ENTRY#39
I practice a million times in my head what I will do or say if he ever comes back and letting him kiss me at our front door is definitely not part of it.
But I'm starting to give in. Both of his hands are slightly holding my waist, so I assume I should also touch him somewhere. While our lips are busy engaging with each other, I finally have the courage to raise my hands and touch him.
But before I can land my hands on his face the front door open. Dahil hindi inaasahan at hindi naman ganoon kahigpit ang hawak sa akin ni miggy ay nabuwal ako.
"Hoy! Hoy! Hoy!"
magkahalong boses ni miggy at ni kuya ang narinig ko. Nagpanic sila pareho sa pagtumba ko. Ang lakas ng pagkaka umpog ng ulo ko kaya napapikit ako.
"angel!"
"pucha naman angela! Anong ginagawa mo!"
It's rare for me to here my brother curse. He talk to miggy with pure bad words. Ayuko na intindihin at pumikit nalang ako ng tuluyan. Masakit sa tenga ang pagtatalo nila, kung sino ang may kasalanan bakit ako natumba.
"Let's bring her to the doctor na, kuya."
"No, mom. Okay lang iyan"
"sabi mo nauntog!"
"Tita is right, we should bring her to the hospital."
"Shut up migyy! Ano ba kasing ginagawa niyong dalawa sa pinto? Bakit hindi pa kayo pumapasok?" sigaw ni kuya.
Hindi ko alam anong oras na pero parang ayuko parin gumising. Ramdam ko ang presensya nilang tatlo sa gilid ko. Alam ko nasa may bandang ulo ko si mommy, dahil doon nanggaling ang boses niya.
"My bunso, wake up."
Hayyyysss....
"she's awake!" lumapit agad sa akin si kuya.
Miggy is by the end of my bed. Looking relief and handsome.
"kamusta ang pakiramdam mo? nahihilo ka pa? punta tayong hospital?"
Nginitian ko si mommy. "i'm fine mom"
"see! hilo lang iyan kasi naka-inom"
tinignan ko ng masama si kuya.
"pwede ka ng umuwi miggy. wala ng chismis dito"
Naawa naman ako kay miggy dahil mukha siyang bigong bigo sa sinabi ng kapatid ko.
"I'll text you"
Tumango lang ako. Masama ang tingin ni kuya sa kanya hanggang makalabas siya ng kwarto. Panay ang tanong ni kuya bakit daw ako nakasandal sa pinto ng ganoon. Hindi ko nalang sinagot.
the next day wala akong natanggap na text galing kay miggy. Not that I'm waiting. it's just that he said he'd text me, so I'm expecting.
"Bunso, can we talk"
Kinabahan ako dahil seryoso ang pagkakasabi ni kuya. Sinenyasan niya akong pumasok sa kwarto niya.
"Dad wants us to see him tomorrow."
"with his..."
"nope. Just us."
"okay"
Para matapos na ito. Kung ano man ang gusto gawin ni daddy.
Kinabukasan, hindi ko sinabi kay mommy na magkikita kami ni dad. Napag-isipan ko na tsaka ko nalang ikwento.
Wala parin text si miggy pero may dumating na flowers at maraming chocolates. Tuwang-tuwa naman si mommy. Si kuya nakasimangot.
"May gagawin ka ba mamayang gabi bunso?" sabi ni mommy habang kumakain kami ng almusal.
Nagkatinginan kami ni kuya. Lunch ang usapan namin ni daddy.
"wala naman po"
"may meeting ako, pwede mo ba akong Samahan?"
"sige po."
Bihira akong isama ni mommy sa mga lakad niya pero hindi ko nalang binigyan ng ibig sabihin. Baka kailangan niya ng taga notes.
9am kami umalis ni kuya. Pareho kaming nakasimangot at halatang labag sa loob ang gagawin. But at least kasama ko si kuya sa awkward meeting na ito.
Sa isang restaurant daw ang usapan nila ni daddy. Honestly. Kinakabahan ako. I haven't seen him for years. He messages me sometimes, but he never insisted like this before.
"Congratulations on passing the board!"
Ilang akong ngumiti. steak ang order nila kaya iyon din ang akin pero hindi ko pa ginagakaw kahit kanina ko pa hiniwa.
"Look at your sister, Clarence. She passed the board exams in one take. You should double your effort."
Uminom ako ng tubig. Something never really changes. Hinawakan ko ang kamay ni kuya na nakapatong sa hita niya, naka kuyom ito.
Si daddy nalang halos ang kumakain sa amin. Sobrang awkard na sa table. Badtrip na si kuya pero mukhang hindi iyon nakikita ni dad.
"May pupuntahan tayo after kumain." sabi nito sa akin.
Nilingon ko si kuya na hindi na gumagalaw sa gilid ko.
"Kuya brought his car." I said to inform him na kay kuya ako sasakay.
"Good. ako na ang bahala maghatid kay angela pauwi."
That means hindi kasama si kuya!?
Hinatid ako ni kuya sa kotse ni daddy. Humalik siya sa pisngi ko bago isirado ang pinto. Nalulungkot ako habang tinitignan ang nakayuko kong kapatid na naglalakad pabalik sa sasakyan niya.
"you will like where were going"
Hindi pa kami umaandar ay gusto ko ng bumaba. May chance pa ako umalis at sumama nalang kay kuya pero baka mag backfired sa kanya at magalit si daddy.
Nakita ko ang malaking arko palabas ng silang. Nasa tagaytay na kami.
Pumasok kami sa parking lot ng isang malaking building. Binati kami ng guard pagpasok namin.
Maganda ang lugar. elegante. 4th floor.
