ENTRY#18

I smiled while looking at my journal. Halos mapuno na ang A5 notebook sa dami ng naging entry ko.

These days puro si miggy nalang ata ang laman nito. I can't help it I'm enjoying our relationship now more than before. It feels like after naming mag-usap sa kotse niya ay mas naging malambing siya sa akin and I like that.

Regine stays silent. I'm glad she respects my boundaries.

After I finish writing on my journal I freshen up. May usapan kami ni miggy na magkikita sa mall, sine lang , kain, ganoon.

"hello bunso! Ang tagal mo naman hindi nagparamdam sa akin"

Humalik si mommy sa pisngi ko. She looks at my whole outfit. Maong skirt , crop top square neck blouse and a nude doll shoes.

"may lakad ka? Ngayon lang kita Nakita sa bahay tas aalis ka pa?"

I smiled politely. It's not like ngayon lang ako umuwi. Nauwi ako kada weekend dahil umuuwi din ang mga kasama ko sa dorm. It's actually them that always not here.

"sa mall lang po" I kissed her on the cheeks and bid goodbye.

I told miggy na wag na niya ako sunduin. I need to practice to commute.

Maaga pa sa pinag-usapan naming oras ng makarating ako sa mall. Nag-ikot muna ako habang nag-aantay. Nang mainip ay bumili ako ng milk tea at umupo nalang.

"angela?"

I was about to sip on my drinks when nelly of all the people sat beside me. She's smiling, wide. Akala mo hindi ako chinismis dati.

"nagka-laman ka ah? Bagay sa iyo"

She's still smiling should I be worried? hindi siya friendly noon.

"so sad hindi ka nagkaroon ng award noong graduation" she pout. Malungkot ang boses niya pero alam kong sarcastic siya.

Tinignan ko siya saglit at bumuntong hininga nalang ako. Ayuko ng gulo.

"Saan ka nag-aaral?"

Nanlaki ang mata ko ng kinuha niya ang drinks ko at walang paalam na sumipsip. Ang milk tea ko!

"ang sarap ah! Akin nalang ah? Thanks!"

¾ pa iyon ng kinuha niya sa akin.

"nga pala" aniya na ngumunguya pa ng pearl "Nakita ko si miggy noon nakaraan ah, may kasamang magandang babae. Break na kayo?"

Hinalo niya ang inumin gamit ang straw. Gusto ko hablutin pabalik pero wag na baka magalit siya. Tsaka baka nauuhaw na talaga. Kawawa naman.

"kawawa ka naman. Si miggy nalang nga nagta-tyaga sa iyo. Paano iyan may girlfriend na edi left over ka na?"

Yumuko lang ako. Sabi ni miggy hindi naman niya girlfriend si mira eh, at naniniwala ako sa kanya. Wala naman dahilan para magsinungaling siya sa akin pero may naramdaman akong kakaiba sa sinabi ni nelly.

Lumalabas din sila? Ng silang dalawa lang? sa bagay ganoon din naman kami ni miggy. Normal naman siguro iyon sa magkaibigan.

Tumayo siya at hinatak ang braso ko pero hindi ako nagpatinag. She glares at me and signaling me to just obey I don't know what she wants but I can't follow her. Magkikita kami ni miggy.

"Mag catch up lang naman tayo pero nagugutom na ako kaya halika na manlibre ka nalang. Alam mo angela weird ka kasing nilalang, sino gusto makipag kaibigan sa'yo eh ang boring mo puro ka apa aral. Buti ka sasamahan kita mag gala ngayon kasi kawawa ka naman mag-isa ka lang."

Bigla ako nahiya. Tumingin kasi sa amin iyon dalawang babae sa kabilang mesa. Hindi ganoon kalakas ang boses ni nelly pero sapat na para marinig ng iba.

Alam kong walang paki ang ibang tao pero pakiramdam ko hinuhusgahan nila ako.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Tahimik ka lang akala mo aping-api. Tumayo ka na djan, kaya kitang kaladkarin, pustahan?"

"pagkinagat kita, iiyak ka. Pustahan?"

Lumingon si nelly sa nasa likod niya. Nakangiti si carmela pero pagtingin ni nelly ay nilabas niya ang mga ngipin na parang aso na mangangagat.

"ay! hindi po ate, nagbibiruan lang po kami." Bumait ang boses niya "magkaibigan po kami nito"

Tinignan ako ni carmela. "friend mo?"

Tumingin si nelly sa akin at tinaasan ako ng kilay. Pareho silang nag-aantay sa sagot ko.

"anong mangyayari pag sinabi kong, oo?"

"I'll back off"

"pag hindi?"

"kakagatin ko siya"

Sa itsura ni carmela ay seryoso siya.

"teka nga!" bumalik ang katarayan sa boses ni nelly. " magkakilala kayo?" hindi makapaniwala niyang sabi.

