ENTRY#38
Miggy:
Congratulations angel. When are we going to celebrate?
--
He's consistent in his text. No calls. Nagrereply naman ako pero minsan lang.
Nag celebrate na ang pamilya ko. Kumain kami sa labas nila mommy at kuya. My brother reminded me again na gusto ni daddy magpakita ako sa bahay.
Sa kanya kanyang bahay nag celebrate iyon dalawa. Nagdadalawang isip nga kami kay carmela pero importante padin na masabihan siya.
She declined the invitation politely. That's the problem—being too polite.
She's the talkative one, outgoing, and does random stuff. Na lungkot siya noon ng maghiwalay sila ng boyfriend niya but this time it's different.
Dalawang linggo siyang hindi nagparamdam sa Group chat.
Miggy:
Natanggap mo ba iyong pinadala ko?
--
Puno na ng chocolate sa ref, ang dami din bulaklak sa bahay kakapadala ni miggy. Kinain nga ni mommy ang rose, hinalo sa salad para daw hindi sayang.
Hindi ko parin pinapaunlakan ang pag-aya niya. Hindi naman siya nag rereklamo.
My mind is preoccupied by Carmela. I feel guilty because I don't know what to say to her. She always patches me up every time I'm wounded, but I don't know what to do.
I don't want her to think I don't give her the same thoughtfulness she gave me. I tried to compose many messages that I couldn't send. I have written letters because I know she likes them. But still, I don't know if it will somehow comfort her.
"Ano bang ginagawa natin dito?"
Tinitignan kami ng mga kapit bahay nila carmela. Hindi ko din alam bakit kami nakaupo sa gutter ng kalsada.
"Practice tayo ano sasabihin." Sabi ni regine.
tinignan kami ng masama ni kezia, "Ano ba dapat sabihin?"
"Kailangan natin maging sensitive" sagot ko kay kezia.
"Mga 'te kapag pinaramdam niyo kay carmela na nag-iba ang turing niyo sa kanya. Lalo siya mada-down. "
May point siya. Tumayo na kaming tatlo, ngiting aso kami sa tapat ng bahay nila. Kanina pa pala kami tinitignan ni ate minda. Nakakahiya.
Bumati kami kay tito at tita bago umakyat sa kwarto ni carmela. Hindi na kumatok si kezia, binuksan nalang niya basta.
"Gag* ka! Paano kung nagbibihis ako!" Reklamo ng may-ari ng kwarto.
"Ano naman?" Sagot ni kezia na parang wala lang.
Totoo naman. Nagbibihis kami sa harap ng isa't isa sa dorm.
"Ano ginagawa niyo dito?"
"Dinadalaw ka may sakit ka daw sabi ni tita e"
Nakatayo lang kaming dalawa ni regine. Si kezia nakaupo sa kama ni carmela.
"Wala akong sakit"
"Okay. Edi tara." Sabi ni regine sabay taas ng paper bag na dala niya.
"Inom tayo" dugtong ko.
Nanlaki ang mata ni carmela. "Ikaw nag-aya? Seryoso ka?"
Matagal ko naman ng gusto subukan. sumasama ako kapag nag-inuman sila pero hindi nila ako pinipilit tumikim.
Ngayon parang gusto ko na. Madalas binibiro ko lang sila noon na inuman kami pero sila lang talaga nainom.
Tawang-tawa si tita nang kumuha kami ng baso sa ibaba. Ang lakas daw ng tama namin, bakit daw kami mag-iinuman ng alas onse ng umaga.
Hindi naman bawal, nasa bahay lang din naman kami. Never pa namin na try uminom sa mataong lugar. masaya na kami ng kami lang.
"Si deducted lang pala makakapag pa inom sa iyo e!" sabi ni kezia habang hinahalo ang inumin.
Deducted ang tawag nila kay miggy. code name, dahil deducted na daw siya sa buhay ko.
Huminto kami bandang 4pm, dalawang bote ng the bar pink naman ang binili nila. Mamaya nalang daw ang isa, chill lang naman daw kami.
Papababa lang konti. Lumabas kami para maglakad at maghanap ng street food.
Hindi na okay ang pakiramdam ko pero sumama padin ako, basta maaliw lang si carmela.
After maghapunan ay tinuloy na nila ang isa pang bote, hindi na ako masyado uminom dahil sumasama na talaga ang tiyan ko. Tulad ng dati hindi na ako pinilit dahil hindi naman daw ako sanay.
Magkatabi si carmela at kezia sa kama, kami ni regine naman sa sahig. Naglatag lang kami ng banig. Bandang 8pm natulog na kami. Gusto ko na bumuti ang pakiramdam ko kaya kahit masyado pang maaga ay pumikit na ako.
Nagising ako sa kalabit ni regine. Nilapag niya ang cellphone na nag ring sa tiyan ko.
"hellowww?"
Nakapikit kong sinagot ang tawag. Antok na antok pa ako! Hilong-hilo pati. Kahit nakahiga na ako ay pakiramdam ko umiikot ang ulo ko.
[angel? what's happening to you?]
"miggy?"
Akala ko gigising akong maayos na ang pakiramdam pero heto na naman ang sikmura ko at parang bumabaliktad.
Mabilis akong bumangon at tumakbo sa banyo. Sinuka ko lahat ng kinain ko that night. Nagmumog ako bago tinapat ulit sa tenga ko ang cellphone.
"I'm not drinking again."
[Uminom ka? Kailan ka pa natuto uminom?]
"Bawal ba?"
