CHAPTER 3
MATTHIAS POV
“Wow! Akala namin date ng tropa?” bungad ni Jeffrey. Napalingon ang babaeng kausap ko. Nakakapanghinayang dahil sa ganoong sitwasyon pa sila sumulpot, kung kailan, talking stage na kami.
Nakita ko siyang nagtaka kung sino ang mga dumating pero tumalikod na lang at inayos ang hood ng kanyang jacket sa ulo. Nauunawaan niya ang sitwasyon at piniling manahimik ulit.
“She's. She’s a stranger. Naabutan ko siya rito,” paliwanag ko habang nagtutulakan at naghaharutan pa ang apat papunta sa gawi namin.
“Stranger. Hmmmn.” I saw Andrew smirking habang hawak ang kanyang gitara.
“I read somewhere like this scenario tol! ‘You meet a complete stranger and feel like you’ve meet your soulmate’ nakakakilig!” Kairos was being a poetic. My very close friend. Isang senyas niyang nagtatanong kung sino ang babaeng kasama ko.
“Stop it. She's a stranger. We don't know each other,” saway ko sa kanila dahil baka anong isipin ng babae. Kahit nga pangalan ay hindi ko alam. What did I call her? Okay. Mas gusto niya pala na stranger kami. I startled when she walked toward us. Her face was okay. Siguro dahil may mga dumating na ibang tao kaya pinilit niya maging maayos ang awra. Dadaan lang pala siya pero inilahad ni Shaun ang kanyang kamay.
“Hey. I mean hi? I’m Shaun. Nice to meet you,” bumanat ang pinaka chickboy kong tropa. Akala ko nakikinig lang, may balak palang magpakilala pero sorry siya dahil hindi pinansin ng estranghera.
“Wait! Me too! I’m Andrew,” sinubukan rin nitong makipag-shakehand pero bigo rin, “I'm his friend,” pagpapatuloy na itinuro pa ako. Akala siguro ng mga ito magkakilala na kami.
“And this is Jeffrey. Kairos the poetic. Would you mind if you join us? Masaya naman kaming kasama. Swear you'll forget yourself if you jam. Let’s have fun in our first meeting and we want to know you better,” entertaining masiyado si Andrew para lang nagbebenta ng sale products nila sa grocery.
“I'm not here to waste my time for nothing, I have so much to do in my own world. And I don’t want to forget myself because she’s only the person I had now. Apology for stepping your rendezvous, hindi ko sinasadya na mapadpad rito. Thanks for inviting me but I think I need to go,” she answered while standing and about to leave. Nahihiya ako sa pinagsasabi nila dahil alam kong hindi pag-i-enjoy ang sadya niya sa rooftop.
“Thank you,” sambit niya pagkaharap sa akin, then my heart melt. I saw the sadness in her eyes like when I saw her in park. “Your words was helpful. It takes a weight off my mind. A bit,” she added. Tumango lang ako sahil kanina pa ako inaasar ng mga titig ng mga kaibigan ko.
Paalis na ang babae, nakailang hakbang na ito ng huminto kasabay ng pagbulsa ng dalawang kamay sa kanyang jacket. Tahimik lang ang mga kaibigan ko habang pinagmamasdan ito. “Sabi mo ang lugar na ito ay para sa mga taong malungkot, nasasaktan at nahihirapan. Right?” What is this? Is she asking me or stating? Oo ako lang naman ang kausap niya kanina at ako ang nagsabi noon. Sigurado para sa akin ang tanong niya.
“Yeah,” I agree.
“Then, what were you all doing on the rooftop when you’re all happy and smart?” she ask at walang sumagot sa amin. Ilang segundo pa ay naglakad na ito pababa sa hagdan ng building.
I feel numb. Unable to say a words. I was startled to her choice of words. Although it's not so deep but there’s inside her I couldn’t define. It's like she stab us using her tongue. I have nothing to say about her last words, kahit medyo alam ko naman ang ibig niyang sabihin. My heart stop a li'l while. Kahit sila Kairos ay hindi rin nakapagsalita sa tinuran ng babae. We all realize how lucky we are for being alive in this kind of life.
