ENTRY#19

It's a wonderful view. Niyakap ko ang sarili dahil sa pag-ihip ng malamig na hangin. Unti-unting sumisikat ang araw at wala akong ibang masabi kundi ang ganda.

Malaya akong ngumiti habang hinihintay na lumiwanag ang buong paligid.

Kahapon pa kami ni miggy dito sa Tagaytay. Ang plano naming ay picnic lang pero umulan ng malakas bandang 5pm kaya hindi na kami tumuloy mag byahe.

Naghanap lang kami ng pwede maka-park at doon narin kumain habang nagpapalipas ng oras. Bandang 5am ng mag byahe kami, medyo naka idlip kasi si miggy habang ako inaaral ang advance notes na nakuha ko sa senior namin.

Hindi ko alam ang pangalan ng pinagdalhan niya sa akin pero kahit nasa tabing kalsada lang ay kita parin ang magandang tanawin ng taal volcano.

"Let's go angel. Baka hinahanap ka na sa inyo"

Hindi maalis ang tingin ko sa sunrise. Nakakakalma ang senaryo.

"they don't know"

"what? Hindi ka nagpaalam? It's your birthday"

Pinaandar na niya ang sasakyan pero inawat ko siya.

"They don't really check on me if nasa room na ako. So, it's fine. it's like another tree house scenario mas malayo nga lang"

Ayuko pa umuwi. Nag-eenjoy ako sa tanawin mula sa bukas na bintana ng kotse.

"Don't do this angel. what if di ka magpaalam and then something happened? "

"It's fine ikaw naman ang kasama ko. Nothing bad will happen to me."

"Then can you promise me you'll not do this kapag iba ang kasama?"

Humarap ako sa kanya.

"Sino naman ang kasama? Eh ikaw lang naman ang kaibigan ko"

Natawa siya pero agad din sumeryoso.

"Sasama ka parin ba sa akin kapag hindi na tayo magkaibihan?"

Naguluhan ako. Binasa niya ang labi at nag-aalinlangan sa sasabihin.

" What do you mean? "

" I mean, what if I want more than friends what if lagyan ko ng malisya ang mga ganitong bagay"

Kinuha niya ang kamay ko. Sobrang laamig ng palad niya at medyo nanginginig.

Dapat ata isarado ko na ang bintana, baka nilalamig na si miggy.

"Hindi ko gets"

"Angel. What if gusto kitang ligawan, I want more than this, more than the friendship is that fine?"

"Oo naman! Si miggy ka parin naman bakit ako maiilang syempre sasama padin ako"

Ngumiti ako at masayang pinagmasdan muli ang paligid. Maliwanag na pero iba ang naihahatid na kalma sa akin ng medyo basang kalsada, Malamig na klima at katahimik na halos marinig ko ang mga kuliglig.

"Angel"

"Hmm?"

"Sure kang okay lang?"

"Oo naman!"

Now I realized I didn't comprehend our conversation. It happened but after that wala na kaming napag-usapan tungkol doon. It never really stays on my mind.

Mas naaalala ko pa ang pag-aaway ng parents ko pag-uwi namin. They didn't care saan ako galing dahil mas lamang ang mga sigaw ni mommy na may babae si daddy.

That time may tiwala pa ako sa daddy ko na magbabago siya. But I guess they're right, once a cheater always a cheater.

salubong ang dalawang kilay niya at mariing nakatingin sa akin. Hindi ako nakapagsalita at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa kahihiyan, bigla akong nawala sa sarili dahil sa naalala.

"please.. please tell me hindi ako naghihintay sa wala" his voice was low and pleading.

Hindi ko matigil ang pagtulala. All this time?

Hinawakan ni miggy ang kamay ko at tumayo, nagpaanod lang ako sa kanya. Diretso sa parking lot ang punta namin.

"let's go to the tree house I'm not fixing this issue in public places."

"How about the movie?" Lito kong sabi.

"Let's talk first and if you still want to watch that babalik nalang tayo. It's last show today so we have time."

Tahimik kami buong byahe. Hindi ko matansya ang mood ni miggy ngayon , masyadong seryoso ang hangin sa paligid namin at wala akong lakas ng loob mauna mag salita.

Binati kami ng guard pagpasok. Lagi naman kasi si miggy napunta  sa'min kaya kilala na siya dito.

Pagdating namin sa bahay ay hindi siya naglakad papunta sa tree house kundi sa kusina namin. Nakasunod lang ako at tinitignan na siya na para ba akong bata na may maling nagawa at naghihintay na pagsabihan.

