ENTRY#32

Si kuya ang naglabas ng regalo na sasakyan ni daddy noong debut ko. Pina-park ko iyon sa mall para doon nalang siya kukunin ng buyer. Hindi naman ako nahirapan maghanap ng bibili doon dahil bago pa at bagsak preso.

Hindi ako tanga para maglayas ng walang plano. Nakapag open na din ako ng bank account.

Mommy said umalis na daw siya sa bahay ni daddy and currently living at her house. I just hope totoo na ito this time. I don't mind kung binigyan niya si daddy ng chance pero palagi naman iyon nasasayang, nakakasawa na.

Palagi pumupunta si mommy sa dorm. It took me two weeks bago siya paunlakan ng isang masinsinan usapan.

We talked about our arrangement. Sinabi ko na hindi muna ako uuwi dahil nagtatampo pa ako at hindi ko pa kayang kausapin siya ng normal. she agreed.

I assure her that I'll go home someday. I just need to assess my situation. Nag sorry ako at ganoon din siya. we will be fine, kahit baliktarin mo man ang mundo, she is my mom. I just need space and a break from them.

"ngayon ko lang na appreciate ang halaga ng isang libo"

Tinutulungan ako ni kezia mag budget. Sa halaga ng nasa bank account ko ngayon kakayanin naman hanggang sa makatapos ako. Kailangan nga lang ng mahigpit na pagdisiplina.

Hindi na ako pwede gumastos ng biglaan, kailangan lahat nasusunod sa plano. Ayuko mamoblema kapag nag thesis na ako kaya dapat mag budget.

"pwede ka mag student assistant or sa library para kahit konti may pumapasok sa iyo" hawak ni kezia ang notebook kung saan nakalista lahat ng major expenses ko.

"sure ka na ba dito angela? Alam ko hindi maganda ang ginawa ng daddy mo pero mahirap bumukod sa parents."

"mukha bang hindi , binenta na nga niya iyong kotse" sagot ni regine kay carmela.

Carmela gave me a troubled look. "anong sabi ng mommy mo? okay lang ba kayo?"

"pumayag naman siya."

"ang daddy mo? baka iyon ang sumunod na sumugod dito ah?"

"masyado iyong proud para pumunta dito"

Bumuntong hininga si carmela pero maya-maya ay ngumiti. Hinaplos nito ang buhok ko.

"sige, wag ka mag-alala. kami bahala sa iyo."

she's really sweat ang clingy. Minsan lang sumusobra but kezia is right. I need people like carmela in my life.

Daniel is avoiding me now. may palagi na din siyang kasamang babae. Mukhang tama si carmela na may reserba siya pero hindi naman naging big deal sa akin iyon. since, hindi ko din naman siya gustong paasahin in the first place.

Nakakagigil lang daw iyong mga ganoon tao sabi ni carmela kaya galit na galit siya.

the next two months palagi ako naiiwan sa dorm. Minsan dumadalaw si kuya o kaya maaga umuuwi sa dorm ang mga kaibigan ko.

"gusto mo sumama sa bahay next week?"

Kumakain kami ni carmela ng dinner. Araw ngayon ng linggo, dumating siya kaninang tanghali na may dalang prutas.

"bakit? Sino may birthday?"

"wala naman! maiba lang, para hindi ka mag-isa dito."

Natawa ako. "Hindi ko naman dama na alone ako. Maya't maya text niyo."

'kumain ka na?'

'may iniwan akong pagkain sa ref kainin mo'

'wag mo kalimutan i-lock ang pinto. iyong sa likod bahay ah.'

Palaging sabog ang notification ko pag-umaga. kapag hindi ako nagrereply at tumatawag na sila.

Tinuruan ako ni kezia sindihan iyong stove, hindi kasi umaapoy agad kailangan pa ng igniter. Kahit papaano ay proud ako sa sarili ko dahil wala na akong nababasag na plato kapag naghuhugas.

Marunong na rin ako maglaba. Kahit pinapagalitan nila ako na hindi daw maayos ang kusot ko at banlaw. at least. kahit paano alam ko na ang gagawin.

"tara! sleep over ka sa amin"

"sige"

Pagdating ng biyernes ay sabay-sabay kaming umuwi ng cavite. Nahihiya ako sa bahay nila pero katulad ni carmela, malambing ang pamilya niya.

"kami lang ang malambing si butchoy malandi."

Nagtawanan kami. Kumikindat sa akin ang bata kaya nababatukan siya ng ate niya.

Maingay ang dining table. Para silang magkakaibigan lang kung mag kwentuhan, kahit ang tatay ni carmela ay magaan kasama.

Nasundan ang pag-uwi ko sa kanila. For a month, magkasama kami ni carmela na umuwi. Wala naman daw kaso sa parents niya at gusto ko din sa kanila dahil buhay na buhay ang bahay.

