabi ’yan,” Natatawa pang saad ni Shaun.


“Hi, Laine. Remember my name?” bati ni Shaun.


“Of course. I remember you all,” nakangiting sagot ni Laine. It means she's very attentive. She remembered my friends name.


“Congrats, Laine,” bati ni Andrew na ikinalingon ko at tiningnan kong masama. Ipapahamak pa ako.


“Congrats saan?” nagtaka naman ang huli.


“Kase okay na ang alaga mo. Pakilala mo naman siya sa amin. Malay mo isa sa amin ang nakatadhana sa kanya,” pag-iiba at pagbibiro ni Andrew.


“Hala! Lalaki si Yetti,” natatawa si Lainerry dahil nalilibang sa mga unggoy na kasama ko.

“Uy Kairo! Tadhana kayo! Lalaki raw,” namumula sa kakatawa si Shaun, balik asar kay Kairos.


Nakita ko naman na nagtaka si Lainerry kung bakit nandito ang mga ito. Yayain ko sana siya sa malayo ngunit naunahan ako ni Shaun.


“Laine, sama ka sa amin. Doon sa Marikina park, sa zipping line,” pagyaya nito.


“Talaga? Pero--”


“May restaurant malapit doon diba? Lunch muna kami. Hindi pa kami kumakain.” Alam ko ang tinutukoy niya dahil nine am siya dumating kanina sa clinic. Past twelve na ngayon.


“Ganoon din kami. Kairos doon na lang tayo sa restaurant ninyo.” House of Grilled and Pizza.


“Malayo pa ’yon. Traffic papuntang Sta. Lucia,” Kairos disagree.


“Magbabayad naman kami. Para naman matikman ni Laine ang pagkain ninyo.” Hindi na nila hinintay ang sasabihin ni Kairos dahil hinila na ito ni Andrew papunta sa parking. Wala na rin nagawa si Laine kundi ang sumunod sa kanila at sabay kaming naglakad.


“Sino magda-drive?” bulong na tanong ni Lainerry. Nasa hulihan kami dahil maliliit lang ang hakbang niya.


“Si Jeffrey and Shaun,” sagot ko sa kanya na pinagmamasdan ang sasakyan habang palapit kami.


“P’wede na sila magdrive?” she’s curious or maybe afraid. Pareho pa sports car ang nakapark.


“Oo naman. Twenty na ’yan si Shaun at nineteen si Jeff. Don't be scared wala pa naman mga record ’yang mga ’yan.” I'm trying to calm her, dahil mahigpit niyang hawak si Yetti.


“Let's go,” Yaya ko sa kanya dahil kami na lang ang hinihintay ng mga sasakyan. Umupo ako sa tabi ni Shaun sa unahan nang makapasok na si Lainerry sa hulihan. Ayoko namang magmukhang driver si Shaun. Silang tatlo naman nila Jeff, Kairos at Andrew sa kabilang sasakyan.


“Your seat belt, Miss Laine," paalala ni Shaun na agad kinabit ng huli. Walang imik si Yetti pero mukhang nagtataka kung bakit ibang tao ang mga kasama niya.



“Hi Tito!” bati ni Andrew pagkapasok sa magarang restaurant nila Kairos. Tamang-tama nasa counter ito at kinakausap ang cashier nila. Mukhang galing sa loob ng kitchen dahil may hairnet pa. Lainerry observed the primitive furnitures. Parang nasa loob lang sila ng kakahuyan dahil puro woods ang mga gamit doon. Ang table, chairs, decorations at kahit ang sahig ay kahoy. Namangha rin siya sa kisame dahil kahoy rin ito. May pangalawang floor at mukhang masarap doon pum’westo dahil sa view.


“Himala. Napadpad kayo,” Tito also greeted us with excitement and pleasure in his eyes. At natuon ang attention sa akin na may katabing babae. Napansin naman ng mga kasama ko.


“Ay Tito, muse namin. Si Lainerry. She's Matthias uhhm something I'm not sure,” natatawang pakilala ni Shaun kay Lainerry.


“Ohh talaga? Ikinagagalak kitang makilala, Lainerry.” Sabay itinaas ang kamay, he beckon that he's unable to shake her hands because he is preparing foods inside.