"oo" simpleng sagot ni carmela na parang wala naman imposible doon.

"tao ka na ngayon?" nakataas ang kilay niyang bumaling kay carmela "anong binigay niya sa'yo? Magkano?" puno ng insulto ang boses niya.

Bahagyang napanganga si carmela. Mayabang pa si nelly na binagsak ang braso ko sa lamesa at parang handa makipag-away kay carmela dahil lang sa pakikialam niya sa amin.

No. Nelly don't please! Ayuko masaktan ka ng dahil sa akin.

"Kezia, nagugutom na ako"

"O kagat"

Nanlaki ang mata ko ng kinagat talaga siya ni carmela sa braso.

wag si carmela! kakagatin ka talaga niyan!

"huhuluan ko"

Dumiretso ang likod ko. Ngayon ko lang narinig ang seryosong boses ni carmela. Nakakatakot.

"bully ka 'no?"

"hindi ko siya binu-bully 'no! hindi ko nga sinaktan iyan kahit minsan. Marami lang talaga siyang nagawang katangahan dati."

Tumayo ako at lumapit kay carmela. Hala! Ayuko ng gulo.

taas noon itong humarap sa kaibigan ko at puno ng yabang ang pustura. "may chismis nga sa school na-"

Bago pa niya matapos ang gustong i-chismis ay nagsalita na si carmela, pahiwatig na hindi siya interesado sa sinasabi ni nelly.

"first, I'm not cheap di tayo magka level"

Nainsulto si nelly. Nanlaki ang mata nito at parang susugurin si carmela.

"second, again I'm not cheap kaya kong bumili ng sarili kong milktea"

Binagsak nito ang halos ubos ng inumin sa lamesa. Nanlilisik ang mata kay carmela pero hindi nagsalita.

Nakaka-agaw na kami ng pansin. May ilang tumitingin na sa amin kahit ang mga dumadaan.

"third..."

"you're not cheap! Oo na paulit-ulit!" dugtong agad ni nelly.

"yes I'm not. Meaning pagkinagat kita at dumugo kaya ko magbayad ng pang hospital and if you want to file a complaint kaya ko rin mag bayad ng abogado."

Napaatras si nelly. Seyoso  talaga si carmela na mangangagat siya.

"ayusin mo mga desisyon mo sa buhay. May ganoon akong pera para gawin lahat ng gusto ko."

Masama parin ang tingin ni nelly pero napaatras siya.

"wala ka talagang kwenta!" bulyaw niya sa akin.

"sabi ng babaeng magnanakaw ng milktea" sabat ni carmela.

"carmela tama na"

Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya sa paalis doon. Nakakahiya na pinagtitinginan na kami pero sa isang banda ay magaan ang pakiramdam ko. Never pa may nagtanggol sa akin ng ganoon.

"kabiteña tayo girl! Wag ka papakabog!" natatawang sabi nito habang hinihila ko siya palayo.

Umakyat kami sa cyberzone at doon nagikot-ikot. Tumatawa lang si carmela sa naging reaksyon ko.

Honestly I feel great kahit kabado ako kanina. Napapangiti ako ngayon. Ang sarap pala sa pakiramdam na may kaibigan.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"magkikita kami ni boyfie, manunuod kaming sine. Ikaw?"

"h-haa?"

Tumunog ang cellphone niya.

"wait lang"

Sinagot niya ang tawag at sinabi sa kausap kung nasaan kami. Nakangiti siyang bumaling sa akin pagkatapos.

"papakilala kita."

Bakit ako nandito? Manunuod din ng sine pero... si miggy ang kasama.

Hindi ko masabi kaibigan, dahil ayaw lumabas sa bibig ko. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin boyfriend dahil hindi naman kami ganoon. Ano sasabihin ko?

"ikaw? May kasama ka ba? Sama ka nalang sa amin"

Umiling ako.

"bakit? Ahhh! Date?"

Nagningning ang mata nito at ngumiti ng malaki. Bigla akong natakot sa ngiti niya.

"may ka date ka 'no? asusssss!"

"date na ba agad ang tawag?"

"maliban kung marami kayo o babae ang kasama mo?"

"babe!"

Sabay kaming lumingon sa lalaking palapit. Akala ko hahalikan niya sa carmela sa pisngi o kahit anong sweet gesture pero paglapit niya tumingin agad siya sa cellphone.

Tumingin agad ako kay carmela kasi parang nalungkot siya.

"si aldrin, aldrin si angela"

Tumingin siya sa akin at tumango "hello angela, naku-kwento ka sa'kin ni carmela" tapos tumingin ulit sa phone at parang may ka-chat.

"mamaya ka na mag cellphone, minsan na nga lang tayo magkita eh"

Kinuha ko ang phone ko dahil nagtext na si miggy. Iba ang tunog ng notification niya para alam kong siya ang ang message.

