Chapter 22
From: 09361********
Hello, would you mind to have dinner with me?
Napailing na lang ako at itinabi yung phone ko sa drawer at muling humarap sa laptop ko for paper works and to check out to our finishing process sa show.
I sighed. Ilang araw na rin simula nang umiiwas na ko sa kanya. Well except sa photoshoot kasi trabaho yun, I need to interact with him, pero very formal lang, then after that, i have to pretend that he does not exist.
Napalingon ako kay Michael na umupo harap ko at pinatong yung folder na hinihingi ko sa kanya kanina.
"Eris bakit daw hindi mo sinasagot yung mga text ni Nikko sa iyo." Aniya. Tinignan ko na lang siya ng masama saka muli ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"Pati nga kami kinukulit niyan, kung alam mo lang E." Singit ni Taylor na nakaupo na rin pala sa tapat ni Michael.
"Edi huwag niyong pansinin. Ganoon lang kasimple." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa laptop.
"Kung sana ikaw lang talaga ang tinatadtad ng messages ni Sarmiento. Damay mo pa kami." Ani ni Michael, hindi ko na lang sila pinansin at tinuloy yung ginagawa ko. Hindi na rin ako kinausap ng dalawa at bumalik na sa couch. Alam na nilang ayaw ko ng pag-usapan iyon.
We know our limits now, nadala na kami sa nangyari noon, at ayaw na naming maulit pa. Hindi rin naman namin matitiis na hindi pansinin ang isa't-isa because we're family.
"Miss Eris." Napalingon ako kay Rina at ipinatong yung bouquet ng tulips sa desk. Napabuntong hininga akong napatingin doon, saka tumingin kay Rina ulit.
"Alam mo na dapat ang gagawin diyan diba?"
"Eh Miss--"
"Just throw it away, or I'll fire you."
"Yes Miss Eris." Aniya at dali-dali na siyang umalis sa harap ko. Napahinto rin si Rina ng may sinigaw si Michael sa kanya.
"Tell him that Miss Eris is not here. Umalis, nagtatago."
"Michael!" Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Don't Michael me. Micha! Gusto mong kaladkarin kita kay Nikko?" Napairap na lang ako sa kanya at napahilot sa sentido ko.
This pisses me off.
Napansin kong napaupo si Michael sa harap ko.
"Hay nako Erisha, pakunyari ka na naman. I know, nangingimi kang kunin yung mga tulips." Sinamaan ko ng tingin si Michael, at pinili ko na lang na huwag na lang siya kibuin, hinding hindi naman ako mananalo. Mabuti nga at umalis si Taylor kundi lalo pa nila pasasakitin ulo ko.
"Hay nako Erisha, if you dont want Nikko around, pwede mo namang kausapin ng maayos. Be professional Erisha, huwag kang parang teenager diyan. Matanda ka na."
Hindi ko pa rin siya kinibo, pero kung sabagay, he has a point. And he is very right that I am acting like a naive teenager, I really dont know how can I face him, I can feel that I will stammer infront of him.
Just, ayoko pa muna siyang kausapin, kung pwede lang ayoko na siyang makaharap pa.
"Erisha, kumibo-kibo ka naman, para naman akong nakikipag-usap sa hangin dito. Baka pagkamalan na ko ni Rina na nababaliw.
"Matagal ka naman ng baliw Michael."
"Whatever Erisha, you are making me crazy. No you two making me crazy, mag-usap nga kayo." Aniya at nakangising pumipindot sa phone niya.
"Dont you dare Michael Angelo Hontiveros."
"You said what?" Nanlaki ang mga mata ko ng nakatapat ng yung thumb niya sa call button.
"No please Micha, please." Pinandidilatan ko na siya ng mata. This really pisses me off, the fact na pinapakilaman nila ako and I am feeling helpless because one wrong work or action, alam kong hindi mangingimi si Michael na tawagan si Nikko.
Nakangisi pa rin siyang nakaharap sa akin.
"Please Micah dont, I'll talk to him, I promise but give me some time ok?" Nakahinga na ko ng maluwag ng ibinulsa na ni Michael ang phone niya.
"Ok fine, kasi marami na kaming nadadamay, and balak mo rin talagang gawing flower garden ang bahay nila Rina."
Napakunot yung noo ko. "At bakit naman, I am asking her to throw it away not to keep it."
"Nanghihinayang kasi ang secratarya mo, kung sabagay yung ako naman ang padalhan ng ganoon aba, tatanggapin ko na, tapos galing pa sa isang prince charming." Kinikilig pa na sabi ni Michael.
