Chapter 29

I was giving a glance to each reports on my table. Kailangang aralin dahil mamayang meeting namin.

It's been a week since our fashion show and stull we are facing a lot of queries, which is good.

This week,  we are able to produce another 30 franchises in the Philippines and as of now my board members proposed to expand it to international market.  Dahil marami ding mga tycoons from different countries na pumuri sa amin.

Everything went so well.  Hindi ko inaasahan na ganito. I am happy. Paano ba naman ako hindi sasaya?   My dreams finally went into reality.  My own clothing line,  a successful fashion show, wala na akong mahihiling pa.  Kaya gagawin ko ang lahat para alagaan ang lahat na ito. 

Kaya focus dapat ng mabuti.

Until my eyes locked to his picture.  He was proudly standing in the middle of the aisle.  His brown eyes.. His smile. It seems that he owns the stage.  Parang siya lang ang nakikita ko doon.

Napailing ako. Stop it Eris!

I am happy,  but everytime I see him. Actually sa pictures ko siya nakikita sa ngayon, dahil pagkatapos din ng gabi na iyon ay hindi na rin siya nagpakita sa akin.  Kahit dito sa building na ito.

Atleast tinupad niya ang pangako niya.  Pero minsan nakakalungkot din kasi parang hindi ako sanay na ganito uli.

No,  mali

Kailangan mo nang maging masaya ,  kailangan kalimutan na ng anumang nararamdaman ko para sa kanya. 
Iyon ang tama,  dahil may mga bagay na kailangan ng i-let go.  Isa na siya doon.  Hindi naman kami ang nakatadhana.  May nakalaan na sa kanya,  di ko na kailangan ipilit ang sarili ko. 

I scrolled up the pictures, all I can see are the faces of our models, fiercely rampling on the aisle. 

Our models did a great job.  Lahat sila may contribution to this success.

Hanggang sa makita ko uli yung picture naming dalawa.  The shot was he held my chin and approaching his face to kiss me.

Agad kong inilipat sa ibang picture. Napailing-iling ako, forget that Eris.  Wala na dapat yun,  wala.  Wala.  Wala.

"Eris.  Fries for you. " Ani ni Michael at hinainan ako ng large fries ng Jollibee.

Napatingin lang ako saglit at inaral uli yung mga reports sa desk ko.

"Don't tell me diet ka pa rin, tapos na yung show no. We were successful, we achieved our big break. Kain na please. Ok na tumaba." Dumukot lang ako ng isa at tumingin ulit ako sa mga folders.

"Hay hay hay hay, Erisha, kailangan ba talagang subuuan kita." Umiling lang ako.

"Di ka na nagkakakain, ano ka ba. Nagaalala na kami sayo.  Successful naman yung show mo,  bat ganyan. Wag mong sabihin magpapaka-anorexic ka na?" Nag aalalang boses ni Micha. Pero kahit mukhang nag aalala kinuha niya yung fries sa akin at siya na kumain nito.

"Masaya naman ako, pero."

"Si Fafa Nikko na naman Erisha. Hayy. " Maya maya may kinuha siya sa bag niya.

"VIP tickets at club Venisse,  let's go mingle! Kailangan mo lang ng bagong  paglalaanan ng atensyon."

"Hindi ko type yung mga bachelors dun,  masyado silang mahangin." Ani ko.  Club Venisse is a famous club for elite,  most of mga tao na pumupunta doon ay mga anak ng mga business tycoons,  anak ng mga pulitiko and the like.

"Micha, No."

"I dont accept a rejection,  pupunta tayo." Aniya at nilapag ang ticket sa desk ko.

"Ms.  Eris,  may bisita ka."

"Eris!! " Dali-dali siyang pumunta sa akin at niyakap ako ng pagkahigpit higpit.  Halos di na ko makahinga.

"Sorry,  namiss kita Eris at sobrang proud na proud ako sayo. Yung fashiom show mo,  grabe!  Pak na pak! " Aniya at feel na feel niya ang pagsabi  nito.

"Attorney Anikka." Hinampas ni Anikka si Michael. 

"Anikka na lang no.  Kakulit mo.  Friend ka ni Eris,  so you are my friend then,  so stop being too formal,  huwag kang mahiya masyado,  mabait ako no,  sa korte lang hindi. " Aniya at agad siyang humarap sa akin.

