ENTRY#5

"wala kang utang na loob! pinakain kita! binihisan! pinag-aral tapos sasama ka sa mommy mo!?"

Halos ihagis ni daddy ang lahat ng gamit ko sa galit niya. Gusto sana namin kuhain ang mga gamit ko kapag wala si daddy pero inaantay niya pala kami. expected niya na pupunta kami.

"hindi ka tumulad sa kuya mo! may utang na loob!"

"itigil mo na nga ang pagsasalita ng ganyan sa anak ko! hindi pa ba sapat na sinaktan mo ako! napaka walang hiya mo hayop kang demonyo ka! at ikaw!" sabay turo ni nanay kay miss rose na nasa gilid ng pinto. "akala mo ikaw ang pinili kasi binahay ka dito? kapag laspag ka na iba naman ang iuuwi niya!"

"mommy tama na po" gusto ko nalang umalis pero handa ata makipagsaksakan si mommy.

"sige angela! sumama ka sa mommy mo! magsama kayo mag-ina! mga walang silbi!"

hinila ko na si mommy paalis pero lumingon ulit siya at sumigaw.

"at magsama din kayo ng kabit mo! mag sex kayo hanggang sa impyerno!"

"MOM!" 

Dumura si mommy habang masama ang tingin kay daddy patunay na diring diri siya sa ginawa sa kanya ng asawa. Halos mawalan ako ng hininga kakahila sa mommy ko palabas ng malaking gate.

Pareho kaming umupo sa gatter sa pagod. maya-maya ay humagulhol si mommy. hinagod ko ang likod niya para magbigay ng simpatya.

Kung meron man akong nararamdaman ngayon ay malaking ginhawa. Maluwag sa isip at sa damdamin na hindi ko kailangan makisama sa kanila at kahit papaano ay makakawala ako sa walang katapusang pressure na meron sa bahay na iyon.

"uwi na po tayo"

Pero parang wala siyang narinig at panay ang silip sa bahay namin habang umiiyak. May humintong sasakyan sa harap namin. Inaasahan ko ng si miggy iyon. dinaluhan niya kami at walang salitang inakay ang mommy ko papasok.

Tinulungan ko siyang ipasok ang mga gamit ko. Magkatabi kami ni mommy sa likod at para naming driver si miggy sa harap. hindi parin siya humihinto sa pag-iyak.

Tinuro ko kay miggy kung saan ang bahay ni mommy. Doon niya kami hinatid.

"pasensya ka na miggy at ito lang mahahain ko ah" 

namumula parin ang mga mata ng mommy ko ng nilapag niya ang anim na ensaymada sa lamesa.

"okay lang po tita"

"sa kwarto muna ako angela, asikasuhin mo si miggy. Magpapahinga lang ako" matamlay niya kaming tinalikuran at umakyat sa kwarto.

Alam kong iiyak na naman siya, kahit gaano kalaki ang galit niya kay daddy ay never niyang inisip na iwan at alam ko ang dahilan. Mahal niya. matapang siya kapag kausap kami pero alam kong kinakaya niya dahil mahal niya talaga si daddy.

"kamusta?"

si miggy ang bumasag sa katahimikan ng paligid.

"wala na ako sa honors" 

natahimik ulit kami, hindi ko alam bakit ang awkward namin sa isa't isa ngayon.

"hey about last time"'

"okay lang miggy. Hindi naman pwedeng tumakbo ka every time na may mangyayari sa akin alam kong busy ka rin" hindi ko gustong magtonong nagtatampo pero hindi ko mapigilan.

"what do you mean?" seryoso ang mga tingin niya at alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

but that's reality. 

"hey" lumapit siya sa akin at niyakap ako "You should have told me when you called. edi sana nagkaroon ako ng dahilan para hindi sumama sa bar"

Hindi ako nagsalita kaya nagtuloy na siya ng kwento. gusto kong pumalag sa yakap niya pero marahan niyang sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. 

"noong tumawag ka nasa bahay kami ng blockmate ko and then nag-aya silang lumabas if I only knew that you're in trouble hindi nalang sana ako sumama. Mas uunahin kita" 

Kusang namasa ang luha ko, ang lihim kong tampo ay kusang nawala sa paliwanag niya kahit hindi ko pa hinihingi.

"baka kasi busy ka kaya hindi na ako nagsabi" nanginig ang boses ko.

 I felt guilty na nagtampo ako na ako naman pala ang may kasalanan dahil hindi ko agad sinabi ang kailangan ko. Pinagisipan ko pa siya ng masama.

Lumabas si nanay sa kwarto ng parang walang nangyarii, nakangiti ito pero mugto ang mga mata. Sa bahay naghapunan si miggy. Nag kwentuhan lang kami ng konti bago siya umuwi.

"Angela nakita mo na iyong post sa bulletin board? bakit wala kasa with honors?" bungad sa akin ng isa kong classmate pagpasok kinabukasan.