"Kamusta naman sila ng mommy niya?"

Hindi nila alam na nasa ibaba ako at nagtatago. Nauuhaw ako kaya ako nagising, wala si carmela sa tabi ko. It's already 4am kaya malamang bumaba na siya. Monday ngayon at maaga kami aalis ng cavite para umuwi ng dorm.

"okay naman sila ngayon 'nay. Minsan nabisita si tita pero hindi parin komportable si angela."

Sinilip ko sila sa kusina. Nagkakape silang tatlo. Biglang hinampas ni carmela ang tatay niya.

"ikaw wag ka magloloko! Hindi ako si angela na mabait! humanda ka 'tay kakalbuhin ko kayo pareho ng kabit mo."

"loko kang bata ka kung makapalo ka naman tatay mo parin ako."

kahit seryoso ang boses ni tito ay tumawa lang si carmela.

"Paanong may magulang na kayang tiisin ang anak" malungkot na sabi ng tita cecille.

Napabuntong hininga nalang ako. I wish parte ako ng pamilyang ito. Hindi siguro ganito ang buhay ko kung katulad ng parents ni carmela ang naging magulang ko.

My dad called me and asked about the car. When I told him the truth, he got mad, but that car was named after me. so, it's mine and I can do whatever I want with it.

Si kuya nalang ang umuuwi sa bahay, minsan binabalitaan niya ako kahit hindi ko naman tinatanong.

Alam din ni mommy na umuuwi ako sa bahay nila carmela. Hindi naman siya nagrereklamo. Yes lang siya ng yes sa mga gusto ko ngayon.

The weeks passed. I've been sleeping at Carmela's place for the past two months.

"Sa sahig nalang ako matutulog"

"bakit? wag na, kasya naman tayo sa kama."

Medyo malaki nga ang kama niya pero nakakahiya na kasi. Alam kong hindi siya sanay na may katabi at dama ko na halos hindi siya gumagalaw pag matutulog na kami.

"bakit ang hilig mo sa libro?"

parang nadagdagan ang collection niya pero sealed parin ang karamihan.

"wala naman. Pang tanggal stress. tsaka masaya mabuhay sa imagination ng mga libro na iyan, masarap mangarap."

"taas lang ang standard mo niyan"

"Hindi naman, alam ko naman na sa libro lang may ganoon mga love story. kaya nga gusto ko silang basahin. Nakakatuwa kasi kapag nakukuha nila ang happy ending na deserve nila. Ang sarap siguro sa feeling kapag may ganoon lalaki sa totoong buhay."

Mukha siyang iiyak o baka sa ilaw lang ng lampshade pero hindi lang iyon.

"wait.." napanganga ako sa na realized "You love reading romance because your boyfriend can't treat you right?"

Nanlaki ang mata niya. "No!"

"kung hindi mo gusto ang trato niya sa iyo, why not just break up!? bata ka pa! marami pa diyang iba! wag mo sayanging ang pag-aalaga mo sa taong hindi ka naman kayang alagaan ng tama. Hindi nga lang kayo magkita galit na tapos pag magkikita late o di kaya biglang hindi na darating. hindi mo deserve iyan!"

"galit na galit? gusto manakit?"

Napayuko ako. Sumobra ata ang emosyon ko. pero sa totoo lang gets ko na si kezia bakit hindi niya gusto ang boyfriend ni carmela.

"alam mo hindi naman ganoon ang pagmamahal. ikaw na ang nagsabi bata pa kami. Naniniwala ako mag mamatured siya someday."

That someday never came. Lumala lalo ang boyfriend niya at nauwi sila sa hiwalayan. cheating ang dahilan.

Mabilis na lumipas ang panahon. Mas gusto ko ang nangyari sa buhay ko sa nakalipas na mga taon. Masaya at nag enjoy ako kahit pa masyado akong seryoso sa pag-aaral at ngayon ay graduating na kami.

"kinakabahan ako kay carmela."

lumipat at tingin ko mula sa laptop papunta kay kezia na naghuhugas ng pinggan.

"bakit?"

"she's heartbroken. Malala ang isang iyon kapag may dinaramdam, baka bigla kung saan mapadpad."

She's not wrong. Carmela went to Baguio unexpectedly that week and chose to explore. Lahat kami windang na naglaho siya at hindi sumasagot sa text, Kung hindi pa siguro naligaw ang gaga.

Sa taon na nagdaan mas nakakahinga ako ng maluwag. Parang iyong expirience na dapat naranasan ko simula pagkabata pinagsabay-sabay ni lord sa apat na taon.

I discover so many interesting things, like K-pop. Hindi ko pa nararanasan magpunta sa concert dahil wala pa sa budget pero once na nag start ako mag work pag-iipunan ko talaga.