"Tigilan mo ko, baka gusto mong bawiin ko yun kay Rina--"
"At tatanggapin mo na?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi Micha, papakain ko sayo."
"Ang hard mo Erisha, gusto mong tawagan ko si Nicholas."
"Don't you dare." Anas ko sa kanya at tinuloy na yung ginagawa ko.
I need to focus again, mukhang nawala na yata yung isip ko sa ginagawa ko, Michael is such a great distractor.
"Miss Micha, pinapatawag po kayo ni Miss Taylor sa conference hall." Nakahinga ako ng dahil doon. At last I am in peace."
"Siguro dumudugo na ilong ni Taylor doon." Aniya at inaayos na yung mga gamit niya. Napangisi na lang ako sa kanya.
"Hindi pa tayo tapos Erisha. Magtutuos tayo nila Taylor." Aniya bago tuluyan na isara yung pinto.
Whatever.
I checked out my emails dahil wala pa rin yung isip ko sa ginagawa ko.
Nothing significant, puro mga mails lang from my social media accounts and some greeting from our constituents, and this 3 new mails all from him.I didn't read it all at binura ko na lang lahat.
I still can't focus on what am I doing so I decided to take a nap, since inaantok na rin ako dahil late na rin naman ako nakatulog kagabi dahil sa mga chinecheck ko na mga paper works.
"Erisha." Hindi ko pa rin pinansin ang pagtapik ni Michael at natulog pa rin. I dont wan't to come up yet.
"Eris si Nikko!" Agad kong itiningala yung ulo ko mula sa pagkakadukdok at dali-daling inayos ang itsura ko.
"Ayan babangon ka rin pala. Kung di ko lang binanggit yung pangalan niya." Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niyang iyon.
"Look Rina concious ang lola mo, tignan mo ang bilis nakapag-ayos."
"Tigilan mo ko Michael."
"Tigilan mo rin ang pagiging pabebe mo Erisha." Aniya at umupo sa harap ko.
"May sinend daw sayo ni Nikko na attachement sa email mo. Nareceive mo na ba?"
"Attachment file?"
"Oo ano sa tingin mo love letter." Tinitigan niya ko sa mata. "Binura mo siguro." Aniya.
Napahilot ako sa sentido ko, pinagawa kay Nikko yung sales report?
"Lukaret ka talaga Erisha, bura ka kasi ng bura di mo muna basahin. I know that file is important, at kahit hindi kasama yun sa job description niya, ginawa pa rin niya para sa Amaya."
"Kasi naman."
"Kasi naman ano?"
"Bakit niyo ba pinagawa sa inyo yan, ang dami nating tao na gagawa para diyan." Inis kong sabi.
"Nikko dont like the way the make that file, so he volunteered na lang."
"Just ask him to send it back."
"Bakit di ikaw."
"Michael I'm the boss here."
"Hay nako sige na nga!"
Michael walked away.
Hay nako Erisha!
................
"Michael kung kukulitin mo na naman ako please, spare me this time. I still have a lot of things to do."
"Hi Eris." Napatingala ako sa pinanggalingan ng baritonong boses na iyon.
Huminga muna ako ng malalim bago siya pansinin.
"Yes Mr. Sarmiento."
"Michael asked me to personally give this to you, para di mo na mawala yung file." Aniya at inabot sa akin yung flashdrive.
"Thanks." Mapait ko siyang nginitian
Pasimple akong tumingin sa kanya nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya.
Baliw talaga, bakit di pa siya umalis.
Simple nakangiti naman na siya sa akin.
"If I were you, aalis na ko dito kanina pa, kaysa naman nag-aaksaya ka ng oras dito." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.
"I'd rather waste time just to be with you Eris." He smiled, he smiled gaya noon, I can see hapiness in his eyes. Umiwas muli ako ng tingin, hindi dapat ako magpadala sa mga ngiti na iyon.
"Mr. Sarmiento." Malumanay kong sabi.
"What, Ms.Magdayo?" Then he stare at me like I am still precious to him, just like before. Napairap na lang ako sa kanya, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin sa kanya iyon.
He gave his evil grin to me.
"Please Mr. Sarmiento, I have a lots of things to do. So can you?" Mapait siyang napangiti sa akin bago tuluyang tumalikod sa akin at naglakad palabas.
"Eris if you have time, please explain everything to me. Bakit ka ba nagkakaganyan?."Aniya at lumapit muli sa akin.
"And Eris please don't try to avoid me again, because I will be always there to chase you." He showed his devlish grin and walked away.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top