Chapter 30
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang wala doon. Sinadya kong gumising ng maaga para di niya ako maabutan at kulitin pa.
Kilala ko ang Nikko noon. Alam kong gagawin niya uli yun. Yung Nikko na kinaiinisan ko noon dahil sa sobrang kulit.
Pero mahal mo naman Erisha.
Oo, hindi ko maipagkakaila ang bagay na iyon. I sighed. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kailangan na siyang mawala sa landas ko.
"Hay nako, silip pa more, kulit naman kasi. Hindi kasi pupunta dito yun.
Sinamaan ng tingin si Micha.
"Aba! Ang aga namang pabulaklak neto." Ani ni Michael at siya na ang umamoy sa mga tulips.
Agad kong binawi sa kanya iyon. Talagang hindi niya ako titigilan. Ang galing, siya ang gumawa ng kasunduan na ganito tapos siya rin ang hindi tutupad. Para saan pa at nagpaparamdam pa siya ng ganito. Ayoko na. Talagang aasarin niya talaga ako! Dapat dito sa bulaklak na'to sa basura.
"Uy teka, huwag mo namang itapon agad, ni hindi mo pa nababasa ang note diyan o." Aniya at kinuha niya yung note na nakadikit sa bulaklak.
Agad nakunot ang noo niya at nilukot ang note.
"Tama ka Erisha, tapon mo na nga. ang corny, kadiri!" Aniya at kinuha niya yung tulips sa akin at tinapon sa basurahan. Saka niya ako hinila papasok sa opisina.
"Suportado mo na ba ako dito?"
"Yea, ngayon lang." He grined
"Thank you Micha." I sarcastically said.
"You are very much welcome my dear bff." Aniya at sinara na niya yung pinto.
Nang makarating kaming dalawa sa office table ko, napatingin ako sa may pintuan, parang gusto kong balikan yung mga bulaklak. Kasi naman, parang may mali ngayon sa kilos ni Micha, bakit niya tinapon ang rose kung galing naman kay Nikko yun? Kulang na lang halos pagtulakan na ko sa kanya.
Kinalabit ako ni Micha.
"Hindi na dapat balikan iyon, Erisha."
"Tama ka." Siguro nga. Huwag ko siyang isipin pa, mas maraming bagay ang dapat kong asikasuhin dahil mas marami na kaming mga transactions ngayon.
"Good" Aniya at tumutok na sa laptop niya.
Hindi na rin kami nagkakibuan. Si Micha halos hindi na tumayo sa puwesto niya, I can see that she is making promotions sa social media. Then ako naman ay gumagawa ng mga final drafts for another collections. Also doon sa other proposals ng board.
Hanggang sa nagring yung phone ko na bumasag sa katahimikan naming dalawa. Agad na napatingin si Micha.
Agad kong sinagot nang makita ang pangalan ni Mark yung rumehistro sa phone.
"Hi! Eris kamusta?"
Dali-daling lumapit si Mark para makinig sa usapan namin. Agad ko namng nilayo yung phone sa kanya.
"I'm fine, you?"
"I'm good too. Sorry if wala ako noong mga nakaraang araw. By the way natanggap mo ba yung tulips diyan kanina."
Biglang nanlaki ang mga mata ko at tumingin kay Micha.
Sinamaan ko siya ng tingin. She just showed her piece sign to me. Kaya pala, agad sumama ang timpla niya kanina. Ngayon naintindihan ko na kung bakit ganoon na lang ang inasta niya sa tulips.I should have read the note earlier. Natapon pa tuloy. Tuloy pato siya nadamay pa.
Pero dapat naisip ko rin kanina na maaring galing din sa kanya yun. Hay.. Ito na naman, masyado nang nakain ng sistema ko si Nikko.
"Eris, still there?"
"Yeah, I just received it earlier. Thanks. "
"Good then, let us have lunch." Nanlaki ang mga mata know dahil mahigpit na hinawakan ni Micha ang braso ko.
"Huwag kang sasama." Madiin niya sabi, and now she is in her baritone voice! Teka, Bakit?
Tinapatan ko muna ang mga seryoso niyang tingin, habang pumayag ako s paanyaya ni Mark.
