Chapter 16

Pumasok si Michael bitbit ang mga masasamang titig sa akin. Napakunot ko noo at tinitigan din siya ng masama. Ano na naman kaya ang nagawa ko?

"Anong ginagawa bg Atayde na iyon?"

"Dinalhan lang niya ako ng congee." Dali-dali niyang kinuha yung natitira pang congee at initusan  si Rina na itapon ang mga iyon. Agad ko siyang pinandilatan ng mga mata. Ano na naman ba?

"Hay nako Erisha, paano kapag may gayuma iyang pagkain na yan! Naku baka maloka ka na sa retokado na iyon."

"Ikaw talaga Michael kung ano-ano ang iniisip mo sa tao? Hindi ka naman inaano. Mas maganda isipin mo kung paano mo pa mapapaganda yung trabaho mo."

"Erisha, I'm doing very great in my job, I love what I am doing. Concern lang naman ako sayo, baka mamaya may gayuma nga yan."

I rolled my eyes as I faced him, kahit kailan ay napaka-init ng dugo niya

"Eris, di mo nakita si Nikko?"

Hindi ko siya kinibo, bakit naman kami magkikita nun? Ni hindi nga ako lumalabas ng office.Ano na naman yung kailangan niya sa akin?

"Hinahanap ka niya sa akin. Sinabi ko na hindi ka makakapunta. Tapos napag-alaman ko na pumunta siya rito sa office,sabi ni Mona." Tumango-tango lang ako sa kanya dahil naiintindihan ko hindi dahil nakita ko siya. Ni anino nga niya di ko nakita.

"Did you see him E?"

"No."

"Really." Napa-iling iling si Taylor, tila napapa-isip.

"Wait lang guys alis muna ko, hay nako." Ani ni Michael at mukhang nababadtrip. Siguro may problema na naman sa mga models. This become my major problems in the long run, halos lahat ng mga models na nakukuha namin is hindi maganda ang pag-uugali. It is hard to admit that we are always deceived by looks. Iyon kasi ang puhunan hindi naman ugali. Iyon ang masaklap na katotohanan.

Lumapit si Taylor sa akin at hinawakan yung braso ko.

"Seriously, di mo siya nakita?"

"Hindi, bakit mo ba ako kinukulit?" Sabi ako at inalayo yung braso ko sa kanya ng maayos

"It's seems that he really wanted to see you. Kanina pa madaling-madali na umalis." Napailing lang ako sa sinabi niya, kung gusto man niya ako makita, iba ang pakay niya sa akin. He just want to get laid, at masakit kasi kailangan kong tanggapin ang katotohanan na iyon. Saka hindi ko naman talaga siya nakita kanina.

"Erisha!!" Pareho kaming napaharap sa kanya.

"Kung makasigaw, akala mo wala nang bukas. Grabe siya!" Hindi na pinansin pa ni Michael si Taylor at dumeretso siya kaagad sa akin.

"Kailangan ka namin dali." Aniya at dali dali niya akong hinila.

"Napakaharass mo talaga!!" Bulyaw ni Taylor pero wala na rin siyang nagawa kundi sumunod na lang din sa amin.

"Michael bitawan mo ako!"

"Hindi. Hindi pwede, kailangan ka namin ngayon Erisha." Aniya pa niya at  pinapasok ako sa may kotse niya.

"Saan mo ba ko dadalhin?" Sabi ko habang nagmamaneho siya. Wala man lang ako idea kung saan kami pupunta, kung bakit niya ako kailangan.

"Basta kasi magugustuhan mo doon." I rolled my eyes. Iyan na naman yung isinagot niya. Makailang beses ko na siya na tinanong pero iyon at iyon pa rin ang sagot niya.

Hanggang sa makarating kami ng Tagaytay, hindi ko napansin na dito rin kami pupunta dahil nakatulog ako sa daan. Siguro dahil sa pagod na rin. Malapit na rin kasi yung runway show ng Amaya.

Hindi na rin ako pumiglas habang hila-hila niya ako papunta sa dressing room. Teka parang alam ko na talaga ang balak niya sa akin.

"O siya ayusan niyo na yan." Aniya kay Bernie na head make-up artist doon. Agad akong humarap pabalik kay Michael. Sinasabi ko na nga ba e, hihilahin na naman niya ako mag-model.