"carmela, aalis na ako. Enjoy kayo"

Ngumiti siya sa akin pero halata ko ang inis. Naglakad na sila sa opposite direction, sinulyapan ko pa ng isang beses bago ako bumaba sa scalator. Nakahalukipkip si carmela at mas mabilis ang lakad kesa kay aldrin. Mukhang mag aaway na naman sila.

Malayo palang si miggy ay nakikita ko na ang ngiti niya. Paglapit ko ay kinuha niya agad ang kamay ko at pinagsalikop ang daliri namin.

"gusto mo mag last showing nalang? Ihahatid naman kita eh"

Tumango ako. Bumili na kaming ticket para sa last showing. Sabi niya hindi pa daw siya nag lunch kaya naghanap muna kami ng makakainan.

Habang naglalakad kami, napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Naalala ko bigla si carmela.

Hindi ba dapat ganito ang magkarelasyon? Bakit parang magkarelasyon pa kami ni miggy kesa sa kanila ni aldrin?

Napasinghap ako at hinili ko bigla ang kamay ko. Tumigil si miggy sa paglalakad at nagulat sa ginawa ko.

"bakit?"

kinalma ko ang sarili. "saan tayo kakain?"

"ha?"

Kinuha niya ulit ang kamay ko tulad ng kanina. Hindi ako mapakali, hindi ako naiilang sa ginagawa naming , actually gusto ko pa nga pero ngayon ko lang narealized na kung magkaibigan kami hindi dapat ganito.

"anung gusto mo? burger? Kanin?"

"kahit ano"

Tumingin siya sa akin na parang hindi siya naniniwala sa 'kahit ano' ko.

"Burger king nalang"

Tinitigan ko ang poster nila. Hindi ko ata gusto mag burger ngayon.

"parang ayuko"

"saan mo gusto?"

"bahala ka, ikaw nalang mag decide"

Natawa siya at napailing. Hinayaan ko nalang siya saan niya gusto. Siya narin ang umorder. Pareho na kaming nakaupo at magkatabi pero hindi ko magawang galawin ang pagkain ko.

Naiinis ako na naguguluhan ako ngayon. Eh, lagi naman naming ito ginagawa.

"miggy"

"hmm?"

Tinignan niya ang wala ko pang bawas na pagkain.

"ayaw mo ba dito?"

"hindi mo ba talaga girlfriend si mira?"

Diniresto ko nab aka mawalan pa ako ng lakas ng loob sabihin.

"angel, we talked about this"

Sabi ni nelly nakikita niyang magkasama sila. Kung hindi ano sila?

"magkaibigan kami" aniya na parang nababasa niya ang isip ko.

"then single ka?"

"not entirely"

Anong ibig sabihin noon? Parang wala sa kaniya ang usapan naming dahil kumakain parin siya.

"so may dine-date ka?"

Hindi ko maintindihan ang emosyon ko. Hindi ko naman ito pino-problema dati pero ngayon bigla siyang naging big deal.

At kung may nililigawan nga siya ngayon ay naninikip ang dibdib ko. Alam ko sinabi ko na iiwas ako kapag ganoon pero Nakita naman natin ang nangyari, hindi ko kaya at ako pa mismo ang pumunta sa bahay niya dahil sa pag-aalala.

Tinitigan niya ako na para bang ang walang kwenta ng sinabi ko. Bumaling ang katawan niya sa akin para mas magkaharap kami, nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay malunok niya ang kinakain dahil alam kong may sasabihin siya.

"Angel, tell me honestly nagseselos ka ba kay mira"

"no" mabilis kong sagot.

Hindi naman talaga, napapaisip lang ako bakit lumalabas din sila ng silang dalawa lang.

Uminom ako ng iced tea bago nagsalita.

"sabi kasi ni nelly nakikita niya kayo ni mira na magkasama, dito sa mall. A-ano.. nag di-date"

"nagpapaniwala ka kay nelly alam mo naman chismosa iyon tsaka hindi naman niya kilala si mira paano siya nakakasiguradong date?" Walang putol niyang sabi. Tsaka lang siya huminga after magsalita.

"so sinong dine-date mo?"

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Yumuko ako ng konti dahil hindi ko masalubong ang intensidad ng mga titig niya.

"do you still remember what we talked on your 16th birthday?"

16th birthday? Alin doon?

"now I know why you're like this. I'm so dumb ngayon ko lang narealized"

Tumawa siya but there's no humor in it, hindi ko maintindihan bakit parang mas inis pa siya ngayon.

"look at me and tell me you remember"

Naguguluhan ako. May pagmamakaawa ang salita niya at parang hihimatayin siya kapag sinabi kong hindi ko alam kung ano ba 'yon.

"ang alin miggy?"

"I asked you before if it was okay if I courted you, and then you said yes. Please tell me you remember, angel."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top