CHAPTER 2






MATTHIAS POV

A girl resting in a bench alone. Pinagmamasdan niya ang mabagal na pag-agos ng ilog at ang mga tao sa paligid. She is studying every moves of people sorround her. She’s not familiar. Laman ako ng Marikina river park pero ngayon ko pa lang siya nakita rito. Nakuha niya ang atensiyon ko dahil siya lang ang bukodtangi na walang hawak na gadget sa kamay.


Kanina pa ako nakatambay sa hindi kalayuan dahil hinihintay ko ang aking mga kaibigan. Ngayong araw susubukan namin ang tumawid sa zipping line pero halata naman na hindi sila sisipot dahil kalahating oras na ako rito at paalis na sana ako ng makuha ng magandang babae ang atensiyon ko. Mayroon siyang hinating bangs na bagay sa maamong mukha niya na hugis puso. Mahaba ang kanyang buhok at mayroong malungkot na mga mata. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ng bigla siyang tumayo ngunit gulat ako ng may batang lalaki ang lumapit sa kanya at nakita kong mayroong dinukot sa bulsa. Magnanakaw. Mayroong ibang nagmamasid sa kanya? Damn that little boy! I curse him, dahil akala ko ay ako lang ang nakakuha ng kanyang atensiyon.


So, I run fast as I can to follow that young thief. Sa kakaiwas ko ay hindi inaasahang nabunggo ko ang babae ngunit tila baliwala rin sa kanya. Malayo ang kanyang iniisip. Hindi ko puwede sabihing may dumukot ng kanyang phone dahil baka maghinala siya na pinagmamasdan ko. Ilang hakbang pa ay naabutan ko na ang batang magnanakaw at agad kong  kinuwelyuhan para isauli ang ninakaw na phone. Natakot ang bata kaya agad namang ibinigay sa akin.


“Cellphone mo. Naglaglag.” Hinila ko ang hood ng jacket para humarap sa akin at saka ko ibinigay ang kanyang cellphone. Humhangos pa ako dahil malayo na ang nilakad niya paalis. Kahit nagtataka man siya ay agad na kinuha ang phone, nakilala niya.

“Thank you.” Tumingin siya sa akin para magpasalamat ngunut pansin kong bumaba ang titig niya sa aking nunal sa may labi.


“Be careful in this place,” sabi ko na lang.


“Thank you for your kindness,” pagpapasalamat niya ulit na parang napakapormal naman. Ilang segundo niya pa akong tinitigan at saka tumalikod at sumakay sa naghihitay na sasakyan sa hindi kalayuan. 'Mukhang mayaman siya' sigaw ng isip ko.

Isang linggo ang nakalipas, nang magkayayaan ulit ang tropa na magpalipas kami sa rooftop ng abandonadong building, kahit naiinis pa ako sa kanila dahil hindi nila ako sinipot ay ako na naman ang nauna sa venue kung saan kami magkikita-kita. Malapit ang building sa isang Subdivision ng mga mayayaman. Sa Alveza Subdivision.

Naupo ako gilid ng rooftop kung saan tanaw ang Marikina River habang naghihintay sa mga kaibigan ko, ngunit nagulat ako dahil sa mahinang iyak ng babae. Multo?! Hindi ko alam kong kakaripas ako ng takbo o tatalon sa building para makalayo sa lugar na iyon. Minumulto ako? Alas k’watro pa lang ng hapon. Kahit purong lalaki ay binalot rin akong takot dahil ngayon lang nangyari ang ganito. Hindi tumitigil ang paghikbi kaya nilakasan ko ang aking loob para hanapin kung saan nanggagaling ang tinig. Hindi siya multo, isang babae ang nakita kong nakaupo at subsob ang mukha sa sarili niyang tuhod. Nakaramdam akong awa dahil mukhang kay lalim ng pinanggagalingan ng kanyang pag-iyak.


Ngunit hindi ko siya puwedeng istorbohin sa mga oras na ito, “Kuyaaaaa...” nagulat ako ng magsalita siya. Akala ko ako ang tinatawag niya pero hindi naman nakatingin sa akin at lalong hindi niya naman alam na nandirito ako.


“Kuyaaaaaaa... balik ka na...” patuloy pa rin ang kanyang pag-hikbi. Tahimik lang ako ngunit parang dinudurog ang puso ko.


“Kuya...” she utter in a small voice. I feel her pain, kahit hindi ko pa na-experience ang masaktan at mawalan ng mahalagang tao sa buhay.