Stable na si mommy financially, may bakery na siya at nagsusuply narin ng pastry sa ibang lugar. My dad, hindi na kami nag-usap simula first year ako. Nag send siya ng gift last birthday ko pero maliban doon? wala na. Kahit note wala, basta nalang may deliver ng laptop sa bahay.

Ramdam ko ang pagsisikap ni mommy na maging okay kami, at hindi ko naman siya matitiis. Mas okay na sa akin walang daddy basta may mommy.

Going strong ang relationship nila ni ms. rose, lumipat na daw sa bahay sabi ni kuya. Ayos lang naman sa akin na ganito na kami.

Puputok na ang ugat ko sa utak kapag bumalik sa away at walang katapusan cheating issue ang nangyari sa mommy ko.

Lumipas ang last year namin sa college na akala ko hindi ko kakayanin. Panay ang iyak ko ng mag thesis na kami. Lubos ang paghanga ko kay carmela, may hinahabol siya na subject at nag thesis pero kinakaya niya samantalang ako... nababaliw na.

Minsan nga gusto ko nalang ihulog ang sarili ko sa ilog pasig. 

Pero kinaya ko!

Engineering school, magulong pamilya , na ghost ng jowa, at nakakaiyak na course. Kinaya ko!

Pinagmasdan ko ang bakanteng bahay. Malinis na ang bawat sulok maging ang cabinet ay wala ng nakalagay.

I got my phone and played "Welcome to Wonderland" by Anson Seabra. para may ingay manlang akong naririnig habang inaayos ang malata ko.

Ako ang huling aalis sa dorm. I can't believed ang bilis lumipas ang taon at graduation na next week.

Pinagpatong-patong ko ang 17 notebook na naging listahan at saksi ng lahat ng masasaya at masasakit na bagay sa akin sa nagdaang taon. Hindi ko mapigilan buklatin ang isa para silipin.

ENTRY # 600

Tanggap ko na! I know I've said this probably a thousand times, but this time I'm really serious. I will not fight for a man na ganoon lang akong iniwan! besides I'm happy these days. Tumatawa na ako ng madalas kesa noon. I guess this is my last entry about you miggy. You deserved to be forgotten! hindi worth it virginity ko sa'yo!

Napangiwi ako sa last sentence ng entry na iyon. Binasa ko ang mga sumunod na pahina at hindi naman pala ako tumigil ng kakasumpa kay miggy hanggang Entry #991. Well, at least today alam ko na wala na talaga akong nararamdaman.

I looked at our dorm one last time before I left. This is the place where I experience to be human, to feel emotion and overcome pressure. This is the place where I feel safe and at home, where I recall my brightest memories.

Pero lahat naman ng magandang bagay natatapos. Kung pwede lang na hindi na kami matapos ng college para manatili kaming magkakasama pero mukha naman kaming tanga noon.

Mixed emotion ako pagdating ng graduation day. We took a lot of pictures and cried a bit.

"yes naman! iyong gaga natin friend nakahabol sa graduation!" hiyaw ni regine.

Nagtawanan kami, kahit si carmela tinawanan lang ang asar sa kanya.

We chat a bit bago sila nagpuntahan sa kanya-kanya pamilya at umalis. Lumakad na ako papunta sa parking lot kung nasaan si mommy. Sa Sobrang busy niya tanggap ko na noong una na hindi siya makakarating, buti nalang nakahabol.

Tanaw ko na siya na may kausap sa tabi ng kanyang sasakyan. Hindi pa malinaw sa akin kung sino dahil nakatalikod sa akin ang lalaki pero unti-unting bumagal ang lakad ko ng halos tatlong metro nalang ang layo.

"Angela! lika ka na bunso. Kain na tayo"

Nakangiti sa akin si mommy pero hindi ko maalis ang tingin sa lalaki hanggang sa tuluyan na itong humarap.

"hi, angel."

Hindi ko narinig ang endearment na iyon sa loob ng apat na taon.

Iniabot niya ang bouquet of flowers pero hindi ko tinanggap.

"happy graduation"

Mas nilapit niya pa ang bulaklak. Maganda pa ang pagkakangiti. Akala mo walang nangyari.

"sorry medyo may jetlag pa ako kay--"

Hinablot ko ng mabilis ang bouquet at sinampal sa mukha niya. Sa sobrang inis ko hindi ko tinigilan hanggang hindi nalalagas lahat ng petals ng bulaklak.

Humarang si mommy at inawat ako pero hindi ako huminto ng kakahampas. Umatras si miggy habang sinasalag ang bawat ataki ko.

lagas at bali-bali na ang bulaklak kaya kinuha ko ang cap sa ulo at iyon ang pinanghampas ko. Hindi pa ako nakontento at sinipa ko siya. May kakaibang saya ang bawat pag aray niya.

Kulang pa! Wala akong pakialam kahit pagtinginan pa ako ng ibang estudjante dahil kulang pa ang ginagawa ko kay miggy para mawala lahat ng galit ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top