Bumaba ako at uminom ng malamig na malamig na tubig. Grabe ang init ng buong katawan ko.
[H-hindi naman. Nagtataka lang ako.]
"Bakit ka ba tumawag? Gabing gabi na?"
Naghanap ako ng makakain sa ref. May nakita akong banana bread. Kinuha ko iyon at umupo sa dinning para kumain.
[Nasaan ka? Sunduin na kita.]
"No need. Dito ako matutulog."
[Saan?]
"Hindi mo alam iyong lugar. Nakina carmela ako."
Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Medyo nawala din ang hilo ko dahil sa pagkain.
[Okay wait me. I'll pick you up.]
W-what?
Hindi na ako nakapagdahilan pa dahil binaba na niya ang tawag.
I try telling miggy na wag na niya ako sunduin at hindi ko din naman balak sabihin ang lugar.
Miggy:
I know where that is. I'm on my way.
--
Umakyat ako habang kumakain pa din ng banana bread. Medyo nahihilo na lang ako. Hindi na nasusuka.
Tinignan ko silang tatlo na mahimbing na natutulog. Inabot ko ang sling bag ko, muntik pa ako masampal ni regine. Ewan ko anong napapanaginipan niya.
Hindi ko alam kung seryoso si miggy pero maghihintay nalang ako sa ibaba.
"Anak bakit gising ka pa?"
Ika-ika si tito carlos na naglalakad papunta sa akin. Inalalayan ko siya, malaki ang binagsak ng katawan niya dahil sa mga gamot.
"Uuwi po ako tito."
"Ha? Uuwi? Hating gabi na. Bukas ka na umuwi kapag may liwanag na."
"Kailangan ko po umuwi e"
"Saglit at gigisingin ko si butchoy"
akma siyang tatalikod pero pinigilan ko.
"Wag na po! "
"Delikadong oras na anak, ipapahatid nalang kita."
"May susundo po sa akin."
"Sino?"
"Kuya ko po"
Ayuko na mag explain. Tsaka baka pagalitan ako ni tito.
"Ganoon ba? Sige, sasamahan nalang kita maghintay dito."
Umupo siya sa sofa, sumunod naman ako.
"Matulog ka na tito. Masama sa kalusugan mo ang mapuyat."
"Dito nalang muna ako at hindi rin naman ako makatulog"
Naging malungkot ang mga mata nito.
"Nag-aalala po kayo kay carmela?"
"Sabi ko nga, ayos lang may next time pa naman. Wag na daw, sayang ang gastos. Para nalang sa pag-aaral ni butchoy."
"Nakaka guilty mag saya kung may isa sa amin na nagluluksa"
"Wag kang ganyan. Maging masaya ka sa pag pasa mo, pinaghirapan mo iyan. May mga bagay talaga na hindi natin magagawan ng paraan. Laban ito ni carmela, malakas ang anak ko."
Naluha ako. Pasimple kong pinahid ang mga luha ko. Nakakainggit talaga si carmela, pinagpala sa ama.
After 30 minutes may humintong sasakyan sa tapat ng bahay. Nilingon ko si tito para magpaalam pero nakapikit na ito habang naka-upo.
Nakakahiya man ay ginising ko si tita cecille. Hindi ko naman kasi pwedeng iwan si tito ng ganoon. Mananakit ang likod at leeg niya.
Sinandal ko agad ang ulo ko pagsakay sa kotse ni miggy. Mukhang pauwi palang din pala siya, naka corporate attire pa.
"Alam ni tita andrea na uminom ka?"
"Miggy I'm an adult."
"Natanong ko lang."
Hindi na ulit ako gumalaw. Bumalik ang sama ng pakiramdam ko lalo kapag nadadaan kami sa humps. Tinulog ko nalang ang sama ng pakiramdam ko.
Isang marahan na haplos sa buhok ko ang nagpagising sa akin. Lumingon ako sa likod para matigilan. Sobrang lapit ni miggy sa akin, para akong tuta kung makahimas siya sa buhok ko.
"Let's get you inside. Para makahiga ka na ng ayos."
Inalalayan niya ako sa pagbaba ng sasakyan. Kahit ang pagpunta sa pinto ng bahay ay akay niya ako.
Sumandal ako sa pintuan habang binubuksan niya. Tiningala ko siya, nakaharap at halos nakadahan ang katawan niya sa akin.
Mabilis lang naman ipasok ang susi pero hindi ko marinig ang pag-click ng pinto.
Yumuko siya para salubungin ang tingin ko. "nahihilo ka pa?"
"medyo"
Parang intensity 3 ang paningin ko kaya tumitig ako sa pagbuka ng labi niya para maintindihan ang sinasabi nito.
"Kailan ka pa nag start uminom?"
Kumurap ako. His lips look plump and juicy like some fruit. It's red and somehow... shiny?
Bangag ka angela!
"ngayon lang."
Little by little, I'm closing my eyes while he's closing the gap between us.
All the warning signs are surfacing in my head. This is wrong! This is not what it is supposed to be! You can't let him do this!
I fidget.
"don't move"
I obeyed and let him kiss me.
"Some believe that drinking can make you see what you actually want."
"w-what?"
I can't comprehend anything. All I know is how much I enjoy his lip movement. From my lips to the side, then back to my lips.
"You still like me, regardless of your anger and constant ignoring."
Umiwas ako kaya ang nahalikan niya ay ang aking pisngi. He laughs a little before kissing me again from the lower part of my ear to my neck.
This wrong. This is all wrong. This is not part of the script.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top