Naka dalawang baso siya ng tubig bago huminga ng malalim, nahawa naman ako at nagbuntong hininga rin.

Tinignan niya ako ng masama dahil sa ginawa kaya napayuko ako.

Nasa likod niya lang ako habang naglalakad papunta sa tree house. Awtomatiko niya akong hinawakan para alalayan sa pag-akyat.

Umupo ako na yakap ang tuhod samantalang siya ay nakatayo parin at panay ang gulo ng buhok.

Na weirduhan ako ng bigla siyang tumawa at napamiura.

Hala! Nababaliw na ata si miggy.

"I can't believe it! All this time I did this sweet gesture to you and you allow it. All this fucking time. Oh shit!"

"Migg--"

Muntik na akong mapatalon ng bigla siyang nag indian sit sa harapan ko.

"Angel, those things... What we are doing.. all this years.. that's not normal on a girl-boy friendship"

Hindi makapaniwala siyang umiling.

Kinagat ko ang labi ko,  "You said what if.." napayuko ako.

"I said I want to do it! "

"You didn't used a proper wording!"

"You said do what you want "

"Cause I'm being a supportive friend!"

Hinawakan niya ang mukha ko at inagat, umusog siya. Ngayon ay nakabuka na ang hita niya at kinukulong ako.

"Things.. like holding your hand or kissing you is not a friendly gesture."

Nag-init ang mukha ko nang maalala ang mga pagkakataon na iyon. Pero wala naman malisya sa akin kapag siya, si miggy siya eh.

"Tell me you understand"

"Pero..."

Mas lumapit pa siya, halos magkadikit na ang ilong namin.

"Pero?" Tanong niya ng tumigil ako sa pagsasalita.

"Pero.. sa pisngi mo lang naman ako hinahalikan, bakit ko naman lalagyan ng malisya."

"Wha... What?"

Sinubukan kong mag iba ang tingin pero binaling niya ulit ang mukha ko.

"Tumingan ka sa akin" aniya.

Mahinahon ngunit seryoso. Mahina ngunit malambing ang kanyang tinig.

"Angel, eyes on me"

I give in and the moment I look into his eyes I felt like melting. I've never considered miggy as anything else.

Pero ngayon nalalagyan ko ng malisya ang bawat tingin niya, ang bawat mabagal na paggalaw ng hinlalaki niya sa pisngi ko, ang mga yakap ay halik niya sa pisngi ko.

Parang may mainit na pakiramdam na humahaplos sa pagkatao ko.

May kung anong saya na umaahon sa diwa ko.

Sa isang iglap ay napapikit ako ng tuluyan siyang lumapit at lumapat ang mga labi niya sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin kaya steady lang ako. Hindi ko alam paano humalik dahil ito ang una ko.

Hinawakan ng hinlalaki niya ang baba ko at hinila ang balat doon dahilan para bumuba at bumuka ang labi ko.

"Miggy" bulong ko habang nakapkit.

Hindi ko alam kung anong gusto ko. Basta hindi ako nandidiri o tumututul sa ginagawa niya.

Kinakabahan ako ,oo. Pero ayaw ko rin siyang tumigil.

Para akong puppet na sumunod lang ng tinagilid niya ang ulo ko at muling hinalikan. This time it has more force and faster than before.

Nawala sa pagkakayakap ng tuhod ko ang kamay ko at humawak sa balikat niya ng pumasok sa dila niya sa akin.

Akala ko ay mawawalan ako ng hininga dahil sinisipsip niya ang labi minsan ay dila ko.

Bumagak ang kanyang paghalik hanggang sa bumalik ito sa labi lang ang gamit, pinatakan niya ang halik ang pisngi ko bago tuluyang tumigil.

"Kiss on your checks is not friendly."

Dumilat ako pero sa collarbone niya ang tingin.

"But just incase you still don't get it. I kissed you on the lips so you would know my intension change. I don't want friendship anymore."

Pinagdimit niya ang noo namin. Napangiti ako ng pinagbangga niya ang ilong namin at tila ba naglalambing na bumulong..

"I want to be your man"

Kinagat ko ang ibabang labi. Sa nakababa ako ng tingin ay natititigan ko ang pula at medyo basa niyang labi.

Naalala ko yung kanina..

"I'll take care of you, I'll be your family and I'll make sure that you will never be alone."

"I thought you already my family"

Sabay kaming natawa. Lahat naman talaga ang sinabi niya ay pinaparamdam na niya sa akin noon pa.