"Teka Michael. Anong---"

"You'll be modeling again Erisha." Oo alam ko, ano naman ang imomodel ko, lalo pa at sakto na yung mga damit na ilalabas namin for our models. May bago na naman ba silang design na hindi man lang ipinaalam sa akin?

"Wa-what did--"

"Nakakainis kasi yung Viktorya na iyon, napaka-paimportante. Ayun inalis ko, kaya ikaw na papalit sa kanya." Aniya at nakahalukipkip.

Pinandilatan ko siya ng mga mata. Viktorya is one of my finest models here tapos basta basta niya lang pinakawalan. Kung alam lang niya kung gaano ako nahirap para lang mapapirma siya ng kontrata sa Amaya.

"Ano ka ba Erisha, di kawalan--" hindi ako nakapagpigil at ibinato sa kanya yung buffing brush, pero nakailag din siya kaagad.

"Hay nako Erisha, kunsumido na ako sa babae na iyon. Hindi mo ako masisi kung napuno na ako sa kanya." Asik niya sa akin.

"Anong ginagawa ni Ms. Eris dito?"  Narinig ko pang bulungan ng mga tao na nasa paligid. Hindi naman kasi ako expected na pupunta dito. I don't want to go there, hinila lang naman ako ni Michael.

"Everyone!"

"She will be our new model and joining Mr. Sarmiento at the final show." Hindi   na ako magugulat kung magiging model na ako. Lagi naman nila ako kinukuha sa tuwing may kulang na model o gusto nila na magmodel ako. But not this, not this.

I dont know any of this. Humanda sa akin si Michael mamaya. Kaya pala ayaw niyang sabihin ang lahat lahat sa akin.

"Erisha, bawal ka nang tumanggi." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Actually Magpapa-audition kami but Mr. Sarmiento personally chose you."

Gusto ko habulin si Michael pero may humawak sa braso ko.

"Ms. Eris ayusan na po namin kayo." Tumango na lang ako kay Bernie at umupo sa upuan kung saan siya nakatapat. Wala na rin naman akong magagawa, besides I missed modeling.

But I dont want to model if I'm with him. I have no choice again, they will leave me again no choice. Bakit ba lagi akong naiipit.

I stand confidently wearing an off shoulder and a denim pants. I like what they made to my face, it looks very natural, except on my eye make-up, it is smokey, mas pinatapang nito ang mga mata ko.

As I look myself again in the mirror napabuntong hininga ako.

Just be professional Eris. You can do it,

"Eris ang tagal mo naman."  Bago pa ko makapagsalita at itinulak na lang ako ni Michael kung saan hanggang sa naramdaman akong poste.

No! Tao ito, sa tingin ko sa matipuno niyang dibdib ako nasubsob. Tumingin ako pataas sa kanya.

"Hi Eris." He grinned.

No way. Agad akong lumayo sa kanya pero agad niya akong hinapit.

"Nice shot Mr. Photographer!"

"Yeah right, kahit stolen."

Agad akong napatingin kay Michael at dumistansya ng kaunti kay Nikko. I don't know any of this, humanda siya sa akin.

Nakangiting lumapit  sa amin yung photographer

"I'm so honored to work with you Ms. Eris." Aniya at kinuha ang kanan kong kamay, siguro ay hahalikan niya iyon.

"Hindi pa ba tayo magsisimula? I have meeting at three." Hindi pa nalalapit at palad ko sa mukha niya nang sinabi ni Nikko iyon. Agad na lumayo si Mr. Photographer at matipid lang akong ngumiti sa kanya.

"Ok let's start!" Aniya at ipinuwesto na siya yung DSLR camera sa tripod.

"Close please." Aniya sa amin at yung isang assistant at iginiya ang mga kamay ko sa dibdib ni Nikko. Sinikap kong pigilan ang panginginig ng aking mga kamay sa paghawak sa kanya. Ganito pa rin ba talaga kalala yung epekto  niya sa akin.

Eris, kalma pwede? Kalma lang.

Pikit mata kong hinawakan ang mga iyon hanggang sa may kamay na humawak sa kamay ko.

"You have touched those already Eris, dont shake."

Sana lamunin na ako ng lupa ngayon.

.................

Happy New Year Guys! 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top