"Eris,  I'm so sorry if di ako nakapunta,  kasi naman ang ang dami kong kaso today.  Tinapos ko na nga silang lahat today.  Kalerks!" Aniya habang hinihilot niya ang sintido niya.

Anikka Celyne Fuentes is also a bigtime lawyer.  She's fierce and intimidating in the court walang kinakatakutan. Pero paglabas na sa korte,  yan parang di mo iisipin na isa siyang abogada

Binatukan ko siya. 

"Anikka please stop acting like a that.  Ikaw ba yung--"

"Anikka is different to Attorney Anikka. Wala akong pakialam no."

"Umayos ka nga Anikka,  mamaya may makakita sayo. "

"Whatever." Ani pa niya at humalukipkip.

" I was supposed na tumakas pero bigla namang sinumpong si Jessie na asthma.  Kaya yun di ako nakapunta.

" Ok lang yun Anikka,  by the way kamusta na yung inaanak ko? "

"Ok na siya,  yun kasama ang daddy niya. " Napangiti siya. 

I am happy for her because she is genuinely happy,   May sariling pamilya na at kuntento na sa buhay.

Kailan ko din kaya maachieve yun?  Well I can almost achieve it kung iningatan ko sana yung naging baby namin noon.

Sometimes I am envy because of that,  pero hindi na ako yung dating Eris na kailangan mang apak na tao para makuha ang gusto.

"Eris it is ok,  Kung nasaan man siya ngayon,  I know he is your guardian angel."

I forgot to mention that she also knew what happened to me before.  Kahit ilang milya ang distansya namin,  dahil nasa New York pa ko noon,  she is virtually always there for me.

"Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko e." Ani ko at nginitian niya ako. 

"Edi achieve mo din,  akala mo di ko alam to." Aniya at pinakita sa akin yung picture namin ni Nikko,  dun pa sa part na hinalikan niya ako.

"Anikka naman. "

"Sorry I did not mean,  kasi nakakainis yang babae na yun,  what is her name?  Laurel? " Umiling ako.

"It's Lauren. "

"Whatever,  that bitch. Alam mo Anikka isang sabi mo lang sa akin,  kukumbisihin natin si Nikko na ipa-annull ang kasal nila.  Akong bahala,  maannull yan I am telling you. You have me." Ani pa niya habang tinataas-taas pa ang kilay niya.

"Yes I really agree with you,  Att--Anikka. " Nag apir pa silang dalawa ni Micha.

"And you will live happily ever after. " Sabay pa nilang sabi habang tumatawa.

"No, Anikka hindi."

"Stop being martyr E.  Inagaw niya sayo si Nikko,  so we make agaw too." Nag-apir pa uli silang dalawa.

"Hindi niyo na kailangang gawin yun,  kasi kung kami talaga ni Nikko edi sana kami pa rin inspite sa mga nangyari noon. Kaso tignan mo naman diba?"

"Yeah right." Napatango lang si Anikka.

"By the way napadaan din pala ako dito because you are invited at Jessie's birthday.  She is expecting you to come."

"You can come to bessy." She smiled at umalis na sa office.

"Oh my Erisha,  Alas tres na,  meeting na natin." Aniya at agad na kong hinila ni Micah palabas.

"Wait my notepad!" Ani ko at tumakbo ako pabalik sa office para kunin iyon.

.........................

"Hey what happened to both of you? Were have you been? "Salubong sa amin ni Taylor na nakaabang na sa pintuan ng conference room.

"Anikka is in the office earlier." Diretso kong sagot dahil nagmamadali na kaming pumasok.

"Wait Anikka,  as in Atty.  Anikka." Biglang humarang si Taylor sa pinto.

" Sino pa ba ang Anikka na kilala mo? Padaanin mo na nga kami."

"Oh..  M..  Why did you not tell to me!  Ang tagal tagal na naming hindi nagkita nun." Aniya habang pinaghahahampas niya si Micha.

"Eh ano naman?  Bakit,  end of the world na ba bukas at di na kayo magkikita." Ani ni Michael habang nakapamaywang pa.

