CHAPTER 4
LAINERRY POV
“Buti pa sila,” salitang namutawi sa bibig ko pagkaapak ko sa huling baitang ng hagdan, sabay tanaw sa itaas ng building.
They’re lucky. I envied. The way they talk I envied. It seems they don’t have problem. They like a kid playing outside their comfort zone and they don’t care about the world. I wish I’m one of them but it's impossible because the world is in my arms and I need to face it. Hindi pa ako nag-aaral ng kolehiyo ay isinasama na ako nila Papa sa company niya what more kung makagraduate na ako. Wala na akong oras para mag-gala.
I envied to his friend. Parang hindi sila apektado sa nangyayari sa paligid. The way they treat each other I get jealous. I wish my friendship was here. Siyempre kung kasama ko rin ang mga kaibigan ko ay ganoon din kami sa isa't-isa. We’re like a family and they comforted me like what he did.
He did. What his name? Nalaman ko na lahat ng pangalan ng kaibigan niya pero ang pangalan niya ay hindi man lang binanggit. Sinadya ba nila? Nakakatuwa naman sila. I feel they're all good person. At sana hindi nila isipin ang sinabi ko. Well, wala naman iyon. Naiinggit lang talaga ko dahil mukhang masasaya sila at walang iniisip na problema. Bad timing lang talaga dahil masama ang pakiramdam ko at sinasabayan ng sakit ng puso ko sa pagkawala ni Kuya Lander.
“Nagmukha ba akong bitter sa mga sinabi ko sa kanila?” my mind talking itself. But his smile flashing my head siguro naman hindi nila bibigyan ng kahulugan ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
And him. 'Yong pangalan niya sana ang gusto ko marinig. I waited but they didn't mention it. Are we going to meet again? Bumalik kaya ako sa rooftop para tanungin ang pangalan niya? Masiyado akong atat na malaman. Why I feel regrets for not knowing his name. At sa sobrang pagsisisi ko ay hindi ako sumakay sa sasakyan ko. Naglakad ako pauwi ng bahay habang nakasunod lang si Kuya Noel sa likod ko. Kawawa naman si Kuya Noel baka nag-alala na siya kung napapano na ako. Kuya noel waited for me in a nearby mini store. Buti hindi niya napansin ang mga lalaking iyon dahil kung sakali tatakbo siya pataas ng building.
“How are you kuya.. Did you saw me talking a stranger then I forget the pain a little bit. Help me to survive Kuya Lander...” my mind continue talking.
Soon I endure this pain; feel better. I will help my self to become okay, because no one does it but myself. At sigurado ako na malulungkot si Kuya Lander if I stay like this. Kuya will be sad if he see me wasting my time into grieving. He loves me that's why I need to learn to live without him. I need to be dependent on my own. Kakayanin ko kahit mahirap at masakit. I know someday I will learn to live with my own life and siya ang unang taong magiging masaya para sa akin.
Darating ang panahon na iyon Kuya, I promise you. Pero hindi pa ngayon dahil hindi pa ako sanay na wala ka. Hindi ko pa kayang kalimutan ka at iwaglit ang mga masasayang araw natin. Sa ngayon iyon muna ang gagamitin ko para mabuhay at bumangon sa araw-araw. In order to live everyday I will use our happy memories together. Please help me Kuya dahil hindi ko ito kakayanin na mag-isa.
Our Mom and Dad was also crawling everyday to live without you. They're not used to live without you. I want them to know that I'm still here, pero talagang gumuho ang mundo nila at hindi ko sila malapitan dahil ayoko dumagdag pa sa iisipin nilang problema. Ang mahalaga may inuuwian akong pamilya at hindi ako nagugutom. Alam ko rin naman na busy sila Daddy sa negosyo kaya madalang na rin kami magkita lalo pa't wala na si Kuya na katuwang nila. Wala sila lagi sa bahay and that's okay. Kasama ko naman si Yaya Lucy and Kuya Noel. Masasanay rin ako nang ganito.
My family owned a travel agency in Marikina. My Dad is the only son of my Lolo kaya siya ang nagmana ng business nito. His father ( my late grandpa ) trained him well. Simula bata ay negosyante na rin si Dad kaya kahit papaano ay magaan ang buhay namin ngayon. At ng mamatay si Lolo ay si Daddy na ang pumalit dito kaya kailangan na naming lumipat agad. Nakilala ng Dad ko si Mom sa isang flight from Spain pauwi dito sa Pilipinas. My mom working as stewardess before she met my Dad.
Then the worst thing when Kuya Lander took a flight to Zamboanga for business opening was turn into chaos. The plane crash and that's why my parents were lost after that incident. Daddy was expecting too much for my Kuya. His only successor. At dahil sa nangyari naririnig kong ako na lang ang pag-asa nila. I'm the only grandkid of my Lolo. At wala naman kapatid si Daddy kaya siguradong ipagpipilitan nila na pag-aralan ko ang business ng pamilya.
“Lainerry, saan ka galing,” I heard my Mom voice from the kitchen when I entered the living room.
“Sa labas lang po Mom. I'm with Kuya Noel,” I answered.
“I know. Noel called me. Sumabay ka na sa akin magdinner dahil mali-late ang Dad mo,” she said. 'Always' my mind talk back. Always late. Pumunta na ako sa kusina. Naghahain na si Yaya Lucy kaya tumulong na ako kumuha ng tubig at isinalin sa baso. I'm waiting my mom to ask me if I'm okay but she's not. Tahimik lang kaming kumain at binilisan ko dahil ayoko magtagal sa mesa na hindi naman kami kompletong kumakain.
“I'm done. Akyat na po ako.” After I put my dirty dishes to sink ay agad na akong naglakad papunta sa taas.
“Lainerry?” my mom called. Kaya huminto ako. I thought she wants to talk to me and comfort somehow but I was wrong.
“Tomorrow we'll go to your school. Sasamahan kita mag-enroll kaya gumising ka ng maaga,” she informing me. She just informing me. Hindi talaga nila ako tatanungin ko'ng kumusta ba ang nararamdaman ko ngayong wala na si Kuya Lander. They are so numb. I need them but I'm unseen.
“Yes, Mom,” I agreed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top