"This house is for you"
Nilagay niya sa palad ko ang susi ng condo. Tinuro niya ang pinto.
The last time binigyan niya ako ng mamahalin na regalo nakipag-ayos siya kay mommy.
"Hindi ko po ito matatanggap"
"no, you deserve this. You graduated and pass the board."
Mukhang nainip siya na buksan ko dahil siya nalang ang gumawa.
Maganda ang loob. Kumpleto na ng gamit. Proud niyang kinukwento kung magkano ang preso ng bawat gamit. Pumasok ako sa kwarto at namangha sa walk in closet. Ang laki nito.
"I don't think matatanggap ko ito"
"it's your reward."
"I don't need a reward. Papasa po si kuya sa Bar exam. Meron parin kayong mapagyayabang na anak."
That's what this is all about. so his friends could flatter her that both of his children are achievers. so he could brag.
"What do you mean?"
"magkaka-anak na kayo ni miss rose. Kuya will pass and will be a good lawyer. You haven't contacted me for years, and this condo means payment, so you could brag about my achievements to other people.
"Of course, I can brag about your accomplishment. I paid for your education."
"No, you don't."
"the car that you sell. Pera ko ang pinambili noon, hindi ba? the atm that you have, ako ang naglaman noon. You graduated because, even though you left home as an ungrateful girl, you live with my money."
I walk out. hanggang doon lang ang tapang ko. he called me and order me to stop pero hindi ako lumingon.
Dumaan ako sa 7/11 para bumili ng ice cream, pampalamig ng ulo. Naiinis ako sa ginawa ni daddy. I don't want to go back to that person, my self before, who wants to impress him.
I know how it felt na makumpara, lumaki ako na ganoon sa akin si daddy.
I message kuya asking if nasaan siya. He replied that he's in a friend's house, kumukuha daw siya ng review materials sa pumasa na niyang kaibigan.
Nag text ako kay mommy na diretso na ako sa client meeting niya sabihin nalang niya sa akin saan.
It's another restaurant.
Nasa labas palang ako ay mabilis kong nakita si mommy dahil nasa gilid sila naka-pwesto at clear ang salamin.
Magkatabi sila ng lalaki. They seem to know each other so well. The guy held my mom's hand and kissed it. they are very close to each other. Sa mata ng iba ay mukhang mag-asawa sila.
Napaatras ako.
Natatawang hinila ni mommy ang kamay niya at hinampas ang balikat nito. I let them talk more bago ako pumasok.
Agad na nagsalubong ang tingin namin ni mommy kaya tumayo siya. Sinalubong niya ang pagdating ko at tinuro ang upuan sa tapat ng lalaki.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Umupo si mommy sa tabi ko at nilabas na ang folder niya kung saan nandoon ang mga design niya ng cake.
"Angela, this is your tito Rodney. He is a very close friend of mine."
I think he's in his late forties. He looks neat and respectable. very tall man.
"Nice to meet you, Angela. Order anything you want."
Nilapag niya ang menu sa harap ko at malawak na ngumiti. Tinignan ko si mommy at parang hinihintay niya na umorder ako. so, I did.
They talked about the cakes a bit and then bumalik sa akin. My childhood, my engineering course—the conversation revolves around me.
Sumasagot lang ako kada may tanong. Hindi nakalampas sa paningin ko ang mga simple nilang hawak at haplos kada mag-aabutan ng kung ano. Parang teenager na kinikilig ang mommy ko.
I'm not against her finding another man, but I begged her many times to do the annulment, but she refused. if that's the case ano ito?
"are you okay bunso?"
My mother looks at me with worry in her eyes. The fight with my dad affects my mood, along with the confusion of this dinner.
I don't want to be a brat, but I really want to go home. I don't want to be here.
"mukhang kaya niyo naman po ang meeting na ito mommy" I emphasize the word meeting. "uwi na po ako, mauna na ako."
Tumingin si mommy kay tito rodney.
"mamaya na hija, ihahatid ko nalang kayo."
Kinilabutan ako. Nagtayuan ang balahibo ko sa batok sa lambing ng pagkakasabi ni tito rodney.
Ilang akong ngumiti. "okay lang po magpapasundo nalang ako."
Kuya is busy. pwede naman ako mag commute pero tinatamad ako. sakto naman na tumunog ang phone ko.
miggy:
Sorry for not updating. I get busy. Where are you?
-
Nag reply agad ako ng pangalan ng restuarant. Pagod na talaga ako. Medyo na traffic pa ako kanina sa byahe from tagaytay pabalik ng dasma dahil may nagbanggan sa silang.
"susunduin po ako ni miggy"
Nagliwanag agad ang mata ni mommy.
"Miggy is her childhood friend, and they are very close." galak niyang kwento.
Magalang akong nagpaalam at lumabas na agad kahit hindi pa nag text si miggy kung nasaan na siya. Ayuko na talaga umupo doon. Iba ang pakiramdam.
After fifteen minutes pumarada sa harap ngt resto si miggy, agad akong sumakay.
Seryoso ang mukha niya at parang mangangagat. Halos irapan niya ako bago pinaandar ang sasakyan.
ano ginawa ko? siya nga itong may ginawa na hindi pa namin napag-uusap. Honestly, hindi ko alam kung gusto ko ba pag-usapan.
"How's your dinner?"
"fine"
"it must be nice to date a decent guy"
agad akong napapikit sa inis. Pagod ako. please wag ngayon.
"What's his work? Don't he have a car?" He sarcastically laughed. "Does he know another man is picking you up?"
I don't bother answering. Wala ako sa mood at hindi ko kailangan magpaliwanag. Narealized ko lang halos lahat ng tao sa buhay ko pala-desisyon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top