"I don't know how to be a girlfriend "

"It's easy. Be loyal, content and tell me you love me"

Sinalubong ko ang kanyang tingin. Bumulusok ang kaba ko sa huli niyang sinabi.

"It's fine the part of saying you love me.. I mean.. masaya ka ba pagkasama mo ako?"

Tumango ako.

"May mga moments ba na mami-miss ? O iniisip mo ako?"

Tumango ako.

"Do you care about me?" nahihimigan ko siya ng kaba.

This time I said it with words

"Oo"

"Now imagine I'm with other girls and we're doing the things we did. How's that make you feel?"

Agad na kumirot ang puso ko. Di ko lang maamin pero masakit ng sobra ang ginawa kong pag distansya noon nakaraan.

Sabi kasi ni kuya dapat lumugar ako kapag may babae na si miggy kaya yun ang una kong ginawa.

"Can you honestly tell me how's that make you feel?"

Malungkot akong ngumiti.

"Ayaw ko" pag amin ko.

"Ayaw ko din"

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan pareho.

"Ayuko makitang hawak ka ng iba. If hindi mo napapansin seloso akong tao."

"Paano kung hindi ako matuto maging mabuting girlfriend? Alam mo naman wala akong ginawa buong buhay ko kundi mag-aral. Slow learner ako miggy, sa math nga kailangan ko pa i-practice ng ilang ulit para matandaan ko."

"Edi magpractice din tayo ng ilang ulit. Kahit gaano marami mo gusto. Paulit-ulit"

Kumikinang ang mga mata niya habang nakangiti. Tinagilid ko ang ulo ko habang nakatingin sa kanya. Nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa sinabi niya.

Dahil lagi ko nakakasama si carmela kaya ganito. Dumudumi na din ako.

Erase! Erase! Ayuko mag-isip na may maduming ibig sabihin si miggy.

"Sige" I finally said.

"Anong sige?"

"Pwede ka na manligaw"

Nanlaki ang mata niya at parang naging blangko ang utak.

"H-haaaaaa!?"

Nalito ako bigla. "Di'ba iyon ang pinagpapaalam mo?"

"Yes! Two years ago! We hug we kissed and not to mention that kiss few minutes ago. I---"

Pumikit siya at kinalma ang sarili.

"Sige, ito nalang. May pag-asa ba ako? Sasagutin mo ba ako?"

"Oo" sagot ko agad.

"Then it's settle. I'm your boyfriend now"

Salubong na naman ang kilay niya. Gumagalaw ang butas ng ilong at hindi na nakangiti.

Inis na siya.

"Okay" sabi ko. Madali naman ako kausap.

"On the other hand maybe it's my advantage that you're slow in thing like this"

I pout. I should find it as an insult but I'm also happy.

"Repeat after me"

Hinalikan niya ang pisngi ko.

"Nakakarami ka na ah"

"You have no idea how good it feels to be able to do that after such a long time. I'm so eager to hold and kiss you every single time but I'm not sure before f I'm allowed. And now, I know I am. Palagi kitang hahawakan at hahalikan."

Wala naman akong naramdaman pagtutol.

Lahat ata ng tungkol kay miggy wala akong maayawan.

Sa tagal namin magkasama hindi ko maalala kailan ko siya natiis.

"Now repeat after me"

"Okay"

"No other boys-- oh wait di ko kailangan problemahin iyon di mo naman mapapansin na nilalandi ka nila."

Tinignan ko siya ng masama, sarcastic kasi ang pagkakasabi niya.

"Walang ibang hahawakan sa iyo"

"Paano ang mga kaibigan ko? Lalo si carmela, medyo touchy siya"

" I mean guys. Angel."

Lumaylay ang balikat niya na tila ba pagod na pagod.

Kinakabahan ako pero pambawi ko nalang sa kanya dahil naiinis na siya.

" Walang ibang hahawakan sa akin"

"Walang ibang hahalik sa iyo"

"Ikaw lang"

Ngumiti siya dahil imbis na ulitin ay sinagot ko nalang.

"Ako lang"

"Balik na tayo sa mall, gusto ko manuod ng sine. Tapos di ko pa nakain iyong binili mo! Balikan natin iyon"

"Di na natin mababalika iyon, ibibili nalang kita ng bago pero bago ang lahat.."

Tinulak ko siya ng natatawa dahil hinila niya ako ulit at hinalikan ng katulad kanina. Muli wala akong pagtutol.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top