"Eris?"
"Sure, pick me up by 12."
"Ok then, bye dear."
"Bye."
"Micha, ano ba ang nangyayari sayo?" Bakit ganoon ang boses niya kanina? Bukod sa ngayon ko lang narinig ang kanyang baritonong boses, hindi dapat ganoon ang boses niya dahil isa siyang certified Maria.Saka napaseryoso ng aura niya kanina.
Anong meron? Ganoon na ba niya kaayaw si Mark?
"Wala Erisha, huwag mo na lang pansinin iyon." She said in his normal tone. Nawala na ang pagkabaritono. Hindi na siya nagsalita pa at dali-dali na rin siyang umalis sa opisina ko na para bang walang nangyari.
Mamaya ko na lang siya kakausapin ng matino. Siguro mamaya ay nasa tamang huwisyo na rin siya.
Tsk. Ano rin kaya ang pinakain ni Taylor sa kanya?
Napailing iling ako saka itinuloy yung mga gagawin ko. Kailangan kong magfocus muna dito.
"E!!" Nilapag ni Taylor yung folder sa desk saka siya umupo.
"Hey, what happened to Michael, he's been serious and it creeps me out."
Itinigil ko ang ginagawa ko at humarap sa kanya.
"I don't know Taylor. I'm just talking to Mark, and he heard that he asked me to lunch, tapos pinigilan niya ko sumama, then his voice is so manly." Napatango-tango lang si Taylor at parang hindi man lang nagulat doon. Nababasa ko sa ekspresyon ng mukha niya na parang may naintindihan siyang isang bagay.
"Maybe he just scaring you out. You know he hates Mark too much and I hate him too." I raised my eyebrow. It is more than she said kaya nangyari yun kanina.
"Maybe may topak si Micha. Don't bother, he will be ok." Tumango tango na lang ako. Kailangan ko talaga makausap si Micha.
"Eris." Agad na napalingon si Taylor kay Mark.
"Who told you to barge in? Out!" Ani ni Taylor at tinulak tulak pa niya ito palabas saka isinara yung pinto.
"T, your manners."
"I do not care E." Aniya at nakapamaywang pa. Napailing na lang ako sa kanya at dali ko na rin kinuha yung bag ko. It's already 12:30, mukhang kanina pa siya doon.
"Eris!"
"Bye Taylor." I wave my hand saka lumabas sa office.
"Sorry, I didn't notice the time, saka sa ginawa ni Taylor, ayaw kasi nang naiistorbo."
"It's ok, ang mahalaga magkasama na tayo ngayon." Malambing niyang sabi at hinawakan niya ang kamay ko. Agad ko ring inalis iyon, napatingin lang siya sa akin.
"Let's go." I smiled. Hindi ko alam, pero parang hindi na ko naging kumportable nang hawakan niya yung kamay ko.
Naging seryoso ang mga tingin niya, that makes me so uneasy. Ewan ko ba, habang tumatagal mas lalo akong hindi nagiging kumportable. Ngayon ko lang naramdaman to sa kanya sa ilang beses na naming lumalabas na dalawa.
He is so silent all the way. Dahil ba doon sa inilayo ko ang kamay sa kanya? We hold hands, ngayon tumanggi ako.
Pero hindi kami, so it is may right na ialis ang kamay ko.
"Sorry Eris, kanina. Nabigla kasi ako kanina." Napatingin ako sa kanya. He is back in his calm aura. Hindi na masyadong seryoso.
"Ok." Then I turn my eyes on the road. Sinisikap ko pa rin na maging kumportable.
Until we stopped to a french restaurant. He opened the door for me, paglabas sa kotse hinawakan niya muli ang kamay ko.
Pero parang gusto ko pa rin alisin. I don't understand bakit ganito ang nararamdaman ko.
"Eris, alam mo naman ang tungkol sa nararamdaman ko sa'yo." Napatigil ako sa pagkain. He hold my hand when I stopped.
"Hanggang kailan ba?"
"Mark a---"
"Eris." Bigla akong napalingon sa pinaggalingan ng boses na iyon.