Who is that girl? Why she's distracting my thoughts. Parang dinudurog ang puso ko ng mawala na siya sa paningin ko. I want to comfort her more but it can’t be. Alam kong nahihiya rin siya sa mga kaibigan ko kaya hinayaan ko na lang siyang umalis at wala rin naman akong karapatan na pigilan siya. After she disappeared, no one bare to talk. My friends was all mesmerizing to that girl.
Wala kaming alam sa kalungkutan sa buhay because our life was almost perfect. We don’t have a struggling life, kaya bakit nandito kami sa rooftop? Anong ginagawa ng mga maligalig na kabataan sa lugar na ito kung hindi naman kami nahihirapan sa buhay? Rooftop is for people who has difficulties. I feel ashamed to myself dahil napakamanhid ko sa mga nangyayari sa paligid ko. Sigurado ganoon din ang nararamdaman ng mga kaibigan ko. That girl hitting our ego then suddenly became a reason for calming our frenzied life. Nagsisisi tuloy ako kung bakit sinabi ko sa kanya na ang rooftop ay para sa mga bitter at lonely.
“Okay?! Anong ginawa mo sa kanya pare?” Shaun tap my shoulder. “Ano ba kaseng pinagsasabi at ganoon na lang siya? I feel pathetic tol,” he added. Really? I can't imagine Shaun distracted by unknown girl because he is a player. He always made his girl cried because he had a lot of woman in his life.
“Okay lang ba siya? Dapat sinundan mo. Baka anong gawin niya sa sarili niya,” Jeffrey's suggested. Ikinuwento ko sa kanila kung ano nangyari sa rooftop habang wala pa sila. Wala rin naman akong magagawa dahil kukulitin lang nila ako.
“Are you sure Matthias na okay lang siya?” Jeffrey added and I just noded. He is serious just now because he called my real name.
“She's not feeling well. Sana pala hindi ko na lang ipinakilala ang sarili ko dahil useless lang. Wala siyang maalala dahil sobrang bigat ng nararamdaman niya,” saad ni Andrew na may halong pagsisi sa sarili. Andrew was a joker pero parang hindi niya rin kinaya ang bigat at kalungkutan na nararamdaman ng babaeng ’yon.
“Hindi mo naman kase sinabi agad. Akala ko ka-fling mo,” si Shaun.
“Kase ganoon ka. Iniisip mo na kapag may babae kaming kasama ay fling lang! Kase ganoon ka,” giit ni Kairos.
“Sige ipagdiinan mo pa, Kai. Pasensiya na. Hindi ko expected na may kakaibang nilalang pala at masiyado siyang masakit magsalita.” Si Shaun ulit.
“Sabi ko naman sainyo na stranger siya diba. Hindi ninyo ako na-gets. It means I don’t know her. We don’t know her. Kilala n’yo naman lahat ng kilala ko. Kaya dapat tumahimik kayo kanina.”
“’Yong totoo. Are we wasting our time here? Are we wasting our life?” walang emosyong tanong ni Jeffrey.
“Hindi ko alam sa'yo tol, dahil ako hindi ko sinasayang ang buhay ko. I have a lot of dreams. Hindi ko na nga alam kung sino ang una kong tutuparin,” Shaun was trying to divert the mood. Trying to be cool.
“Sino? Wala ka talaga, Shaun. Ibang klase. Babae iyang dreams na tinutukoy mo. Hindi ’yan ang punto ko! Kahit kailan ka talaga Shauniro, Kj neto,” maktol ni Jeff.
“Pero sa hinala ko tama talaga siya. Walang saysay ang pinag-gagawa natin. What if, tumakbo na lang tayo sa politika para naman magkaroon ng meaning ang buhay natin? Tapos tumulong tayo sa mga malulungkot na kagaya niya.” It's Kairos.
“Takbo ka mag-isa mo! Isa ka din panira ng ambience,” Jeffrey again. I smiled. Walang kuwenta ang usapan ngayon pero ayos lang dahil narealize ko na may pakialam sa ibang tao ang mga kaibigan ko.
Why I feel like she’s already a part of my life. Ano bang pabango ang gamit ng babaeng iyon at nagagayuma ako. She occupied my mind a days ago and now her presence in the rooftop added in my head. I feel heavy everytime I remember her voice calling her Kuya and crying. I imagined her face and eyes filled with sad tears. I wish I could hug her and comfort her. I wish I can see her again in good terms.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top