Naka-post na ang may mga award sa bulletin since mag application for graduation na kami next week at nilabas narin ang grades, clearance nalang talaga kung tutuusin ang need tapos graduation na kaya pwede na umabsent. 

Last week na 'to ng school year at para nalang siya sa may mga hinahabol gusto ko lang talaga pumasok dahil iyon lang naman ang alam kong gawin. School at bahay lang naman ang alam kong tamabayn.

Ngumiti lang ako ng konti, alam kong alam nila ng reason gusto lang nila kumuha sa akin ng reaksyon.

Tahimik akong umupo sa arm chair at nagbasa ng libro. nasulyapan ko saglit sila nelly at napaisip ako, nakakaramdam kaya sila ng awa sa akin dahil sa ginawa nila? o natutuwa pa sila dahil feeling niya nakaganti siya.

as usual wala akong kasama classmate sa breaktime kaya hindi ako umalis ng room. Ayaw ko din bumili ng kung ano dahil wala naman akong gana.

"Angela" tawag sa akin ng isang lalaki mula sa pintuan ng classroom, iyong lalaki na kumausap sa akin sa open field.

Tumayo at nilapitan siya. Sinulyapan kami ng ilang tao sa loob ng room kahit ang mga dumadaan.

"Nabalitaan ko ang nangyari" panimula niya ng tumayo ako sa harap niya.

Hindi tinago ng ibang estudjante ang titig nila sa amin. Hindi tuloy ako komportable, feeling ko pinaghihinalaan nila ang lalaking kausap ko.

"a-anong kailangan mo" bulong ko, sapat para marinig niya.

Napapayuko ako sa tuwing may dadaaan. Kalat sa buong campus ang issue ko, may ibang walang paki pero mas marami ang gusto maki-chismis.

"ibibigay ko lang sana ito" inabutan niya ako ng egg sandwich at softdrinks "hindi ka kasi lumalabas kapag breaktime kaya binilhan nalang kita" ngumiti siya.

Kabado ko iyong tinanggap.

"jason nga pala" 

alam naman na niya ang pangalan ko kaya no need pang sabihin. Nginitian ko lang siya, sa unang pagkakataon ngayon araw ay ngumiti ako. 

"pwede ba akong magtanong?"

"sige, ano iyon?"

"si... si kuya miggy ba?"

Nawala ang ngiti ko "h-ha?" kunot noo ko siyang tinignan.

"iyong... kasi may nabalitaan ako tungkol sa iyo, naisip ko lang baka si kuya miggy iyong sinasabi nila"

Bahagya akong napanganga, akala ko pa naman genuine ang care niya kaya binilhan niya ako ng snack. Nalungkot ako na gusto lang din niya malaman ang tungkol sa bagay na iyon.

" I mean, I'm not judging you or him. I just though single ka talaga, kaya pala ganoon siya mag react sa field." 

Parang nalungkot ito, hindi ako sure kasi naiilang na ako sa eksena dahil sa mga nakikinig sa paligid. Hindi naman kasi kahinaan ang boses niya, alam ko normal conversation lang ito sa kanya pero sa akin ay nakakapagbigay ng kilabot.

"Hindi ba bawal iyon? mag live in na underage ka pa? mag 18 ka palan--"

"thank you sa snack" binalik ko sa kamay niya ang binigay niya. "pero hindi talaga ako gutom kaya hindi ako nalabas. but thank you." tinalikuran ko na siya at bumalik sa upuan ko.

Nagsalubong ang mata namin ni nelly pagpasok niya ng room. ako ang unang nagbaba ng tingin. nandoon parin si jason sa pinto at parang pino-proseso pa ang nangyari.

Nagtext ako kay miggy na wag nalang niya ako sunduin. Hindi ako magiging komportable kapag nakita kami ni jason na magkasama o kung sinong estudjante kanina ang nakarinig ng usapan. Medyo may kalayuan ang bahay ni mommy pero kaya naman mag commute. 

ang lakas ng ulan noong uwian, parang feelings ko down na down kaya bumili ako ng ice cream sa 7/11. Pinagtitinginan ako sa jeep dahil sobrang lakas na nga ng ulan sa labas ay umuusok pa sa lamig ang hawak ko.

Hindi ko nalang pinansin ang tingin ng ibang pasahero. sa ganito ay kaya kong i-ignore dahil hindi ko naman sila kilala, o makakasama sa araw-araw pero ibang sitwasyon sa school. mabuti nalang talaga graduating na ako.

Hindi parin ako kino-contact ng university sa taguig, naisip ko okay lang. Sasamahan ko nalang talaga si miggy , maituturing parin naman na new environment dahil new school, new beggining.

Tapos na kaming maghapunan at nakatunganga nalang ako sa harap ng laptop ko. Marami na naman naka-tag na pictures kay migg at ang saya-saya niya.