"Anong ginagawa mo dito." Hindi na siya nagsalita at bigla na lang ako hinila ni Nikko pero naagapan ako ni Mark at ipinuwesto sa likuran niya.
Para akong natulala at nanigas sa pwesto ko. Nagsusukatan na sila ng titig na dalawa. Gusto ko silang pigilan, pero naeestatwa na talaga ako.
"Not again Mr. Sarmiento." Dahan dahang siyang umalis kay Nikko, dahil dito mabilis kong hinarang ang sarili s pagitan ng dalawa.
"Please huwag kayong mag-eskandalo rito."
Humarap ako kay Mark. "Halika na, sa iba na lang tayo kumain." Tila parang wala siyang narinig at lumapit pa lalo kay Nikko.
"Hindi siya sa'yo Mr. Sarmiento." Nikko sarcastically smiled, na parang hindi siya apektado sa sinabi ni Mark.
"Mas lalong hindi siya mapapasayo."
Akmang susugurin ni Mark si Nikko pero buti na lang at naagapan ko siya.
"Tama, please." Biglang umamo ang mukha ni Mark at ako na rin mismo ang humila sa kanya palabas.
Napalingon ako kay Nikko na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa direksyon namin ni Mark.
This is not happening.
We decided na sa rooftop na lang and do some conversation gaya ng normal naming ginagawa kapag nagkikita kami. Inaaya pa nga niya kong kumain pero wala na ring akong gana na kumain dahil na rin sa nangyari.
"Please Eris, let me love you. Just let me and I promise I will not hurt you. Gusto ko lagi kang masaya Eris." Aniya. I smiled. Kung pwede lang sana, kaso hindi pa ko handang ibigay ang puso ko sa iba at lalo namang ayoko namang siyang gamitin para lang makalimutan ang nararamdaman ko kay Nikko.
"Gusto ko, pag pinili na kita, yung handang-handang na ko. Ayoko kasi na.." Napatigil ako nang hawakan niya ang dalawang pisngi ko.
Then, he kissed me.
"Handa akong maghintay para sa'yo Eris." huminto siya at hinawakan muli ang kamay ko.
"Salamat." I showed my most genuine smile to him. I am very thankful dahil naiintindihan niya ko. Maybe one day, there is a chance for us.
Siya na rin ang naghatid sa akin sa office, laking pasasalamat ko dahil wala si Taylor at Michael sa office.
Dapat ay doon lang siya sa office, pero may emergency meeting siyang pinuntahan kaya ako na naman dito sa office. Agad kong tinignan ang folder na nilapag ni Taylor sa desk. Yung mga final drafts ng mga designs and yung mga ilang reports about doon sa mga franchises namin.
"Miss Eris! Miss Eris! " Agad kong hinarap si Rina na lundag nang lundag. Anong problema niya?
"Bakit?"
"Ms. Shira Santos, the owner of Sahara malls. She wants to have an appoinment with you tomorrow afternoon."
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko
Shira Santos, and her Sahara malls was the biggest here in the Phillippines. Biggest pero napakailap katulad niya, dahil hindi siya nagpapakita basta in public at kahit ako man ay hindi alam ang itsura niya.
I alarmed the company that Ms. Shira will come here. I need to impress her. If she wanted to set an appointment with me, it means na bibigyan niya kami ng opportunity to enter their malls.
I prepared my presentation. Para akomg lutang, parang nalimutan ko lahat ng nangyari sa akin. Atleast this day will be great for me! Lalo na if we convince Ms. Shira.
Nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok na isang babae. She is wearing a plain white T-shirt, jeans and backpack. Napakasimple ng itsura niya, wala man lang siyang make up, pero napakaganda niya pa rin. Pababa sa paanan niyan, napakunot ang noo ko nang makita ko yung suot niyang heels.
It is an Manolo Blahnik high heel shoe, alam ko dahil iyon ang sinout ni Anikka noong kasal niya.
"I'm Shira."
Para akong naestatwa nang marinig ang pangalan na iyon. Oh my.. I am not yet done with my presentation, at bukas pa siya dadating.
Pero teka, totoo ba na siya si Shira Santos. She grinned, na parang nabasa niya ang nasa isip ko.