"Whatever!  You are super nakakainis. " sabi ni Taylor at agad nang pumasok sa loob.

Anikka and Taylor became friends to,  naging close sila nung nagstay sila noon sa New York. They have the same attitude,  medyo childish.  Kaya siguro naging close sila.

"Erisha Magdayo is already arrived,  we will be starting our meeting." Panimula ni Taylor at umupo na ko sa pwesto ko.

"Wala si Mr. Sarmiento,  he just sent her secretary as his proxy."

" I am not asking for that." Bulong ko.

"Yeah,  but I know, your eyes are searching for him."

Napahinto kami nang tumikhim si Micah.

"Let us officially start!"  Micha confidently stated as he started the presentation.

He shows the reactions of the netizens  in the social media.  Maraming tuwang tuwa sa show. 

"Because of that, we will be expecting big sales this months and also to these follwing months and even years!"

Also,  Micha started to proposed new designs na pinag-isipan namin ng mabuti nitong mga nakaraan.  It is our next shot after the show.

"For success of Amaya!" Everyone shares a toast

Nandito na ko.  Hindi ko na pakakawalan ito.  I'll do everything to take care of Amaya. 

...................

"O hayan,  party party na tayo kaya kain na Erisha." Ani ni Micha at naghain na siya ng mangkok na punong puno ng fries.

Hindi na ko kumibo at dumukot na doon.  He is right,  I must celebrate for my Amaya's successdul debut fashion show.  Another beginning for me.

"Yan ito pa,  hindi dapat wala ito." Dagdag pa ni Micha habang nagsasalin ng wine.

We shared a toast, panay kami tawanan dahil panay ang hirit ni Micha sa mga hugot lines niya. Minsan napapailing lang ako.

"Wala ba kayong narinig?" Huminto kami ni Micah sa pagtawa.

"Nope." I said.

"May nagdoorbell.  Hay Micha naman, huwag mong sabihin may inaya ka dito?"

Umiling lang si Michael "Wala a,  solo natin tong gabi no. Pagbuksan ko na nga." Aniya.

Maya maya ay bigla rin siya nagtatatakbo pabalik.

"Ikaw naman pala Erisha ang may inaya." Ani pa niya habang hinihila niya ko palabas.

"Wala akong inaaya! Pakawalan mo nga ako." Sabi ko habang pumipiglas pero wala rin dahil napakahigpit talaga ng hawak ni Micha sa akin.

"Paka--"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya nakaabang sa pinto.  He is holding a white tulip. 

"Hindi kami mang iistorbo! Enjoy!" Ani pa niya sabay sarado ng pinto.

Aba talaga naman. Gigil kong nahampas ang pinto. Sinubukan kong pumasok pero naka-lock yung pinto.

Wala akong magagawa kundi harapin si Nikko.

"Anong kailangan mo?"

"Eris.Mag usap tayo."

"Hin---" Hindi ko na tuluyang magawang tumanggi dahil dali dali niya kong hinila kung saan.  Bakit ang hilig hilig nilang basta manghila na lang?

Hanggang sa makarating kami sa rooftop.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ni hindi man lang siya huminto sa pagtakbo papuntang rooftop.  Ni hindi man lang siya gumamit ng elevator.  Hingal na hingal na ko sa sobrang pagod. 

"I'm so sorry Eris." Aniya at iginiya niya akong umupo sa may bench sa rooftop.

Tinanggal niya sapatos ko at minasahe niya yung paa ko.

Inalis ko rin yung paa ko sa kamay niya nang mabawasan na yung kirot.  Nakaupo pa rin ako habang siya ay umupo sa tabi ko.

"Eris hindi ko kayang lumayo sa'yo ng tuluyan.  Pinigilan ko ang sarili ko pero hindi talaga e."

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Eris naman."

"Nikko,  kasal ka.  Hindi na tayo pwede.  Hindi..  Kay Lauren ka dapat."

Tumayo ako kaagad at naglakad palayo. Wala na kaming dapat pag-usapan kung ganito lang.  Tapos na kami.

"Eris kung kailangan araw araw hintayin kita, gagawin ko,  basta bumalik ka lang Eris."

"Huwag na Nikko,  gawin na natin ang tama."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top