Ang sama ko sigurong kaibigan dahil nakakaramdam ako ng inggit na may buhay siya maliban sa school at bahay.. at sa akin.

bumuntong hininga ako ng abutin ang cell phone dahil may nag message. Nanlaki ang mata ko sa nilalaman noon.

Hi Ma'am! this is nicole from registrar, ako iyong kasausap mo last time. may nag back out na two student na naka enlist for next Saturday entrance exam, gusto mo bang ipasok kita? please reply ASAP.

That day is our graduation ball. hindi pa ako nakakapag decide if gusto kong pumunta pero bumili na si miggy ng tickets I think there is a part of him na ready na for that date.

gusto ko pong mag exam, anung oras po next saturday? thank you po.

Reply ko. kailangan ko sabihin kay miggy na hindi na ako pupunta. Malayo ang taguig hindi ako aabot. Matagal magpa-ayos at ayuko din talaga.

1pm po. good luck!

Kinabukasan kahit may tumitingin parin mga student sa akin ay pumunta ako sa canteen para kumain. Kailangan ko ng nutrients para gumana ang utak ko, nagre-review ako para sa entrance exam at na eexcite ako sa totoo lang.

Nagbubulungan ang mga studjante sa katabi kong table pero pag nililingon ko sila nananahimik. binuklat ko nalang ang libro na may logical thinking and abstract questions. Nagbabasa ako at nag-iisip habang sumusubo ng pagkain.

bumalik ang motivation ko at gana sa araw-araw habang ang iba excited na sa graduation ball at nagpapa inggitian sa gown nila. Hinahasa ko ang utak ko sa mga puzzle sa abstrac.

"Ano nagkapag decide ka na ba kung pupunta tayo next week?" sabi ni miggy

Nasa sasakyan kami ngayon at pauwi, kanina pa niya ako tinitigan pero nasa reviewer ko lang ako nakatingin.

"ayuko miggy, hindi ako komportable" simple kong sagot

"hmm.. okay"

Katahimikan.

"ano iyang binabasa mo? wala na kayong exams ahh"

napatigil ako sa paglipat ng pahina. Kailangan ko sabihin sa kanya ayuko magsinungaling, pero  kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.

"ahhh.. gusto ko lang mag try sa ibang university"

Huminto kami sa tapat ng bahay pero hindi padin bumababa. Bumaling siya sa akin na kunot noo.

"bakit? marami namana ng course sa La salle ah?" 

tinago ko ang reviewer sa bag. Kinabahan ako lalo dahil parang galit siya. nasa manibela parin ang isa niyang kamay habang ang isa ay nakatukod sa inuupuan ko bilang pagbalanse sa pagpalit niya.

"gusto ko lang naman mag try"

"pero sa La salle ka parin mag enrol?" malamig ang tinig nito, gustong maniguro ang kaseryosohan ng boses.

kinagat ko ang labi ko "yeah" 

Umaliwas na  ang mukha niya at nakahinga ng maluwag. pumasok na kami sa loob at ang tahimik ng bahay. hindi ko alam nasaan si mommy dahil wala naman siyang sinabi kung saan siya pupunta.

"may niluto na ba si tita?" sabi ni miggy habang nagkakalkal sa kusina.

sinundan ko siya, gusto kong linawin sa kanya kung saan ang school at ang posibilidad na doon ako mag enroll pero hinahanap ko pa ang tapang ko.

binuksan niya ang ref at naghanap ng lulutuin dahil walang pagkain.

"kailan ka mag e-exam?" tanong niya habang nakatuwad para makuha ang ingredients sa chiller na nasa ibaba ng ref.

"next week, saturday"

tumayo siya at nilingon ako. "kaya ba ayaw mo pumunta sa ball?"

Kinakabahan ako sa tuwing sumiseryoso ang boses niya.

"ayuko dahil alam mo naman mainit ang mata sa akin ng mga chismosa" pag-amin ko.

Naglabas siya ng manok at patatas. Kinuuha niya ang apron na nakasabit at nagsimulang hugasan ang mga lahok. Hindi ito bago dahil pinagluluto naman niya talaga ako, kaya hindi ko naisipan mag aral dahil nandjan naman siya.

"aayain pa naman sana kita mag movie nalang kung ayaw mo mag grad ball pero may plano ka na pala, sige ihahatid nalang kita"

"hmmm..malayo eh"

"saan ba?"

"taguig"

"taguig!? bakit ang layo! wag ka na mag exam doon"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko kayang aminin kay miggy, hindi ko kayang sabihin na gusto ko lumayo dito at magkaroon ng bagong tanawin. Natatakot akong baka magalit siya sa akin dahil nangako naman talaga ako na hanggang college magkasama kami. pero hindi mawala sa isip ko ang school sa taguig, lamang sa damdamin ko ang kagustuhan na doon mag-aral.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top