"I am the one and only Shira Santos, sa tingin mo, of I am not Shira hindi ako basta makakapasok dito and I know you noticed my Manolo Blahnik." Napatango na lang ako, at iniharap sa kanya yung presentation ko.
Umupo siya and she closed my laptop. "Just present na what you have, yung natural lang."
Mas lalo akong nablanko, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. I am not good in impromptu. Plus her intimidating aura makes me shake.
Tumayo siya at tinapatan niya ko. She fixed the collar of my blazer.
"Miss Eris, tao lang ako. I don't bite. Just tell me what is in you." Aniya at bumalik na siya sa kinauupuan niya.
"Go."
Bahala na!
"To be a fashion designer is my dream eversince I was a child. Bata pa lang ako punong puno na ng mga drawing ng damit yung notebook at mga pad papers ko. Halos doon na maubos yung mga sheets nila. Then my mother gave me some sketchpad, at doon mas lalo ko pang pinagbutihan. But sadly she died early"
"Sorry."
"Ok lang po."
"She became my inspiration in everything at maswerte ako dahil yung parents ng bestfriend ko binigyan ako ng scholarship. Then another scholarships from a school of fashion in New York." My confidemce boosts as I saw her smile and nod her head.
Halos nakuwento ko na yata sa kanya lahat, ultimo kay Lukas, then to Nikko. Lahat nakuwento ko na, para kasi ang gaan gaan na nang loob ko sa kanya.
"And finally this fashion show. I put all my hardwork here I know it is my biggest opportnity to show the world my works and abilities. I can make dresses and clothes not for the higher classes but also for the average. Pero Miss Shira naging posible ang lahat dahil sa mga kaibigan ko at sa lahat ng tao na kasama ko to build Amaya at the show." May sasabihin pa sana ko pero pumalakpak na si Ms. Shira sa akin.
"I've seen enough." Kinabahan ko lalo dahil naging seryoso na yung mukha niya.
"Miss Eris, I was there in your fashion show and I am impressed with everything especially when you are theire in the aisle with Nikko. I can see something with the two of you." Napayuko ako sa pagkasabi niyang iyon.
"But that's not my point, on your show, I can see your passion amd dedication for this and I like to work with people who have that, and also for being a good leader."Kinuha niya yung backpack niya sa katapat na upuan at may nilabas siya doon na folder.
"Because of that I would like you to welcome at Sahara malls, plus I will invest at Amaya. Actually dapat papapirmahin na kita but just want to test if that passion that I see is real. "
Wait, what? Totoo ba ito? Hindi ba ko nanaginip? Si Shira Santos ba talaga ang kaharap ko?
"Ms. Shira, pwede pasampal."
"Dont you even dare kung ayaw mo magbago ang isip ko."
"No, I just can't believe na nangyayari na lahat ng ito." Ms. Shira hold my hand.
"You deserve it, you worked hard sa mga narating mo ngayon and I can see that you will achieve more." Aniya at binigay niya sa akin ang folder, pero nang malapit ko nang makuha ang folder, binawi niya rin kaagad iyon.
"But I have one condition. Don't you even dare to show my face in everyone kahit sa malalapit na tao sa'yo or else lahat ng ito mawawala and it is more than that." Madiin niyang sabi.
"Sa lahat ng in-offeran namin for Sahara sa'yo lang ako nagpakita. Hindi ko maintindihan pero pinagkatiwalaan kita. Do not break it." Aniya at binigay ang contract sa akin. Lahat ng sinabi niya ay nandoon.
She is that eager na itago ang sarili sa public. I did not ask it to her, it is too personal for her.
"You can trust me Ms. Shira." I said then I signed the contract. I can see that this contract is authentic dahil nandoon na rin ang pirma niya at yung seal ng company brand nila.
"Good."
Nakipagkamay si Ms. Shira bago siya umalis sa office, nginitian naman ni Ms. Shira sa Rina.
"Miss Eris, kamusta yung nag-interview sa inyo? " Napakunot ang noo ko.
"Yup, actually Miss siya mismo yung nagpunta dito last week and she wants to interview with you." Tumango-tango na lang.
Talagang nagpanggap pa siyang mag-iinterview just to have access to this office na hindi nalalaman na siya rin si Shira Santos.