“Kuyaaaa... sana naman nagpaalam ka... sana... isinama mo na ako... kuya.... Lander... hindi ko kakayanin ’to....” patuloy pa rin ang paghagulhol. Bigla akong naalarma ng ayosin ang kanyang buhok at tumayo, para bang nakatingin siya sa gilid ng rooftop. Huwag mong sabihin na... iniisip niya bang sumunod sa Kuya niya?! Sumasakit ang ulo ko. Ano ba iniisip ng babaeng 'to?


Lumingon-lingon pa siya at dahan-dahan lumapit sa edge ng building. Nakita ko ang mukha niya kaya biglang nag-flashback sa utak ko ang mga titig na ’yon. Tama. Siya ’yong babae sa riverside. Siya ’yong may mga malungkot na mata at mukhang laging tulala. At nakita ko siyang...

“Saglit!” gulat siya nang sumigaw ako kaya napaatras siya at napaupo sa lapag habang kinakapa ang dibdib dahil sa gulat. Tatalon talaga siya.

“What?!” sigaw niya. Mataray siyang tumingin sa akin. Medyo malayo ako kaya siguradong hindi niya ’ko makikilala.


“Anong ginagawa mo? Tatalon ka? Huwag mong gawin ’yan. Tambayan namin dito, ayoko na may umaaligid na multo ng babae rito.” I was trying to joke pero mukhang mali ang pagkakaintindi niya. Sinubukan kong lumapit sa kanya.


“Are you insane?! Do you think ganyan lang kababaw ang utak ko? Para tumalon sa mababang building na ’to?! At sino ka ba sa akala....” hindi niya naituloy ang sasabihin ng mapagsino kung sino ang kausap.


“Are you stalking me?” Nakilala niya ako. Nakita niya ang nunal ko sa may labi.


“Kakasabi ko lang tambayan ng tropa ko,” giit ko.


“P’wes! Hindi na ngayon! Because this building isn’t yours anymore! I bought it 3 days ago!” pagtataray niya na ikinatawa ko naman. Nagpapatawa siya? Nabili niya na ang building na ito? In her dreams dahil ano naman gagawin niya sa bulok na building na ito?


“Okay. Sa’yo na ito,” natahimik siya. “Aalis na ako. Sorry for the trespass,” dagdag ko. Nakita kong tumingin siya sa malayo at umupo. Maybe she’s expecting na talagang aalis ako. Pero nakatayo lang ako at nakatingin sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas na ganoon lang ang sitwasyon ko at nakaupo rin siya na parang iiyak na naman. At ayokong marinig pa. Maybe she need someone to talk to. Is she alone? Her family? Bakit nandito siya sa rooftop?


“Maybe you’ll see your Kuya in heaven someday,” Hindi ko napigilang magsalita ng mahina na halos hindi ko matapos ang sasabihin. Napalingon siya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.


“You heard me,” mahinang sambit niya, wala ng bakas na katarayan sa  boses.


“Yeah. I’m sorry. But if you ever decide you want to talk about him, I'll be glad to listen,” I suggested.


“There’s nothin’ to talk about. He’s dead. That's all there is to it,” malungkot ang tono ng boses. I don’t know how to comfort her because I don’t know the  situation. But maybe there must be someway to comfort her. So I tried.


“It's okay to be sad for oneself, to be frustrated, to be angry about something, to be alone sometimes, it's okay to cry because we’re just human. Okay lang ’yan. And it's okay to talk about your pain with stranger,” I'm trying so hard. I hope it works. She says nothing. So, maybe she understands what I'm trying to say.


“You're familiar,” she suddenly said.


“You too,” I answered.


“But, let's be stranger to each other because it's nice to talk with stranger. It's nice to tell my pain and show my grieving with strangers.”


“If you said so. Then, let's treat each other as a stranger,” I agree with her.


“Kanina I’m so worn down and agonizing. Pasensiya na sa mga nakita at narinig mo,” paumanhin niya.


“Ayos lang ’yon. Sige lang. I zip my mouth,” I said.


“Okay,” she simply says, parang gusto niya na agad taposin ang conversation namin which led me to think another topic.


“Beside, the rooftop is a place for times like this. For grieving, for mourning, for heartaches and this place is a comfort zone for those people who struggling to live. So it’s okay. Kapag nasasaktan ka at hindi mo na kaya akyat ka lang dito at sumigaw. Huwag ka lang tatalon,” I know how I look so cool just now. Narinig ko lang naman iyon sa kdrama dahil mahihilig sila sumigaw sa rooftop. “Really. So this place is really belong to me.” And she believed me.


“Claim it now. Because later maybe it might belong to me," I sighed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top