“Miss I want the Overload. Hawaiian Pizza with Mozzarella and pineapple,” Jeffrey ordered. Nag-usap sila ni Andrew na share na lang dahil naglunch na naman sila kanina sa mall.


“And Beefy Mushroom po. Regular lang and please add Pepperoni and bacon,” Si Shaun.


“Overload mo na! Share na lang tayo!” suggest ni Kairos.


“Kuripot ka. Humingi ka na lang sa loob ng para sayo!”  Shaun rejected Kairos.


“Paunahin ninyo si Lainerry dahil hindi pa sila nag-lunch.” Napalingon sa gawi namin si Andrew buti may pakiramdam sila.


“Ano gusto mo?” Lingon ko kay Lainerry na nakatuon ang mata sa mga signage ng pagkain sa taas ng counter.


“Rice and grilled chicken,” she replied quickly. Mukhang gutom na talaga.


“Dalawang order ng RGC please.” Lumapit ako sa counter at nagbayad.


“Pa! Iyong grilled chicken para sa muse namin!” Inform ni Kairos sa Papa niya
“Customer ka?! Kung makautos ka.” May isang babae na kalalabas lang ang sumagot kay Kairos, napaatras pa ito.


“Uy sis! Nandito ka pala!” bati ni Kairos kay Kiara; ang bunsong kapatid niya, she's around 17.


“Tumulong ka kay Papa! Tambay ka na naman,” saad nito at umirap pa. Sabay pagkaway sa amin na nakangiti. Kilala na kami ni Kiara dahil highschool pa lang ay lagi na kaming kasama ni Kairos. Unang subdivision na madadaanan papunta ng Masinag. Plainville Subd. Taga Cainta rin si Kairos pero sa Marikina rin nag-aral ng highschool. Kaming dalawa ang taga Cainta and the rest ay taga Marikina na.



“Sabi ko sainyo traffic papunta rito. Ayaw ninyo maniwala,” malungkot na giit ni Kairos habang paatras na papasok sa loob ng lutuan. Natatawa kami sa reaction niya na parang napagalitan ni Boss.
Niyaya ko si Lainerry sa isang table na malapit sa glass wall. Kanina pa nakaupo ang mga kasama ko kaya doon kami sa ibang mesa pumuwesto. Pandalawahan lang naman ang set ng table doon.


“Are you okay?” tanong ko kay Lainerry na medyo naaasiwa dahil kasama niya si Yetti na karga niya pa at gets ko naman.


“Mga tol, sa labas na kami pupuwesto. Si Yetti kase.” Turo ko sa aso. Ako na ang nagkarga palabas ng restaurant. May extension naman sa side nito at may mga table pa. P’wede doon ilapag si Yetti. May mangilan-ngilang customer rin sa labas.


“Okay lang. Understandable naman. Para masolo mo si Laine,” pagbibiro ni Shaun, naglakad na kami papunta sa extension sa labas. Sana hindi makaramdam ng awkward si Lainerry dahil sa mga kaibigan kong walang preno ang pang-aaasar.


“Ayos ka lang?” tanong ko ulit sa kanya habang aliw kay Yetti na malayang naglalakad sa lapag.


“Yap. Im fine.”

“Pasensiya na sa mga 'yon. Sadyang mga ganoon lang sila,” tinutukoy ang mga kaibigan ko.


“They're fun. Ayos lang naman. Ganyan rin naman kami ng mga kaibigan ko kapag nagsasama-sama,” saad ni Lainerry na ikinatuwa ng puso ko dahil alam kong simula na ito ng pag-open niya sa akin ng  mundo niya.


“So. May tropa ka?”


“Oo naman.” Sabay lahad ng phone niya para ipakita sa akin ang photos ng mga kaibigan niya. Sa beach sila at lahat nakangiti. Siguro hindi pa nangyayari sa mga panahong ito ang dahilan ng kalungkutan niya.


“Can't wait to meet them,” giit kong excited pa. Pero hindi siya umimik at nakita ko lang na kumislap ang kanyang mata. After we ate. Nagpaalam na si Lainerry na uuwi na. Hindi na siya sumama sa lakad ng tropa at hindi na rin naman matutuloy dahil hindi na pinayagan si Kairos na maglakwatsa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top