"Ok naman." I smiled. Umalis na rin si Rina.
Doon na rin tuluyang nag-sink in lahat. Para na akong bata na tumatalon talon sa office. Humihiyaw hiyaw at kulang na lang halos gumulong na ako sa sahig.
"Eris?!" Dali-daling lumapit si Taylor sa akin, sabay nang paglapit niya ay nabali yung takong ng sapatos ko kaya bumagsak ako sa sahig.
"What happened?" Aniya at tinulungan akong makatayo.
Paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa Sahara malls?
Wala, masaya lang ako." Sinamaan ako ng tingin ni Taylor.
"Eris, you are lying."
Napabuntong hininga ako, fine! Ganito na lang.
"Sahara malls asks an oppointment with us." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at parang ayaw maniwala doon.
"Really?"
"You can ask Rina."
"O.M. Erissss!!" Napatalon talon siya at niyakap niya ko.
"Imma so proud of you E. You made it!"
Hinawakan ko yung kamay niya.
"No we made it!"
Agad naming ipinaalam sa board. Everyone did all of their preparations. There are too tensed, para akong nakukusensya, ok namn na ang lahat pero ito kabadong kabado sila, dahil sa akin.
Mas delikado kung sasabihin ko. Atleast kapag nalaman nila na ok na between Amaya and Sahara malls, magiging masaya sila.
Maaga kaming nag-out ni Taylor. Doon ko lang naalala na hindi pumasok si Micha nang hapon. Sana nasa condo siya.
Laking tuwa ko nang makita ko siya doon at kaharap ang laptop niya. Mabuti na rin, para hindi ko na siya hanapin pa.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, mukhang hindi niya napansin na nakauwi na kami ni Taylor.
"Erisha!"She shouted too at halos marindi na ako sa tinis ng boses niya.
"Proud na proud ako sayo! Imagine the Sahara malls. Makukuha mo iyon. " Tumango-tango lang ako. Yeah, she approached me now na para bang walang nangyari kanina.
Tila ba ngayon ko lang naalala ang nangyari kaninang umaga.
"Ano bang nangyari sa'yo kanina?" Kalmado siyang tumingin sa akin.
"Eris." Huminto siya nang may marinig siya na doorbell. Hinawakan ko yung braso niya.
"Mag-uusap tayo mamaya." Madiin kong sabi. Binigyan niya lamang ako ng isang nakakalokong ngiti, saka niya binuksan ang pinto
"Ow, Hello Fafa Nikko." Dali dali akong tumakbo papunta sa may pintuan.
I saw him smiling at Micha habang nakikipag-usap dito.
"Taylor, aalis tayo dahil di na tayo mang-iistorbo."
"Saan kayo pupunta?"
"Basta may biglaang lakad kami ni Taylor." Aniya at dali dali nang hinila si Taylor palabas ng pinto.
"Micha!" Sigaw ko, pero wala rin iyong nagawa dahil tumakbo silang palayo. Susunod sana ako pero nahagit ni Nikko ang braso ko.
"Hindi mo ko makukuha sa pangiti-ngiti mo." Sinubukan kong pumiglas pero mahigpit pa rin ang kapit niya sa akin.
"Just like the old times Eris."
"No. Pwede umalis ka na. You should not be here."Madiin kong sabi.
"Hindi Eris, hindi." Hinawakan niya yung dalawa kong kamay.
"Hindi mo ba naiintindihan bakit nangyayari sa atin itong dalawa?"
"Wala ka dapat ipaintindi dahil wala naman dapat Nikko, Kung may dapat may maintindihan dito. Ikaw yun Nikko, Ikaw, lumayo sa akin!" Pumiglas ako pero wala pa rin akong magawa. Bakit ba ayaw niya pa rin akong pakawalan?
"Ikaw pa rin Eris hanggang ngayon, ikaw pa rin yung nandito." Aniya at itinuro niya ang puso niya. Umiling-iling ako, hindi talaga pwede to. Mabilis kong inalis ang kamay ko sa kanya.
"Pakiusap naman Nikko, tama na."
.......
Please kindly leave your vote and comment to the story. Thank youuu. Lovelots❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top